You are on page 1of 6

Grades 1-12 Paaralang Elementarya ng Grade Level

Daily Lesson Log School Sta. Cruz 5


(Pang-araw-araw Learning
na Pagtuturo) Teacher KATHERINE B. FAUSTINO Area FILIPINO
Date &
Week Hulyo ___, 2021 Quarter Pangalawa

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


Pangnilalaman teksto at napapalawak ang talasalitaan.

Napapahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng


B. Pamanatayan sa
pagsali sa usapan at talakaya,paghiram sa aklatan,
Pagganap
pagkukuwento, pagsulat ng tula at kwento.
C. Mga Kasanayan sa Nabibigkas nang May Wastong Tono, Diin, Antala at
Pagkatuto (Isulat ang Damdamin ang Napakinggang Tula
code ng bawat F5P5-le-25
kasanayan)
Pagbigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang
II. PAKSA napakinggang tula

Mga larawan, TV led, powerpoint presentation, tsart, tarpapel,


III. KAGAMITANG
Show Me Card
PANTURO

A. Sanggunian

Curriculum Guide for Grade 5


1.Teacher’s Guide 
Landas sa Wika at Pagbasa
2.Learner’s Materials 
Filipino 5 Modyul 4 pp.1-13
3.Textbook Pages
4. Additional Materials
MELC: F5P5-ie-25
from Learning
Resources (LR) Portal

B. Iba pang Kagamitang


Powerpoint Presentation, Laptop, Larawan
pangturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa
nakaraang aralin at/o Panuto: Pagsanayang bigkasin ang sumusunod.
pagsisimula ng
bagong aralin 1. Ang mag-aaral na madiskarte sa anumang gawain ay
kampante.
2. Huwag samantalahin, ang titser na butihin. Pagtuturo’y sulitin
upang matuto nang ‘di bitin.

3. Pag sa classhome ay nahimbing, tiyak walang mararating.

4. Sa modyul kung ikaw ay sasagot, huwag mabagot at


sumimangot.

5. Estudyanteng bibo at aktibo, tiyak na mataas ang grado.

Ipakita ang larawan ng mga bata.

B. Paghahabi ng layunin
ng aralin

Ipatukoy sa mga bata ang nakita nila sa larawan.


Ano ano ang nais ninyong malaman tungkol sa larawan?
Itanong:
Ano ang nasa larawan?
Ano ang pagkakaiba ng unang larawan sa pangalawang
larawan?

C. Pag-uugnay ng mga Ngayon ay malalaman ninyo sa pamamagitan ng pakikinig at


halimbawa sa bagong pagbasa ng isang tula ang ipinararating sa atin ng mga nasa
aralin larawan.

Bago basahin ang kuwento, ating sundin ang mga “Pamantayan


sa Mabuting Pakikinig”
1. Nakaupo nang maayos at hindi naglilikot.
2. Ang mga mata at tainga ay nakatuon sa nagsasalita.
3. Ginagamit ang isip at inihahanda ang sarili upang
makasagot.

Halina at ating pakinggan at basahin ang isang tula.

(Ipaparinig sa mga bata ang tula na may wastong tono, diin,


antala at damdamin.)

Panuto: Pakinggan kung paano ito binasa. Pagkatapos ay ikaw


naman ang bumigkas ng tula. Gamitin ang pamantayan para sa
wastong pagbigkas ng tula.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang pamagat ng napakinggang tula?
2. Sino ang may akda ng tula?
D. Pagtalakay ng bagong
3. Ano ang tawag sa mga binasa mo?
konsepto at
4. Paano mo binasa ang mga tugma sa bawat bilang?
paglalahad ng bagong
5. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbigkas ng
kasanayan
mga tugma?

6. Pagtalakay ng  Nagustuhan mo ba ang binasa mong tula?


bagong konsepto  Ano ang napansin ninyo sa paraan ng pagbigkas ng guro
at paglalahad ng sa tulang binasa?
bagong kasanayan
Ang tula ay isang masining na anyo ng panitikan na malayang
nagpapahayag ng damdamin at mahahalagang kaisipan. Sa
pagsulat ng tula gumagamit ng iba’t ibang estilo at anyo,
maaaring malayang pagsulat o kaya naman ay may sukat o
tugma. Samantala, gumagamit din ng mga talinghaga at maririkit
na salita sa pagsulat nito.

Dahil ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, mahalagang


matutuhan kung paano ang tamang pagbigkas nito. Sa gayon,
mabisang maiparating ang mensahe at damdamin ng tula. Sa
wastong pagbigkas ng tula, isinasaalangalang ang sumununod:

1. Ang antala o ang saglit na paghinto sa pagbigkas. Ito ay


depende sa bantas na ginamit sa pagsulat ng tula. Kapag kuwit
ang bantas bahagya lang titigil (pause) ngunit kung tuldok
naman ang ginamit na bantas, titigil sa bahaging may tuldok
bago magpatuloy sa pagbabasa kung mayroon pang kasunod na
taludtod o saknong.

2. Ang diin sa pagbigkas ng tula na inilalapat sa salita o pantig


ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.

3. Ang tono sa pagbigkas ng tula ay maaaring mataas o mahina


at payapa o mahinahon ayon sa damdamin o emosyong
ipinahahayag.

4. Ang damdamin sa pagbigkas ng tula ay pagpapakita ng


tamang ekspresyon ng mukha. Maaaring masaya, o malungkot,
may galit o pagmamahal.

5. Ang tikas, galaw, at kumpas ay ang paraan ng pagkilos o


paggalaw na ng bumubigkas ng tula. Mahalaga ito upang
maging kawilili-wili at kapani-paniwala ang pagbasa.

7. Paglinang sa Panuto: Bigkasin ang tula. Gamitin ang pamantayan para sa


kabihasnan wastong pagbigkas ng tula.
(Tungo sa
Formative Yamang Dunong at Kalusugan
Assessment)
Dunong at kalusugan ating yaman, nararapat na pangalagaan.
Huwag nating pabayaan, ingatan at pahalagahan.
Anumang minana sa magulang, walang tutumbas sa dunong at
kalusugan. Aanhin ang materyal na yaman kung sakitin naman?
Karunungan at kalusugan pagyamaning lubusan.

Dunong at kalusugan, sandatang maituturing, sa anumang


suliraning kahaharapin. Maging matatag sa anumang pasanin,
tiyak na mithiin ay mararating.

Sagutin:
1. Ano ang paksa ng binasang tula?
2. Ano ang itinuturing na ating yaman ayon sa binasang tula?
3. Bakit ito itinuturing na yaman?
4. Bakit kailangang pakaingatan at pahalagahan ang dunong at
kalusugan?
5. Ano ang dapat gawin sa ating yamang dunong at kalusugan?
6. Paano makakamit ang mithiin sa pamamagitan ng dunong at
kalusugan?
7. Paano mo binigkas ang tula?
8. Paano mo isinalang-alang sa iyong pagbasa ang wastong
tono, diin, antala at damdamin ng tula?
8. Paglalapat ng
aralin sa pang Gumawa ng isang tula na may apat (4) na taludtod tungkol sa
araw araw na naranasan ninyo sa panahon ng pandemya.
buhay
1. Paano ang wastong pagbigkas ng isang tula?
9. Paglalahat ng
2. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa wastong
aralin
pagbigkas ng tula?
3. Paano mapauunlad ang kasanayan sa pagbigkas ng tula?

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin


ang sagot sa loob ng kahon.

Diin Tono Tula


Antala Damdamin Tikas/Galaw

____________ 1. Sa pagbigkas ng tula, ito ay maaaring mataas


o mahina at payapa o mahinahon ayon sa damdamin o emosyong
10. Pagtataya ng ipinahahayag.
aralin ____________ 2. Ito ay ang saglit na paghinto sa pagbigkas.
Ito ay depende sa bantas na ginamit sa pagsulat ng tula.

____________ 3. Ito ay pagpapakita ng tamang ekspresyon ng


mukha. Maaaring masaya, o malungkot, may galit o
pagmamahal.

____________ 4. Ito ay isang masining na anyo ng panitikan


na malayang nagpapahayag ng damdamin at mahahalagang
kaisipan.

____________ 5. Ito ay inilalapat sa salita o pantig ayon sa


tindi ng damdaming ipinahahayag.

11. Karagdagan Panuto: Bigkasin ang tula nang may wastong diin, tono at
Gawain para sa damdamin. I-record ito at ipadala sa Messenger.
takdang aralin at
remediation Ang Munting Pangarap
Trinidad A. Tanglao
I
Mula pagkabata, aking naiisip, mga nais marating hindi ko
mabatid. Naguguluhan aking munting isip, inhinyero, pulis,
doktor,alin ba ang sulit?
II
Nais kong matupad aking munting pangarap, upang sa pamilya
makatulong nang ganap. Kaunlaran ng bayan nais sa hinaharap,
Matulungan ang mga nagdurusang mahihirap.
III
Pangarap kong maging guro, hubugin ang mga kabataan,
linangin ang kanilang kaalaman at kasanayan.- Palawakin ang
kanilang kaisipan Munting pangarap sana’y aking makamtan.
IV
Ang munting pangarap kapag aking natupad, Ligayang pantay-
langit at walang katulad. Sa pagsisikap ko, nakamit ang tanging
hangad.

Inihanda ni:

KATHERINE B. FAUSTINO
Teacher I

Binigyang pansin:

SUSANA C. HERNANDEZ
Principal I

You might also like