You are on page 1of 6

Anilao, Elijah Joyce M.

September 3,2020
B106 MWF 7:30-8:30 Panitikang Filipino

1. Sumulat ng isang lagom o pagbubuod hinggil sa pangyayari na naganap sa


Pilipinas sa panahon ng mga Kastila.

Nagsimula ang lahat nang matuklasan ni Magellan ang isla ng Homonhon noong
Marso 16,1521 bilang parte ng sinusulong na ekspidisyon ng mga espanyol. Sinasabing
ang pangunahing layunin ng mga kastila sa bansang Pilipinas ay ang pagpapakilala ng
katolisismo ngunit ito ay naging dahilan upang sakupin ang bansa. Nagawang sakupin
ng kastila ang bansa sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi na lumaon sa loob ng
tatlumpung daan tatlumpu’t tatlong taon. Napanatili ng mga Kastila ang kanilang
impluwensya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatayo ng sentralisadong gobyerno
kung saan gobernador-heneral ang namuno sa buong bansa. Sa panahon ng paglalagi
sa Pilipinas ng mga kastila naging isa sa pinaka malaking kalakalan ang Maynila sa
buong silangan.

Bilang parte ng pagpapalaganp ng Kristiyanismo sa bansa, maraming panitikang


katutubo ang sinunog dahil ito daw ay likha ng diablo at unti-unting pinaltan ang
pananampalatayang pagano. Isa sa makabuluhang pagbabago ng ginawa ng kastila ay
ang romanisasyon ng alibata sa Alpabetikong Romano. Upang maibahagi ang
katolisismo, nag-aral ng iba’t ibang wikang Filipino ang mga misyonaryong kastila na
naging daan upang mabago ang panitikang lumalaganap sa bansa. Nagsisulat ang mga
misyonaryo ng aklat ang wika tulad ng balarila, bokabularyo at mga talambuhay ng mga
santo. Karamihan sa mga paksa ay pangrelihiyon, pagkamagandang asal at pangwika.
Ang mga uri ng panitikang lumaganap ay mga awit, corrido, duplo, karagatan, comedia,
moro-moro, cenakulo, at sarsuwela. Ang mga tuluyang dinala nila ay mga talambuhay ng
mga santo, nobela, dasal at misteryo.

Noong Pebrero 17, 1872, tatlong Pilipinong pari ang napatawan ng kamatayan dahil
sa pagtulong sa rebelyon. Sila ay sina Mariano Gomez, Jose Burgos and Jacinto Zamora
(Gomburza). Ito ang naging mitsa ng himagsikan. Kinukwestyon ngayon ng mga Pilipino
ang pamamaraan ng pamamalakad ng Kastila at nagsulong ng repormang naglalayong
maging pantay ang Pilipino at Kastila. Ang pagkamatay ng tatlong pari ang bumuhay sa
nangniningas na pagnanais ng mga Pilipino sa isang pantay na gobyerno.

Noong 1872, may tatlong grupo na nagpasiyang maglakbay patungong espanya para
don ilahad ang saloobin sa kadalihanang wala silang makitang pagasa sa gobyerno sa
Pilipinas. Ang unang grupo ay nanggaling sa isla ng Marianas. Pangalawang grupo ay
mga illustrado na Pilipino na ipinadala sa espanya para magaral, pangatlong grupo ay
ang mga Pilipinong tumakas para maiwasan ang perkusyon sa Pilinas. Ang mga kilalang
miyembro ditto ay sila Jose Rizal, Marcelo Del Pilar, at Graciano Lopez Jaena. Ang grupo
ay ang mga tagataguyod sa diariong tagalog na siyang naglalahad sa sinsapit ng mga
Pilipino sa lalaim ng pamumuno ng Kastila. Naging kilala naman si Dr. Jose Rizal sa mga
nobelang sinulat nya, isa sa mga pinaka kilala ay ang Noli Me tangere at El Filibusterismo.
Ang mga propaganda na naipadala sa pilipinas ay nagging instrumento para mabuo ang
samahang Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio na naglalayong maghimagsik
sa kastila upang wakasan ang kanilang pamumuno.

Noong 1892, umuwi si Dr. Jose Rizal para itatag ang La Liga Filipina upang maglingkod
sa masa, ipalaganap ang edukasyon at pagaralan ang mga repormang angkop para sa
bansa. Subalit noong Hulyo 6, 1982 sekretohang dinakip si Rizal at ipinatapon sa Dapitan
ng mga Kastila. Ang La Sodaridad naman ay naging matagumpay at lingguhang
nakapagpadala sa espanya subalit natigil ito ng maubusan ng pondo at sustento ang
pamahayagan.

Noong hulyo 7, 1982 nang malaman ni Bonifacio ang balitang pagpapatapon kay Rizal
nagpsaya itatag ang KKK o mas kilalang Katastaasang Kagalanggalangang Katipuanan
ng mga Anak ng Bayan na nagnanais ng independensya mula sa mga Kastila. Nang
masagap ng mga kastila ang rebulusyon agad agadan nitong ipinasara ang Diario de
Manila at ipinadakip ang mga kinikilalang katipunero. Nang malaman ang balita
nagpatawag si Bonifacio ng isang malaking pagpupulong noong Agosto 23, 1986 sa
Pugadlawin at dito napagpasyahan na magaklas ang mga probinsya. Naging sentro ng
himagsikan ang Cavite kung saan naging matagumpay ang pagaaklas ni Emilio
Aguinaldo at si Bonifacio naman ay syang walang naipanalong laban.
2. Sino-sino ang mga manunulat na Pilipino na nagsulat ng mga akdang
pampanitikan na naglalayong maghimagsik laban sa kalupitan ng mga dayuhang
kastila. Ipakilala ang bawat isa gayundin ang kanilang mga akda.

Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda

- Mas kilala sa tawag na Dr. Jose Rizal


- Ang pambansang bayani ng Pilipinas
- Isinilang sa Kalamba, Laguna noong Hunyo 19,1861
- Ikapitong anak ni Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo
- Nakapagtapos ng pilosopiya at ng medesina nooong 1885 at nautuong bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko

Sagisag panulat:

Laong Laan Dimasalang

Mga Akda:

1. Noli Me Tangere - nagpasigla sa Kilusang Propaganda, ditto ginamit ang sagisang


na “dimasalang”.
2. El Filibusterismo – nagpapatungkol sa sakit ng lipunan, kabulukan ng pamahalaan,
lipunan at pampulitika.
3. Sa Aking Mga Kababata - kauna-unahang tulang naisulat noong walong taong
gulang pa lamang siya.
4. A La Juventud Filipino ( Sa Kabataang Pilipino) - tulang handog sa mga abataang
Pilipinong nag-aaral sa pamantasan ng Sto. Tomas
5. Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) - kahuli hulihang tulang naisulat bago pa
man siya pumanaw noong 1896. Sinasabing pinamagatan ng iba.

Marcelo H. Del Pilar

- Ipinanganak sa Cupang San Nicholas Bulacan noong Agosto 30,1850


- Tinatag ang “ Diariong Tagalog” noong 1882
Sagisag-panulat:

Plaridel Piping Dilat

Pupdoh Dolores Manapat

Mga Akda:

1. Pag-ibig sa Tnubuang Lupa - salin ng Amor Patrio ni Rizal. Napalathala sa


Diariong Tagalog noong Agsto 20,1882.
2. Kaiigat Kayo - tugon sa “Caiigat cayo” ni P.Jose Rodriguez. Inilathala sa
Barcelona noong 1882. “Dolores Manapat” ang sagisag na ginamit.
3. Dasalan at Tocsohan – hawig sa katesismo ngunit pagtuya sa mga prayle. Dahil
sa akdang ito tinawag siyang “Pilibustero”.
4. Ang Cadaquilaan ng Diyos - ito rin ay hawig sa katesismo ngunit binago upang
maging patutya sa mga prayle. Naglalaman ng patuligsang pilosopiya.
5. Sagot ng Esanya sa Hibik ng Plipinas - maypaksang paghingi ng pagbabago. Ito
ay tulang tugon sa “Hibik ng pilipinas sa Inang Espanya” ni Herminigildo Flores
6. La Soberana en Filipinas – sanaysay tungkol sa katiwalian at di makatarungang
ginagawa ng mga prayle.

Graciano “Lopez” Jaena

- Itinatag ang kauna-unagang magasin, “La Solidaridad” na nagging opisya na bibig


ng “ Asociacion Hispano Filipina”.
- Ipinagbenta ang pag-aari ng la Solidaridad kay Del Pilar at nagtatag ng bagong
pamahalaan “el Latigo Nacional” o Pambansang Latigo.
- Nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa ospital sa Barcelona noong January
20,1896

Sagisag-panulat:

“Diego Laura”
Mga Akda:

1. Fray Botod- tinutuliga nag mga prayle na masiba, ambisyoso at immoral ang
pagkatao.
2. Ang mga KAhirapan ng Pilipinas – tumutukoy sa maling pamamalakad at
edukasyon sa Pilipinas. Inilathala noong 1887.

Antonio Luna

- Parmasyotikong dinakip at ipinatapon sa espanya


- Namatay sa gulang na tatlumpu’t tatlo noong Hunyo 7,1999
- Pinatay diumano ng mga tauhan ni Aguinaldo dahil sa mabilis na kabantugan.

Sagisag –panulat:

“Taga-Ilog”

Mga akda:

1. Noche Buena – tumatalakay sa tuna nab hay ng mga Pilipino.


2. Se Divierten (Naglilibang Sila) – pagpuna sa sayw ng kastila
3. La Tertulia Filipina ( Sa Piging ng Mga Pilipino) – naglalaahd ng kaugaliang Pilipino
na ipinalalagay na mas mabuti kaysa Espanya.
4. Por Madrid - tumutuligsa sa Kastila na nagsasabing lalawigan nila ang Pilipinas
ngunit isang banyaga kapag sinisinghilan ng selyo.
5. Impresiones - paglalarawan ng hirap na dinaranas ng isang mag-aaral na ulila sa
amang kawal.

Andres Bonifacio

- “Ama ng Demokrasyang Pilipino” “Ama ng Katipunan”

Sagisag – panulat:

“May Pag-asa” “Agapito Bagumbayan”


Mga Akda:

1. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan - nahahalintulad ang


pagkakahanay sa sampung utos ng Diyos.
2. Huling Paalam- salin sa tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal
3. El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) - pinalalagay na pinaka
“obra maestro” ni Bonifacio. Ito ay isinulat upang makapagpalaganap ng
nasyonalismo.

Emilio Jacinto

- “Utak ng katipunan”
- Pinamatnugan ng “Kalayaan”, pahayagan ng katipunan.
- Sa mga akdang tagalog ginamit niya ang sagisag na ‘Dimas-Ilaw” at “Pingkian”.

Mga Akda:

1. Kartilyo ng Katipunan
2. Liwanag at Dilim - katipon ng kanyang mga sanysay.
3. A Mi Madre- madamdaming oda
4. A La Patria – sinasabing kanyang pinaka “obra maestro”

You might also like