You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino

I.Layunin
 Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.
 Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan.
 Naipapakita ang pakikiisa sa paggawa.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Mga Salitang Magkasalungat
B. Sanggunian: Filipino 1 Patnubay ng Guro ( Q3 & 4 ), pah 36-40
C. Kagamitan: plaskard, tsart, mga larawan ng mga salitang magkasalungat

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng estudyante

1. Pang araw-araw na Gawain


Bago tayo magsimula sa ating gawain,
tayo ay magsitayo at manalangin.

Magandang Umaga Magandang Umaga din po ma’am Garcia at


sa mga panauhin.
Maaari na kayong magsi-upo

2. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating bagong
aralin, atin munang balikan ang ating
aralin kahapon.

Ano ang ating aralin kahapon? Ikaw


Dave Pang-uri po ma’am
Magaling!
Ano nga ulit ang pang-uri? Eunice Ang pang-uri ay ang mga salitang
naglalarawan.
Magaling!

Kung talagang naiintindihan nyo na


ang mga salitang pang-uri, sagutan
nga natin ito.

Ikahon ang mga salitang naglalarawan


sa bawat pangungusap.

1. Matigas ang unan.


2. Matamis ang ubas.
3. Mababa ang bahay.
4. Ang payong ay makulay.
5. Ang dahon ay magaan.
3. Pagganyak
Mayroon akong ipapakita sa inyo na
iba’t ibang larawan.

yelo bato unan


kape kabayo pagong
elepante langgam mesa
dahon

Ano ang napapansin nyo sa mga


larawang ipinakita ko sa inyo? Ikaw
Maria.
Tama. Magkaiba ang kahulugan Magkaiba po yung ibig sabihin.

4. Tunguhin
Sa pamamagitan ng mga larawang ito,
pag-aaralan natin ngayong araw na ito
ay ang mga salitang magkasalungat o
nagkaiba ang kahulugan.

Tungkol saan ulit ang ating pag-


aaralan? Ikaw Rafael Mga salitang magkasalungat po.

B. Pagtuturo/pagmomodelo
Mayroon akong mga pangungusap na
ilalahad o ipapakita sa inyo. Basahin
ng sabay sabay. Malinaw ba? Opo.

Ang bato ay matigas.


Ang unan ay malambot.

Ang yelo ay malamig.


Ang kape ay mainit.

Ang kabayo ay mabilis.


Ang pagong ay mabagal.

Ang elepante ay malaki.


Ang langgam ay maliit.

Ang mesa ay mabigat.


Ang dahon ay magaan.

Aling pares ng mga salita ang magkabaligtad


ang kahulugan ang ginamit sa unang
pangungusap? Ikaw aaron. matigas, malambot
Sa pangalawa? Ikaw Patrick. malamig, mainit
Sa pangatlo? Ikaw nga Braiden. mabilis, mabagal
Sa pang-apat? Ikaw Cohan. malaki, maliit
At sa panglima? Ikaw Trisha. mabigat at magaan po.
C. Ginabayang pagsasanay
Magkakaroon tayo ng group activity.
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.

Pangkat I:

Piliin at pagtambalin ang mga larawang


magkasalungat. Ipakat ito sa cartolina.

Pangkat II:

Pagtapatin ng guhit ang mga salitang


magkasalungat.

1. mayaman a. malalim
2. makinis b. kanan
3. kaliwa c. mahirap
4. mababaw d. pango
5. matangos e. magaspang

Pangkat III:

Isulat ang kasalungat ng bawat salita.


1. malaki- __________
2. mataas- ___________
3. malungkot- ___________
4. mabilis - ____________
5. payat- _________

D. Isahang pagsasanay

Laro: Fruit Picking Game


Opo.
Panuto: Kukuha ako ng prutas sa loob
ng kahon. Babasahin ko ang salita at
ibibigay nyo ang kasalungat nito.

Malinaw ba?

Halimbawa
mayaman-mahirap
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang angkop sa bawat larawan. Pag-ugnayin ng guhit
ang magkasalungat na salita na nasa Hanay A at sa Hanay B.

matanda hilaw marumi maputi matangkad hinog


maitim pandak malinis bata

Hanay A Hanay B

1.

2.

3.

4.

5.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng 5 pares na salitang magksalungat sa inyong kwaderno.

Prepared by:
RONA FE M. GARCIA CHECKED BY:
Student Teacher PERLA O. REYNOSO
Cooperating Teacher

Noted:
ROSIE LADIGNON
Principal

Approved:
TOMAS F. CORPUS
P.T. Adviser

You might also like