Professional Documents
Culture Documents
Pilipinas
Ferdinand Magellan
Nagsimula ang Kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa
Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang
unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand
Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong ika-16 Marso
1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon
ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang
itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa
pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang
panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon
ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada
1970 laban sa mapang-aping diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos na
nagpahayag ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo
ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin
siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawakang
katiwalian at pang-aabuso sa mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA
noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawaii lulan ng isang
helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili
hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit
nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa
pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.
Kronolohiya
Unang Kasaysayan
Si Ferdinand Magellan.
Dito sinubukan niyang pumunta kay Haring Carlos I. at magtanong dito. Pumayag si
Carlos I. at pumirma noong Setyembre 1519. Dumaong sina Magellan kasama ang
limang barko (Santiago, Victoria, San Antonio, Trinidad, at Concepcion) at 300 katao
(kabilang dito si Antonio Pigafetta bilang tagapagtala).
Kolonya ng Espanya
Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit
ng Mexico ang kalayaan.[6]
Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga
Muslim sa Mindanao at mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng
Kordilyera) at ang mga Mangyan ng Mindoro.[5]
Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang
maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa
pakikipag-laban sa mga Muslim.[5] Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling
sa kalakalang galyon.[5]
Kasabay nito, dumating ang mga sundalong German at idineklarang kung hindi
kukunin ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng
Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang lungsod mula sa mga Espanyol sa
Labanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-usapan ng mga
Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa
lungsod ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.[8] Nagpadala ng mga
komisyoner ang Espanya at Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon
ng Kasunduan sa Paris na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Si Felipe
Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal sa mga sesyon dahil ang
pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa.[8] Kahit
mayroong mga pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang
Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin ng Germany ang Pilipinas.
Maliban sa Guam at Puerto Rico, napilitan din ang Espanya na ibigay ang Pilipinas
sa Estados Unidos bilang kapalit sa US$ 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados
Unidos na "regalo" nila sa Espanya.[9] Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas
laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ng Digmaang
Pilipino-Amerikano (1899–1913).
Isang karikaturang pampolitika noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidos
kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa
paghagis ng bata sa bangin.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin
ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12]
Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa
Digmaang Espanyol-Amerikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo
ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000
Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na
walang tiyak na bilang ng mga kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000
sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong
sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga
Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng
pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong ika-31 ng Marso
1899, ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang
kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na
kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at
ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang
Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar
ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa
pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]
Panahon ng Komonwelt
Pangunahing artikulo: Komonwelt ng Pilipinas
Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt kasama si Franklin D. Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos
sa Washington, D.C..
Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa
Pampanga noong 8 Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-
atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga
eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang
hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas
MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang
mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang
Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang
pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito
[18]
ito ay pinasok ng mga Hapones noong ika-2 ng Enero 1942[19]. Nagpatuloy ang
pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6.
Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa
Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105
kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga
Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa
destinasyon.[20]
Noong ika-8 ng Mayo 1942 hanggang ika-2 ng Setyembre 1945, nagsimula ang
kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng
pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik
na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan
ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935–
1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong
pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at
lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo
sa Pilipinas noong 1944.
Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang
pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng
Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo 1946.[4] Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay
nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt, isang
mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[23] Ang Philippine Trade Act, na
ipinagtibay bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa
rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos,[24] ay lalong
nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang ekonomiya
ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na
nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa
bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).
Batas Militar
Tingnan din: Estratehiya ng tensiyon.
23 Setyembre 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pabalita
sa himpapawid.
Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan
na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampolitika.[33] Lumakas ang
ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at
pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55 bilyong
piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng
pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang
kanyang maybahay, si Imelda Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsiyon.[34]
Ikaapat na Republika
Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si
Papa Juan Pablo II,[35] opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17
Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at
pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng
pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan
dahil sa lupus.
Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang
retiradong heneral na si Alejo Santos.[30] Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na
pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na taon. Nahalal ang Kalihim ng
Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang Pambansa.
Namatay si Corazon Aquino noong ika-1 ng Agosto 2009 sa Makati medical center
sa Lungsod ng Makati sa kadahilanang Colon Cancer.
Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992–1998)
Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa
halalan ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang
pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Naging popular siya sa mga mahihirap.[43] Noong panahon ng krisis na pinansiyal sa
Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas
malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho,
lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit
nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga
kalapit-bansa nito.
Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004
ngunit binago niya ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong
sumali sa halalan.[34] Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang
anim na taong termino noong ika-30 ng Hunyo 2004. Noong 2005, isang tape na
naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at
isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang
bilang ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.[44] Nagdulot ito ng
mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na
kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon
ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[44] Hindi nagtagumpay ang mga
planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.
Taong 2009 nang hikayatin si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na kumandidato
bilang pangulo ng Pilipinas. Dahil dito, nabuo ang Noynoy Aquino for President
Movement (NAPM) upang mangalap ng isang milyong lagda sa buong Pilipinas para
sa kanyang kandidatura. Pinagbigyan ni Aquino ang kahilingan ng maraming
Pilipino. Siya ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2010.
Kung walang corrupt, walang mahirap. Ito ang isa sa mga islogan na gimanit ni
Pangulong Aquino sa kanyang kampanya noong siya ay kumakandidato pa lamang.
Sa kanyang inagurasyon noong ika-30 ng Hunyo 2010 nabanggit niya na ito pa rin
ang prinsipyo na magiging batayan ng kanyang administrasyon. Batay sa kanyang
talumpati, ang ilan sa mga hakbang na kanyang gawain upang maiangat ang bansa
sa kahirapan ay ang mga sumusunod:
Mga sanggunian
1. "Philippines - Early History" (http://countrystudies.us/philippines/3.htm) . U.S. Library of
Congress. Kinuha noong 2006-08-22.
3. Lacsamana, Leodivico Cruz (1990). Philippines History and Government, Second Edition.
Phoenix Publishing House, Inc. pa. 47.
4. "Philippine History" (http://pinas.dlsu.edu.ph/history/history.html) . DLSU-Manila.
Kinuha noong 2006-08-21.
The United States and its Territories 1870–1925: The Age of Imperialism (http://w
ww.hti.umich.edu/p/philamer/)
Kinuha sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Kasaysayan_ng_Pilipinas&oldid=194756
3"
Last edited 2 month ago by 122.2.240.29