You are on page 1of 14

Baricuatro, Darryl Mae M.

BSED-FILIPINO 4

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling


akdang tradisyonal ng Silangang Asya.

Pamanatayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakasulat ng sariling akda na nagpapakita


ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

Pamantayang Pagkatuto: Ang mga mag-aaral ay nagagamit ang suprasegmental na


antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku. (F9WG-IIa-b-47)

I. Layunin:
Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa sa mga sumusunod na
kakayahan:
a. Naiisa-isa ang mga uri ng mga ponemang suprasegmental.
b. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas
ng tanka at haiku. (F9WG-IIa-b-47)
c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng bantas sa pagkakaintindihan.

II. Paksang Aralin: Paggamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas


ng tanka at haiku.

A. Teksbuk: Baisa-Julian A.G., et al. (2014). Ponemang Suprasegmental.


Pinagyamang Pluma 9 (K to 12) Aklat 1. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. pp. 170-172.
B. Sanggunian: Guinoo, J. (2019). Ponemang Suprasegmental. Aralin sa Grade
9- Filipino- Panitikang Asyano.
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ponemang-suprasegmental-
gr9powerpoint-presentation
C. Kagamitan: laptop at PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan: 4 A’s Method


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga din po!


(Magtawag ng mag-aaral para panguluhan
ang panalangin)

Muli magandang umaga klas!

Kumusta kayo sa umagang ito?


Para sa ating kumustahan ay pipili kayo ng
numero na uugnay sa inyong nararamdaman
ngayong umaga. I-type lamang sa chat box (Ginawa ng mga mag-aaral)
ang numero.

Dahil unang beses akong magtuturo sa inyo,


magpapakilala muna ako. Ako nga po si Bb.
Darryl Mae M. Baricuatro ang inyong guro sa
umagang ito. Maaari ninyo akong tawaging
Bb. Darryl.
Bb. Darryl
Anon nga ulit ang itatawag ninyo sa akin?

Magaling!

Kagaya ng ibang guro klas, mayroon din


tayong mga alituntunin sa klaseng ito.

1. Hinihikayat ang lahat na panatilihing


nakabukas ang inyong camera.

2. Dapat naka off ang inyong mikropono


kapag nagsisimula na magsalita ang inyong
guro at I-on lamang ito kapag kinakailangan.

3. Gamitin ang raised hand button kung


kayo ay sasagot sa aking mga katanungan.

4. Makinig nang Mabuti at makilahok sa


mga gawain.
Opo Bb!

Maliwanag ba ang mga alituntunin klas?

1. Pagbabalik-Aral

Bago tayo dumako sa ating panibagong


talakayan ay balikan muna natin ang
tinalakay ninyo noong nakaraang tagpo ang
tungkol sa Tanka at Haiku.

Ngayon, ating susukatin ang talas ng inyong


memorya sa paksang tinalakay noong
nakaraang tagpo. Kung gayon ay
magkakaroon tayo ng pagbabalik-aral upang
malaman ko kung may natutunan kayo sa
paksang tinalakay ninyo. Sa message box
mayroon akong ibibigay na link at code kung
saan didirekta kayo sa isang website at doon
natin gagawin ang ating pagbabalik-aral.

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat


katanungan. Piliin lamang ang tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga tulang kilala ng


mga Hapon?

a. Tanaga b. Tanka at Haiku


c. liriko d. Soneto Inaasahang sagot:

2. Ang tulang Haiku ay mayroong tatlong


taludtod at sa bawat taludtod ay binubuo ng 1. B
mga pantig. Ilang pantig mayroon sa kabuuan 2. B
ng tulang Haiku? 3. B
4. A
a. 15 pantig b.17 pantig 5. C
c. 20 pantig d. 31pantig

3. Ito ay isang tula na binubuo ng 31 pantig


na may limang taludtod.

a. Tanaga b. Tanka
c. Haiku d. Soneto

4. Ano ang karaniwang tema ng Tanka?

a. pagbabago, pag-iisa at pag-ibig


b. pag-ibig, pag-iisa at kalikasan
c. pagbabago at pag-ibig
d. pag-ibig

5. Ano ang karaniwang tema ng haiku?

A. kalikasan
B. pag-ibig
C. kalikasan at pag-ibig (Ginawa ng mga mag-aaral)
D. pag-ibig at pag-iisa

Magaling klas! Halos kayong lahat ay


nakakuha ng perpektong bilang ng sagot.
Talagang naintindihan ninyo ang nakaraang
talakayan dahil diyan bigyan ninyo ang
inyong mga sarili ng tatlong palakpak.
Simulan!

2. Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating talakayan, Ang pinagkakaiba sa dalawang pahayag ay


magtatawag ako ng tatlong mag-aaral para ang unang pahayag ay nagtatanong ang
basahin nang wasto ang mga pahayag batay nagsasalita kung totoo ba na maganda siya
sa mga bantas na ginamit at ipaliwanag kung at sinabi naman sa pangalawang pahayag
ano ang pagkakaiba sa dalawang pahayag. na totoo na maganda siya.

1. Sa unang pahayag ay nagtatanong kung


Totoo? Maganda siya? mahal ba siya at sinabi naman sa
Totoo, Maganda siya. pangalawang pahayag na mahal talaga
siya.

2. Sa unang pahayag ay nagtatanong ang


Mahal ka niya? nagsasabi kung may bisita ba sila bukas at
Mahal ka niya. sinabi naman sa pangalawang pahayag na
may bisita sila bukas.

3.
May bisita tayo bukas?
May bisita tayo bukas.

Napakahusay ninyo klas!


Mapapansin natin na magkakaiba ang paraan
ng pagbigkas ng bawat salita dahil sa mga
panandang ginamit at syempre ay marami
talagang pagkakaiba sa dalawang pahayag na
binasa ninyo. Una ay yung pagkakaiba sa
tono ng pagbigkas, pangalawa ay ang mga
panandang ginamit at pangatlo, sa unang
pahayag ay nagpapahiwatig ng pagtatanong
at sa ikalawang pahayag naman ay
nagpapahiwatig ng pangangatwiran.

3. Paglalahad ng Paksa at Layunin

Base sa mga pahayag klas, iyon ay may


kaugnayan sa paksang tatalakayin natin sa
umagang ito. Ating alamin at talakayin ang
Paggamit ng suprasegmental na antala/hinto,
diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.
Huwag ninyong kalimutan ang ating mga
alituntunin sa klase upang makamit natin ang
ating tatlong layunin.

a. Naiisa-isa ang mga uri ng mga


ponemang suprasegmental.

b. Nagagamit ang suprasegmental na Opo, Bb.


antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
tanka at haiku.

c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng


paggamit ng bantas sa pagkakaintindihan.

Maliwanag ba ang ating mga layunin, klas?

Mabuti naman.

A. Activity/Gawain

Upang maging makabuluhan at interaktibo


ang ating pagtatalakay sa paksa ay
magkakaroon tayo ng gawain na tatawagin
nating “SuriBasa”. Magbabasa tayo ng isang
Tanka at Haiku. Magtatawag ako ng
dalawang mag-aaral para magbasa sa tula.

Gawain 1
SuriBasa
Panuto: Basahin ang tulang Tanka at Haiku (Sinagot ng mga mag-aaral)
sa tamang tono, diin, intonasyon at antala.
Suriin ang tula batay sa mga inihandang
tanong.

Mga Tanong:

1. Ano ang salitang inuulit ulit sa tulang


haiku?

2. Ano ang ibig sabihin sa una at


pangalawang salita na baka?

3. Ano ang mga bantas na ginamit sa


dalawang tula?
4. Mayroon bang pagkakaiba sa kahulugan
kung iba ang tono, diin, intonasyon at pag-
antala sa pagbigkas ng mga salita? Bakit?

Tanka

Nangungulila
Sa’yong paglayo mahal,
Taglamig, puso’y uhaw
Punong sugatan yakap
Ikaw ang hanap
Ikaw ang lahat.

Haiku

Nawawalang Baka
Baka nandito
Ang baka na nawala
Na alaga niya.

Wow! Napakahusay ninyo klas! Lahat ng


inyong sagot ay tama.

B. Analisis (Analysis)
Bago natin talakayin ang mga suprasegmental
ay alamin muna natin ang kahulugan ng
Ponemang Suprasegmental.

Ang Ponemang Suprasegmental ay


tumutukoy sa mga makabuluhang yunit ng
tunog na walang katumbas na letra sa Opo, Bb.
pagsulat. Notasyon o simbolo ang ginagamit
kung kailangang isulat upang matukoy ang
wastong paraan ng pagbigkas.

Ang mga ponemang suprasegmental ay


nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon
(pitch), at hinto o antala (juncture).
Malinaw ba ang depinisyon ng ponemang
suprasegmental?

Mabuti naman kung ganoon.

1. Diin (Stress)
- Ito ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas
ng tinig sa pagbigkas ng pantig na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita
maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.

Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na


may diin ang malaking titik o kaya ginagamit
ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig
ng salita na may diin.
Opo, Bb.

Halimbawa:
HaPON- bigkas mabilis atn may diin sa Inaasahang sagot:
ikalawang pantig (Japanese) SA:ya- Palda
HApon- bigkas malumay at may diin sa sa:YA- Happy/masaya
unang pantig (afternoon) PU:no- wala nang pagsisidlan
BUhay – bigkas malumay at may diin sa pu:NO- tanim na may sanga at
unang pantig (life) dahoon/Tree
buHAY – bigkas mabilis at may diin sa BA:ka- Pag-aalinlangan
ikalawang pantig (alive) ba:KA- Hayop

Naintindihan ba ninyo klas ang diin?

Kung talagang naintindihan ninyo ay nais


kong magbigay kayo ng ibang mga
halimbawang salita na may parehong baybay
ngunit iba ang kahulugan. Ang tono o intonasyon ay nauukol ito sa
pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita
na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
isang pahayag o mga salita.
Magaling! Ang inyong mga ibinigay na mga
halimbawang salita klas ay tama.

Ngayon klas, Talakayin naman natin ang tono


o intonasyon.

May ideya ba kayo klas kung ano ang


tono/intonasyon?
Mahusay!

2. Tono o Intonasyon
- Ito ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng
tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,
parirala o pangungusap upang higit na
maging malinaw ang pagsasalita at nang
magkaunawaan ang nag-uusap. Maaaring
makapagpahayag ng iba’t-ibang damdamin o
makapagbigay ng bagong kahulugan ang
pagbabago ng tono o intonasyon.

Ang pagbigkas ng salita ay maihahalintulad


sa musika, may tono o intonasyon- may
bahaging mababa, katamtaman, at mataas.

Subukin mong magsalita nang hindi


nababago ang tono o intonasyon at hindi mo
maipaparating nang tama ang iyong mensahe.

Halimbawa:
✓ Nagpapahayag: Madali lang ito.
✓ Nagtatanong: Madali lang ito?
✓ Nagbubunyi: Madali lang ito!

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang


intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa
lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at
lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag
lamang.

Intonasyon at makabuluhang pattern sa


pagsasalita
(Gonzales, 1992)

Mataas

2
1
Halimbawa:
a.) kahapon = 213 pag-aalinlangan
Kahapon= 231 pagpapatibay,
Pagpapahayag

b.) talaga = 213, pag-aalinlangan


talaga =231,
pagpapatibay,pagpapahayag

3. Hinto o Antala
- Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng
pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ipinahahayag. May hinto, Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi
bago nagsimula ang isang pangungusap at si Kessa ang pinag-uusapan.
may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin
sa loob ng pangungusap kung may
kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit
na maunawaan ang nais ipahayag. Kuwit (,)
ang ginagamit sa hinto. Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng
“hindi” na si Kessa ang pinag-uusapan.

Halimbawa:
Hindi siya si Kessa.
Hindi, siya si Kessa.
Hindi siya, si Kessa.

Base sa mga halimbawang pangungusap klas,


ano ang isinasaad sa unang pangungusap?

Opo, Bb.
Tama!

Sa pangalawang pangungusap naman klas?

Ang mga ponemang suprasegmental ay


Magaling! ang diin, tono o intonasyon at hinto o
antala.
At sa panghuling pangungusap ay
ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya”
na hindi ibang tao ang nasa isip kundi si
Kessa. Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng bigkas
sa pantig na salita.

Naiintindihan ba klas?
Ang tono o intonasyon ay tumutukoy sa
pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng
C. Abstraction/Paghahalaw pantig ng isang salita, parirala o
pangungusap upang higit na maging
Kung gayon, ano-ano nga ulit ang mga malinaw ang pagsasalita.
ponemang suprasegmental?

Tama!

Ang Hinto o Antala ay tumutukoy sa saglit


Ano nga ang diin klas? na pagtigil ng pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
Tumpak!

Ano naman ang tono o intonasyon?

Magnifico!

Ano naman ang hinto at antala klas?

Ekselente!

D. Application/Paggamit
Upang masukat ko ang inyong kaalaman ay
magkakaroon tayo ng gawain.

Panuto: Gamitin ang suprasegmental na


antala/hinto, diin at tono sa paggawa o
pagbuo ng isang Tanka o Haiku. Siguraduhin
na ang mga salita ay nabibigyan ng tamang (Ginawa ng mga mag-aaral)
diin, tono, at antala kapag ito’y nagamit na sa
loob ng isang tula. Bibigyan ko lamang kayo
ng limang minuto para gawin ang inyong
gawain.

Sa message box mayroon akong ibibigay na Opo Bb.


link sa Jamboard kung saan didirekta kayo sa
isang website at doon ninyo ilagay ang
inyong ginawang tula.

Maliwanag ba ang inyong gawain klas?

Magaling!

Kung wala na kayong mga katanungan, ang


tatlong minuto ninyo ay magsisimula na
ngayon.

Ang kuwit at tuldok po Bb.


Tapos na ang inyong oras!

Tapos na ba ang lahat?

Mabuti. Iyon ay tinatawag nating bantas.


Ngayon ay magtatawag ako ng mag-aaral
upang ibahagi ang nagawang tula. Dapat
bigkasin ng mabuti ang ginawang tula.

Pagpapahalagang Pangkatauhan Mahalaga ang bantas kapag tayo ay


nakipagkomunikasyon dahil ito ang
Ngayon klas, pansinin ninyo ang mga nagiging dahilan upang maihahatid natin
halimbawang pangungusap na nasa hinto at ng maayos ang ating mensahe sa ibang tao
antala. at sa ating kapwa.

Ano ba sa tingin ninyo ang esensyal na


ginamit dito upang maipahayag ang tamang
kahulugan ng mga pangungusap?

Makakabuo tayo ng kaisahan at ang


Magaling! tamang pagkakaintindihan sa bawat isa.

Ano ba ang tawag natin sa mga ito klas?

Mahusay! Ang kahalagahan ng pagkakaintindihan sa


isang komunidad ay upang magkakaroon
ng pagkakaisa at pagkabuklod buklod sa
Gaano ba kahalaga ang paggamit ng bantas bawat isa.
kapag tayo ay nakipagkomunikasyon?

Magaling!
Ngayon klas, kapag naihatid natin ng maayos
ang mga mensahe sa ating kapwa ano ba ang
mabubuo sa bawat isa?

Magnifico!
Wala na po Bb.

Ano ba ang kahalagahan klas na sa isang


komunidad mayroong pagkakaintindihan?

Tama!

Mahalaga talaga klas ang pagkakaroon ng


pagkakaintindihan sa bawat isa sapagkat ito
ang susi upang magkaisa at ito rin ay
nagdudulot magandang pakikitungo sa bawat
isa. Walang gulo ang magyayari kapag ang
bawat isa ay mayroong pagkakaintindihan.

May mga katanungan o kalituhan pa ba kayo


klas sa paksang ating tinalakay ngayon?

IV. Evaluate/ Pagtataya


Panuto:   Suriin ang mga pahayag at salita na mayroong mga ponemang suprasegmental.
Ibigay ang tamang sagot sa bawat bilang.
Diin
1. Nagkasakit siya sa:
a. BA:ga b. ba:GA
2.Marami siyang mga aklat, mahilig kasi siyang mag:
a. BA:sa b. ba:SA
3. Mapula ang kanyang mga:
a. la:BI b. LA:bi
TONO O INTONASYON
1. kanina = ____, pag-aalinlangan
Kanina = ____pagpapatibay, pagpapahayag

2. kumusta = ____, pagtatanong na masaya


kumusta = ____, pag-aalala

3. matalino = , pagpuri
Matalino = , pag-aalinlangan

HINTO O ANTALA
1. Sinasabing hindi si Jose ang humiram ng libro.
A. Hindi, si Jose ang humiram ng libro mo.
B. Hindi si Jose ang humiram ng libro mo.
2. Ipinapakilala mo ang iyong kaibigang si Julie sa iyong ate.
A. Ate, si Julie ang kaibigan ko.
B. Ate Julie, ang kaibigan ko.
3. Ipinagbabawal na dalhin ang isang bagay.
A. Huwag, ito ang dalhin mo.
B. Huwag ito ang dalhin mo.
V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng isang talata gamit ang mga salitang magkakaiba ang kahulugan ngunit
pareho ang kaligiran baybay nito. Kayo na ang pipili sa inyong magiging paksa.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka


Kaangkupan ng mga salita sa kaisipan - 5 puntos
Organisasyon ng ideya - 10 puntos
Kawastuhan ng pagbabago ng diin - 5 puntos
20 puntos

You might also like