A. Mga Dahilan ng Suliraning Teritoryal at hangganan
Isa sa apat na elemento ng estado ay ang teritoryo.
Hindi magiging isang estado kung wala ang teritoryo. Hindi lamang ang kalupaan na nasa hurisdiksyon ng estado ang kabilang sa teritoryo. Kasama rito ang mga katubigan at karagatan, ang kalawakan at ang kailaliman ng lupa. Walang partikular na laki ang sukatan ng teritoryo. Maituturing na katamtaman ang laki ng Pilipinas na may kabuuang sukat na 116, 600 milya kwadrado. Ang tinatawag na teritoryo ay isa sa apat na elemento ng isang estado. Ang nalalabing tatlo ay ang (1) mamamayan, (2) pamahalaan at (3)soberanya o kapangyarihan ng gobyerno. Ang teritoryo ay tumutukoy sa bahagi ng lupa. tubig at kalawakan na saklaw o inuukopa ng isang estado.
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga sukat, pangalan,
pangkat at hangganan ng isang teritoryo ay nagkakaroon pa rin ng di pagkakaunawaan ang mga taong nakapaligid at naglalagi sa lugar na ito. Paano nangyari at nag -ugat ang mga usapiing ito? Mahalaga ang teritoryo dahil ito ang tirahan ng mga mamamayan nito. Ang Pambansang Teritoryo ang nagtatakda ng pinagkukunang yaman na matatagpuan sa kaniyang nasasakupan at ang magiging antas na kaunlarang ekonomiko at panlipunang pag-unlad ng mamamayan ng estado. Kung saan maaring magkaroon ng bisa ng soberanya sa mga batas nito.
Pinaghihiwalay ang pambansang teritoryo ng mga hangganan.
Maaaring pagmulan ng digmaan ang agawan sa teritoryo ng mga bansa na karaniwang umuusbong sa mga hangganan. Dahil sa napakahalagang papel ng teritoryo sa kabuhayan at kaunlaran ng isang bansa. Ayon sa mga iskolar, ilan pa sa dahilan kung bakit nag aagawan ang mga estado sa mga teritoryo ay nauuri sa dalawa - materyal at simboliko. Kabilang sa materyal na dahilan ang populasyon, likas na yaman at strategic value ng teritoryo. Ang simbolikong dahilan naman ay may kaugnayan sa kultura at kasaysayan.
Ang mga suliranin tungkol sa mga hangganan ng teritoryo ay kadalasang
nagiging sanhi ng mga labanan at digmaan, lalu na kung ipipilit ng mga bansang sakupin ang pinag aagawang teritoryo sa pamamagitan ng pwersang militar. Ayon sa Pangdaigdigang Batas (International Law) ang pag angkin ng isang teritoryo gamit ang pwersa o anumang marahas na paraan ay ipinagbabawal. B. Kahalagahan ng Teritoryal at Pandaigdigang Hangganan
Makahulugan ang isyu ng mga teritoryo sa
pandaigdigang teritoryo at hangganan sa pandaigdigang komunidad sa dalawang dahilan. Una, ito ay may kaugnayan sa karapatan ng bawat estado o bansa. Pangalawa ito ay mahalaga para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng karapatan ng bawat estado ay kinikilala ng buong mundo. Ito ay ayon sa Artikulo 1 ng Montevideo Convention on the Rights and Duty of States noong 1933. Ang bansang kinilalang Estado ay itinuturing na "person of International Law" kung matutupad ang sumusunod na kuwalipikasyon: 1. Permanenteng Populasyon 2. Malinaw na teritoryo (identified teritory) 3. Pamahalaan 4. Kakayahang makipag ugnayan sa iba pang estado
Kung pakaiisipin ito, ang mga pagtutunggalian tungkol sa teritoryo at
hangganan ng isang bansa ay nagbabanta sa sovereignty nito at sa kanilang mga karapatan bilang person of International Law. Bukod pa ito sa ilang suliraning sa teritoryong inihaharap sa International Law. C. Mga lugar sa Mundo na Ugat ng Matinding Tensyon Ang UNCLOS ay pumalit sa lumang Prinsipyong Freedom Of The Seas Concept na nagsimulang umiral noon pang ika-17 siglo. Ang lumang konsepto ay nagsasaad na ang teritoryong pantubig ay limitado sa tatlong nautical miles mula sa dalampasigan o coastline batay sa Canon shot rule na umiral noon ayon sa Dutch jurist na si Cornelius van Bynkershoek. Lahat ng bahaging tubig na lalampas dito ay itinuturing na international waters kung saan malaya ang mga bansa na maglayag, mangisda at magsaliksik batay sa tratado (treaties) na Dutch Jurist na si Hugo Grotius na tinatawag na mare liberum principle (sea open to all).
E. Ang Pilipinas at Mga Kalapit – Bansa sa South China Sea
Ang dispute tungkol sa West Philippine
Sea (South China Sea) ay masalimuot sapagkat kasangkot sa usaping ito ang paghahabol ng iba’t ibang bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Pilipinas. Narito ang ilang mga pook na pinag aagawan:
Ang nine-dash line area na inaangkin ng
China na sumasaklaw sa halos buong West Philippine Sea ay naka overlap sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Singapore, Taiwan at Vietnam. Arkipelago sa South China Sea, kabilang ang Parcel Islands, Pratas Islands, Scarborough Shoal at ang Spratly Islands. • Mula 2009 hanggang 2011, naging mainit ang mga pangyayari sa pagiging agrisibo ng China sa paggiit ng kaniyang kapangyarihan sa West Philippine Sea o dating tinawag na South China Sea. • Noong 2009 iniharap ng China ang tinatawag na nine-dash- line upang magsilbing batayan sa pag angkin nito sa halos 80% - 90% ng kabuuang teritoryo sa South China Sea. Tumatakbo ito ng halos 2000 kilometro patimog at pasilangan mula sa kalupaan ng China mula sa lalawigan ng Hainan at babagtas ng halos ilang daang kilometro lamang mula sa mga hangganan ng Pilipinas, Malaysia at Vietnam. • Nagbuhat ito sa isang mapa noong 1947 na may titulong Map of South China Sea Islands na inilathala ng pamahalaang China at sinunod ng kanilang partidong komunista noong 1949. • Malaki ang naging implikasyon nito sapagkat nakapaloob dito ang mga kapuluang pinag-uugatan ng tensyon sa kasalukuyan tulad ng Spratly Island, Paracels Island at mga bahura (coralreef) kasama ang Scarborough Shoal.
• Tinatawag ng Pilipinas na Panatag Shoal o Bajo de
Masinloc ang Scarborough Shoal. Tinatawag naman itong Huangyan Dao-ng China. Ang pinakamalapit na kalupaan sa Panatag Shoal ay ang Palauig, Zambales. • Maraming tensyong naganap sa pagitan ng China at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya. Noong 1974, mahigit sa 70 na Vietnamese ang namatay sa ginawang pagkuha ng China sa Paracels Island. Noong 1988, 60 na Vietnamese ang namatay sa labanang naganap sa Spratly.
• Noong 2012, nagsimula ang tensyon sa pagitan ng
Pilipinas at China nang sitahin ng Philippine Navy ang walong sasakyang pandagat ng China na nangingisda sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. • Sinasabi ng mga eksperto na ang West Philippine Sea ay mayaman sa langis at mga natural gas deposit. • Ayon sa Ministry of Geological Resources and Mining of the People’s Republic of China may 17.7 bilyong toneladang deposito ng crude oil sa South China Sea, tinataya ng US Geological Survey na may 28 bilyong bariles ng deposito ng crude oil dito kaya’t hindi nakapagtataka na pag agawan ang nasabing lugar. Noong Enero 2013, dinala ng Pilipinas ang isyu sa International Arbitral Tribunal na binuo sa ilalim ng United Nation on the Law of The Sea (UNCLOS). Tumanggi ang China na lumahok sa pagdinig sa nasabing kaso. Hulyo 12, 2016 pumanig ang tribunal sa Pilipinas sapagkat walang matibay na ebidensya ang China ng pagmamay - ari sa Scarborough Shoal. Subalit hindi pa rin tinatanggap ng China ang desisyon ng tribunal at patuloy silang nagtatayo ng kanilang mga istruktura sa mga isla ng South China Sea. Upang magkaroon ng ganap na kaalaman sa territorial dispute ng kapuluan ay mahalaganag magkaroon na kabatiran sa UNCLOS III (United Nation on the Sea Treaty III) na ginanap noong 1973 sa New York. Nilinaw ang mga sumusunod: 1. Internal water - sakop ng kapuluan kasama ang kipot, look at lawa. Maaaring magtakda ng batas ng paggamit ng mga resources nito ang nakakasakop na bansa. 2. Territorial waters - hanggang 12 nautical miles o 22 kilometriko mula sa baseline. Ang coastal state ay maaaring magtakda ng batas at regulasyon sa paggamit ng mga resources nito. Ang sasakyang dagat (barko, barge, yate, fishing vessel at iba pa) ay binibigyan ng right innocent passage sa mga international waters. Ang innocent passage ay ang paglalakbay sa dagat sa mabilis at tuluy tuloy na paraan ng expedition na hindi na gagambala ng banta sa seguridad sa isang bansa. Ang mga sasakyang dagat na maglalakbay ay dapat magpakita ng kanilang watawat na pagkakakilanlan. • 3. Contiguous zone - 12 nautical miles at mula sa territorial sea baseline, ang mga nation state ay maaaring magpatupad ng batas sa customs, taxation, immigration at polusyon na saklaw ng contiguous zone.
• 4. Exclusive Economic Zone (EZZ) - 200 nautical miles (370
kilometros) mula sa baseline. Sa pook na ito ay may sole exploitation right ang coastal nation sa lahat ng yamang dagat.
• 5. Continental shelf - ekstensyon ng teritoryong panlupa o
200 nautical miles mula sa baseline ng coastal state. Maaaring humangga ito sa sukat na 350 nautical miles (650km; 400 milya) mula sa baseline; o kaya ay hindi hihigit sa nasa 100 nautical sa 250 meter isobath na may lalim na 2500 metro. Dito ay may karapatan ang isang bansa na kumuha ng mga mineral resources at non living materials.