You are on page 1of 9

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lunsod Zamboanga

0
HINDI IPINAGBIBILI

4
FILIPINO KUWARTER 1
Linggo 4 (MELC 8)

Capsulized Learner
Empowerment Toolkit

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
1

ASIGNATURA AT
FILIPINO MARKAHAN 1 LINGGO 4 ARAW __________
BAITANG PETSA

CODE F4PU-Ia-2, F4PU-Ic-2.2

KASANAYANG Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa
PAMPAGKATUTO pamayanan, tugma o maikling tula.
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong
sagot sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan,
tugma o maikling tula.
Paksa: Pagsulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan, tugma
o maikling tula.
(Lunsaran)

Ang bawat kabataan ay may inaasam na pangarap na magkaroon ng katuparan.

Papaano ito makakamtan? May kilala ba kayong Huwarang Pilipino sa inyong
pamayanan? Halina at basahin natin ang maikling kuwentong tungkol sa isang
huwarang manlalaro.

“Ang Huwarang Manlalaro”

Si Monico Florentino ay editor ng pahayagang pampaaralan ng Paaralang

Elementarya ng Bagong Ilog. Siya ang naatasang kumapanayam kay Rodel
Hernandez, ang kampeon ng sepak takraw.

MONICO: Bago ko simulant ang pakikipanayam sa iyo, nais ko munang batiin ka

dahil sa pagkakapanalo mo sa larong sepak takraw.

RODEL: Salamat,

MONICO: Alam mo, karangalan ka ng aming paaralan dahil doon ka nagtapos ng

elementarya. Ngayong nasa hayskul ka na, hindi mo ba naaalaala ang Paaralang
Elementarya ng Bagong Ilog?

RODEL: Ano bang hindi? Siyempre, naaalaala. Doon ako galing,e. Ngayong nasa
huling taon na ako sa hayskul, mas magaan ang aking pakiramdam ko. Kasi
magtatapos na naman ako.

MONICO: Bakit sepak takraw ang nakahihiligan mo sa halip na basketball?

RODEL: Mas nakalalakas ito ng katawan,e. Paniniwala ko ito,ha.

MONICO: Ano ba ang sepak takraw?

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
2

RODEL: Ito’y isang larong binubuo ng dalawang koponang magtutunggali. Ang bawat
koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. May sariling posisyon ang bawat
manlalaro. Upang makagawa ng puntos, kailangang mapabagsak ang bola sa lapag
ng kabilang panig. Labinlimang puntos lang ang kailangan para manalo.

MONICO: Ano-ano naman ang tawag sa mga manlalaro?

RODEL: Tekong at apit kiri ang tawag sa mga manlalaro ng sepak takraw. Tekong
ang tawag sa manlalarong nagsesesrbisyo ng bola. Nasa kaliwang panig ng court
ang apit kiri o manlalarong tagahagis ng tekong. Kapag ang kanang paa ang
ginagamit ng tekong sa pagseserbisyo, apit kiri naman sa kanang panig ang
tagahagis ng bola.

MONICO: Paa lamang ba ang ginagamit sa paglalaro niyan?

RODEL: Maaari ring gamitin ang dibdib, likod at binti sa pagsangga ng bola. Pero
hindi pahihintulutang gamitin ang kamay, bisig o braso.

MONICO: Kung gayon, mgaan ang bolang ginagamit.

RODEL: Talagang magaan dahil yari sa makunat na yantok. Itinali nang mahigpit ang
lambat upang maging maganda ang talbog ng bola.

MONICO: Napanood nga kita sa huling laro ninyo. Ang husay-husay mong lumundag.
Napararating mo ang bola sa kabilang panig nang buong husay. Kaya pala maganda
at malusog ang katawan mo. Dahil ba sa sepak takraw?

RODEL: Posible. Saka wastong pagkain at tamang oras ng pamamahinga ang

mahalaga sa isang manlalarong tulad ko.

MONICO: May mensahe ka ba sa ating mga kabataan?

RODEL: Kapanga-pangarap ang lakas ng kabataan, kaya ito’y dapat ingatan.

Matatamo lamang ang lakas kung gagamitin sa mabuting paraan tulad ng pagkahilig
sa isports. Alalahaning ang lakas ng kabataan ay lakas ng bayan.

MONICO: Salamat sa pagpapaunlak mon a makapanayam kita.

RODEL: Nasa akin ang karangalan.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang masasabi mo tungkol sa huwarang manlalaro?

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano-ano ang mga bagong kaalaman na iyong natutuhan?

Sanayin Natin!

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Gawain1
Panuto: Basahin at intindihin ang sumusunod na tanong at itiman ang bilog ng iyong
napiling sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang nag-uusap?

A. Ang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Bagong-Ilog.
B. Ang punong guro at si Moniko
C. Sina Moniko Florentino at Rodel Hernandez
D. Si Rodel at ang kaniyang mga kalaro

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
3

2. Bakit ikinararangal si Rodel ng kanilang paaralan?

A. dahil si Rodel ang nanalo sa Filipino quiz bee
B. dahil si siya ay naging kampeon sa larong sepak takraw.
C. nangunguna siya sa klase.
D. dahil si Rodel ay isang mabait na bata.

3. Bakit niya kinahihiligan ang sepak takraw?

A. dahil ang paniniwala ni Rodel ang larong sepak takraw ay nakatutulong sa
paglinaw ng paningin
B. dahil ang paniniwala ni Rodel ang larong sepak takraw ay makakikinis ng
kaniyang balat
C. dahil ang paniwala ni Rodel ang larong sepak takraw ay nakahahaba ng buhay
D. dahil ang paniniwala ni Rodel ang larong sepak takraw ay nakalalakas ng
katawan

4. Ano-anong tuntunin ang sinusunod sa laro?

A. Sa larong sepak takraw,ito ay binubuo ng dalawang koponang magtutunggali.
Ang bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. Upang makagawa ng
puntos,kailangang mapabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang
puntos lang ang kailangan para manalo.
B. Sa larong sepak takraw,ito ay binubuo ng dalawang koponang magtutunggali.
Ang bawat koponan ay binubuo ng limang manlalaro. Upang makagawa ng
puntos, kailangang mapabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig. Labing
apat na puntos lang ang kailangan para manalo.
C. Sa larong sepak takraw,ito ay binubuo ng dtatlong koponang magtutunggali. Ang
bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. Upang makagawa ng puntos,
kailangang mapabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang puntos
lang ang kailangan para manalo.
D. Sa larong sepak takraw,ito ay binubuo ng dalawang koponang magtutunggali.
Ang bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. Upang makagawa ng
puntos,kailangang mapabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang
puntos lang ang kailangan para matalo.

5. Sa anong gawa ang bola ng sepak takraw?

A. gawa sa kawayan
B. plastic
C. yari sa yantok
D. gawa dahon ng niyog

Gawain 2

Panuto: Sumulat ng isang maikling natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa

iyong pamayanan na puwedeng tularan ng ibang mag-aaral sa pagiging huwaran niya.
Isulat ng konting detalye tungkol sa sarili niya at ilahad kung paano siya naging huwarang
tao sa pamayanan mo.
_________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
4

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Sa pagsusulat ng natatanging kuwento gawing kawili-wili ang mga unang

pangungusap sa inyong kwento.
 Sa pagsusulat ng natatanging kuwento linangin at paunlarin ang karakterisasyon at
sumulat ng makabuluhang usapan. Pumili ng angkop na tagpuan at konteksto.
Isaayos ang banghay o mga pangyayari sa kuwento. Lumikha ng tunggalian at
tensiyon. Linangin ang krisis o kasukdulan. Humanap ng kasulatan sa suliranin.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Basahin ang maikling tula at sumulat ng maikling kuwento tungkol sa natatanging
tao sa maikling tula.

Ina
Iisa ang ina,
sa balat ng lupa.
Siya ang sa atin,
ay nag-aalaga

Mahalin ang ina,

dakila sa lahat,
Ating kaibigang
Pinakamatapat.

____________________________________________________________________
________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Lydia P. Lalunio, et.al, Hiyas sa Pagbasa 4, Quezon City,

Sanggunian LG and M Corporation, 2010 pp. 29-33

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
5

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.
This LR is produce and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.
No malicious infringement is intended by the writer.
Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Inihanda ni:

Gng. AMORLIZA S. JALAO

Talabaan Elementary School

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
6

Pangalan ng Mag-
aaral

ASIGNATURA FILIPINO BAITANG 4

UNANG LINGGO 4 ARAW

KUWARTER
KUWARTER ______________________________

PETSA

PAKSA Pagsusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa

pamayanan, tugma o maikling tula.
KASANAYANG Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao
PAMPAGKATUTO pamayanan, tugma o maikling tula.

ARALIN NATIN
Paksa: Pagsulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa
pamayanan, tugma o maikling tula.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang masasabi mo sa huwarang manlalaro?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano-ano ang mga bagong kaalaman na iyong natutunan?

_________________________________________________________________________
What is Digestion?
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

SANAYIN NATIN!

Gawain 1
Panuto: Itiman ang bilog ng iyong napiling sagot.
1. A. B. C. D.
2. A. B. C. D.
3. A. B. C. D.
4. A. B. C. D.
5. A. B. C. D.

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
7
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang maikling natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa iyong
pamayanan na puwedeng tularan ng ibang mag-aaral sa pagiging huwaran niya. Isulat ng
konting detalye tungkol sa sarili niya at ilahad kung paano siya naging huwarang tao sa
pamayanan mo.
_____________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

SUBUKIN NATIN!
Sukatin ang iyong natutuhan!

Panuto: Basahin ang maikling tula at sumulat ng maikling kuwento tungkol sa natatanging
tao sa maikling tula.

____________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School
8

Sanayin natin:

A.
1. C
2. B
3. D
4. A
5. A

B.
Maaring magkakaiba ang mga sagot ng mag-aaral.

Subukin Natin!

PAALALA: Maaring magkakaiba ang mga sagot ng mag-aaral.

AMORLIZA S. JALAO
Talabaan Elementary School

You might also like