You are on page 1of 3

Noong Setyembre 20, 1519, si Ferdinand Magellan, na isang Portuguese explorer na

nagtatrabaho para sa Spain, ay pinamunuan ang unang ekspedisyon sa layuning ikutin ang
buong daigdig para makahanap ng mahahalagang pampalasa, dinala ang kanyang 241
tauhan, na lulan ng limang barko – ang Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria, at
Santiago. Ang pakikipagkalakan sa mga pampalasa noong mga panahong iyon ay
naghahatid ng napakalaking salapi sa mga bansa sa Europe.
May dalawang record ng kanyang paglalakbay. Ang una ay isang journal ng isang
pasaherong Italian na si Antonio Pigafetta, at ang pangalawa ay isang serye ng mga
panayam ni Maximilianus ng Transylvania sa mga survivor. Isinagawa ang ekspedisyon ni
Magellan dahil naghahanap ang mga Kastila ng mga alternatibong ruta patungong silangan
upang tumuklas ng mga lupain, pampalasa, at ginto; at palawakin ang teritoryo ng Spain at
ipalaganap ang Kristiyanidad.
Mahaba at mahirap ang paglalakbay ni Magellan, at dalawang barko lamang ang nananaig.
Natuklasan niya ang isang lagusan (na kalaunang ipinangalan sa kanya bilang Strait of
Magellan) sa dulong timog ng South America at naging unang European na tumawid ng
Pacific Ocean. Dumating ang kanyang nalalabing mga barko sa isla ng Homonhon sa Samar
noong Marso 16, 1521, pinangalanan iyon na Isla San Lazaro, nagtirik ng krus, at inangkin
para sa Spain. Kalaunan, pinangalanan ang mga isla na Filipinas bilang parangal kay King
Philip ng Spain. Idinaos ang unang misang Katoliko sa isla ng Limasawa sa Leyte noong
Marso 31, 1521, sa pamamagitan ng prayleng Kastila na si Padre Pedro Valderama.
Kabilang sa mga dumalo sina Rajah Siagu at Rajah Kolambu na nakipag-blood compact kay
Magellan. Bininyagan ni Padre Valderama ang dalawang rajah at 400 katutubo noong Abril
14, 1521, sa Cebu kung saan nagtayo si Magellan ng malaking krus – ang tanyag na
“Magellan’s Cross” – at inihandog ang ilang imahe ng Santo Niño sa mga bagong
mananampalataya bilang simbolo ng kapayapaan.
Napatay si Magellan sa pamamagitan ng mga panâ na may lason noong Abril 27, 1521 sa
Battle of Mactan ng mga katutubo sa isla sa pangunguna ng lokal na kapitan na si Lapu-
Lapu na tumututol na kilalanin ang awtoridad ng Spain. Ang digmaang ito ay itinuturing
unang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga banyagang mananakop at idinambana si
Lapu-Lapu bilang bayani.
Iniuugnay kay Magellan, bunga ng unang ekspedisyon nito, ang katunayan na bilog ang
mundo sa pamamagitan ng paglalayag mula silangan hanggang kanluran. Pagkatapos niya,
lima pang ekspedisyong Kastila ang isinagawa sa pagitan ng 1525 at 1542, na nagpasimula
sa kolonisasyon ng Spain sa Pilipinas sa sumunod na tatlong siglo.
Isinilang sa Oporto, Portugal, noong 1480 na ang mga magulang ay miyembro ng marangal
na angkan sa Portugal, namuhay si Magellan nang maharlika sa murang edad. Sa Lisbon,
natuto siyang gumawa ng mapa, ng astronomy, at ng celestial navigation (paglalayag ng
barko base sa mga posisyon ng mga bituin). Umanib siya sa Portuguese fleet na naglayag
noong 1505 patungong East Africa, at nagpunta sa Malaca (Malaysia) at Moluccas
(Indonesia). Noong 1513, nasugatan si Magellan sa isang digmaan sa North America. Noong
1517, nagpunta siya s Seville upang magtrabaho para sa Spanish royalty.
Si Antonio Pigafetta (An·tón·yo Pi·ga·fé·ta) ay isang iskolar at eksplorador na Italyano mula sa
Republika ng Venezia na naglayag para sa España kasáma ni Ferdinand Magellan, na
nakarating sa kapuluan ng Filipinas noong1521. Siyá ang nagsilbing katuwang ni Magellan sa
kaniyang paglalayag patungong Filipinas, at karamihan sa salaysay tungkol sa paglalakbay at
kamatayan ni Magellan ay mula sa kaniyang mga talâ.
Isinilang siyá sirka 1491 sa Vicenza, Italis. Noong 1519, sinamahan niya ang papal nuncio sa
España, at doon niya nabatid ang planong paglalayag ni Magellan. Tinanggap niya ang
titulong sobrasaliente at katamtamang sahod na1,000 maravedís. Sa kanilang paglalayag,
nangalap siyá ng maraming datos tungkol sa heograpiya, klima, mga hayop at halaman, at
mga mamamayan ng mga lugar na kanilang dinalaw. Naging mahalaga sa mga susunod na
eksplorador at tagagawa ng mapa, pati na rin mga historyador, ang mga detalyado niyang
ulat. Sa Mactan sa Filipinas, nasugatan si Pigafetta sa labanang kumitil sa buhay ni Magellan.
Nagpagalíng siyá at napabilang sa 18 tao na nakabalik sa España sakay ng barkong Victoria.
Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang estatwa ni Pigafetta sa Fort San Pedro, isang moog
sa Lungsod Cebu na sinimulang itayô ng mga Español noong 1565, ang unang taon ng
pananakop ng mga ito sa Filipinas. (PKJ)

ng Kataas-taasang, Kagalang-galang na Katipunan ng mga anak ng Bayan o mas kilala


bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na
may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1896, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa
sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan
miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o
mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol
sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa
ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon
ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.
Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at
inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[1] Ang mga nais sumapi sa
samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una,
ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin
sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na
nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing
rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng
Pilipinas.
Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na
pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo
1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga
sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si
Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at
kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang
pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang
kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.
Naibunyag sa mga otoridad na Kastila ng mga nahuling kasapi ng Katipunan, na tinatawag
na Katipunero, na sila ding kasapi ng La Liga, na mayroong pagkakaiba-iba ng opinyon sa mga
kasapi ng La Liga. Iginiit ng isang grupo na ang layunin ng La Liga ay isang mapayapang
repormasyon samantala ang iba ay nagnanasa ng armadong rebolusyon.[4]
Noong gabi ng 7 Hulyo 1892, matapos na maipatapon si Jose Rizal sa Dapitan sa Mindanao,
itinatag ni Andres Bonifacio, kasapi ng La Liga Filipina, ang Katipunan sa isang tahanan sa Tondo,
Maynila.[5] Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan noong kinukutuban na ng mga Pilipinong kontra-
Kastila na susupilin ng mga mananakop ang mga samahang tulad ng La Liga Filipina.[6] Sinamahan
siya ng dalawa niyang kaibigan, sina Teodoro Plata (bayaw) at Ladislao Diwa, at kasama din
sina Valentin Diaz at Deodato Arellano.[7] Itinatag ang Katipunan sa may Kalye Azcarraga
(kasalukuyang Abenida Claro M. Recto) malapit sa Kalye Elcano sa Tondo. [8] Sa kabila ng kanilang
reserbasyon ukol sa mapayapang rebolusyon na ninanasa ni Rizal, pinangalan nila si Rizal bilang
pandangal na pangulo ng hindi niya nalalaman. Itinatag ang Katipunan bilang isang lihim na
samahang kapatiran, sa ilalim ng pangalang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃
mg̃á Anak

You might also like