You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATO IV

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Nauunawaan ang naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang,
pagtanggap at pagmamahal sa mga likha.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at
pagmamahal sa mga likha.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na bagay
13.2 Hayop:
13.2.1 pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered.EsP4PD-IVd-11

II. NILALAMAN
Mga Hayop na Ligaw at endangered, Kalingain at Alagaan

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
TG pp. 188 – 191
LM pp. 298 - 307
B. Karagdagang kagamitan sa pagtuturo
LRMDS: Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1988

IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin.

Mga bata, natatandaan nyo pa ba ang ating huling pinag- aralan?


Ok, anu ang ating ating huling pinag-aralan?
Balikan natin ang ating inawit knina na “Ako’y Bahagi ng Komunidad” ,Sino-sino
ang bahagi ng kumunidad na nabanggit sa awit?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin


Ipapa- chant sa mga bata ang isang chant.

Mga hayop na ligaw, dapat nating


kalingain
Pakainin ,mahalin at ating ingatan.
.
Huwag huhulihin at patayin
Ingatan ang kaniyang tirahan.

Itanong:Ano ang dapat nating gawin sa mga ligaw na hayop?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin ( Presentation)


Itanong: Mga bata nakaranas na ba kayo pumunta sa Crocodile Farm?
sa butterfly garden? at bakers hill?
Ano-ano ang nakita ninyo roon?
Ano ang tawag natin sa knila?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Ngayon naman mayroon akong ipapakita sa inyong mga larawan.(larawan ng hayop na sinasaktan)
Itanong: Ano ang inyong napapansin sa larawang ito?
Tama ba ang ginawa ng tao sa hayop na ito?
Bakit mo nasabi na hindi tama ang kaniyang ginawa?
Ano kaya ang mangyayari sa tao kapag ginawa niya ito?

Sasabihin: Batay sa Republic Act bilang. 8485, na mas kilala bilang “ Animal Welfare Act of 1998”
dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang
mapatunayang lumalabag dito.(Araling Panlipunan)

Itanong: Kung ikaw, paano mo kakalingain o aalagaan ang hayop na ito? Bakit?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan(Guided Practice)

Pangkatang Gawain
Pangkat A – Buuin ang puzzle at iulat ang tungkol sa nabuong puzzle
Pangkat B- Drama (nagpakita ng Pagkalinga o pag-aalaga ng mga hayop na ligaw)
Pangkat C- Sumulat ng paraan ng pag-aalaga ng hayop na ligaw.

F. Paglinang sa kabihasaan (tungo sa formative assessment)


Itanong: Batay sa inyong ginawa sa pangkatang gawain, paano ninyo aalagaan ang mga
ligaw na hayop?

Ipabasa ang tsart. Alin ang nagpapakita ng pag-aalaga ng hayop? Alin ang hindi nagpapakita?
Huwag sasaktan ang mga ligaw na hayop.
Huwag hulihin ang mga ligaw na hayop.
Batuhin ang makitang ligaw na hayop.
Hulihin at ibenta ang ligaw na hayop.
Ingatan ang kanilang tirahan.

G. Paglalahat ng aralin
Ano ang dapat natin gawin sa mga ligaw na hayop?

I .Pagatataya ng aralin
Panuto: Lagyan ng √ ang nagpapakita ng pag-aalaga ng mga ligaw na hayop. X naman kung hindi ito
nagpapakita ng pag-aalaga ng mga ligaw na hayop.

1. Huwag sasaktan ang mga ligaw na hayop.


2. Huwag hulihin ang mga ligaw na hayop.
3. Batuhin ang makitang ligaw na hayop.
4. Hulihin at ibenta ang ligaw na hayop.
5. Ingatan ang kanilang tirahan.

J. Karagdagang gawain para sa takdanag aralin


Panuto: Gumuhit ng ligaw na hayop at isulat kung paano mo ito aalagaan.

Prepared by:

MYAN E. MORA
Grade IV Adviser

Observers:

AURELIO P. VIERNES NORLIZA M. UTOH


Principal 1 –Binta’t Karis ES Principal 1 – Guilingan ES

ROSY S. ANDRES ELVISA A. PAONER


Head Teacher I – Salongsong ES Master Teacher I- Guilingan ES

You might also like