You are on page 1of 3

Ang Kalayaan Island Group (KIG) ay pangkat ng mahigit 50 iba't ibang anyong-lupang napaliligiran ng

tubig na pagmamay-ari ng Pilipinas na bahagi ng Spratly Islands.

Sa 50 lugar na ito, inookupahan ng Pilipinas ang siyam na pulo at reefs sa KIG: Ayungin Shoal, Kota
Island, Lawak Island, Likas Island, Pag-asa Island, Panata Island, Parola Island, Patag Island, at Rizal Reef.

Ang barangay ng Pag-asa ang pinakamalaki sa mga pulong inookupahan ng Pilipinas. Sa kabuoan,
tinatayang umaabot sa 79 na ektarya ang pinagsama-samang sukat ng mga lugar na inookupahan ng
Pilipinas sa KIG.

Bahagi ang KIG ng Spratly Islands na isa sa dalawang pangkat ng mga pulo (ang isa pa ay Paracel Islands).
Hinango ang pangalang Spratly sa British whaling captain na si Richard Spratly na sinasabing unang
nakita sa Spratly Islands noong 1843.

Nasa pagitan ng 100 hanggang 230 ang kabuoang bilang ng mga pulo, islets, banks, reefs, at rocks na
sinasabing kabilang sa Spratly Islands.

Hindi maaaring maging sakahan ang Spratly Islands dahil wala itong kakayahang sumuporta ng mga
pananim nang permanente.

Wala rin itong anumang pastulan, kaparangan at kagubatan kung kaya,kamakailan lamang nagkaroon ng
okupasyon dito ang iba't ibang bansang umaangkin sa mga pulong

kanilang inookupahan.Karaniwnang mga puwersang militar ang namamalagi rito mula sa mga bansang
China, Pilipinas, Vietnam, Tawian at Malaysia.

Maliban sa Brunei, lahat ng mga bansang umaangkin sa buo o bahagi ng Spratly Islands ay nagtatag ng
"military garrison" sa kanilang inookupahang lugar para mapangalagaan ang kanilang interes sa rehiyon.
Ang Pilipinas ang umookupa sa pitong pulo(Thitu Island, West York Island, Northeast Cay, Namyit Island,
Amboyna Cay, 16 reefs, at 6 banks), ang Vietnam sa isa(Taiping Island o Itu Aba Island at 1 reef). Ang Itu
Aba Island ang pinakamalaki sa mga pulo ng Spratly Islands.

Tatlo sa mga bansang umaangkin sa buo o bahagi ng Spratly Islands( Vietnam,Taiwan at Mainland China)
ang may katwirang nakabatay sa "historical facts/historical right"

samantalang ang tatlong iba pa( Pilipinas, Malaysia, at Brunei) ay nakabatay naman sa pandaigdigang
kasunduan o kumbensyon partikular na itinadhana ng UNCLOS.

Nakaugatg ang alitan sa Spratly Islands ng mga bansang umaangkin sa "sovereignty claims" sa iba't ibang
bahagi ng rehiyon lalo na sa mga lugar na may pinaniniwalaang may malaking reserba ng petrolyo.

Subalit sa anim na bansang umaangkin,tanging ang China ang may pag-angkin sa buong Spratly Islands
dahil sa tinatawag nitong nine-dash line at paniniwalang may exclusive economic zone ang inaangkin
nitong teritoryo.

Nagbunga tuloy ito ng pagsakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas, Malaysia, Taiwan, Vietnam at
Brunei.
Sa kasalukuyan, kinatatampukan ang Spratly Islands dispute ng diplomatic stalemate at paggamit ng
military pressure techniques sa pagsulong ng natinal territorial claims ng mga kasangkot na bansa.

Ayon sa Center for Strategic and International Studies, ang halos lahat ng bansang may pag-angkin sa
rehiyon ay nagtatag ng "artificially constructed o expanded islands" sa karagatan upang mapalawak ang
kanilang pag-aaring teritoryo.

Sa kasalukuyan,ang mga bansang China, Malaysia, Taiwan at Pilipinas at may nakatayong airstrips sa
Spratly Islands para sa pagbaba ng fighter jets sa karagatan.

Pinaniniwalaang nasa ilalim ng karagatan at kalupaan nito ang deposito ng langis, natural gas at iba pang
mineral dahil bahagi ang spratly islands sa south china sea na itinuturing na isa sa pinakamalaking
continental shelves sa daigdig.

Itinuturi ang South China Sea at Spratly islands bilang pinakamasaganang rehiyon sa buong daigdig dahil
sa pangisdaan, shipping lanes at pangunahing maritimr trading routes patungo sa Hipagang-Silangang
Asya. Maraming mga barko na nadaan sa kapaligiran nito gaya ng pangangalakal ng Japan at Middle East
kada taon. At kung maikukumapara sa iba, tatlong beses na mas marami ang dumaraang oil tanker dito
kaysa sa Suez Canal at limang beses naman na mas marami kaysa sa Panama Canal.

simula ng 1990 lumaki ang pangangailangan ng china ng langis kayat naging hangarin nilang makontrol
ang South China Sea at Spratly Islands. Sa puwersang militar niro naagaw nila ang Mischief reef (1995) at
Scarborough shoal (2012). Subalit nauna nang agawin ng china ang Fiery cross reef (1988) pagkatapos ng
digmaan. Ang fiery cross reef o kagitingan reef ay bahagi ng Spratly Islands.

Sa kasalukuyan nakatungo naman sakupin ng china ang Ayungin shoal at Recto bank na nasa kontrol at
EEZ ng Pilipinas. Ang Recto bank ay kinikitaan na ng mayamang reserbang langis at natural gas.

Ayon sa United states simula noong 2014 umabot na sa mahigit 3000 acres ang nailagay na artificial
islands ng china sa spratly islands bunga sa mga ginagawa nitong reclamation activities.

Ang mga ibang bansa na umaangkin sa spratly islands tulad ng vietnam, malaysia, taiwan at pilipinas
kung ipag sama man ang naigawang reclamation nito tungo sa spratly islands ay hindi pa lalagpas sa 100
acres sa nakalipas na 45 na taon.

Ang pinakamalawak sa mga artificial island o reclaimed areas na itinayo ng China sa South China Sea ay
ang nasa Mischief Reef. Noong 2016 ay nakapagtatag ng isang base-militar ang China sa Mischief Reef.

Noong Hulyo 13, 2016 isang civilian test flight ang isinagawa ng China Southern Airlines sa Mischief Reef
sa kabila ng protesta ng Pilipinas. Noong Setyembre 2016, ang China ay nagtatayo na ng pangatlong
runway sa lugar. Sa loob din ng 2016, nagpakita ang satellite images ng Chinese-installed surface-to-air
missiles, anti-aircraft weapons, at high frequency radar systems sa mga artificial islands. Ang Mischief
Reef ay nasa luob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at napakalapit sa baybayin ng Palawan.
Sa kabila ng pagbatikos ng daigdig, patuloy pa rin ang mga aktibidad ng China sa mga naturing artificial
islands at higit pang pinagtibay ang militarisasyon dito. Ayon sa mga eksperto, ang Spratly's Island at ang
buong South China Sea ang isa sa mga tinuturing na "potential hotspots o flashpoint" na rehiyon sa
daigdig kung saan maaring sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga nag-aalitang estado at kani-kanilang
mga alyadong bansa anumang oras.

Mahalagang mapangalagaan ang interes ng bansa sa KIG sapagkat Malaki ang epekto nito bilang isyung
teritoryal sa ekonomiya, seguridad, politika, at lipunan ng bansa. Mahalaga ito sa pambansang seguridad
bunga ng lokasyon, kasaysayan ng paglusob ng mga dayuhan, at watak-watak na heograpiya, kung saan
higit nitong ginawang bulnerable sa panghihimasok mula sa karagatan ng buong bansa. Dahil sa “coral-
rich” na katubigan sa KIG nagsilbi itong tirahan ng maraming uri ng isda at mga organism, kaya
matuturing napakahalaga ng KIG sa seguridad sa pagkain.

Sa larangang pang-ekonomiya, malaking tulong ang KIG sapagkat pinaniniwalaang mayroong malaking
deposito ng petrolyo, natural gas, at iba pang mga mineral. Dagdag pa rito, ang katubigan ng KIG ay
itinuturing na “vital sealanes of communication” dahil nagsisilbi itong ruta sa kalakalan at iba pang
aktibidad ng napakaraming bansa.

You might also like