You are on page 1of 16

1

Pangalan: _____________________________________________________Baitang at Pangkat:__________________

MARY LAND SCHOOL INC.


Guimaras Street, Baldostamon Subdivision

8
Koronadal City
9506 South Cotabato, Region XII
Tel. No. (083) 228 -2771

Modyul
sa
Pagkatuto

Filipino 8
Panitikan: Mga Popular na Babasahin
Wika at Gramatika :
Impormal na Antas ng Wika
Ikatlong Markahan
Modyul 1, Aralin 1
Angel G. Arcabal
Cellphone Number: 09975281659
Email: arcabalangel05@gmail.com

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro ng MLSI
upang masiguro na sa kabila ng hamon dahil sa pandemic , ang mga mag-aaral ay
matutulungan pa ring makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Sa tulong
ng magulang o tagabantay, ang mga guro at tagapamanihala ng MLSI ay umaasang
makakamit pa rin ang kaalaman para sa matagumpay na hinaharap.

PAALALA: Pag-aari ng paaralan, Hindi ipinagbibili.


2

I. Panimula
Ang modyul na ito ay inilaan para sa Filipino 8 (Pagpapahalaga sa
Kontemporaryong Panitikan) mag-aaral ng Mary Land School, Inc. taong
2020-2021.

Inaasahan na ang mga aralin sa kagamitang Panturo na ito ay siyang


tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kasadsaran ng
pandemya.

Layunin ng modyul na ito na itaguyod ang kakayahang pang-


akademiko ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghubog sa kanilang
kakayahan, talento, pagkamit ng mga panuntunan na naaayon sa baitang
at kurikulum, pagpapaunlad sa mga kasanayan na itinakda sa materyales
na ito, at hikayatin sila na maging malaya at aktibo sa mga gawaing
pampaaralan sa loob man o labas . Ang mga gawain na nakapaloob dito ay
siyang tutulong sa mga mag-aaral sa pagkamit ng makabuluhang
karanasan upang maging isang mag-aaral na mayroong kakayahang
makipagsabayan sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap.

Ang Aralin 1 na ito ay naglalaman ng mga teksto, aralin at mga


gawaing makakatulong upang matutunan kung paano magpakatao, mga
kasanayang makakatulong sa mas epektibong pag-unawa at pakikitungo sa
kapwa at ang pagiging malikhain at madiskarte sa gawain.

II. Kompetensi
Sa bahaging ito ay niyari ang mga pamantayan at kasanayan na
inaasahang matamo mo. Ito ay magsisilbing gabay para sa mga guro,
magulang at mga mag-aaral upang mapagtagumpayang matamo ang
resulta batay sa tagubilin (outcomes-based-instruction).

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan


ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(social media awareness campaign)
F8PB-IIIa-c-29
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: - paksa - layon - tono -
pananaw - paraan ng pagkakasulat - pagbuo ng salita - pagbuo ng talata - pagbuo ng
pangungusap
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
(balbal, kolokyal, banyaga)
Pagpapahalaga sa Pangkatauhan: Pagmamalasakit sa Kapuwa

Integrasyon sa iba pang Disiplina: Edukasyong Politikal, Pagpapahalagang Edukasyon

III. Nilalaman/ Panlinang na Gawain


A. Pagtataya (Pre-Test)
Layunin sa bahaging ito na sukatin ang “skema” o ang mga naunang
kaalaman mo hinggil sa tiyak na asignatura o topiko. Ang bilang ng
3

mga katanungang pinagbatayan ay inihanda para sa parehong


layunin.
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Ilagay ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.
______1. May nakausap na Mestizo na lalaki si tita. Ang salitang may
salungguhit ay halimbawa ng?
a.Balbal b. Banyaga c. Kolokyal d. Lalawiganin

______2. Hango ito sa mga salitang banyaga na tinutumbasan ng mga


salitang balbal.
a.Balbal b. Banyaga c. Kolokyal d. Lalawiganin
______3. Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling
kuwento.
a. Pahayagan c. Komiks
b. Magasin d. Kontemporaryong dagli
_______4. Siya ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks.
a. Jose Rizal c. Marcelo H. Del Pilar
b. Carlo J. Caparas d. Mars Ravelo

_______5. Ito ay isang uri ng popular na babasahin na naglalaman ng mga


larawan na may kwento.
a. Magasin c. pahayagan
b. Komiks d. Pocketbook

B. Pagganyak
Ipinapapakilala sa bahaging ito ang topiko o ang asignatura na ituturo
at kailangang matutuhan mo. Dito, ikaw ay inaasahang matuto ng mga
panibagong konsepto na naaayon sa nilalaman ng modyul at
kurikulum sa kabuuan.

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra na may kinalaman sa mga pwedeng
paglibangan ng mga tao para mabuo ang tamang salita. Magbigay ng salita
o parirala na may kinalaman ukol dito.
1. KIMOKS:________________-_________________________
2. HAPAAYNAG:____________-_________________________
3. GAAMNIS:_______________-_________________________
1. Paano nakakatulong ang mga ito sa lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2.Uunlad ba ang iyong pagkatao sa pagbabasa ng mga ito? Paano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4

Magaling ang iyong ginawa! Mukhang may ideya ka na sa paksang


ating pag-aaralan ngayon. Makakatulong sa iyo ang modyul na ito
upang mas higit pang lumawak ang iyong kaalaman pautungkol sa
paksang ating pag-aaralan. Handa ka na ba? Tara simulan na natin.

C. Presentasyon
Ipinakikilala sa bahaging ito ang topiko o ang asignatura na ituturo at
kailangan mong matutuhan. Dito, ikaw ay inaasahang matuto ng mga
panibagong konsepto na naaayon sa nilalaman ng modyul at
kurikulum, sa kabuuan.
Nakakakilig po kasi Ang wattpad ay isang
yong series na application kung saan
binabasa ko po rito sa Wattpad?
Mukhang Ano yan? marami kang mababasang
wattpad. mga kwento na may ibat-
kanina ka pa
nakatitig sa ibang tema. Yong kagaya
selpon mo. ng binabasa mo mama,
Ano ba ang yong sa mga pocketbook.
pinagkakaab
alahan mo?

Ah kaya pala kanina pa kita Kahit hanggang


napapansin na parang kinikilig. ngayon pa naman
po mama, ay may
mga babasahin pa
Wala pa kasing internet at iilan lang
rin naman po na
ang may kompyuter at selpon noon.
gaya ng mga
Ang madalas na libangan naming
nabanggit niyo. Yan
mga kabataan noon ay ang magbasa
pa rin po ang mga
ng mga nilimbag na babasahin gaya
libangan ng mga
ng Magasin, komiks mga pahayagan
iilan. Kaya nga lang
at kasama na rin ang pocketbook.
pwede na po itong
Ito yong mga popular na babasahin
ma access sa
noon.
internet

Ano-ano ang mga popular na libangan ang mga nabanggit? Nagbabasa ka rin ba
ng mga ito? Alam mo ba kung ano ang mga nilalaman ng mga ito? Sa modyul na
ito ay aalamin natin kung ano-ano ba ang mga ito at kung paano ito nakatulong
at makakatulong sap ag-unalad ng ating lipunan.

D. Pagtatalakay
Layunin sa bahaging ito na makapagbigay ng isang halimbawa ng
akdang-pampanitikan na siyang magpapalawak at magpapayabong
sa naunang kaalamang na iyong natamo. Kinapalolooban din ito ng
mga iba’t ibang uri ng gawain upang mas lalong mapagtibay ang iyong
natutuhan o nalalaman sa tiyak na aralin o topiko.
5

 Tandaan na ang gawaing ito ay bibigyan ng puntos ngunit hindi


bahagi sa pagbibigay ng grado.

POPULAR NA MGA BABASAHIN


6

Spot.ph ABS-CBN NEWS Twitter


Speed Magazine Facebook
7

Ang pagbasa ay ang siyang libangan ng mga Pilipino hanggang


ngayon. Makatutulong ito para lalo pang matuto ang mga kabataan sa
pagbabasa.
1. POCKETBOOKS
Ayon sa mga nakapanayam ng manananaliksik, nakakaakit raw itong
basahin sapagkat ito ay naglalaman ng romansa na nakakakilig. Maganda
daw itong pampalipas ng oras.

Madami dapat ipagpasalamat sa


pag- inog ng mga akda (print man o
internet), sapagkat madami na ulit
ang nagbabasa at naturuang
magbasa at may bumibili ng mga
sinusulat ng mga papa-usbong na
batang manunulat. Ang mga ilan
Wattpad Wattpad rito ay isinalin na sa mga pelikula.
Modernong Pocketbook
8

2.PAHAYAGAN (TABLOID,
PERYODIKO, DYARYO) Isa na ang
pahayagan bilang isang uri ng print
media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating
kultura.Ayon kay William Rodriguez,
“Sinasabing ang tabloid ay pang-
masa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama’t ilan dito ay Ingles ang Philippine News Agency
midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang
industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo. Ang
katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa bangketa.
Pangkalahatan ang nilalaman ng isang pahayagan at kadalasang mga
pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag. Maaring ito ay mga
panyayari sa politika, balita sa ibang bansa, kalakalan, kultura, palakasan,
at mga opinyon. Ang mga peryodiko ay kadalasang gumagamit ng mga
larawan upang ipakita ang mga kuwento.
Sanggunian: Punla 8 pahina 184

3. KOMIKS
Ang komiks ay isang
grapikong midyum kung saan
ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento.
Maaring maglaman ng isang
diyalogo sapagkat binubuo ito
ng isa o higit pang mga
larawan, na maaring
maglarawan o maghambing ng
Speed Magazine pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto nang higit na may
lalim. Bagaman palagiang
paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa
ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang
popular na pabula ng Asya.
Humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal
ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel.
9

Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng


komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong
industriya.
CARLO J. CAPARAS - taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin
ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa
nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

4. MAGASIN
Hindi nawawala ang Liwayway kung paguusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na
mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng mga
Pilipino
Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin
na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at
nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na
ang mga nobela.
MGA NANGUNGUNANG MAGASIN SA BANSA
a. FHM(FOR HIM MAGAZINE)- Tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at
puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapagusapan
ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag- ibig at iba pa.
b. COSMOPOLITAN- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
c. GOOD HOUSEKEEPING- magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay
d. YES!- Ang magasin ay tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng nakaw- atensyon na larawan at malalaman na
detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa
e. METRO- Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga
isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
f. CANDY- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas nakauunawa
sa sitwasyon ng mga mambabasa.
g. MEN’S HEALTH- Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa
isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pagehersisyo, pagbabawas ng
timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman
nito kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
10

h. T3- Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may
mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
i. ENTERPRENEUR- Magasin para sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng Negosyo.
5. KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong
pampanitikan na maituturing na
maikling maikling kuwento.
Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas,
sinasabing lumaganap ito sa unang
dekada ng pananakop ng mga
Amerikano. Wala ring nakakatiyak
Wordpress.com
sa angkop na haba para masabing Wattpad

dagli ang isang akdang


pampanitikan. Subalit sinasabing
kinakailangang hindi ito aabot sa haba
ng isang maikling kuwento

Ang kaparehong aralin ay matatagpuan sa iyong batayang aklat sa Filipino


( Punla 8) sa pahina 180-187

Masayang Pag-aaral sa iyo!. Lubos akong nasiyahan dahil


nadagdagan na naman ang iyong kaalaman. Ngunit, hindi pa
rito nagtatapos ang ating Aralin. Alam mo ba na sa pagsulat ng
mga ganitong babasahin ay gumagamit ang mga dalubhasa rito
ng mga salita para pukawin ang interes ng mga mambabasa at
ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng Antas ng wika isa na
rito ang Impormal na Komunikasyon.

Impormal na
Komunikasyon? Paano
kaya nito matutulungan
Ang paggamit ng Impormal na
na maging werpa ang
Komunikasyon ay nakakatulong
mga babasahin?
para madaling maintindihan ng
mambabasa ang kanilang binabasa.
Ang paggamit ng ganitong
kaantasan ng salita ay ibinabatay
sa kalagayan ng tao, sa hinihingi
ng panahon at lugar sa mga
pagtitipong dinadaluhan.
11

Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan. Ito ang


ginagamit natin sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ayon
kay Tumangan (1986), “ang wika ay mahalagang bahagi ng lipunan sa
dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipagtalastasan.”
Impormal na Salita- mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-
araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan 

Mga Salitang Gamit sa Komunikasyong Impormal


1. BALBAL- May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika. Singaw ng panahon
sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita. Ito ang
nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika. Itinuturing din
itong pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit sa lansangan.

Halimbawa:
Brokeback (lalaki sa lalaking relasyon) Angatch ( tanga/laging sablay )
Gorabels (tara) Parak (pulis)
SML (Share mo Lang) Juding (bakla)
Charlangs(biro lang) aw na dutch (walang pera)

2. KOLOKYAL - Ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal


na mga salita. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga
salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado
batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang
kinakausap.
Halimbawa:

Pormal Impormal
piyesta pista
saan san
naroon naron
iyon Yun
Ay, hintay! - antay!
Mayroon - meron

3. BANYAGA- hango ito sa mga salitang banyaga na tinutumbasan ng mga


salitang balbal.
Halimbawa:

a. Orig (Ingles-Original)
b. Tsimay/Tsimoy (kastila-muchacho/muchacha
12

c. Sikyu (Ingles-Security Guard)


d. Manyakis (Ingles-maniac)

4. LALAWIGANIN- Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng


mga katutubo sa lalawigan gaya ng Cebuano, Bicolano, Batangueno
at iba pa na may tatak –lalawiganin sa kanilang pagsasalita. isang
palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent .

E. Pagsasanay
Sa bahaging ito ay mayroong binuong ilang mga katanungan na
sasagutan mo na siyang susubok sa mga panibagong kaalaman na
iyong nakalap hinggil sa iyong pagbabasa. Ang mga bilang na ito ay
kinuha sa pagtatalakay, dinesenyo para sa kasanayan mo sa aralin,
pagtataya sa pagganap at para sa layuning pagkatuto.

A. Panuto : Basahin at Unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng


tamang sagot. Ilagay ang iyong sagot sa mga patlang na
nakalaan.
______1. to ay isang uri ng popular na babasahin na naglalaman ng mga
larawan na may kwento.
c. Magasin c. pahayagan
d. Komiks d. Pocketbook
______2. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela.
a. Liwayway c. Good Housekeeping
b. Yes! d. Cosmopolitan
______3. Pabalat nito'y may larawan pang sikat na artista. Nilalamay mga
artikulong tumatalakay sa iba't-ibang paksa.
a. Broadsheet c. Kontemporaryong Dagli
b. Tabloid d. Magasin
______4. Siya ang nagtangka na buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na
komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang
komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
a. William Rodriguez c. Mars Ravelo
b. Jose Rizal d. Carlo J. Caparas
______5. Kailan sinasabing lumaganap ang kontemporaryong dagli sa
Pilipinas?
a. Unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano
b. Unang dekada ng pananakop ng mga Kastila
c. Unang dekada ng pagtatag ng Komonwelt
d. Dekada 70 ng maideklara ang Martial Law sa Pilipinas
13

B. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat pahayag.


Ilagay ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan.

A. Balbal C. Banyaga

B. Kolokyal D. Lalawiganin

______1. Salitang ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan.


______2. Tinatawag sa Ingles na slang.
______3. Salitang kanto o salitang kalye.
______4. Mga salitang mula sa ibang wika.
______5. ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na
pinaggagamitan nito.

F. Aplikasyon
Sa bahaging ito ay mayroong binuong ilang mga katanungan na
sasagutan mo na siyang susubok sa mga panibagong kaalaman na
iyong nakalap hinggil sa iyong pagbabasa. Ang mga bilang na ito ay
kinuha sa pagtatalakay, dinesenyo para sa kasanayan mo sa aralin,
pagtataya sa pagganap at para sa layuning pagkatuto.
Panuto: Gumawa ng isang maikling kwento na may kinalaman sa mga
isyung kinakaharap ng ating bansa. Maaaring gumamit ng mga
impormal na salita sa pagbuo nito.Layon nito na mapukaw ang
iyong kamalayan sa lipunang iyong kinabibilangan.gawin ito sa
isang short bondpaper (Printed, Bookman 12)
Kraytirya Napakahusa Mahusay Di gaanong Maaari pang
y (4) mahusay paghusayan
(5) (3) (2)
Nilalaman
Tamang
pagbabaybay
ng mga salita
at tamang
gamit ng mga
bantas
Organisasyon
ng mga Ideya
Kariktan

IV. Ebalwasyon
Layunin ng bahaging ito na sukatin ang iyong kakayahan na gamitin
ang iyong natutuhan. Dito, ay maipapakita mo ang matagumpay na
14

pagtamo sa pamantayan sa pagganap, at gagamitin ang mga


natutuhang kaalaman sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito.

A. Panuto: Ibigay ang iyong damdamin o saloobin patungkol sa paksang


iyong tinalakay.

1. Dapat pa rin bang tangkilikin ang mga babasahing popular kaysa sa


mga nauusong babasahin sa internet ngayon? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano-anong pagkatuto ang natatamo sa pagbabasa ng mga pahayagan
sa komiks? Sa magasin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Gamit ang graphic organizer ilista ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang babasahin.

__________________

__________________ BABASAHIN __________________

__________________

Rubrik:
5- may punto at wasto ang barirala.
4- may punto ngunit may kaunting mali sa paggamit ng barirala
3- may punto ngunit maraming mali sa paggamit ng mga barirala
2- walang punto at maraming mali sa paggamit ng barirala

B. Panuto: Salungguhitan ang mga impormal na salita sa bawat pahayag


at tukuyin kung anong uri ito. (Balbal, Kolokyal, banyaga, lalawiganin)
Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.

___________1. May nakausap na Mestizo na lalaki si tita, siya ata ang bago
nating kapitbahay"
___________2. "Tanungin mo nga si Ella kung kelan tayo pupunta sa Mall"
___________3.  "Hoy, Totoy kanina ka pa hinihintay ni Mudra"
15

___________4. "Maligo ka na nga, mabansiw ka na"


___________5. "Tinatawag ka ni Inay, Dalian mo na at umuwi ka na sa balay.

V. Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, mabibigyan ka ng oportunidad para mas malinang pa
ang iyong kaalamang natutuhan . Ito ay maari ding gawaing panimula
para sa susunod na aralin o modyul na tatalakayin.

Panuto: Magbigay ng limang halimbawa sa bawat uri ng impormal na salita.


Balbal Banyaga Kolokyal Lalawiganin
1.
2.
3.
4.
5.

Susi sa Pagwawasto
Ang sagot o mga sagot sa mga pagsasanay ay ibibigay ng guro na
hudyat na natapos mo nang pag-aralan ang aralin na ito. Maaaring
tawagan o i-email ang guro sa impormasyong ibinigay sa unang pahina ng
modyul na ito.

Maari ka nang magpatuloy sa susunod mong aralin / modyul

Mga pinagbatayan:

https://www.slideshare.net/AppleYvetteReyesII/grade-8-mga-popular-na-
babasahin

Aklat
1.Guimarie, Aida M. Kalinangan Batayan at San ayang Aklat sa Wika at
Panitikan.Quezon City:Rex Printing Company

Susi sa pagwawasto sa Filipino 8 Modyul 1 Aralin 1


16

Pagganyak
Pagtataya
1. Komiks
1. b
2. Pahayagan
2. b
3. d 3. Magasin
4. a Ang sagot ay nakadepende sa
5. b iyong interpretasyon

Pagsasanay Aplikasyon
A. B. Ang sagot ay
nakadepende sa iyong
1. d 1. b
interpretasyon
2. a 2. a
3. d 3. a
4. d 4. c Karagdagang Gawain
5. a 5. d Ang sagot ay nakadepende sa
iyong interpretasyon

Ebalwasyon
1. Mestizo- banyaga
2. Kelan- kolokyal
3. Mudra- balbal
4. Mabansiw- lalawiganin
5. Balay- lalawiganin

You might also like