You are on page 1of 6

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO BAITANG 7

Bilang 3 Kuwarter 3
Pangalan:_________________________________________________________________
Baitang/Seksiyon: ______________________________Petsa: ___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Magandang buhay sa iyo! Isa na namang makabuluhang araw

ang iyong kahaharapin. Nakalaan para sa iyo ang sanayang
papel na ito upang mahubog o mahasa ang iyong kasanayan sa
pagsulat ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan. Basahing mabuti at unawain ang nilalaman nang
sa gayon ay mapagtagumpayan mo ang pagsagot sa mga
nakahandang gawain.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa araling ito, inaasahang naisusulat ang sariling tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang
pamantayan. F7PU-IIIa-c-13

III. PAGBALIK-ARALAN MO
Natapos na nating pag-aralan ang kahulugan ng tulang
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. Kung naaalala mo pa ang
talakayan, halina’t sagutin ang aking katanungan.

?
Ang tula/awiting panudyo ay kilala rin
Ano ang kahulugan ng sa tawag na “tugmang walang diwa.” Ang mga
tula/awiting panudyo? ito ay pawing laro lamang na nagpapahayag ng
katutubong kaugalian, tradisyon, gawain, at
kagandahang asal ng ating mga ninuno.

?
Ang tugmang de gulong ay maikling
tugmaang nakasulat sa pampublikong Ano naman ang
sasakyan. Kawili-wili at katawa-tawa ang
kahulugan ng tugmang
nilalaman nito. Nagpapakita ito ng karanasan
de gulong?
ng drayber at pasahero sa pang-araw-araw na
pamumuhay, malungkot man o masaya.

1
Ang palaisipan ay isang suliranin o bugtong

?
Ano naman ang na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
kahulugan ng Karaniwan itong isang lohikal na paraan para
palaisipan? mabuo ang isang solusyon. Kadalasang nililikha
ang ilang palaisipan bilang isang uri ng libangan,
ngunit maaari rin namang magmula ito sa isang
seryosong matematikal at lohistikal na
suliranin.

Matapos mong pag-aralan ang kahulugan ng mga ito, bibigyan kita ng

mga halimbawa nang sa gayon ay mas maging matagumpay ang iyong
pagkatuto.

IV. PAG-ARALAN MO

Narito ang dalawang halimbawa ng tulang panudyo.

Putak, putak Tutubi, tutubi

Batang duwag! Huwag kang magpapahuli
Matapang ka’t nasa pugad! Sa batang mapanghi.

Narito ang mga halimbawa ng tugmang de gulong.

Bayad muna, bago matulog. Hindi ito hotel.

Siguruhing sa eskuwela ang punta, sayang discount naming ibinigay.

Susuklian kita nang tama, di tulad ng pag-ibig mong di niya sinuklian.

Ang di-magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di-makararating sa paroroonan.

2
Ito naman ang halimbawa ng palaisipan.

Tanong: Anong meron sa Tanong: Sa maling

jeep, tricycle, at bus, pero kalabit, may buhay na
wala sa eroplano? kapalit.

Sagot: Side Mirror Sagot: Baril

Tanong: Dalawang Tanong: Ano ang tinapay

kuwebang naglalabas ng na hindi kinakain ang
tubig pagkaraan nama’y gitna?
agad binabalik
Sagot: Ilong(sipon ang Sagot: Donut na may
tinutukoy na tubig) butas sa gitna)

Hindi matatawaran ang sining sa anyo ng panitikan. Kilala sa malayang

paggamit ng wika gamit ang iba’t ibang anyo at estilo na naglalayong
maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat.

PAGSASANAY: LUMIKHA KA!

Panuto: Magsulat ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang pamantayan. Isulat sa sagutang papel.

Tula / Awiting Panudyo Tugmang de gulong

_________________________________ _______________________________

________________________ _______________________________
3
_________
Palaisipan
_______________________________
_______________________________ Pamantayan sa Pagmamarka
_______________________________
_______________________________ Napakahusay 20
_______________________________ Mahusay 15
_______________________________ Katamtaman 10
_______________________________ Kailangan pang paunlarin 5
_______________________________
_______________________________
_________
Binabati kita! Napagtagumpayan mong masagutan ang pagsasanay na
hinanda ko para sa iyo. Nawa’y mas lalo mo pang paghusayan sa mga
susunod na araw.

TANDAAN MO!
Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan bago pa man dumating ang
mga mananakop sa ating bansa. Ito ang nagsisilbing tanda ng ating
pagkakakilanlan na nagiging tagapag-ugnay sa atin sa kultura na
mayroon tayo sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa sapagkat lagi itong
kakikitaan ng pagpapahalaga sa saloobin, paniniwala at pag-uugali nating
mga Pilipino.

IV. PAGTATAYA: Kahalagahan ng Panitikan

Panuto: Sagutin ang katanungang ilalatag para sa iyo. Isulat sa
sagutang papel.
1. Ano ang importansya ng pag-aaral ng panitikang rehiyunal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga sa kasaysayan ang ganitong uri ng panitikan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Dapat bang tangkilikin at pagyamanin ang panitikang rehiyunal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Paano mo mahihikayat ang iyong kapuwa kamag-aral na magbasa ng
panitikan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4
5. Para sa iyo, ang panitikan ba ang nagbibigay-buhay sa isang bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay
Sundin ang rubriks

Pamantayan sa Pagmamarka

Napakahusay 20
Mahusay 15
Katamtaman 10
Kailangan pang paunlarin 5

Pagtataya
Guro ang magmamarka.

VI. SANGGUNIAN
Panitikang Rehiyonal, Unang Edisyon 2017, Bureau of Learning
Resources: Ground floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600
https://takdangaralin.ph/tugmang-de-gulong/

https://philnews.ph/2020/02/17/palaisipan-halimbawa-10-
mga-halimbawa-ng-palaisipan

Inihanda ni:

MARIVIC V. SAPINOSO, TI
Bula National High School

Tiniyak ang kalidad ni:

MELVERN O. AQUINO, TIII

Bula National High School

5
6

You might also like