You are on page 1of 32

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Mga Nilalaman:

Kasaysayan ng Pilipinas

Unang Kasaysayan

Pamumuno ng Espanya (1521-1898)

Ang Pagtuklas sa Pilipinas

Kolonya ng Espanya

Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)

Digmaang Pilipino-Amerikano

Kolonya ng Estados Unidos

Panahon ng Komonwelt

Ikalawang Digmaang

Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946–1972)

Pamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)

Pamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)

Pamamahala ni Ramon Magsaysay (1953–1957)

Pamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)

Pamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)

Pamumuno ni Ferdinand Marcos (1965–1986)

Batas Militar

Ikaapat na Republika

Ikalimang Republika

(1986-Kasalukuyan)
Pamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)

Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)

Pamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)

Pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)

Pamamahala ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Tungkol sa artikulong ito

Kasaysayan ng Pilipinas
Nagsimula ang Kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula
sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar
noong ika-16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon
ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga
hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang
lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit
tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay
humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang
Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng
pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos
sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang
bahagyang pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa
Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang
soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ay natalo ang mga Hapones noong 1945. At ang muling-pagbabalik ng
mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944
hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan
noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping
diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit
na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa
rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawakang katiwalian at pang-
aabuso sa mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na
tumakas sa Hawaii lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya
nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula
ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.

Unang Kasaysayan
Mga Negrito, Indones at Malay ang mga sinaunang mamamayan ng Pilipinas. Naganap pa ang iba pang
migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.

Naging laganap ang panlipunan at pulitikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga
magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. Ang simpleng yunit
ng pamahalaan ay ang balangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang
mga panlipunan na dibisyon ay ang mga maharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga timawa; at ang
mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang
nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan.

Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia. Noong ika-16 dantaon,
matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong
1565. Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa
mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pampulitika na konsepto ng mga estadong
pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng
Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar. Nang makarating ang mga Kastila
noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga
panirahang barangay.

Pamumuno ng Espanya (1521-1898)

Ang Pagtuklas sa Pilipinas


Ang Pilipinas ay unang natuklas ni Ferdinand Magellan (pangalang espanyol: Fernando Magallanes|
pangalang portuges:Fernão Magalhãnes) noong ika-16 ng Marso 1521.
Ang Buhay ni Magellan

Nakasama na si Magellan sa mga ekspedisyon ng tatay niya sa Aprika noong 25-taong gulang pa lang ito.
Umasa na siya noon na makapagsagawa ng isang ekspedisyon papuntang Pilipinas.

Katulad ni Chistopher Columbus ay naisip niya na kapag bilog ang mundo, puwedeng makapunta sa
Silangan sa pamamagitan ng paglalayag papuntang Kanluran. Kaya naman pumunta siya kay Haring
Emmanuel I. ng Portugal, sa pangarap na makatulong sa kanyang bansa. Tinanong niya ditong bigyan
siya ng pera upang makapagsagawa ng ekspedisyon. Ngunit hindi naniwala sa kanyang plano ang hari. Sa
matinding galit sa hari ay nilisan ni Magellan ang bansang sinilangan papuntang Espanya.

Dito sinubukan niyang pumunta kay Haring Carlos I. at magtanong dito. Pumayag si Carlos I. at pumirma
noong Setyembre 1519. Dumaong sina Magellan kasama ang limang barko (Santiago, Victoria, San
Antonio, Trinidad, at Concepcion) at 300 katao (kabilang dito si Antonio Pigafetta bilang tagapagtala).

Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas

Ang bantayog ni Lapu-Lapu na nakatayo sa lugar kung saan napatay raw si Magallanes noong 1521.

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na
pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong ika-16 Marso 1521. Pumalaot si Magallanes sa
pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo
kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa
ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa
dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi sila pa ni Magellan na
maging Kristiyano. Nagawa niya ito kay Raha Humabon ng Cebu at dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng
mga bata ang mga matatanda. Ito ang humikayat sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi
iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribo. Ang mga
kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong
kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.
Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya.
Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga
Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu: (1) Hindi siya
nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, (2) binalaan niya ang kalaban na aatake siya at (3) pumayag
siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.

Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong
1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at
pinangalanang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at
Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong kapuluan.

Kolonya ng Espanya

Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na
pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay
naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado. Matapos
ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang lungsod sa
Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang malaking populasyon at
malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon. Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati
na rin ang aktibidad na pang-militar, panrelihiyon at pangkalakalan (commercial).

Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak at
ilang mahahalagang metal mula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa
Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at sutla/seda mula sa Tsina at Timog-silangang Asya.
Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili
sa Europa.

Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang
kalayaan.

Ang pananakop sa kapuluan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim).


Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa
paglusob ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa
Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga
kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19
siglo.

Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang
mga institusyong panrelihiyon. Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay
ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan
ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan
ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.

Watawat ng Nueva Espanya.

Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao at
mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera) at ang mga Mangyan ng Mindoro.

Ang mga Kastila ay nagtatag ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga


pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang
nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag na principalia, na naging
mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemang oligarkiya
sa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya ang pagpapalit ng
ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang pagbibigay ng titulo sa
mga kasapi ng principalia.

Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng
pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim. Ang kita ng
pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.

Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya


Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang salakayin ng mga Ingles
ang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya sa Digmaan ng Pitong Taon. Ang Kasunduan sa
Paris ng 1763 ang nagbalik sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles ang bansa noong
1764. Ang sandaling pananakop ng mga Ingles ang nagpahina sa kapangyarihan ng Espanya at nagdulot
ng mga rebelyon at mga demanda para sa kalayaan.
Noong 1871, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang Economic Society of Friends of the
Country. Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang mga
kaganapan sa loob at labas ng bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa Pilipinas.
Ang pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869 ay nagpaikli ng panahon ng paglalayag patungong Espanya.
Naging sanhi ito ng pagdami ng mga ilustrado na naging kasama ng mga creoles, isang mataas na antas
ng mga Pilipino, sapagkat maraming mga kabataang Pilipino ang nakapag-aral sa Europa. Itinatag ng mga
illustrado ang Kilusang Propaganda noong 1882.

Naging layunin ng Kilusang Propaganda ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Kongreso ng


Espanya (Spanish Cortes), ilang reporma at hindi nagtagal, ang kalayaan ng bansa. Si José Rizal, ang
pinakamatalino at pinakaradikal na illustrado noong panahong iyon, ang nagsulat ng mga nobelang Noli
Me Tangere at ang El Filibusterismo, na naging inspirasyon upang matamo ang kalayaan. Noong 1892,
itinatag ni Andrés Bonifacio ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
(KKK) na naging layunin ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Kastila.
Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno) nito.

Unang watawat ng mga rebolusyonaryong Pilipino.

Emilio Aguinaldo, Unang Pangulo ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1901.

Nagsimula ang rebolusyon noong 1896. Napagkamalan si Rizal na siya ang nagpasimula ng rebolusyon na
naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong ika-30 Disyembre 1896. Ang Katipunan sa Cavite ay nahati
sa dalawa, ang Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez (kamag-anak ni Bonifacio sa
pamamagitan ng kasal), at ang Magdalo, na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Ang alitan sa pagitan ni
Bonifacio at Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio ng mga sundalo ni Aguinaldo noong ika-
10 Mayo 1897. Sumang-ayon si Aguinaldo sa mga kondisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato at siya at ang
kanyang mga kasamang rebolusonaryo ay ipinatapon sa Hong Kong.

Sesyon ng kongreso ng Unang Republika ng Pilipinas.

Nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898 nang pasabugin ang USS Maine at lumubog
sa daungan ng Havana, na ipinadala sa Cuba upang mabuo ng isang mapayapang resolusyon sa pagitan
ng mga ambisyon ng Cuba na maging malaya at ang kolonyalismo ng Espanya. Matapos matalo ni
Commodore George Dewey ang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan niya na bumalik si Aguinaldo sa
Pilipinas, na ginawa niya noong ika-19 ng Mayo 1898. Nang nakarating ang mga sundalong Amerikano sa
Pilipinas, nakuha na ng mga Pilipino ang kontrol sa buong Luzon, maliban sa Intramuros. Noong ika-12
ng Hunyo 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, na nagtatag ng
Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng unang demokratikong konstitusyon ng Asya.

Kasabay nito, dumating ang mga sundalong German at idineklarang kung hindi kukunin ng Estados
Unidos ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang
lungsod mula sa mga Espanyol sa Labanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-
usapan ng mga Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa lungsod
ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino. Nagpadala ng mga komisyoner ang Espanya at
Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon ng Kasunduan sa Paris na nagtapos sa Digmaang
Espanyol-Amerikano. Si Felipe Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal sa mga sesyon
dahil ang pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa. Kahit mayroong mga
pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang Pilipinas sa Espanya, at hindi rin
pumayag na kunin ng Germany ang Pilipinas. Maliban sa Guam at Puerto Rico, napilitan din ang Espanya
na ibigay ang Pilipinas sa Estados Unidos bilang kapalit sa US$ 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados
Unidos na "regalo" nila sa Espanya. Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng
Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1913).

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)


Isang karikaturang pampolitika noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidos
kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa
paghagis ng bata sa bangin.

Pangunahing lathalain: Pananakop ng Amerika sa Pilipinas

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang
labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga
Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar. Ngunit, dumistansiya ang
Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga
Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas. Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at
tumaas ang tensiyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.

Digmaang Pilipino-Amerikano
Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang
Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Naging mas magastos at mas marami
ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000
Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000
Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang
ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit.
Pinahirapan nila ang isa't isa.

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga
Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.
Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong ika-31
ng Marso 1899, ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San
Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong
Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga
labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar
ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano
at mga rebelde, ay naghirap.

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong ika-23 ng Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa
siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat
ng katapusan ng digmaan. Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas,
lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.

Kolonya ng Estados Unidos

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa
malayang pamamahala. Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard
Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang
gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados
Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala.
Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin
ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine
Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang
hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.
Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan,
samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.
Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga
administrasyon. Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang
karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow
Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. Ang
Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng
isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.

Naganap noong dekada 1920, ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga
gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang
kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit
kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-
kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.

Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng
Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan,
naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito. Pinamunuan ito ni Manuel L.
Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

Panahon ng Komonwelt
Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng
Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover. Kahit ang batas na ito ay binuo
sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon,
dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim
ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas. Noong sumunod na taon, isang
bagong batas na tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang
pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan.
Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa
bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay
kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.

Manuel Quezon, Pangulo ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.


Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon.
Noong ika-14 ng Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng
Pangulo ng Komonwelt na napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang
isang Pilipinong pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang
komonwelt ay itinatag noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay
ng kapulungan, ang National Assembly at ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na binubuo ng mga
Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang
Pilipinas ng isang halal na Resident Commissioner sa Mababang Kapulungan ng Estados Unidos (tulad ng
ginagawa ng Puerto Rico ngayon).

Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas
malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang
kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit
hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong Diplomatiko at Militar sa
Timog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na
Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 1939–1940 upang ibalik ang kongresong may
dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon
lamang ng isang anim na taong termino.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong 8
Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba
sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa
Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas
MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino
at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open
City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin
ito ito ay pinasok ng mga Hapones noong ika-2 ng Enero 1942. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga
Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at
ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga
Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa
Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano
ang namatay bago makarating sa destinasyon.
Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis
sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt. Inutusan si MacArthur na
pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Jose P. Laurel, Pangulo ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa
Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang
Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara
nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na
pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban
ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang
digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay
ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga
Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa. Ang pangunahing elemento ng
paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na
mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.

Noong ika-8 ng Mayo 1942 hanggang ika-2 ng Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng
Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga
Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong
Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935–1946) at ang
sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas
katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga
Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.

Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga
Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong ika-20 ng Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo
ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila.
Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong ika-2 ng Setyembre 1945.
Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang
digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara
ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong
1942.

Sergio Osmena, Pangulo ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946.

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit
na tuberkulosis noong ika-1 ng Agosto 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong
Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban
sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang
pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong ika-23 ng Abril 1946. Paghahanda ito sa
pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel
Roxas.

Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946–1972)

Pamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)


Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng malayang
Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo 1946. Ngunit ang
ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt,
isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos. Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang
kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas
mula sa Estados Unidos, ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang
ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa
Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon
noong 1967).

Pamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)

Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si
Roxas dahil sa atake sa puso at tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si
Elpidio Quirino, sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni
Quirino si Jose P. Laurel at nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang Pilipinas na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan
dahil sa mga aktibidad ng mga gerilyang Hukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan
ng Pilipinas. Ang mga panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at
pang-supresyon. Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Ramon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya
upang matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng
pamahalaan mula sa mga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada
1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk
noong Mayo 1954.

Pamamahala ni Ramon Magsaysay (1953–1957)

Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad
niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa
pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga
patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa pagbabawas ng
populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensiyong panrelihiyon. Ngunit naging popular pa rin siya sa mga
mamamayan, at ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay
nagdulot ng kalungkutan sa maraming mga Pilipino.

Pamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)

Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin
siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang
"Pilipino Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa.
Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong base militar sa
Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsiyon sa
mga sumunod na taon.

Pamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)


Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni
Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang
Malaya (ngayo'y Malaysia) at Indonesia. Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga
karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano. Binago niya ang
Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni
Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.
Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng
bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ng bigas at mais.
Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng
dati. Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y
mahina at hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang
ginagawa ng mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.

Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang


pangasiwaan.

Pamumuno ni Ferdinand Marcos (1965–1986)

Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang
kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na
nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng
taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang masugit si Macapagal sa
pagkandidato.

Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa


dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa
Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi
si Marcos sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksiyon ng
buwis na nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong
pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng kanyang
administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas maraming mga
paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon. Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na
naging unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.

Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang
mga plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang
pag-unlad ng kabuhayan. Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido
Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng Moro Islamic
Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng Partido Liberal
kung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong ika-21 ng Agosto 1971 ang nagdulot
ng pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus, na ibinalik niya noong ika-11 ng Enero 1972 matapos
ang mga protesta ng publiko.

Batas Militar

23 Setyembre 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang
pagbabalita sa himpapawid.

Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos
ang batas militar noong ika-21 ng Setyembre 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni
Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang
Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng
oposisyon at mga aktibidad ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si
Senador Benigno Aquino, Jr., Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno. Ang deklarasyon ng batas
militar ay tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas. Malaki ang
binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew. Maraming mga kalaban sa pulitika ang
napilitang umalis ng bansa.

Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang Saligang-Batas ng 1935,
ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar.
Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula sa
pampanguluhan na naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa
kapangyarihan matapos ang 1973.

Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga
kahalagahang panlipunan at pampolitika. Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon
ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula
sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan
sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, si Imelda
Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsiyon.

Ikaapat na Republika
Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si Papa Juan Pablo II, opisyal
na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17 Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang kapangyarihan
ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng
pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan dahil sa lupus.

Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang retiradong heneral
na si Alejo Santos. Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng anim
na taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang
Pambansa.

Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino, Jr. sa Pandaigdigang Paliparan ng
Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang bansa.
Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang pag-
aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan noong Pebrero 1986. Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda
ni Aquino, si Corazon Aquino.

Idineklara ng Komisyon ng Eleksiyon (Comelec), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng halalan, ang
pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang ng Namfrel, isang
pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan ni Corazon Aquino at ng kanyang mga tagasuporta
ang maling resulta ng halalan. Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng
Estados Unidos, ang opisyal na resulta. Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Tanggulang Pambansa,
si Juan Ponce Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang
demonstrasyon, tinatawag na Rebolusyon sa EDSA ng 1986 at ang paghalili ni Corazon Aquino bilang
pangulo noong ika-25 ng Pebrero 1986.

Ikalimang Republika (1986-Kasalukuyan)

Pamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)


Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang
sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution. Isang bagong saligang-batas
ang ipinagtibay noong Pebrero 1987. Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas
military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik
ng istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan. Umunlad ang
bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga
mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa mga
kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar. Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng
serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na nagdulot ng
pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.

Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng
Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan ang Clark Air Base
sa Pampanga noong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic Bay Naval Base sa Zambales noong
Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa
Pilipinas.

Namatay si Corazon Aquino noong ika-1 ng Agosto 2009 sa Makati medical center sa Lungsod ng Makati
sa kadahilanang Colon Cancer.

Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)


Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso ni
Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga
unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na
rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong
Aquino. Ginawa niyang legal ang Partidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga
rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya
laban sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga
rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang
nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang
nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at
ng Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging
malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon.
Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang
pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong
sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para
sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.

Pamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)


Joseph Estrada, Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.
Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-
Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at
paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap. Noong panahon ng
krisis na pinansiyal sa Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas
malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa
badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal
ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksiyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon
ng kronyismo at kurapsiyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan. Noong
Oktubre 2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng
Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado
na huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon
na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala
ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong ika-20 ng Enero 2001.

Pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)


Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal) sa
posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang
Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging
mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang
kanyang koalisyon sa karamihan ng mga posisyon. Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating
politika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara
niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.

Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya
ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan. Siya ay muling nahalal at
isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong ika-30 ng Hunyo 2004. Noong 2005,
isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang
opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto
upang manatili siya sa puwesto. Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa
puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga
alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto. Hindi nagtagumpay ang mga planong
pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.
Pamamahala ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)
Benigno Aquino III, Pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Taong 2009 nang hikayatin si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na kumandidato bilang pangulo ng
Pilipinas. Dahil dito, nabuo ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) upang mangalap ng
isang milyong lagda sa buong Pilipinas para sa kanyang kandidatura. Pinagbigyan ni Aquino ang
kahilingan ng maraming Pilipino. Siya ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2010.

Kung walang corrupt, walang mahirap. Ito ang isa sa mga islogan na gimanit ni Pangulong Aquino sa
kanyang kampanya noong siya ay kumakandidato pa lamang. Sa kanyang inagurasyon noong ika-30 ng
Hunyo 2010 nabanggit niya na ito pa rin ang prinsipyo na magiging batayan ng kanyang administrasyon.
Batay sa kanyang talumpati, ang ilan sa mga hakbang na kanyang gawain upang maiangat ang bansa sa
kahirapan ay ang mga sumusunod:

Pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno

Pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa transportasyon

Pagbibigay ng trabaho sa mga lokal na komunidad

Pagpapalakas ng koleksiyon ng buwis at pagsugpo sa korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas o


Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs

Mga sanggunian
"Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

Agoncillo, Teodoro C. (1990) [1960]. History of the Filipino People (ika-8th (na) edisyon). Quezon City:
Garotech Publishing. pa. 22. ISBN 971–8711-06–6.

Lacsamana, Leodivico Cruz (1990). Philippines History and Government, Second Edition. Phoenix
Publishing House, Inc. pa. 47.

"Philippine History". DLSU-Manila. Nakuha noong 2006-08-21.

"Philippines - The Early Spanish Period". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

"Philippines History". Encyclopedia of Nations. Nakuha noong 2006-08-23

"Philippines - The Decline of Spanish Rule". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
Lacsamana, Philippine History and Government, p. 126

"Philippines - The Malolos Constitution and the Treaty of Paris". U.S. Library of Congress. Nakuha noong
2006-08-22.

Lacsamana, Philippine History and Government, p. 135

"Philippines - Spanish American War". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

"Philippines - War of Resistance". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 247–260, 294–297

"Philippines - United States Rule". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

"Philippines - A Collaborative Philippine Leadership". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-
22.

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 345–346

"Philippines - Commonwealth Politics". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-23.

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 390

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 392

Lacsamana, Philippine History and Government, p. 168

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 415

"Philippines - World War II". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

"Philippines - Economic Relations with the United States". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-
08-22.

"Balitang Beterano: Facts about Philippine Independence". Philippine Headline News Online. Nakuha
noong 2006-08-21.

"Philippines - The Magsaysay, Garcia, and Macapagal Administrations". U.S. Library of Congress. Nakuha
noong 2006-08-22.

"Carlos Garcia: Unheralded nationalist". Philippine News Online. Nakuha noong 2006-08-21.

Lacsamana, Philippine History and Government, p. 184

Lacsamana, Philippine History and Government, p. 187

"Philippines - Marcos and the Road to Martial Law". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-24.
"Philippines - Proclamation 1081 and Martial Law". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-24.

, Philippine History and Government, p. 189

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 576–577

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 574–575

"Country Profile: Philippines, Marso 2006" (PDF). U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.

"In many tongues, pope championed religious freedoms". St. Petersburg Times. Nakuha noong 2006-08-
21.

"Philippines - From Aquino's Assassination to People Power". U.S. Library of Congress. Nakuha noong
2006-08-22.

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 585

Agoncillo, History of the Filipino People, p. 586

"Background Notes: Philippines, Nobyembre 1996". U.S. Department of State. Nakuha noong 2006-08-
16.

"Then & Now: Corazon Aquino". CNN. Nakuha noong 2006-08-16.

"Pinatubo - Eruption Features". National Geophysical Data Center. Nakuha noong 2006-08-23.

"Showdown in Manila". Asiaweek. Nakuha noong 2006-08-16.

"Profile:Joseph Estrada". BBC News. Nakuha noong 2006-08-16.

"Gloria Macapagal Arroyo Talkasia Transcript". CNN. Nakuha noong 2006-07-29.

Mga kawing panlabas


Opisyal na portal ng pamahalaan ng Pilipinas

The United States and its Territories 1870–1925: The Age of Imperialism

Origins of the Filipinos and Their Languages by Wilhelm G. Solheim II (PDF)

History of the Philippine Islands in many volumes, from Project Gutenberg (and indexed under Emma
Helen Blair, the translator)

Tungkol sa artikulong ito


FERDINAND MAGELLAN

Fernando de Magallanes

Portuges na maglalayag at eksplorador

Si Fernão de Magalhães (pinakamalapit na bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/) (1480–Abril 27, 1521;


Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na
naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong
Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon
para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa
kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap
na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa Mactan.

Madaliang kabatiran: Fernão de MagalhãesFernando de MagallanesFerdinand Magellan,


Kapanganakan ...

Kapanganakan at kabataan

Si Magallanes ay ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, malapit sa Porto sa Probinsiyang
Douro Litoral o sa Sabrosa malapit sa Vila Real sa Probinsiyang Trás-os-Montes e Alto Douro sa bansang
Portugal. Siya ang anak nina Rodrigo de Magalhães, alcaide-mór ng Aveiro (1433–1500) (na anak nina
Pedro Afonso de Magalhães at asawa nitong si Quinta de Sousa) at ni Alda de Mesquita. Siya ang kapatid
ni Leonor o Genebra de Magalhães na asawa na may supling ni João Fernandes Barbosa. Pagkatapos ng
kamatayan ng kanyang mga magulang nang siya ay 10 taong gulang, siya ay naging isang pahe ni Reyna
Leonor sa korteng makahari ng Portugal dahil sa kanyang angkan. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si
Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maghosto kay D.
Francisco de Almeida bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi lumitaw ang kanyang
pangalan sa mga kronika, alam na nanatili siya ng mga 8 taon ng 8 taon sa Goa, Cochin at Quilon. Si
Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang ang labanan ng Cannanore noong 1506 kung saan
siya nasugatan. Noong 1509, nakipaglaban siya sa labanan ng Diyus at kalaunang naglayag kasama ng
kanyang kaibigang si Francisco Serrão sa unang embahadang Portuges sa Malacca sa ilalim ni Diogo
Lopes de Sequeira. Pagkatapos na dumating sa Malacca noong Setyembre, ang ekspedisyon ay
nabiktima sa isang sabwatan na nagwakas sa pag-urong nito. Si Magallanes ay nagkaroon ng mahalagang
papel na nagbabala kay Segueira at nagligtas kay Francisco Serrão na tumuntong dito. Noong 1511, sa
ilalim ng bagong gobernador na si Afonso de Albuquerque, si Magallanes at Serrão ay lumahok sa
pananakop ng Malacca. Pagkatapos ng pananakop, siya ay naghiwalay ng landas. Si Magallanes ay
itinaas at sa kompanya ng isang Malay ay kanyang ginawang alipin at binautismuhan si Enrique ng
Malacca. Siya ay bumalik sa Portugal noong 1512. Si Serrão ay lumisan sa unang ekspedisyong ipinadala
upang hanapin ang "mga kapuluan ng pampalasa" sa Moluccas kung saan siya nanatili at nagpakasal sa
isangbabae mula sa Amboina at naging tagapayo ng Sulatan ng Ternate, Bayan Sirrullah. Ang kanyang
mga liham kay Magallanes ay nagbigay impormasyon tungkol sa mga teritoryong lumilikha ng mga
pampalasa. Pagkatapos niyang umalis nang walang pahintulot, si Magallanes ay nawalan ng pabor. Sa
kanyang paglilingkod sa Morocco, siya ay nasugatan at nagtamo ng isang permanenteng ika. Inakusahan
rin siya ng ilegal na pangangalakal sa mga Moro. Ang mga akusasyong ito ay napatunayang hindi totoo
ngunit wala nang mga karagdagang alok ng trabaho kay Magallanes pagkatapos ng Mayo 15,1514.
Kalaunan noong 1515, nakatangap siya ng isang alok bilang isang tauhan ng isang barkong Portuges
ngunit itinakwil. Pagkatapos ng isang alitan kay Haring Manuel I noong 1517 na tumanggi sa kanyang
patuloy na mga kahilingan na manguna sa ekspedisyon na maabot ang mga kapuluan ng pampalasa
mula sa silangan(i.e. habang naglalayag pakanluran na iiwas sa pangangailangan na maglayag palibot sa
dulo ng Aprika), siya ay lumisan patungo sa Espanya. Sa Sevilla, Espanya, kanyang kinaibigan si Diogo
Barbosa at nagpakasal sa anak na babae nitong si María Caldera Beatriz Barbosa sa ikalawa nitong
asawa. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Rodrigo de Magalhães at Carlos de Magalhães na
parehong namatay sa batang edad. Si María Caldera ay namatay sa Sevilla noong mga 1521. Samantala,
kanyang inilaan ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pinakakamakailang mga chart na nag-iimbestiga
kasama ng kosmograpong si Rui Faleiro sa bukanan mula sa Atlantiko tungo sa Timog Pasipiko at ang
posibilidad na ang Moluccas ay Espanyol ayon sa demarkasyon ng Kasunduan ng Tordesillas.

Sirkumnabigasyon

Ang hangarin ng mga paglalakbay ni Christopher Columbus sa Kanluranin oong 1492–1503 ay marating
ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan ng Espanya at mga
kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay hindi bahagi ng Asya
ngunit isang bagong kontinente. Ang Kasunduan ng Tordesillas noong 1494 ay naglaan sa Portugal ng
mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si Vasco de Gama at ang mga Portuges ay duamting sa India
noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya
at pagkatapos ng pagpupulong ng Junta de Toro noong 1505, ang Korona ng Espanya ay naglayag upang
tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng maglalayag na Espanyol na si Vasco Núñez de Balboa ang
Karagatang Pasipiko noong 1513 pagkatapos tumawid sa Isthmus ng Panama at si Juan Díaz de Solís ay
namatay sa Río de la Plata noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa
Espanya. Noong Oktubre 1517 sa Sevilla, nakipag-ugnayan si Magallanes kay Juan de Aranda na Paktor
ng Casa de Contratación. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si Rui Faleiro at sa pagsuporta
ni Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si Carlos I ng Espanya na
naging Carlos V, Banal na Emperador Romano. Ang proyekto ni Magallanes ay magbubukas ng ruta ng
mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso 22, 1518,
pinangalanan ng hari ng Espanya si Magallanes at Faleiro na mga kapital upang makapaglayag sila sa
pagtuklas ng mga Kapuluan ng Pamapalasa noong Hulyo. Kanyang itinaas sila sa ranggo ng Komandet ng
Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa
loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga
lupain, ang karapatan na magbuwis ng 1000 ducat sa mga susunod na paglalayag na magbabayad
lamang ng 5 porsiyento sa natitira, pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban mula sa
anim na pinakamayaman kung saan sila tatanggap ng ikalabinglima. Ang ekspedisyong ito ay malaking
pinondohan ng Korona ng Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang
taon na paglalayag. Ang bihasang kartograpong si Jorge Reinel at Diogo Ribero na isang Portuges na
nagtrabaho para kay Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de Contratación ay lumahok sa
pagpapaunlad ng mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problemay ay lumitaw kabilang
ang kawalan ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at ibang pang Portuges na
nabibigay suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si
Juan Rodríguez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro
na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.

Ang barkong Victoria na tanging barkong nakabuo ng sirkumnabigasyon.

Replika ng barkong Victoria

Ang armadang ipinagkaloob ni Haring Carlos V ng Espanya ay kinabibilangan ng mga limang barko: ang
Trinidad (110 tonelado, 55 tripulante) sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes, San Antonio (120 tonelada,
60 tripulante) na pinamunuan ni Juan de Cartagena; Concepcion (90 tonelada, 45 tripulante) na
pinamunuan ni Gaspar de Quesada, Santiago (75 tonelada, 32 tripulante) na pinamunan ni Juan Serrano
at Victoria (85 tonelada, 43 tripulante) na ipinangalan sa Santa Maria de la Victoria de Triana kung saan
nanumpa ng katapatan si Magallanes kay Haring Carlos V at pinamunuan ni Luis Mendoza. Ang Trinidad
ay isang caravel at ang iba ay mga carracks(Kastila:"carraca" o "nao"; Portuges "nau"). Ang 270
tripulante ay binubuo ng mga lalake mula sa ilang mga bansa kabilang ang mga Portuges, Kastila,
Italyano, Aleman, Flemish, Griyego, Ingles at Pranses. Halos pigilan ng mga autoridad na Kastila ngunit
pinalitan ang kanyang karamihan ng mga tauhang Portuges ng mga Kastila. Gayunpaman, ito ay
kinabibilangan ng 40 Portuges kabilang ang kanyang bayaw na si Duarte Barbosa, João Serrão, Estêvão
Gomes at gayundin ang alipin ni Magallanes na si Enrique ng Malacca. Si Faleiro na nagplanong sumama
sa paglalayag ay umurong bago sumakay sa barko. Si Juan Sebastián Elcano na isang kapitang
mangangalakal na Kastil na tumira sa Sevilla ay sumama na humihingi ng kapatawaran ng hari sa mga
nakaraang kasalanan. Kabilang din sa kasama sa paglalayag ang Venezianong si Antonio Pigafetta na
humiling na maisama sa paglalayag at tumanggap ng pamagat na supernumeraryo sa isang
katamtamang sahod. Siya ay naging striktong katulong ni Magallanes at nag-ingat ng isang tumpak na
hornal. Ang isa pang kasama na nag-ulat sa paglalayag si Francisco Albo na nag-ingat ng isang pormal na
logbook. Si Juan de Cartageña ay pinangalanang Inspektor Heneral ng ekspedisyon at responsable sa
mga operasyong pangsalapi at pangangalakal nito.
Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes na Trinidad, San
Antonio, Concepción, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir
patungong Sanlúcar de Barrameda sa bukanan ng ilog. Doon ay nanatili sila ng higit sa 5 linggo. Sila ay
naglayag noong Setyembre 20. Nag-utos si Haring Manuel I ng hukbong pandagat ng Portugal na habulin
si Magallanes ngunit sila ay iniwasan ni Magallanes. Pagkatapos huminto sa Kapuluang Canarias, si
Magallanes ay dumating sa Cape Verde kung saan ay nagtakda ng kurso para sa Cape St. Augustine sa
Brazil. Noong Nobyembre 28, ang ekspedisyon ay tumawid sa ekwador. Noong Disyembre 6, natanaw ng
mga tripulante ang Timog Amerika. Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni
Magallanes ito at noong Disyembre 13 ay nag-angkla sa ngayong Rio de Janeiro. Doon ay muling
nagkalapat ng suplay ang mga tripulate ngunit ang mga masamang kondisyon ay nagpaantala sa kanila.
Pagktapos ay patuloy silang naglayag sa kahabaan ng silangang baybayin ng Timog Amerika na
naghahanap ng isang kipot na pinaniwalaan ni Magallanes na tutungo sa mga Kapuluan ng Pampalasa.
Narating ng armada ng Rio dela Plata noong Enero 10, 1520. Dahil sa labis na tagginaw, itinatag ni
Magallanes ang temporaryong tirahang tinatawag na Puerto San Julian noong Marso 30, 1520. Noong
Abril 1 at Abril, ang isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng
barko. Mabilis na kumilos si Magallanes. Si Luis de Mendoza na kapitan ng Victoria ay pinatay ng isang
partidong ipinadala ni Magallanes at ang barko ay nabawi. Pagkatapos, ang kableng pang-angkla ng
Concepcion ay palihim na pinutol at ang barko ay natangay tungo sa may armas na Tinidad at ang
kapitan ng Concepsion na si de Quesada at mga kasama ay sumuko. Si Juan de Cartagena na pinuno ng
mga nag-alasa sa San Antonio ay kalaunang sumuko. Iniulat ni Pigafetta na si Gaspar Quesada na kapitan
ng Concepsion at ibang mga nag-alsa ay pinatay samantalang si Juan de Cartagena na kapitan ng San
Antonio at isang paring nagngangalang Padre Sanchez de la Reina ay iniwan sa baybayin. Ang karamihan
ng mga lalake at si Juan Sebastián Elcano ay kinailangan at pinatawad. Iniulat na ang mga napatay ay
inalisan ng bituka at pinaghahati ang katawan at tinuhog sa baybayin. Ang kanilang mga buto ay
kalaunang natagpuan ni Sir Francis Drake.

Kipot ni Magallanes

Ang paglalayag ay nagpatuloy. Ang tulong ni Duarte Barbosa ay mahalaga upang harapin ang kaguluhan
sa Puerto San Julian na naging kapitan mula nito ng Victoria. Ang Santiago ay pinadala sa baybayin sa
isang ekspedisyong paggalugad at nasira sa isang biglaangbagyo. Ang lahat ng mga tripulante nito ay
nakaligtas at nagawang dumating sa baybayin. Ang dalawa sa mga ito ay bumalik sa lupain upang
ipagbigay alam kay Magallanes ang nangyari at sagipin ang kanilang mga kasama. Pagkatapos nito, ay
nagpasya si Magallanes na maghintay ng ilang mga linggo bago ipagpatuloy ang paglalayag. Sa
latitudong 52°S noong Oktubre 21 ay narating ng armada ang Cape Virgenes at naniwalang kanilang
natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain. Ang apat na
barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magallanes na Estrecho(Kanal)
de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos(Nobyembre 1).
Unang itinakda ni Magallanes sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na
pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya noong Nobyembre 2. Noong Nobyembre 28,
ang tatlong natitiran gbarko ay pumasok sa Timog Pasipiko. Pinangalanan ni Magallanes ang mga
karagatan na Mar Pacifico o Pacifi Ocean dahil sa maliwanag na katahimikan nito. Si Magallanes at
kanyang tripulante ang unang mga Europeo na nakarating sa Tierra del Fuego sa silangan ng panig na
Pasipiko ng kipot. Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador noong
Pebrero 13, 1521. Noong Marso 6, kanilang narating ang Marianas at Guam. Tinawag ni Magallanes ang
Guam na Kapuluan ng mga Paglalayag dahil nakita nila ang maraming mga naglalayag na bangka.
Kanilang muling pinangalanan ang Guam na Kapuluang Ladrones o Kapuluan ng mga Magnanakaw dahil
ang mga maliliit na bangka ng Trinidad ay ninakaw doon.

Kamatayan sa Pilipinas

Krus na ibinaon ni Magallanes sa Cebu noong Abril 1521.

Monumento sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Mactan kung saan namatay si Magallanes.

Noong Marso 16,1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magallanes kasama ng kanyang 150 tauhan
ang mga kabundukan ng ngayong Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at mula dito ay narating
ang Homonhon. Ang mga kasapi ng ekspedisyong ito ang mga unang Kastila na nakarating sa kapuluan
ng Pilipinas ngunit hindi ang mga unang Europeo. Pagkatapos ng 2 araw, ang mga katutubo ay dumating
sakay ng isang bangka at ang ilan ay sumakay sa barko ni Magallanes at tumanggap ng mga bagay gaya
ng mga salamin, ivory at pulang damit. Kapalit nito, ibinigay ng mga katutubo ang lahat ng kanilang mga
pagkain sa mga ito kabilang ang buko, tuba, saging, isda. Sa pamamagitan ng wikang pagsesenyas, ang
mga katutubo ay nangakong babalik ng mga may sariwang pagkain at pagkatapos ay bumalik dala dala
ang mga buko, tuba, kanin, mga kahel at manok. Sila ay sinamahan ng kanilang mga pinuno na
inilarawan ni Antonio Pigafetta na labis na may tato at nahihiyasan ng mga ginintuang paha sa braso at
mga hikaw at mga naburdahan ng sedang paldang bulak. Noong Marso 25, si Magallanes ay naglayag
mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua. Ang mga katutubo ay dumating at tumanggap ng mga
bagay mula kay Magallanes at pagkatapos ay lumisan. Pagkatapos ng ilang mga oras, ang dalawang mga
balangay ay dumating kasama ng kanilang pinunong si Rajah Kolambu. Si Kolambu ay nagpadala ng ilang
ng mga lalake sa barko ni Magallanes na nagdadala ng mga regalong isang ginintuang bara at mga luya
ngunit ang mga ito ay tinanggihan ni Magallanes. Nagawang makipagtalastasan ni Magallanes sa mga
katutubo dahil sa naunawaan ng alipin in Magallanes na si Enrique ng Malacca ang wika ng mga
katutubong ito. Nakuha ni Magallanes ang tiwala ni Kolambu at nakipagsanduguan sa kanya. Noong
Marso 31, 1521 ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua. Noong Abril 4, 1521, si
Magallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu. Inalukan ni Magallanes ang hari ng Cebu na si
Rajah Humabon ng mga regalo at malakas na pakikipagkalakalan upang mapalapit dito. Noong Abril 14,
1521, binautismuhan sa Romano Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu. Ang
hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng
mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos I ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni
Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magallanes kay Juana ang Santo Niño bilang
tanda ng bagong alyansa at ibinaon ang isang krus sa Cebu. Dahil sa impluwensiya ni Magallanes kay
Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa
sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa
Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa mga
pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapulapu
ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu
Zula kay Magallanes na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu
Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magallanes ang oportunidad na palakasin ang
umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin at patayin
ang mapanghimagsik na si Lapulapu sa isang labanang tinawag na Labanan sa Mactan. Ayon kay Antonio
Pigafetta, tinangka ni Magallanes na hikayatin si Lapulapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah
Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magallanes ay nagpakilos ng mga 49 katao na
may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521.
Pagkatapos ay tinangka ni Magallanes na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga
kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay
Lapulapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magallanes na nasugatan sa braso ng isang sibat
at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magallanes na sinaksak at
tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang
ilan sa mga tao ni Magallanes ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na
tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang
ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si
Magallanes. Ang mga kaibigan ni Magallanes na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa
labanan dahil sa kautusan ni Magallanes at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni
Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan
ni Magallanes at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon
ni Lapulapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo
dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming
baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang
ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magallanes ay hinalinhan ni Juan Sebastián del Cano bilang komander ng
ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at
kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng
mundo.
Pagbabalik sa Espanya

Ang paglalayag na Magellan–Elcano. AngVictoria na isa sa mga orihinal na limang barko ay umikot sa
globo na nagtatapos ng 16 buwan pagkatapos ng kamatayan ng eksplorador.

Ang mga napatay sa Pilipinas ay nag-iwan sa ekspedisyon ng kakauntin upang maglayag sa tatlong mga
natitirang barko. Noong Mayo 2, kanilang inabandona ang barkong Concepción at sinunog. Ang armada
na nabawasan sa Trinidad at Victoria ay naglayag papakanluran sa Palawan. Kanilang nilisan ang isla
noong Hunyo at ginabayan sa Brunei, Borneo ng mga pilotong Moro na makapaglalayag sa mga
mabababaw na katubig. Sila ay nag-angkla sa hampulan ng Brunei sa loob ng 35 arw kung saan itinala ni
Pigafetta ang kagaraan ng korte ni Rajah Siripada(ginto, dalawang mga perlas na may sukat ng itlog ng
manko at iba pa). Sa karagdagan, ang Brunei ay nagmalaki sa mga maaamong elepante at mga
sandatang 62 kanon na higit sa 5 beses ng mga armas ng mga barko ni Magellan. Kinutya rin ng Brunei
ang mga kargo ng mga clove na napatunayang mas mahalaga kesa sa ginto sa kanilang pagbabalik sa
Espanya. Binanggit ni Pigafetta ang ilang teknolohiya ng korte ng Brunei gaya ng mga porselana at mga
salamit sa mata na parehong hindi makukuha sa Europa. Pagkatapos marating ang Kapuluang
Maluku(Mga kapuluan ng Pampalasa) noong Nobyembre 6, ang mga tripulante ay iniwan. Nagawa
nilang makipagkalakalan sa Sultan ng Tidore na katunggali ng Sultan ng Ternate na kaalyado ng Portugal.
Ang mga dalawang natirang barko na puno ng mga mahahalagang mga pampalasa ay nagtangkang
bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Gayunpaman, habang kanilang nililisan
ang mga kapuluan ng pampalasa, ang Trinidad ay nagsimulang mapuno ng tubig. Tinangka ng tripulante
na tuklasin at kumpunihin ang pagtagos ngunit nabigo. Ang Trinidad ay nangailangan ng mahabang
panahon upang kumpunihin ngunit ang maliit na Victoria ay hindi sapat na malaki upang isama ang lahat
ng mga natirirang tripulante. Dahil dito, ang ilan sa mga tripulante sa Victoria ay naglayag pakanluran sa
Espanya. Pagkatapos ng ilang linggo, ang Trinidad ay lumisan at nagtangkang bumalik sa Espanya sa
pamamagitan ng rutang Pasipiko. Ang pagtatangkang ito ay nabigo at ang Trinidad ay nabihag ng mga
Portuges at kalaunang nawasak sa isang bagyo habang naka-angkla sa ilalim ng pangangasiwa ng mga
Portgues. Ang Victoria ay naglayag sa pamamagitan ng Karagatang India pabalik sa Espanya noong
Disyembre 21 at pinamunuan ni Juan Sebastián Elcano. Noong Mayo 6, ang Victoria ay nakaikot sa Cape
of Good Hope na tanging mga rasyon ng kanin. Ang 20 tripulante ay namatay sa kagutuman bago
huminto sa Cape Verde na hinahawak ng mga Portuges. Dito ay kanyang inabandona ang 13 pang mga
tripulante noong Hulyo 9 sa takot ng pagkawala ng kanyang kargo ng 26 toneladang mga pampalasa na
clove at cinnamon. Noong Setyembre 6, 1522, sina Elcano at mga natitirang tripulante ay dumating sa
Espanya sa huling barko sa armada na Victoria na halos eksaktong 3 taon pagkatapos nilang lumisan
dito. Hindi hinangad ni Magellan na umikot sa mundo kundi humanap lamang ng isang ligtas na daan na
paglalayagan ng mga barkong Kastila patungo sa Kapuluan ng mga Pampalasa. Si Elcano pagkatapos ng
kamatayan ni Magellan na nagpasyang maglayag pakanluran na bumubuo ng unang paglalakbay sa
globo. Kinapanayam ni Maximilianus Transylvanus ang ilang mga nakaligtas na kasapi ng ekspedisyon
nang kanilang iharap ang kanilang mga saril sa korteng Espanyol sa Valladolid noong taglagas nang 1522.
Kanyang isinulat ang unang salaysay ng paglalayag na inilimbag noong 1521. Ang salaysay na isinulat ni
Pigafetta ay hindi lumitaw hanggang 1525 at hindi buong nilimbag hanggang 1800. Ito ang
transkripsiyong Italyano ni Carlo Amoretti ng tinatawag ngayong Ambrosiana codex. Ang 4 na tripulante
ng orihinal na 55 sa Trinidad ay nakabalik sa Espanya noong 1522. Ang 51 sa mga ito ay namatay sa
digmaan o karamdaman. Sa kabuuan, ang mga 232 tripulante ay namatay sa ekspedisyon sa buong
mundo ni Magallanes. Nang makabalik ang Victoria sa baybayin ng Espanya, ang tanging 18 katao mula
sa orihinal na 237 lalake ay nakasakay pabalik. Kabilang sa mga nakaligtas sa ekspedisyon sina Antonio
Pigafetta at Martino de Judicibus.

Ang mga nakaligtas ang sumusunod:

Higit pang kabatiran (impormasyon): Pangalan, Rating ...

18 lalakeng nakabalik sa Sevilla, Espanya sakay ng Victoria noong 1522:

Pangalan Rating

Juan Sebastián Elcano, mula Getaria (Spain) Maestro

Francisco Albo, from Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto

Miguel de Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto

Juan de Acurio, from Bermeo Piloto

Antonio Lombardo (Pigafetta) mula Vicenza Supernumeraryo

Martín de Judicibus, from Genoa Chief Steward

Hernándo de Bustamante, from Alcántara Marinero

Nicholas the Greek, from Nafplion Marinero

Miguel Sánchez, from Rodas (in Tui, Galicia) Marinero

Antonio Hernández Colmenero, from Huelva Marinero

Francisco Rodrigues, Portuguese from Seville Marinero

Juan Rodríguez, from Huelva Marinero

Diego Carmena, from Baiona (Galicia) Marinero

Hans of Aachen, (Holy Roman Empire) Gunner

Juan de Arratia, from Bilbao Able Seaman


Vasco Gómez Gallego, from Baiona (Galicia) Able Seaman

Juan de Santandrés, from Cueto (Cantabria) Apprentice Seaman

Juan de Zubileta, from Barakaldo

Sanggunian

Talababa

[1]

Sa unang kalahati lamang, ang ikalawang kalahati at unang taong nakaligid sa buong daigdig ay ang
kanyang kaliwang kamay na si Juan Sebastián Elcano. Namatay noong 1522 sa Cebu.

[2]

Karnow, Stanley (1989). "Ferdinand Magellan". "In Our Image, America's Empire in the Philippines",
Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.

ABOUT THIS ARTICLE

View edit history

Updated yesterday

View talk page

Discuss improvements to this article

MAGBASA PA

Lungsod ng Cebu

lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Cebu

Labanan sa Mactan

Labanang kilala bilang unang paglaban ng mga katutubo sa mga mananakop na kastila sa Pilipinas

Datu

Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga baranggay noong kapanahunan ng pre-hispanikong
Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at ang nagsisilbing pinakahari. Kapag higit
na mas malakas ang isang datu, sila ay tinatawag na raha. Kabilang ang datu sa pangkat panlipunan ng
mga maharlika.
Content is available under CC BY-SA 3.0 unless otherwise noted.

View article in browser

Homonhon
Ang pulo ng Homonhon ay ang pinaka-unang pulong namataan nina Magellan sa Pilipinas bago sila
magtungo sa Butuan. Ang pulo ng Homonhon ay bahagi ngayon ng lalawigan ng Leyte.

HOMONHON ISLAND

Maaaring hindi alam at hindi pamilyar ito ay para sa ilan, ngunit ito ay isang lalawigan na dapat bisitahin
ng mga Pilipino kahit na isang beses. Ang Homonhon Island ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng
Silangang Samar. Ang baybayin ng lalawigan na ito ay nakaharap sa napakalaking Karagatang Pasipiko
na siyang dahilan kung bakit ito napaka-espesyal. Ang 20-kilometrong haba na isla ay bahagi ng
munisipalidad ng Guiuan.

Noong Marso 16, 1521 si Ferdinand Magellan unang lumapag sa Homonhon nang matuklasan niya ang
Pilipinas. Ang kaganapan na iyon ay nagbigay sa isla ng Homonhon bilang isa sa makasaysayang lugar sa
pilipinas.

PAANO MAKAPUNTA DOON

Ang Homonhon Island ay 3 oras lamang ang layo mula sa Guiuan Eastern Samar port na matatagpuan sa
Barangay Lupok (Malapit sa Marcelino Restotel). Ang pamasahe sa bangka ay 100 piso lamang at naka-
iskedyul na umalis anumang oras mula 10 AM-11 AM. 3 oras ang layo ng Guiuan mula sa pinakamalapit
na paliparan ng DZR Airport sa Tacloban City (TAC).

Isang detalyadong blog tungkol sa Homonhon, bisitahin ang


https://alroiabrantes.wordpress.com/2016/09/22/all-about-homonhon-island/

Photo Credits: I Love Samar Facebook Page

You might also like