You are on page 1of 12

Pagsusuri sa Tulang

Tomas Agulto

MA. MICHELLE P. LOVERAS


M.A.T SocSci
Tagulaylay ng Isang Katipunero
Tomas F. Agulto
Isang mangingisda pero organikong makata at
manunulat na taga-Hagonoy, Bulacan. Kahit
walang pormal na training sa akademya, nilinang
niya ang sarili sa pagbabasa at pakikipag-ugnayan
sa mga kapwa makata at manunulat.
Tatlong ulit siyang itinanghal na ‘Makata ng Taon’
ng Komisyon sa Wikang Filipino at dalawang ulit
na nagwagi ng unang gantimpala sa pagsulat ng
tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature.
Noong 2009, hinirang siya ng Unyon ng
Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) na panalunin ng
Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa
larangan ng tula.
TALAANG GINTO
Jose Lederas Santos
Jesus E. Ferrer-Editor
- Ang Tula ay tungkol sa isang
Katipunero na napilitang
sumunod sa utos ng nakatataas at
kinitil ang buhay ng dalawang
bayani na tunay na nagmamahal sa
Inang bayan.
- Pinapakita din nito ang
pagbabalik tanaw sa kasaysayan
at kung papaano binabagabag ng
kanyang konsensiya ang tauhan
sa kanyang nagawa.
TULA

Ang manunulat ay gumamit ng


pamaraang daloy ng kaisipan
sapagkat gumamit ito ng
matatalinhagang salita at
tinangka nito pukawin ang
kaiisipan ng mga mambabasa
ukol sa kaganapan sa kasaysayan
Pagtutulad
Tumibuk-tibok,
Naglisawlisaw ang mga bulati
Sa Sinapupunan ng pozo negro
Tulad ng masasalimuot na ugat sa aking
konsensiya
Sumisigid sa kinalburong utak at puso

Pagtawag
Tuod, hindi mo mapanlulumbay ang aking puso;
Bato, hindi mo kayang makipagtagalan
Balahibo, nasaan ang iyong katawan?
Uod,huwag n’yo akong pagtaguan
Pagtatao
Embalsamado ang lupa

Tanong Retorikal
Ano’t hindi pa rin huihinga ang talampas?
1. Mga Pansin at Puna sa :

Katipunero/ Mga Pilipino- Tagapagsalaysay sa tula

Batay sa daloy ng kwento ng tula ang


tagapagsalaysay ng tula ay tumutukoy sa
katipunero/ mga katipunero na biktima ng
pagkakataon. Nirerepresenta ng
nagsasalaysay ang isang katipunero na
napilitang sumunod sa utos ng nakakatataas
kahit labag ito sa kanyang pinaniniwalaan. Sa
daloy ng tula isinalaysay niya kong papaano
siya kinakaiin ng kanyang konsensiya sa
kanyang nagawa.
Gumamit ang may-akda ng matatalinhagang
pananalita , Pagtutulad,Pagtawag sa
pagpapahayag ng damdamin at nilalalaman
ng tula. Pinalawak din nito ang kaisipan ng
mambabasa sa pamamagitan ng
pagkwekwento ng kaganapan sa kasaysayan

Ang pagkakabuo ng tula ay nasa puntong ang


may-akda ay ng kwekwento ng mga
kaganapan na hindi nababanggit sa
kasaysayan ng bibigay hamon din ito sa
kasalukuyang mambabasa o Pilipino na
maging bukas ang isipan sa totoong
pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang
Bayan.
MARXISMO
- Sa akda pinapakita kong
paano namamayani ang mga
Ilustrado o makapangyarihan
noong Panahon ng Espanyol
kung paano dagliang
napapatawan ng kamatayan
ang mga nasa mababang
istado ng lipunan.
REALISMO
-Inilalahad nito ang tunay na
kaganapan sa lipunan. Ang
pamamayani ng may kapangyarihan at
kwalan ng boses ng mga nasa
mababag istado ng lipunan. At kong
papano tayo nagiging bulag sa
katotohanan dahil sa pagnanais nating
protektahan ang ating kasalukuyang
katungkulan o kinalalagyan at dahil
dito nagkakaroon ng pag abuso sa
KAPANGYARIHAN
REALISMO

- Isinasalaysay din nito ang dinanas ng


Pilipinas simula noong Panahon ng
Espanyol hanggang sa pagbili sa
Pilipinas ng mga Amerikano sa
murang halaga.

SOSYOLOHIKAL
-Sapagkat sinasalamin nito ang
tunay ng nangyari sa lipunan noong
sinaunang Panahon.

You might also like