You are on page 1of 7

PAUNANG PAGSUBOK:

MGA GAWAIN
GAWAIN 1
Sagutin ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sumulat ng “Mga Ginto sa Luha ng Buwaya”
d. Alcomtiser P. Tumangan
2. Ang sumulat ng“Isang Dipang Langit”
a. Cesario Y. Torres
3. Ang sumulat ng Amado V. Hernandez: “Humorista”
a. Loline M. Antillon
4. Ang sumulat ng “Walang Lubay ang Pag-inog ng Maikling Daigdig ni
Liwayway A. Arceo
C. Anacleta M. Encarnacion
5. Ang sumulat ng “Ang Sining ni Macario Pineda: Mga Klasikong
Potograpiya sa Galeriya ng Imortalidad.
b. Joe Lad Santos
6. Nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Surian sa sanaysay ’83.
d. Pedro L. Recarte
7. Nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay –
Gantimpalang Collantes.
c. Pedro L. Recarte
8. Nagkamit ng unang karangalang-banggit na sumulat ng (Ficcion: Daloy ng
Kasaysayan sa layingyang Panlipunan.
a. Fidel D. Rillo Jr

9. Ang sumulat ng “Ang satanas sa Lupa ni Celso Al. Carunungan: Replesyon


ng Kamalayang Sosyo-politikal sa Bansa”
a. Pat Villasan Villafuerte
10.Ang sumulat ng “Daigdig at Buhay sa San-dipang Langit”
d. Virgilio S. Almario
GAWAIN 2: Piliin sa kahon ang mga sumulat ng mga sumusunod na sanaysay.

Virgilio S. Almario Pedro L. Recarte


Gregorio C. Borlaza Pat Villasan Villafuerte
Lilia Quindoza Santiago Soledad S. Reyes
Fr. A.V. Clenista Teresita P. Capili-Sayo
Benigno Juan Loline M. Antillon

1. Ang pagnanasa at ang Utopia ni Dominador Mirasol


Soledad S. Reyes
2. Ang Katuparan ng mga Adhikain ni Amado V. Hernandez
Gregorio C. Borlaza
3. Bayang Malaya ni Amado V. Hernandez, walang Dayang Salamin ng
Katotohanan
Benigno Juan
4. Pagtatagpo ng Mito at Realidad sa Epiko ni Hernandez
Pedro L. Recarte
5. Ang pagkamulat ng Isipang Feminista ni Amanda Bartolome, Pangunahing
Tauhan ng Dekada ‘70
Loline M. Antillon
6. Daigdig at buhay sa San-dipang langit
Virgilio S. Almario
7. Katauhan, Kaisipan at Kayamanan ni Amado V. Hernandez sa kanyang
Nobelang Mga Ibong Mandaragit.
Fr. A.V. Clenista
8. Ang Pilipino at ang kanyang Kultura’t Lipunan sa Maikling Kuwento ni
Liwayway A. Arceo
Teresita P. Capili-Sayo
9. Sa Dulo ng Tulang may Iisang Salita: Ilang Tala sa Pag-unlad ng Panulaan
ni Ruth Elynia
Lilia Quindoza-Santiago
10.Ang Daigdig ng Tula, Ang Daigdig ng Makata at ang Daigdig at Iba Pang
mga Tula.
Pat Villasan Villafuerte

GAWAIN 3:
Basahin ang tula na “Mula sa Gitanjali” ni Rabindranath Tagore na Isinalin
ni Pat V. Villafuerte.
TANONG:
Ano sa palagay mo ang nais ipaabot ng may-akda sa mga mambabasa?
Suriin at gawan ito ng sanaysay.

Ang ating buhay ay hiram lamang kung kaya’t kailangan natin itong
pahalagahan sapagkat bawat oras at araw ay napakahalaga habang tayo ay
nabubuhay, wag sayangin ang bawat oras at araw na mayroon tayo. Ano mang
hirap at lungkot ang ating maranasan kailanagan parin na ipagpatuloy ang
buhay na mayroon tayo sapagkat ang sarap mabuhay sa mundong ito.

Ang tulang ito ay nais lamang ipabatid sa mga mambabasa na huwag


nating aksayahin ang bawat araw o oras na mayroon tayong magagawa sa
mundong ibabaw para sa ating sarili maging sa ating kapwa sapagkat hindi
natin alam kung hanggang saan at kung hanngang kalian tatagal ang ating
buhay. Ang nais lamang iparating ng may-akda ay dapat maging balanse tayo
sa kung anong mayroon tayo at kung ano ang naabot natin sa ating buhay, ibig
sabihin kailangang pahalagahan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng may
maykapal at kailangan gawin ang tama at iwasan ang mali upang makamit
natin ang kaligayahan na mula sa ating mga puso.

GAWAIN 4:
Basahin ang “Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan” ni Andres
Bonifacio. Pumili ng tatlong miyembro, ipaliwanag o suriin ang bawat talata
kung ano ang nais ipahayag ni Andres Bonifacio sa mga Katagalugan. Gawan
ito ng sanaysay at magkakaroon ng presentasyon ang bawat grupo sa
pamamagitan ng video presentation.

MARARAHAS NA MGA ANAK NG BAYAN


ni Andres Bonifacio
Ang inyong ipinakilalang katapangan sa pakikihamok sa kaaway na mga
Kastila buhat pa ng simulan itong panghihimagsik ay siyang nagsasabing
mataas na di ninyo ikinasisindak ang ugong ng paghahanda at pagsalakay
dito ng hukbong akay ni Polavieja, na sa kaunting panahon ay nagpakilala
na ng malabis na karuwagan at hamak na kaasalan ng alipin sa kanyang
pagpapahirap at malimit na pagpatay sa makapal na kalahing hindi
nagsisilaban. Yaong pagpapasunog nito sa mga bayan, yaong
paglapastangan at pagdungis sa kapurihan ng mga babae na di
pinakundanganan ang kanilang kahinaan, yaong pagputol ng buhay ng
mga matatandang hindi na makausad at sanggol na sumususo pa, na
kailanman ay hindi aasalin at gagawin ng sino pa mang lalaking may puri at
may tapang, ay humihingi ng isang masiglang paghihiganti at matinding
kaparusahan.

Sa inyong pamimiyapis, mangyayaring abutin ang kayo’y tanghaling


bangkay sa gitna ng parang ng pakikidigma; nguni’t ito’y isang kapurihang
inyong maipamamana sa ating Bayan, sa ating lahi, at sa ating angkan.

Ang inyong mapupugtong hininga ay siyang magbibigay buhay sa ating


Bayan at siyang matamis na alaala sa gunita ng inyong mga kapatid na
maiiwan.

Dapat naman ninyong mabatid na ang kadahilanan ng ating paggugugol ng


lalong mahalaga sa loob at sampu ng ingat na buhay ay nang upang
tamuhin at kamtan yaong nilalayong Kalayaan ng ating Bayang tinubuan
na siyang magbibigay ng buong kaginhawahan at magbabangon ng ating
kapurihan na inilugmok ng kaalipinan sa hukay ng kadustaang walang
makatulad.
Sasagi kaya sa inyong loob ang panlulumo at aabutin kaya ng
panghihinayang na mamatay sa kadahilanang ito? Hindi! Sapagka’t
nakikintal sa inyong gunita yaong libolibong kinitil na buhay ng
mapanganyayang kamay ng Kastila, yaong daing, yaong himutok at
pananangis ng mga pinapangulila ng kanilang kalupitan, yaong mga
kapatid nating nangapipiit sa kalagimlagim na bilangguan at natitiis ng
walang awang pagpapahirap, yaong walang tilang pag-agos ng luha ng
mga nawalay sa piling ng kanilang mga anak, asawa at matatandang
magulang na itinapon sa iba’t ibang malalayong lupa at ang
katampalasanang pagpatay sa ating pinakaiibig na kababayan na si M.
Jose Rizal ay nagbukas sa ating puso ng isang sugat na kailan pa ma’y
hindi mababahaw. Lahat ng ito ay sukat nang magpaningas sa lalong
malamig na dugo at magbunsod sa atin sa pakikihamok sa hamak na
Kastila na nagbibigay sa atin ng lahat ng kahirapan at kamatayan.

Kaya mga kapatid, igayak ang loob sa pakikipaglaban at pakaasahan ang


pagtatagumpay, sapagka’t nasa atin ang tunay na katuwiran at kabanalang
gawa. Ang kastila, iyang kasuklamsuklam na lahing dito’y napasuot, ang
tanging ipinaglalaban ay ang maling katuwirang panggagaga at panlulupig
dito sa di nila bayan.

Sa lahat ng ito, nang malubos ang kabanalan at kapurihan ng ating lahi, ng


tanghalin ng sandaigdigan ang kamahalan ng ating kalooban, ay huwag
nating tularan ang kalabang Kastila sa pagkahamak ng asal na ugaling
gamit sa pakikidigma. Huwag tayong makipaghamok sa kaibigan lamang
na pumatay kundi sa pagtatanggol ng Kalayaan ng ating Bayan, at abutin
sa mahigpit na pagkakayakap nating mga anak ng Bayan ay maihiyaw ng
buong lakas na Mabuhay! Mabuhay ang Haring Bayang Katagalugan!

PAGLABAN PARA SA KARAPATAN

Ang akdang ito ni Andres Bonifacio ay isang panawagan sa mga


Pilipino upang ihanda ang kanilang loob para sa isang himagsikan.
Sinabi niya na ang kamatayan sa digmaan laban sa mga kastila ay
kapurihang maipapamana sa Inang Bayan, sa kanilang Lahi at kanilang
Angkan. Binibigyan ng parangal ni Bonifacio ang Katipunan sa kanilang
katapangan. Kinokondena niya ang masamang gawain ng mga Kastila
katulad ng pagsunog sa mga bata, pagdungis sa kapurihan ng mga
babae, at yaong pagputol ng buhay ng mga matatandang hindi na
masyadong makagalaw at pati mga sanggol na sumususo pa at walang
kamuwang muwang sa mundo.

Mula sa kanilang paghihimagsik, sinabi rin niya na dapat marangal


ang pakikibaka ng mga Katipunero at hindi humantong sa mga gawain
ng mga Kastila. Ayon sa kanya, huwag dapat matakot sa pagsakripisyo
upang maging malaya ang bayan dahil kung hindi nila gagawin iyon ay
libu-libo pang mga Pilipino ang mamamatay ng marahas sa kamay ng
mga Kastila. Marami pang dadanasing paghihirap mula sa kanilang
malulupit na paghahari at pagkokontrol sa ating bayan. Ayon rin sa
kanya ay kailangan nilang maghimagsikan alang- alang sa mga
Pilipinong nakulong, nawalay sa kanilang mga pamilya at kay Dr. Jose
Rizal.

Kaya lahat ay gagawin nila upang makamtan ang inaasam asam na


Kalayaan ng mga Pilipino. Ang makapagbagong buhay, mabigyang
kaginhawaan ang loob ng mga Pilipino at maibangon ang kapurihang nilugmok
sa kaalipinan ng mga Kastilang walang awa. Kaya naman ay ibangon ang
nalugmok na bayan, ipaglaban ang Karapatan at mga Kastila’y sikaping
mapalisan.

Magbigay ng repleksyon tungkol sa natutuhan mo sa araling ito.


 Sa araling ito ay patungkol lahat sa mga akdang pampanitikan kung saan
maraming Pilipino ang nakagawa ng iba’t ibang sanaysay na nakapag
bigay aral sa mga mambabasa. Mga akdang malalalim ang
pinanggalingan ng mga salita at kahulugan. Maraming sanaysay noon o
mga naging akda na siyang naging daan upang maiparating sa tao ang
nais nilang sabihin lalong lalo na noong nasa kamay pa tayo ng mga
mananakop.

You might also like