You are on page 1of 2

A.

Panuto: Sumulat ng isang maikling komposisyon na ginagamit ang mga

pangatnig na naglilipat diwa at naghuhudyat ng transisyon ng kahulugan,
ideya o paksa. Gamitin ang mga sumusunod na paksa. Pumili lamang ng isa.
Ilagay ang iyong komposisyon sa mga patlang na nakalaan. Gawing gabay ang
ibinigay na komposisyon sa ibaba na pinamagatang “Isang Hamon sa Paglilinis
ng Boracay”
a. Hinangaang lugar dahil sa kalinisan at ganda ng
kapaligiran
b. Maipagmamalaking lugar sa Pilipinas
c. Huwarang Barangay/Komunidad

______________________________________________________________________________

_________________________________

“Isang Hamon sa Paglilinis ng Boracay”

( halimbawa ng komposisyon)

Nagulantang ang mga Pilipino sa isang pahayag ng ating Pangulong

Duterte na napakarumi na pala ng Boracay.
Una sa lahat, ang Boracay ay paboritong pasyalan ng mga turista lalo na
sa panahon ng tag-init subalit sa nagging pahayag ng atin pangulo, maaaring
mabawasan ang pagdayo ng mga turista sa nasabing pook. Sa ganitong
sitwasyon, maaapektuhan ang hanapbuhay ng mga tao sa isalang ito.
Ikalawa, Nakita rin ng pangulo ang mga pagkukulang ng mga local na
opisyal sa Boracay dahil pinahihintulutan nila ang pagtatayo ng mga Negosyo
at establisyemento nang hindi sinisisayasat kung saan itinatapon ang dumi ng
mga tao. Sumusod na pahayag ng Pangulo na ipapasara niya ang turismo sa
Boracay kapag hindi nagawan ng paraan na malinis ang islang ito. Ayon sa
Pangulo, isang “cesspoll” na nag lugar na ang ibig sabihin ay ay nagging
imbakan na nag dumi ng mga tao ang isla. Bunga nito, kahiya-hiya na raw
tayo na ang islang Boracay ay marumi at hindi kaay-aya sa mga turista.
Pagkaraan ng maraming taon, ngayon pa lamang Nakita ang problemang
pangkalinisan ng kapaligiran sa Boracay kaya nabulabog ang mga negoasyante
at mga mamamayan sa nagging pahayag ng Pangulo dahil maraming tao ang
mawawalan ng hanapbuhay kung sakaling ipasara ang turismo sa isla.
Ikatlo, isang malaking hamon sa kakayahan ni Environment Secretary
Roy Cimatu ang paglilinis ng Boracay sa loob ng anim na buwan na ibinigay na
taning ng PAngulong Duterte. Bago mahuli ang lahat, kailangang magkaisa at
magtulungan ang mga local na opisyal, mga negosyante at mga mamamayan
sa paglilinis ng kanilang isla kung ayaw nilang maapektuhan ang ekonomiya
ng kanilang pook.
Pinakahuli, panahon na upan kumilos ang lahat upang maibalik ang ganda ta
kalikasan ng isla nang hindi nawawala ang industriya ng turismo sa lugar.
Sanggunian: Kalinangan 8 p.93

You might also like