You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 1

I. Layunin
a. Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita.
b. Natutukoy ang ugnayan ng teksto at larawan at;
c. Naisusulat ang mga nabuong bagong salita.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Pagpapalit at pagdadagdag ng letra o pantig upang makabuo ng bagong salita
b. Sanggunian:
c. Kagamitan: nakaprintang larawan, biswal eyds, flash cards

III. Pamamaraan
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po, Ma'am.

2. Panalangin (Tatayo ang lahat)


Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Panginoon maraming salamat po sa
Santo. Panginoon maraming salamat po sa panibagong araw na ipinagkaloob ninyo sa
panibagong araw na ipinagkaloob ninyo sa Amin. Nawa'y gabayan niyo po kami sa ating
Amin. Nawa'y gabayan niyo po kami sa ating araw-araw na Gawain Lalo na sa aming pag-
araw-araw na Gawain Lalo na sa aming pag- aaral. Amen.
aaral. Amen.

3. Pagtatala
May liban ba sa klase ngayong araw? Wala po, Ma'am.

4. Balik Aral
Natatandaan niyo ba ang pinag-aralan natin
kahapon? Opo, Ma’am.
Tungkol saan nga ito?
Magaling mga bata!

5. Pagganyak
Tignan ang mga pares ng mga salita.
Ano ang mga napansin niyo sa magkapares na
salita?
Mahusay!
Ang salitang ama ay naging mama.
Anong tunog o letra ang idinagdag sa ama
upang maging mama?
Magaling! Ito ay ang letrang “m”

Ano ang mga napansin niyo sa magkapares na


salita?
Mahusay!
Ang salitang payo ay naging panyo.
Anong tunog o letra ang idinagdag sa payo
upang maging panyo.
Magaling! Ito ay ang letrang “n”
Sa pangatlong pares ng salita

Ano ang mga napansin niyo sa magkapares na


salita?
Mahusay!
Ang salitang mano ay naging manok.
Anong tunog o letra ang idinagdag sa mano
upang maging manok.
Magaling! Ito ay ang letrang “k”

2. Paglalahad
Base sa mga nakita ninyong mga magkapares
na salita. Ano ang inyong napansin?
Magaling!
Tayo ay nagdadagdag ng tunog o letra
Ano sa inyong palagay ang ating aralin
ngayong araw na ito?
Magaling!
Ito ay Pagdaragdag ng mga Tunog Upang
Makabuo ng Bagong Salita
Ano nga po ulit ang pag-aaralan natin ngayong
araw?
Mahusay mga bata!

6. Pagtatalakayan
Ang mga salita ay maaaring dagdagan o palitan
ng isang tunog sa unahan, gitna, o hulihan
upang makabuo ng bagong salita.
Halimbawa ng pagpapalit ng letra
Sa unahan:
Bala
Pagpinalitan ng S ay magiging sala at pag
pinalitan ng d ay magiging dala.
Sa gitna:
Bala
Pag pinalitan ang l ng h ay magiging baha at
pag pinalitan pa ulit ng letrang t ay magiging
bata.
Sa hulihan:
Bala
Pag pinalitan naman natin ang a ng I ito ay
magiging bali at pag pinalitan pa ulit ang a ng
o ito ay magiging balo
Nakabuo ba tayo ng mga bagong salita?
Mahusay mga bata!
Narito naman ang halimbawa ng pagdadagdag
ng mga letra.
Sa unahan:
Aso
B - Baso
Sa gitna:
Talo
t - tatlo
Sa hulihan:
Talo
n - talon

7. Paglalahat
Ano nga ulit ang pinag-aralan natin ngayong
araw na ito?
Mahusay! Pagdadagdag o pagpapalit ng letra o
tunog upang makabuo ng bagong salita.
Maaari bang dagdagan at palitan ang salita
upang makabuo ng bagong salita?
Mahusay!
Magbigay nga ng halimbawa ng pagpapalit ng
ng tunog sa unahan, gitna at hulihan o dulo.
Tandaan mga bata: Sa pagdadagdag at
pagpapalit ng letra ng mga salita ay nakakabuo
tayo ng mga bagong salita.

8. Paglalapat

Pangkat 1.
Isulat ang nawawalang pantig upang mabuo
ang pangungusap ayon sa larawan.

1. Ang a___ (te, bo, so) ay mataba.

2. Ang bu___ (ko, to, o) ay matigas.

3. Ang ___sa (la, ma, ta) ay maganda.

4. Ang ___la (ta, bo, wa) ay malaki.

5. Ang is___ (da, la, ka) ay maliit.

Pangkat 2.
Bumuo ng mga salita gamit ang mga pantig sa
semantic web.

Pangkat 3.
Ibigay ang maaring ipalit sa bawat salita.
1. baha - _baha_ (t,y,r,)
2. asal – _asal( d,p,w)
3. payo - pa_yo (n,h,m)
4. mano - mano_ (p,k,m)
5. ama- _ama (n,m,l)

Pangkat 4.
Ilagay ang tamang letra o tunog upang
makabuo ng bagong salita.

IV. Pagtataya
1. Tabo-Tabi
a. Pagpapalit sa unahan
b. Pagpapalit sa hulihan
c. Pagdadagdag sa gitna
2. Tawag-Tawad
3. Balot-Salot
4. Balat-Kalat
5. Pito-Pinto

V. Takdang aralin
Magsulat ng salita na nagpapakita ng pagpapalit ng tunog sa unahan,gitna at hulihan.
Pagpapalit sa Unahan
1. 2.
Pagpapalit sa Gitna
1. 2.
Pagpapalit sa Hulihan
1. 2.

Inihanda ni:
Joan G. Zaide

Iniwasto ni:
Gng. Belinda Q. Marfori

You might also like