You are on page 1of 7

Pagsusuri sa El filibusterismo

 sosyolohikal/ Historikal
sa kabanatang ito mababakas ang lenteng sosyolohikal sapagkat ipinakita rito ang mukha ng
isang lipunan kung saan ang mga masalapi ay may kakayahang solosyunan ang suliranin na
meron ang isang lipunan. inuri din ang lipunan sa pamamagitang pag base sa estado ng
buhay ng mga tao. sa ikalawang lente naman tinitignan ko itong historikal sapagkat noon
ang mga sumasakay sa ibabaw ng kubyerta ay ang mga may kakayahan lamang na
magbayad, ngunit ngayon ito ay hindi lamang para sa mga may matataas na antas sa
lipunan, gayun din naman sa ilalim nito.

 cultural studies/ Moralismo


sa kabanatang ito naman masisipat ang lenteng cultural studies maaari kasi na ang pag-
inom ng alak ay namana ng mga Pilipino sa mga espanyol na sumakop sa atin bansa kung kaya’t
naging bahagi na n gating kultura ang pag-inom ng alak kahit walang okasyon. moralismo naman
sapagkat hindi nararapat na mangliit ng kapuwa tao dahil lamang sa kanilang estado sa buhay at
sa lugar kung saan naninirahan na talamak ang kahirapan doon.

 Cultural Studies/Humanismo
sa ikatlong kabanatana ito ang lente na cultural studies dahil isinalaysay at ibinahagi ng mga
prayle ang kanilang mga nalalaman ukol sa mga pinaniniwalaan nilang alamat, marahil sa kanila
rin natin namana ang paniniwala tungkol sa mga alamat ng bagay na ngayon nga ay nasa kultura
na natin mga Pilipino at magpasa hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin natin ang tungkol
dito. At ang ikalawang lente naman ay ang Humanismo dahil ipinapakita na sa mga tao
nakasentro ang kabanatang ito.

 Sosyolohikal/ Realismo/ moralismo


sa ng ito mababakas ang lenteng sosyolohikal sapagkat ipinakita rito ang kasuklaman ng mga
prayle pagdating sa salapi , ipinapakita lamang dito ang pag-uugali ng mga prayle na hidi naman
nalalayo sa mga kasalukuyang namamahala sa atin bansa. ikalawang lente ay realismo sapagkat
noon pa man ay nangyayari na ang pang-aalipusta sa mga magsasaka at ang pandadaya sa mga
ito dahil nga sila ay hindi marunong magbasa at walang tinapos. moralismo naman ang ikatlong
lente ang pagtulong sa kapuwa mo ay dapat bukal sa iyong kalooban na walang hinihingi na
kapalit, katulad na lamang ng tauhan sa kabanata na ito na si tatang selo.

 Historikal/ realismo
Sa kabanatang ito masisipat ang lenteng historical sapagkat noon pa man ay mahigpit na ang
mga guwardiya sibil at sa kabilang dako naman ginagamit na midyum na sasakyan ang karwahe
sa kahit saan na lugar. at para naman sa ikalawang lente na realismo ipinakita sa kabanata na ito
ang paghihigpit ng mga guwardiya sibil sa isang kutsero at ito ay ikinulong dahil ang kaniyang
karwahe ay walang ilaw, sa reyalidad ng buhay nangyayari ang mga ganito madalas sa mga
nagmamaneho ng kotse o di kaya ng motor, at dahil nga lumabag sa batas bilang parusa ika’y
hahatulan ng pagkakulong.

 Moralismo/ Romantisismo
Sa ika-anim ng kabanata na ito lumutang ang lenteng moralismo dahil ipinakita ni basilio ang
kaniyang pagtiyaga sa kabila ng mga ng aalipusta sa kaniya na mga tao dahil sa kaniyang
kasuotan. Hindi naging dahilan ‘yon upang hindi siya magpatuloy sa pag-aaral. at dahil sa angkin
nitong katalinuhan maraming mga guro ang namangha sa abilidad niya. tunay nga na kung may
tiyaga ay may nilaga. Sa ikalawang lente naman ay romantisismo idahil ipinakita ni basilio ang
labis na pagmamahal niya sa kaniyang ina na pumanaw na, kahit pa ito ay hindi na muli niya
makakasama nanatili pa rin ito sa puso ni basilio.

 Culutural studies/Eksistensyalismo
Sa ika-pito ng kabanata na ito ay mababakas ang lenteng Cultural dahil isinalaysay ni simoun ang
tungkol sa wikang katutubo, walang saysay ang pag-aralan ang wikang kastila dahil mas lalo
lamang magiging alipin ang mga Pilipino ng mga espanyol kung patuloy pa rin na pag-aaralan ng
mga kabataan ang kanilang salita, sa kultura ng ating mga Pilipino ag wikang katutubo ay higit na
pinapahalagahan dahil ito ay nanganganib na, kung kaya’t ito marahil ang ikinakatakot ni
Simoun. lumutang din ang lenteng Eksistensyalismo sapagkat naging malaya ang dalawang
tauhan sa pagpapahayag ng kanilang saloobin sa isa’t isa.

 Cultural studies/
Sa ika walong kabanata makikitaan naman ito ng lenteng culturalstudies dahil na ipakita rito ang
pag-uugali ng mga Pilipino an kung saan noon pa man ay relihiyosong tao na ang karamihan sa
atin, ngunit ‘yon marahil dahil mabilis na lumaganap ang kristiyanismo sa bansang pilipinas at
naging dahilan ng pagkakaroon ng mga iba’t ibang pamihiin. isa lamang ang mga ito sa
ipinamana at namana natin sa mga espanyol. lumutang din s akabanata na ito ang lenteng

 Sosyolohikal/Moralismo/
masisipat sa kabanatang ito ang lenteng sosyolohikal sapgakat ipinakita muli ang mukha ng
lipunan na mapang api at mandaraya pagdating sa mga tao na walang pinag aralan at
tinapos,tulad na lamang ng ginawa ng tatlong prayle kay kabesang tales. ipinakita rin dito ang
lipunan na bumabase sa estado ng buhay ng tao dahil sa loob ng lipunan kung ikaw ay isang
dukha lamang kung gayon wala kang karapatan upang magkaroon ng sariling lupa. Feminismo
naman ang ikalawang lente, isinalaysay sa kabanata bilang isang babae nararapat lamang na
ikaw ay maalam sa pagdadasal. lumutng din ang lente na moralismo sapagkat ang pag-aangkin
ng bagay na hindi mo naman pagmamay ari ay isang kasalanan na maituturing ganun din ang
panglalamang sa kapuwa mo upang makuha ang ninanais na bagay.

 Moralismo/Eksistensyalismo
masisipat sa kabanatang ito ang lente na moralismo. Kahit ano pa ang masamang ginawa ng
iyong kapuwa mo, hindi kalian man naging solusyon ang pagpatay, ito ay nakatala sa sampung
utos ng panginoon at ang kasalanan na ginawa ay may karampatang na parusa. ipinasok ko ang
lente na eksistensyalismo dahil ipinakita ni kabesang tales na mas higit na may karapatan ang
kaniyang anak sa kwintas kung ito ba ay kaniyang ipagbibili kay simoun.

Naturalismo/cultural studies
 Sa kabanatang ito naman ay ang lente na naturalism dahil ang pagkilos ng mga prayle at ng iba
pa ay nakadepende sa kung ano ang sasabihin o gagawin ng pinakamakapangyarihan sa kanilang
bayan o lugar. sa ikalawang lente naman ay ang culturalstudies. Ang paglalaro ng sugal ay naging
bahagi na rin ng atin kultura marahil ito ang isa rin sa mga namana natin sa mga espanyol na
sumakop sa atin bansa.

 Realismo /Historikal
mababakas sa kabanatang ito ang lente na realismo, ipinakita rito ang mukha ng isang
estudiyante na kung saan ay ibig na lang muna ang kumayod imbes na magpatuloy sa pag-aaral,
hindi naman nalalayo ang estudiyante na si placido sa mukha ng mga estudiyante sa reyalidad
ng buhay, maaari kasi na dala ng kasalatan sa buhay kaya mas ninanais na lamang ng iba na mag
trabaho upang makatulong sa pang araw-araw na gastusin. Historikal naman ang ikalawang lente
na lumutang naipakita rin doon ang katangian ng mga kababaihan, dahil nga noon hindi naman
katulad ng kahoy na marupok ang mga kababaihan na konting harana at mabubulaklak na salita
ay maaari nang mahulog. pagdadaanan mo muna marahil ang mga maliit na butas ng karayom
bago mo makuha ang matamis na oo ng isang dalagang Filipina.

 Romantisismo/ Eksistensyalismo
mababakas ang lente na romantisismo sa kabanata na ito dahil masidhing ibinahagi ni
Sandoval sa harap ng kaniyang mga kamag-aral ang pakiwari ukol sa pagsulong ng paraalan
na may layong magturo ng wikang kastila sa mga nagnanais na matututo, romantisismo
sapagkat ipinakita ni Sandoval ang labis na pagmamahal sa wikang kastila at maipakita sa
taong bayan na sila ay may kakanyahan na matuto ng wika ng ibang lahi. samantala naman
lenteng eksistensyalismo naman ang isa sa lumutang sa kabanata na ito dahil nagkaroon ang
bawat isa sa kanila ng malayang pagpapasya.

 Sosyolohikal/Romantisismo
mababakas ang sosyolohikal na lente rito, ipinapahiwatig ng kabanata na ito ang hindi dapat
pakikialam ng mga binata sa usapin ng pagbabago. naaayon sa lipunan ngayon ang mga
binitawan na salita ng tauhan ditto na si ginoong pasta, kung saan hindi ka maaring
makisangkot sa ano man suliranin ng pamahalaan higit lalo pa kung ikaw ay bata pa lamang.
sa ikalawang lente naman ay ang romantisismo dahil ipinakita ni isagani ang pagmamahal
nito sa bayan, gagawin ang lahat upang makamit ang ninanais na karangyaan at katarungan
na para sa mga taong bayan.

 Realismo/ historikal
masisipat sa kabanata na ito ang lente na realismo, kung ikaw ay maraming salapi mabibili
mo ang ninanais mo kahit pa nga ito ay mabigat sa bulsa. tulad na lamang ni simoun na kilala
dahil sa yaman nito sa alahas, at ang kakayahan nito bumili ng mga armas kahit ubod pa ito
ng kamahalan. Historikal naman ang ikalawang lente na lumutang sa kabanata na ito
sapagkat noon pa man ay kilala na ang mga tsino na mangangalakal, at magpahanggang
ngayon, marahil nakaugnay na ito sa kanilang kultura.

 Kabanata 17
Historikal/ Cultural studies

sa ika-labing pito na kabanata lumutang ang historikal na lente. Noon pa man ugali na ng
karamihang prayle ang kayamuan sa tuwing sila ay nakakakita ng magagandang dilag, kahit
pa nga’y mahaba na ang saplot ng mga kababaihan nagagawa pa rin humanga ng mga prayle
sa angkin na kagandahan ng mga ito. cultural studies naman ang ikalawang lente na
pumasok, sapagkat ipinakita rito ang kultura ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay ganap
pa rin na nangyayari sa iba’t ibang parte ng pilipinas, ang perya na kung saan ay kinagigiliwan
ng karamihan ng iba sa atin ay marahil namana rin natin noon sa mga dayuhan na sumakop
sa ating bansa.

kabanata 18
Klasismo/Sosyolohikal

Mababakas ang lente na klasismo rito dahil maingat ang pagpili ng mga salita upang
maipahayag nang maayos ng mga karakter sa kwento. Gayundin naman para mas lubos na
maintindihan din ng mga mambabasa. lumutang din ang lente na sosyolohikal, ipinakita roon
ang iba’t ibang mukha ng tao sa loob ng lipunan, tulad na lamang ng mga tauhan sa loob ng
kuwarto .

kabanata 19
Moralismo/Eksistensyalismo

Sa ika- labin siyam ng kabanata na ito masisipat ang moralismo na lent. DAhil ipinakita rito
ang labis na pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak na kahit wala na ang katuwang sa
buhay pinilit pa rin na itinaguyod ng ina ni placid ang pag-aaral niya. Eksistensyalismo
naman ang ikalawang lente na masisipat sapagkat binigyan ng kalayaan ni simoun magpasya
ang binata na si placid, kung bakit nais nito tumungo papunta sa bansang hong kong.

Kabanata 20
Humanismo/ Sosyolohikal
Ipinakita sa kabnatang it ang lente na humanism, sapagkat naka sentro ito sa pagkatao ni
don custodio at sa kaniyang mga kakayahan na naging dahilan upang tumaas ang kaniyang
posisyon at maluklok sa iba’t iabng posisyon sa pamahalaan. Ipinasok ko rin ang lente na
sosyolohikal dahil ibinanggit ni don custodio ang tungkol sa mga indio. upang sila ay
mapaamo agad, kinakailangan sabihin ng paulit ulit sa kanila na sila ay walang kakayahan.
sosyolohikal ko itong nakikita dahil minamaliit ng mga nasa itaas ang kakayahan na mayroon
ang mga Pilipino kung kaya’t mabilis nila itong napapasunod sa kung ano ang iutos at gawin
nila rito. nagtatagumpay din sila sa mga balak nila dahil batid ng iba na mga mangmang at
walang alam ang karamihan sa indio.

Kabanata 21
Cultural studies/ Sosyolohikal

masisipat ang lente na cultural studies ditto, dahil ipinikita ang bahagi ng kultura ng mga
Pilipino noon at ngayon, ang teyetre o pagtatanghal din marahil ang namana ng mga Pilipino
sa mga sumakop sa atin noon, kung kaya’t naging bahagi na rin ito sa kultura natin mga
Pilipino na kung saan ito ay pinagyayaman pa lalo at ipinapakita ang kalagahan nito sa
maraming mga manunood. ipinasok ko rin ang sosyolohikal na lente, sapagkat nauuri ang
panlipunan base sa estado ng buhay ng mga tao kung saan ang may kakayahan lamang ang
makakabili ng ticket at makapanonood sa teyetre at umupo sa magagandang puwesto.
ipinasok ko rin ditto ang historical na lente dahil naipakita rito na noon pa man ay sentro na
ang lungsod ng maynila pagdating sa usapin ng pangangalakal at paglalathala ng mga
mahahalagang kaganapan.

kabanata 22
Realismo/Formalismo

walang lalaki ang hindi mahuhulog sa taglay na kagandahan ni paulita, kung kaya’t ang karibal
na kamag-aral ni isagani na si juanito ay gumagawa ng paraan upang mapasakaniya ang dalaga.Hindi
naman maitatanggi ang nararamdaman ni isagani bialng kasintahan ni apulita kung kaya ganun na
lamang ang galit niya kay juanito. Nangyayari din ang ganito sa reyalidad ng buhay kung saan
tinatawag ng karamihan na taksil o traydor, batid man nila na ang isang tao ay mayroon ng
kinakasama ito’y ipagpapatuloy pa rin at hahamukin ang lahat upang magtagumpay sa nais. Ipinasok
ko rito ang lente na formalismo dahil isinalaysaydito ng isang kamag-aral nila na ang mga pranses ay
hindi taglay ang matmis na tinig at ang mga pagkakatugma nito, ipinararating lamang ng may-akda
na higit na mas magaling at makata pa rin ang mga Pilipino kung ihahalintulad sa mga nagtatanghal
sa entablado na mga pranses.

Kabanata 23
Romantisismo/ Marxismo

romantisismo ang lente na aking nasipat sa kabnatang ito. ipinakita rito ang kagustuhan na gawin ni
simoun ang binabalak para sa pamahalaan, una upang mailigtas ang iniibig na si maria clara dahil sa
labis na pagmamahala nit okay maria clara minabuti nitong mag alyansa at gumawa ng himagsikan
laban sa mga prayle. romantisismo sapagkat pinakita rin ditto ang labis na pagmamahal niya sa
bayan ng pilipinas, ang kagustuhan na lumaya ang bansa mula sa pagkakahawak sa leeg ng mga
prayle. Moralismo, sapagkat ipinakita ni basilio ang kaniyang utang na loob sa taong kumupkop at
nagpa-aral sa kaniya at nag-aruga, kahit pa nais din nito na pumuta sa tyerte o pagtatanghal mas
minabuti na lamang ang arugain si heneral tiago.

kabanata 24
Romantisismo/ Sosyolohikal

Mababakas ang lente na romantisimo rito, dahil nagpakita ng pagmamahal ang tauhan sa kaniyang
bayan at kapuwa. ditto isinalaysay ni isagani ang mga magagandang kalikasan sa kaniyang bayan,
dahil ninanais ni isagani na maipagtanggol ang bansang pilipinas mula sa mga prayle, at handang
ibuwis ang sariling buhay makamit lamang ang inaasam na karapatan ng mga Pilipino at gayundin
ang paglinang sa katarungan. Maikakabit k ang sosyolohikal sa kabanata na ito dahil isinalaysay din
dito ang usaping panlipunan na ang nais ni isagani ay mabago ang pamamalakad ng pamahalaan sa
bansang pilipinas.

kabanata 25
Sosyolohikal/Historikal

Makikita ang lente na sosyolohikal sa kabanata na ito, dahil ibinanggit ang usapin ng lipunan kung
saan inihalintulad din ang mga prayle sa pagkain sa loob ng panciteria. ang pancit ay inihalintulad sa
bayan at pamahalaan kung saan ang lahat ang nakikinabang ngunit ito ay minamasama pa, sa
madaling salita ang pancit ay ang mga tao sa lipunan na may mababang antas lamang at ang mga
kumakain naman sa pancit ay ang mga nasa pamahalaan na nagpapatakbo at namamahala sa
bansang pilipinas. Ipinasok din ang lente na historikal dahil ipinakita ang larawan ng panciteria na
ngayon ay kabilang na sa kasaysayan ng pilipinas at pamana. ngunit nakakalungkot isipin na ito ay
hindi na muli nagagamit at abandonado na rin.

kabanata 26
klasismo/eksistensyalismo

lumutang ang klasismo na lente sa kabanata na ito. isinalaysay ni isagani na hindi rapat matakot
dahil nalaman ang kanilang nais na mangyari bagkus pumaroon sa gulo, sa puntong ito mas pina iral
ni isagani ang kaniyang isip at mas pinapahalagahan ang katwiran, at ang layon ng kanilang pag-
aaklas. hindi niya pinili ang maging emosyon upang hindi sumuko at umatras ang iba nilang mag-
aaral. ipinasok ko rin ang lente na eksistensyalismo dahil ng kalayaan si isagani upang ibahagi sa
harap ng kaniyang mga kamag-aral ang saloobin nito.

kabanata 27
Eksistensyalismo/ Sosyolohikal
maisispat ang lente na eksistensyalismo sa kabanata na ito dahil nagkaroon ng kalayaan na
maipahayag niya ang nais na sabihin kay padre Fernandez ang mga saloobin na ito ay ang
paghadlang ng mga prayle sa pagkatuto ng wikang kastila. Sosyolohikal naman ang
ikalawang lente na masisipat, dahil nabanggit ang usapin panlipunan at ang mga suliranin
nito na kung saan isinalaysay ni isagani ang bayan na isinisiil ay tinuturuan ng pagkukunwari
at ang taong pinagkakaitan ng katotohana’y tinuturuan ng kasinungalingan. dahil maraming
prayle ang hindi sumusunod sa kanilang tungkulin.

kabanata 28
Realismo / sosyolohikal
masisipat sa kabanatang ito ang lente na realismo dahil ipinakita sa kabanata na ito kahit
pumanaw na ang isang tao mas naaalala pa nito ang mga pagkakautang na naiwan ng taong
pumanaw na. sa reyalidad nanngyayari din ito dahil may mga iilan tao na mas
pinapahalaghan ang pera imbes na ang tao. sosyolohikal naman ang ikalawang lente dahil sa
lipunan ang mga kagay nila isagani at tadeo gayun din si basilio ay walang karapatan na
maglahad ng kanilang saloobin, tanging mga may kapangyarihan lamang ang maaaring
mangatuwiran.

kabanata 29
Historikal/Sosyolohikal

You might also like