You are on page 1of 4

Kabanata 4

PAGSILANG NG NASYONALISMO
(Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong-Isip)

Ang panahong ito ay nahati sa dalawang panahon: ang Panahon ng Propaganda at Panahon
ng Himagsikan. Panahon ng Propaganda ay naging panahon nina Rizal, del Pilar, Jaena, Luna, Paterno,
Ponce at Poblete na tinaguriang mga manunulat na naging kilabot sa mga prayle.
Ang Panahon ng Himagsikan ay panahon nina Bonifacio, Mabini, Jacinto at Palma na mga
natatanging manunulat noon.

PANAHON NG PROPAGANDA

Noong 1872, nagkaroon ng panibagong kilusan sa panitikan na maituturing na isang


makasaysayang pangyayaring naganap sa Pilipinas.
Masasabing makabayan at mapanghimagsik ang naging tema ng uri ng panitikan sa panahong
ito sa dati‟y nagbibigay diin sa pananampalatayang Katolisismo.
Dahil dito, kung kaya naging abala sa pagsulat ang mga lider na Pilipino na ang naging
inspirasyon ay pagibig sa bayan. At ang nilalaman ng mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga prayle
at pamahalaang Kastila.
Gayundin naman, hinangad ng mga repormista ang mga pagbabago ng kalagayan ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng:
1. Pagsasama ng Pilipinas bilang probinsiya ng Espanya
2. Pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino sa mga Kastila
3. Pagkakaroon ng kaunting kaluwagan sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas

Mga Pangunahing Manunulat

1. Dr. Jose P. Rizal (1861-1896)

Si Jose Rizal ay ang ating pambansang bayani. Bininyagan siyang Jose Protacio Rizal Mercado
y Alonzo Realonda. Siya ay labing-anim na taong gulang nang siya ay nagtapos sa Ateneo de Manila ng
Bachelor of Arts (Bachiller en Artes) o A.B. Nagtamo siya ng dalawampu‟t dalawang medalya sa
kanyang buong pag-aaral. Mag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit siya ay
hindi nakatapos dahil sa kakulangan sa pera. Siya ay naglakbay sa iba‟t ibang bansa at siya ay nag-aral
doon. Siya ay binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.

Mga Nobela:

Noli Me Tangere – Ang nobelang ito ang nagbigay ng sigla sa Kilusang Propaganda. Nilimbag
ito sa Berlin noong 1887. Binigyan ni Dr. Jose P. Rizal ang buhay na larawan ng mga pangyayari sa loob
ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila sa pamamagitan ng larawang buhay ng mga tauhang sina
Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Elias, Crispin, Sisa, Pilosopong Tasyo, Donya Victorina, Donya
Consolacion, Basilio, Crispin, Padre Damaso at Padre Salvi.
El Filibusterismo – Ito ang kasamang nobela ng Noli Me Tangere na nilimbag sa Ghent, Belhika
noong 1890. Sa katauhan ni Simoun ginising ang damdamin ng bayan upang maghimagsik. Bagamat
ipinahihiwatig dito ni Rizal ang hindi niya pagsang-ayon sa paggamit ng dahas o paghihimagsik, ito ang
pinaniniwalaang nagbigay-daan upang ang mga Pilipino ay maghimagsik laban sa Espanya. Inihandog
itong nobelang ito kina Padre Burgos, Gomez at Zamora.

Mga Sanaysay:

Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon) - Ito ay isang prediksiyon
ni Dr. Rizal na pagbawas ng interes ng Europa sa Pilipinas at ang impluwensiya ng Amerika ang
papasok.
“Notas a la Obra “Sucesos de las Islas Filipinas” por Don Antonio Morga (1889) – Ipinagtatanggol
ni Dr. Rizal ang mga sinulat ni Dr. Morga sa mga mamamayang Pilipino. Sa sinulat nito sa
dokumentasyon, masasabi nang si Dr. Rizal ay isang bayani.
Sobre La Indolencia de los Filipinos - (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) - Ito ay pagbibigay
ng katwiran ni Dr. Rizal sa mga katamaran ng mga Pilipino.

Mga Dula:

Junto al Pasig – (Sa Tabi ng Pasig, 1880). Itinanghal ito sa Ateneo de Manila noong Disyembre
8, 1880. Ito ay isang dulang may iisang yugto.
El Consejo de los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala) – Ito ay isang dulang alegriko na
nagbibigay pagpapahalaga kay Cervantes.

Iba pang akda:

Mi Ultimo Adios – Ang Huli Kong Paalam


A La Juventud Filipina – Sa Kabataang Pilipino
Me Piden Versos – Hinihingan nila ako ng mga Tula
Dudas – Mga Pag-aalinlangan
To The Young Women of Malolos – Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos

2. Marcelo H. del Pilar (1850-1896)

Kinikilalang pangunahing mamamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatatag niya


noong 1882 ng Diaryong Tagalog at pagkakapamatnugot niya noong 1889 sa La Solidaridad. Sa kamay
niya ay naging maapoy sa tagapamansag ng kilusang propaganda. Si Marcelo H. del Pilar ay gumamit
sa kanyang panulat para tuligsain ang mga prayleng sa paniwala niya‟y puno‟t dahilan ng mga
kasawian ng kanyang bayan noon. Isang abogado si Del Pilar na kilala rin sa sagisag na Plaridel, at
sumulat nang buong tapang sa Tagalog at Kastila. Ngunit higit siyang naging mabisa at kapani-
paniwala palibhasa‟y matapat sa paggamit ng sariling wika.

Mga Akda:

Dasalan at Tocsohan
Ang Cadaquilaan ng Dios (sanaysay)
Ang Sagot ng España sa Hibik ng Pilipinas (tula)
Ang Kalayaan (nobela)
3. Graciano Lopez-Jaena (1856-1896)

Ipinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo si Graciano Lopez-Jaena. Isa siyang kilalang manunulat
sa Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati ng Pilipinas. Mahigit 100 talumpati ang kanyang
naisulat na karamihan ay pinag-aaralan ngayon sa paaralan.
Siya ang nagtatag ng kauna-unahang pahayagang La Solidaridad sa Espanya na siyang naging
opisyal na pahayagan ng Asosacion Hispano-Filipina na nagpapahayag ng kinakailangang pagbabago
ng pamamalakad ng mga Kastilang opisyal sa Pilipinas. Ipinagbili niya ito kay Marcelo H. del Pilar.
Ang pinakatanyag na panulat niya ay ang Fray Botod na isinulat noong 1876, anim na taon
pagkatapos ng himagsikan. Dito niya tinutuligsa ang mga prayle.

Mga Nobela:

Esperanza (Pag-asa)
La Hija del Fraile (Ang Anak na Babae ng Prayle)

4. Heneral Antonio Luna (1868-1899)

Siya ang pinakamahusay na Heneral ng Unang Republika ng Pilipinas. Itinulad si Luna sa isang
ilaw na nagsabog ng liwanag sa loob ng paaralan matapos na siya‟y matuto sa loob ng tahanan
sapagkat siya‟y kinikitaan ng kakaibang katalinuhan sa pamamagitan ng matataas na marking kanyang
natatamo sa ginagawang pag-aaral.
Nakatapos siya at naging graduado sa pagka-batsilyer en artes noong 1883 kung kaya nga sa
gulang niyang labinlima ay natanggap niya ang paghanga ng lahat at kapurihan ng lahi.
Itinatag at pinamatnugutan niya ang La Independencia, ang opisyal na pahayagan ng
rebolusyong Pilipino.

5. Dr. Pedro A. Paterno (1857-1911)

Ang mga kinabibilangang tatlong panahon ng panitikang Pilipino ni Dr. Pedro Paterno ay ang
– Panahon ng Propaganda, Panahon ng Himagsikan at Panahon ng mga Amerikano. Maituturing na
unang manunulat na Pilipinong nakalaya sa mahigpit na pagbabawal ng mga Kastila na ikinabunsod ng
panahon ng Propaganda. Karaniwang paksang panlipunan at panrelihiyon ang tema ng kanyang mga
sulatin. Nobelista at dramaturgo rin siyang maituturing.
Itinatag niya ang Partido Federal noong Disyembre 23, 1900. Itinatag rin niya at
pinamatnugutan ang Republika Filipina, isang pribadong ngunit maimpluwensiyang lathalain noong
panahon ng Republika ng Malolos (1898).

Mga Akda:

Sampagitas y Poesias Varias (Mga Sampagita at Sari-saring Tula) – Inilathala noong 1880 sa
Europa at nakarating sa ikalimang pagpapalimbag noong 1885.
El Cristianismo y la Antiqua Civilizacion Tagala (1892) – Ang naging impluwensiya ng
kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga Tagalog ang nilalaman nito.
Ninay – (obra maestra) Ipinapalagay na kauna-unahang nobelang orihinal sa Kastila na siyang
nagtaas sa may-akda sa katanyagang pampanitikan sa panahong iyon, gayundin ito‟y itinuturing na
isang nobelang panlipunan.
6. Jose Maria Panganiban (1865-1895)

Ipinanganak sa Mambuhaw, Camarines Norte. Nagtamo siya ng titulong Batsilyer ng Siyensiya


sa Colegio de San Juan de Letran at nag-aral ng medisina sa Santo Tomas hanggang ikatlong taon.
Natanyag sa pamamahayag at pananalumpati sa buong panahon ng kanyang pag-aaral sa Letran at
Santo Tomas.
Kapanahon siya ni Rizal at kasama sa lahat ng kilusang makabayan ng mga Pilipino sa Espanya.
Kasama rin sa pagkakatatag ng La Solidaridad ni Graciano Lopez-Jaena at sumikat siya sa kaniyang
memoria fotografica. Dahil sa maraming talumpating nagtatanggol sa Filipino at sa Pilipinas ang
kanyang binigkas kung kaya sinasabing ang kanyang mga talumpati ay humahabol sa kaningningan ng
mga talumpati ni Lopez-Jaena. Marami ding sanaysay at lathalain ang kaniyang sinulat.
Pinanghinayangang mabuti ni Rizal ang kanyang maagang pagkamatay noong ika-18 ng
Agosto, 1895 sa Barcelona, Espanya.

7. Mariano Ponce (1863-1918)


Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22, 1863. Nakaanib ng mga Propagandista sa
Espanya at mahigpit na katulong nina Rizal, del Pilar at Lopez-Jaena. Siya ay eskuwela at manunulat ng
samahan.
Noong 1887, nilisan niya ang Pilipinas upang sa Europa mag-aral. Natapos niya ang Bachiller En
Artes noong 1885 sa San Juan de Letran.

Mga Akda:

Ang Mga Filipino sa Indo-Tsina


Historical Study of the Philippines
The Literature of the Propaganda Movement
Sobre Filipinas

8. Pascual Poblete
Ipinanganak sa bayan n Naic, Cavite. Namatnugot siya sa pahayagang El Resumen. Noong 1882,
nakasama niya si Marcelo H. del Pilar sa pagsulat at sa paglimbag ng Diaryong Tagalog. Dahil sa
panunuligsa niya sa katiwalian at pang-aapi ng mga Kastila kung kaya ipinadakip siya at ipinatapon sa
Africa.
Ang El Crito de Pueblo at Ang Tinig ng Bayan ay pawang itinindig niya sa pagbabalik niya sa
Pilipinas. Ito ay panayon ng mga Amerikano. Sinabing siya ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng
Noli Me Tangere ni Rizal. Kabilang din siya sa ikalawang panahon ng panitikan – ang una ay sa wikang
Kastila at ang pangalawa ay sa wikang Tagalog. Tinagurian siyang “Ama ng Pahayagan.” Gayundin,
sumikat siya sa pagiging mananalaysay, mananaysay, makata at mandudula.

Mga Akda:

Buhay ni San Isidro Labrador ni Francisco Butina


Ang Conde ni Monter Cristo ni Alejandro Dumas
Ang Kagilagilalas na Buhay ni Juan Soldado
Lucrecia Triciptino
Patnubay ng Biyayang Kasaysayang mula ng Lalangin ang Sangkalibutan hanggang sa Pasyong
Mahal na Poong Jesucristo – Ito ay handog sa Iglesia Pilipina Independiente.

You might also like