You are on page 1of 5

AYOS NG PANGUNGUSAP

ISANG DETALYADONG BANGHAY-ARALIN


na iniharap kay
DR. JULIE ANN ASARI-OROBIA
Departamento ng Edukasyong Pangwika
Kolehiyo ng Edukasyon
Central Mindanao University
Lungsod ng Maramag

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


sa Asignaturang Filipino 51
(Pagtuturo ng/at Pagatataya sa Pagbasa at Pagsulat)

JOSELYN C. MARFEL
Disyembre 2019
Paksa Ayos ng Pangungusap

Nakalaan na Oras Isang Oras

Guro Joselyn C. Marfel

Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan, inaasahan na 85% na mag-aaral ng BSEd-Filipino 4 ay:

1. Natutukoy ang posisyon ng simuno at panaguri;


2. Naibabahagi ang dalawang ayos ng pangungusap; at
3. Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa karaniwan at di-karaniwang ayos
ng pangungusap.

Mga Kagamitan

➢ mga larawan
➢ mga biswal na representasyon
➢ pandikit
➢ marker, manila paper
➢ yeso at pisara

Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Pagbabalik-aral

Magandang hapon sa lahat!


Ano ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo? Lahat: magandang hapon din po, maam!
Bb. Genalyn, maaari ka bang magbahagi tungkol
sa ating tinalakay noong nakaraang tagpo?
Bb. Genalyn: Ang tinalakay natin noong
nakaraang tagpo ay tungkol sa pandiwa.
Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw.
Magaling! Bigyan natin ng dalawang bagsak si
Bb. Genalyn.

Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating talakayan, may Bubuo ng mga pangungusap batay sa
ipapakita muna ako sa inyong mga larawan. larawan ang dalawang mag-aaral.
Ipasusulat ko ng isang pangungusap batay sa
larawang ito ang mga mag-aaral na aking
mapipili.
Bb. Grace at G. Ardan, maaari ba kayong sumulat Bb. Grace: Si Marie ay kumukuha ng
ng isang pangungusap batay sa larawan? larawan.
Maraming salamat sa inyong dalawa. G. Ardan: Nagtatanim sila ng mga
punongkahoy.

Pagtatalakay

May ideya na ba kayo sa ating talakayan sa Lahat: Opo, ang tatalakayin natin sa hapong
hapong ito? ito ay tungkol sa ayos ng pangungusap.
Magaling!
Ano ang ibig sabihin ng pangungusap? Bb. Iresh, Bb. Iresh: Ang pangungusap ay lipon ng
maaari ka bang magbahagi ng ideya kung ano mga salitang nagpapahayag ng buong diwa
ang pangungusap? at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa
MALAKING TITIK at nagtatapos sa
bantas.
Maraming salamat!

Pagtuklas

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi. Ano


kaya ito? G. Ace, maari mo bang ibahagi ang
dalawang bahagi ng pangungusap? G. Ace: Ang dalawang bahagi ay ang
simuno at panaguri.
Maraming Salamat!
Ang dalawang bahagi ng pangungusap ay ang
simuno ito ang bahaging pinag-uusapan sa
pangungusap at ang panaguri naman ay ang
nagsasabi tungkol sa simuno. Sinasabing buo ang
pangungusap kapag may simuno at panaguri.

Pagpapailalim

Sa tulong ng dalawang bahagi ng pangungusap,


malalaman o masusuri mo ang ayos ng
pangungusap. Ngayon naman, basahin ninyo ang Lahat: Si Marie ay kumukuha ng larawan.
mga pangungusap sa pisara.
Lahat: Nagtatanim sila ng mga
Ano kayang ayos ng pangungusap ang nabuo ni
punongkahoy.
Bb. Grace at G. Ardan? Bb. Hernane, maaari mo
bang ibahagi ang iyong sagot? Bb. Hernane: Kay Bb. Grace ay di-
karaniwan at kay Ardan naman ay
karaniwang ayos ng pangungusap.
Magaling!
Karaniwang ayos ang pangungusap kapag
nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Ang
halimbawa nito ay ang pangungusap ni G. Ardan.
Di-karaniwang ayos naman kapag nauuna ang
simuno kaysa sa panaguri. Halimbawa nito ang
pangungusap ni Bb. Grace. Kalimitang may
panandang ay ang pangungusap na nasa di-
karaniwang ayos.

Pagtataya

Kumuha ng isang-kapat na papel at sagutan ang


mga tanong na nakasulat sa pisara. Magbibigay
lamang ako ng isang minuto sa pagsagot. Sasagutan ang pagsusulit na ibibigay ng
Panuto: Tukuyin ang simuno at panaguri sa mga guro.
pangungusap. Kopyahin ang pangungusap,
bilugan ang simuno at salungguhitan ang
panaguri. Isulat sa patlang kung ang
pangungusap ay karaniwan o di-karaniwang
ayos.
____1. Si Ana ay maganda.
____2. Magaling magpatawa ang bata.
____3. Matalinong mag-aaral si Jose.
____4. Siya ay isang magaling na mananayaw.

Pagwawakas

Bago matapos ang ating klase ay magbibigay ako


ng isang takdang-aralin batay sa ating tinalakay.
Gumupit ng larawang nais mong ibigay sa iyong
mga mahal sa buhay at sumulat ng tig-lilimang
pangungusap ayon sa ayos ng pangungusap.
Isulat sa ½ na papel.
Lahat: Paalam at maraming salamat Bb.
Diyan lamang nagtatapos ang ating talakayan
Marfel.
paalam at maraming salamat sa inyong
partisipasyon.

Sanggunian

Bamba, C. (2014). Ayos ng pangungusap. Nakuha noong Disyembre 4, 2019. Mula sa


https://www.slideshare.net/cristellbamba/ayos-ng-pangungusap.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Joselyn C. Marfel Dr. Julie Ann A. Orobia


Guro sa Fil51

You might also like