You are on page 1of 3

LINGGUHANG BANGHAY ARALIN

KWARTER: UNA BAITANG: IKA-APAT


LINGGO: IKA-ANIM NA LINGGO ASIGNATURA: FILIPINO

MELC: Nakasusulat ng Natatanging Kuwento Tungkol sa Natatanging Tao sa Pamayanan.


(F4PU-Ia-2F4PU-Ic-2.2)
UNANG ARAW
LAYUNIN K Naisasalaysay ang kuwento ng natatanging tao sa pamamagitan ng
pagsusulat;
S Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa
pamayanan, tugma o maikling kuwento;
A Nabibigyang halaga ang kuwento ng bawat isa
Pagsusulat ng Natatanging Kuwento tungkol sa Natatanging Tao sa
PAKSA Pamayanan

SANGUNIAN FILIPINO IV, Quarter 1, Modyul 6


PAMAMARAAN:
A.PAGHAHANDA A.Sisimulan ang klase ng isang panalangin.
B.Pagtala ng liban sa klase.
C.Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.
B.PAGLALAHAD Basahin mong mabuti ang kwento “Si Jose, Ang Batang Magalang’’ ni
Arjohn V. Gime (Sumangguni sa Filipino 4 Module 6, kwarter 1, Linggo 6,
pahina 3-5)
C.PAGTATALAKAY Ang natatanging kuwento ay isinusulat upang magpabatid,
maglahad, at magpalawak ng isang balita, impormasyon at
makatotohanang pangyayari batay sa karanasan, pag-aaral, pananaliksik,
at pakikipanayam. Ito ay isinusulat sa paraang kawili-wili upang lalong
makahikayat sa
mambabasa

Ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento


 Isang mahusay na paksa o ideya
 Makatotohanang mga tauhan
 Angkop na tagpuan (oras, panahon, kalagayan ng lugar)
 Napagsunod-sunod nang maayos at tama ang mga
pangyayari sa kuwento.

D.PAGLALAHAT Panuto:Sumulat nang maikling kuwento tungkol sa isangnatatanging tao sa


pamayanan. Pumili sa loob ng kahon ang nais mong gawan ng kuwento. Isulat ito
sa malinis na papel.

Magsasaka guro pulis magulang kaibigan doctor


E.PAGSASANAY Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________1. Ang natatanging kuwento ay isinulat upang magpabatid, maglahad,


at magpalawak ng isang balita, impormasyon at makatotohanang
pangyayari.
__________2. Isinusulat ang natatanging kuwento sa paraang kawili-wili upang
lalong makahikayat sa mambabasa.
__________3. Ang yaman ng tao ay ang dapat lamang na isaalang- alang upang
makasulat ng isang kuwento.
__________4. Upang makasulat ng kuwento tungkol sa isang natatanging tao sa
pamayanan kinakailangang may katangi-tangi siyang katangian.
__________5. Walang magandang maidudulot ang pagsusulat ng kuwento.

F.PAGLALAPAT Panuto: Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong matalik sa


kaibigan. Sa loob ng bawat bilog, isulat ang mga pangyayari ng iyong
kuwento. Gawin ito sa isang sagutang papel.

G.PAGTATAYA Panuto: Pumili ng isang taong gusto mo sa pamayanan at sumulat ng isang


natatanging kuwento tungkol sa kanya sa pamamagitan ng talatang
pasalaysay. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
TAKDANG Sumulat ng isang natatanging kuwento tungkol sa isang nanay na
ARALIN nagsusumikap na mapag-aral at mapagtapos ang mga anak sa kabila ng kahirapang
nararanasan ng kanilang pamilya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

You might also like