Professional Documents
Culture Documents
Pre- Kolonyal
Bago pa man sinakop ng malalakas
na bansa ang Pilipinas, mayaman na
ang panitikan sa tula. Magaling at
matalino ang mga Unang Pilipino sa
pagbuo ng mga tugma.
Napagalaw nang husto ng mga
ninuno ang kanilang mga gunini at
naging libangan nila ang pagbigkas
ng tugma.
A. Panugmaang-Bayan
1.Tugmaang Pambata. Maiiksing tula na walang diwa, kung mayroon man ito
ay mababaw lamang.
Halimabawa: Ulan-ulan pantay kawayan.
2.Tugmaang Matatalinghaga. Maikling tulang may sukat at tugma, may
malalim na paksa at humahasa sa kaisipan. May layuning mangaral,
magpaalala at magbigay babala.
Halimbawa: Bugtong, Kawikaan o Kasabihan, Salawikain
3. Tugmaang Ganap na Tula. Nabibilang dito ang tinatawag na tanaga ng
Katagalugan at ambahan ng mga taga-Mindoro. Gumagamit ito ng maririkit
na salita na may sukat, tugma, talinghaga at kaisipan.
Halimabawa: Ang tubig na malalim
Malilirip kung libdiw
Itong birheng magaling
Maliug paghanapin
B. Awitang Bayan. Naglalarawan ito kung anong uri ng pamumuhay
mayroon sila. Mayaman ito sa kaugalian at tradisyon. May sukat at tugma
na kinapalooban ng iba't ibang damdamin na may marikit na pananalita.
Uyayi o Hele.
Lam-ang Ilocos
Handiong Bicol
Hudhud at Ali Ifugao
Hinilawod Bisaya
Bantugan Maranaw
Indarapatra at Sulayman Maguindanao
Panahon ng
Kastila
Dumating ang isang makapangyarihang mananakop. Ito ang mga
Kastila (1565-1898) na may layuning palaganapin ang Katolisismo at
ang kanilang imperyalismo sa ngalan ng krus at espada.
Ang awit na ito ang naging bunga ng kasawian ni Kiko sa pag-ibig kay
Maria Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya at pinaghandugan ng
kanyang obra maestra. Nakulong si Kiko dahil sa maling paratang ni
Mariano Capule, kaagaw niya sa puso ni Selya.
Ang mga berso, dalit at iba pang taludtod ay nag-iba ng hugis. Malaki ang
naging papel ng panitikan sa panahong ito. Ang mga makata ay
nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago. Sa mga taludtod
ng kanilang tula ay sumisigaw ang damadaming nasyonalismo.