You are on page 1of 7

1. Gumawa ng isang (1) poster na angkop sa panahon na itinalaga sa iyo.

2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong patungkol sa Panahong iyong nabunot:

 Ano-ano ang ang mga katangian ng panahong ito na nagpa-ibabaw at nagbigay ng kahalagahan sa
kasaysayan? (3- pataas na katangian)

Nagkaroon ng pagsakop, naipasa ang iilang kultura ng mga Hapones sa Pilipino, naging mas mayaman
ang Panitikang Pilipino dahil sa mga pagkakataong ito at sumibol ang mga iba’t ibang manunulat
kaakibat ng kanilang mga teknik at porma.

Hindi malilimutan ang Panahon ng Hapon, ang pananakop ng mga Hapones ay naganap noong 1942
hanggang 1945, noong ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW II). Naging madugo at kagimbal-gimbal
ang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon nang pasabugin ang Pearl Harbor, Hawaii at Estados
Unidos noong Disyembre 8, 1941, umatras si Hen. MacArthur kasama ang nanungkulang presidente na si
Manuel L. Quezon. Pinasok naman ng hukbong sundalong Hapon noong Enero 2 1942. Sumuko ang
Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad
ng mga Hapones (Death March) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas. Bagama’t ganito
ang kinahinatnan ng pagsakop, nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong manunulat na ilathala ang
kanilang kaalaman sa larangan ng Panitikan. Naging paksa nila ang katutubong ugali sa
bukid,pangigngisda,pagsasaka, pananampalataya, sining, sipag ng Hapon sa pagtatrabaho,
pagkamakabayan, kalikasan at pakikipagsapalaran sa lungsod. Lumabas ang iilang tulang tagalog na may
pagkahalintulad sa Haiku ng mga Hapones. Nagkaroon din mga pahayagan sa panahong ito ngunit
pinasara ang sinehan dahil ipinagbawal ang mga pelikulang Ingles.

 Sino-sino ang mga sumikat na manunulat sa panahong ito? (5-pataas na manunulat at kakaunting
kaalaman tungkol sa kanila at mga akda nila)

1. Si Narciso G. Reyes ay ipinanganak noong ika-2 February 1914 sa Tondo, Manila at namatay
noong ika-7 May 1996. Naging isa siyang guro, journalist, at manunulat ng dyaryo. Ilan sa
kaniyang mga naisulat ay ang "Lupang Tinubuan", "Kalahating siglo sa talambuhay ng
kamalayan : ang 25 pinakamabuting maikling kathang Pilipino ng 1943", "Rizal at iba pang mga
piling Dula" at marami pang iba.
2. Si Liwayway Ablaza Arceo (Li·way·wáy A·blá·za Ar·sé·o) ay isa sa mga nangungunang
kuwentista, radio scriptwriter, mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang Tagalog.Noong dekada
50, nagsulat siyá ng mga script para sa Ilaw ng Tahanan, ang unang radio soap opera sa bansa na
nagtagal nang halos 10 taon. Siyá rin ang nasa likod ng mga script na binabasa noon ng mga gaya
ni Tiya Dely Magpayo sa programang Ang Tangi Kong Pag-ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni
Tiya Dely noong mga taóng 1960 hanggang 1990; at Helen Vela sa programang Lovingly yours,
Helen noong mga taóng 1970.
3. Si Nestor Vicente Madali Gonzales o mas kilalang N.V.M Gonzáles ay isa sa mga
pinagpipitaganang prolipikong awtor ng panitikan sa wikang Ingles, propesor, at peryodista. Igi-
nawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1993.
Ang kaniyang mga nailimbag na pamana sa bayan ay ang mga nobela: The Winds of April (1941); The
Bamboo Dancers (1957); A Season of Grace (1974); mga kalipunan ng maikling kuwento: Seven Hills
Away (1947); Children of the Ash-Covered Loam and Other Stories (1954); Look, Stranger, on this
Island Now (1963);Selected Stories (1964); Mindoro and Beyond: Twenty-One Stories(1989);Bread of
Saltand Other Stories (1993); at mga sanaysay: Work on the Mountain (1991); at The Novel of Justice:
Selected Essays (1996
4. Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil sa
malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula, kuwentista,
mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.
Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de
Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-
apat ay nagwagi na sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikal na ang
paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyang mga dula ang pilosopiya ng
sosyalismo, kagalingang-bayan at pangkasaysayan.
5. Si Gervasio B. Santiago, Sr. (Gervasio Bautista Santiago, Sr.) ay isang manunulat sa wikang Pilipino.
Nakalikha siya ng maraming maikling kuwento, nobela, lathalain at mga sanaysay mula noong maagang
bahagi ng dekada 30 hanggang noong huling bahagi ng dekada 80. Si GBS ay naging patnugot ng
lingguhang magasing Liwayway mula 1960 hanggang 1979.
Ipinanganak noong 19 Hulyo 1909 sa Quiapo, Maynila. Panganay na lalaki sa limang anak nina Pablo
Santiago ng Quiapo at dating Inez Bautista ng Sta. Barbara, Pangasinan. Nag-aral siya sa Mapa High
School at Rizal College. Napangasawa niya noong Disyembre 1931 si Belen Medina Manalo at sila ay
biniyayaan ng 13 anak.
Naging kasapi siya ng 12 Panitik. Ang kanyang kuwentong Leonor Dalisay ay unang nabigyan ng
gantimpala ng Liwayway noong 1936. Naging aktibong manunulat ng lahat ng lingguhan at buwanang
mga babasahing Tagalog sa Maynila. Napabilang siya sa kalipunang inilathala ng Ateneo de Manila
University na 50 kuwentong ginto ng 50 batikang kuwentista, Volume 1 kung saan nakabilang ang
kanyang kuwentong Hinakdal
6. Si Jose Maria Hernandez ay manunulat at guro. Nag-aral siya ng pagsulat at pagtatanghal ng dula sa
Amerika. Kilalang dula niya ang Panday Pira, isang dulang makasaysayang may 3 yugto.
Ang iba pang sinulat na dula ni Jose Ma. Hernandez ay The Olive Garden, isang dulang hango sa
Bibliya; Night Wind, Sunrise in the Farm, The Empty House, Prelude to Dapitan, at White Sunday.
Nagkamit ng gantimpala sa Palanca Memorial Award in literature ang dulang White Sunday.

 Pumili ng dalawang (2) panitikan na naging tanyag o nailathala sa panahong ito.


Uhaw na Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo at Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes
 Saan ito nagmula?Ano ang buod at tema na ipinapahayag sa panitikang napili?

Buod ng Uhaw na Tigang na lupa ni Liwayway Arceo (Japanese Imperial Government-sanctioned


Pinakamabuting Maikling Katha ng 1943 (The Best Short Stories of 1943).

Tema: Ang tema nito ay nais ipakitang mayroon paring tunay na pagmamahal, pagpapahalaga sa lipunan ang
pamilya. Nagpapakita ito ng pagiging huwaran at ito ang nais patunayan ni Liwayway.

Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging
malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng
ulan kung tag-araw at kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na
uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya
ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at
tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang
ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan
sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y
nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang
ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang
kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay,
walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag
moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko
na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa
mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

Buod ng Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes


Tema: Ang layunin o tema ng panitikan ay ipakitang karanasan ang sumasalamin sa kasaysayan at ito'y bahagi ng
kanyang pagkahubog. Ipinapakita rin na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin,
Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at
pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong,
huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa
Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang
Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako araw-araw.
Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli.
Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim
ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa
istasyon.’ Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan.
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan.
Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa
Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong
Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.’
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang
pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang
hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya
sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit
sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang
isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.
Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid,
paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya.
Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang
tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at ditto, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga
bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na
langit.
‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan
ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon. Naisaloob
niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga
bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa
kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.
Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang
iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana
Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay
at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan
hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. ’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang
naisaloob niya. ’ Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.’
Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng
lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may
sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya
Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin,
at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon
sai Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang
nakilala.
Isang manipis na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang
kinabuburulan ng patay. At sa bukas na lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina
salo ng pinagbuhol na lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga
namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam.
Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang
mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap
ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng
awa at lungkot.
’Hindi mo nababati ang Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. ’At ang pinsan mong si
Bining,’ ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining,
ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang
album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo
na nagbubuklod ng mga tao.
Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang
panahon ng paggapas, at namandala ana ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si
Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.
Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng
matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang
nagsalita.
’Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.
’Bakit po?’
’Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.’
’May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.’
’Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.’
’Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?’
’Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang
gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’
Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. ’Doon siya malimit magpalipad ng
saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa
akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’
Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. ’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at
pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong
Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula-isang
maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.’
Napangiti si Danding. ’Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila?’
’Oo,’ natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. ’Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng
palay.’
’Nahuli po?’
’Oo – sa liwanag ng aandap-andap na bituin.’
Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya.
Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.
’Ano ang pinanood mo sa bukid?’ ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan.
’Ang araw,’ ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim
na tila nakalambong sa bahay.
Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga
anak nito, at ng malungkot at batbat – sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas.
Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang
labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang
pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang
huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman.
Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali
ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila.
Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping pananangis na higit na makadurog-
puso kaysa maingay na pag-iyak.
Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang
nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong
pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang dibdib ng damdaming ito,
si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.
Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid.
Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba
na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha
at leeg.
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya
nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa
lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang
ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso.
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni
Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang
pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang
gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong
kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig na mga luha at
umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan.
Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga
nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling
naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.
Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani
ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang
mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang
napangiti.
Sa dako ng baybay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-
dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit.
Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at
ang ilang aandap-andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.

You might also like