You are on page 1of 7

NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite


Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department

Panunuring Pampanitikan
Balangkas ng Pagsusuri
sa akdang
Pinkaw ni: Isabelo S. Sobrevega

Pangalan: Lenard G. Nuñez


Course: Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
Code: FILIT EDUC 007
Araw/Oras: Sabado ng 7:00 – 10:00 ng umaga
Lecturer: Jessie Gonzales Dayag Jr.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department

Pinkaw
ni: Isabelo S. Sobrevega

I. Pagsusuri sa Pamagat

a. Salamin sa buhay ng may-akda

Hindi masasabing sumasalamin ito sa kung ano ang pamumuhay ng


may akda subalit, ang mga likhang sining ng may-akda ay sa mga ganitong
uri ng paksa lamang umiikot. Ang paksa na kung saan mas nangingibabaw at
mas binibigyan niya ng pansin ang paghihirap na kanyang nasasaksihan sa
kanyang paligid, maging sa lugar na kanyang kinabibilangan. Ipinapakita
lamang ng may-akda kung ano ang mga karanasan ng ibang tao at kung
gaano kapalad ang mga taong hindi naranasan ang mga ganitong paghihirap.

b. Kapit sa realidad o anino ng pangyaari


Sa bansang Pilipinas na kung saan kabilang sa tinatawag na 3rd world
country ay hindi na bago ang kahirapan. Noong pa lamang ay nararanasan na
ito ng bawat Pilipinong naninirahan dito. Kahalintulad sa maikling
kwentong “Si Pingkaw”, sapagkat dumanas din ng kahirapan at naranasan
din ng pangunahing tauhan ang pagiging malupit ng mundo. Sa kwentong
ito malalaman ninyo kung gaano nga ba kapait ang kapalaran ng mga taong
naninirahan sa tambakan ng basura. At kung gaano kayang talikuran ng
mundo ang mga taong naninirahan dito. Isa pa lamang itong halimbawa sa
kung gaano kahirap ang dinaranas ng mga tao sa bansang Pilipinas.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department

II. Anyo ng Akdang Pampanitikan


a. Tuluyan o Prosa

Ang maikling kwentong ito’y pasalaysay kaya ito ay maiaanyo sa


akdang pampanitikan na tuluyan o prosa. Kung ang isang sulatin ay tuloy-
tuloy ang pagkakasulat, walang tugmaan, bilang, o sukat ang tawag sa
ganitong uri ng pagsulat ay tuluyan. Pa-kwento ang pamamaraan ng pagbasa
ng mga ganitong uri ng sulatin na kinakailangang magbigay ng sapat at
tamang emosyon sa paghahatid ng bawat salita.

III. Uri ng Akdang Pampanitikan

Ang uri ng pampanitikan na ito ay maikling kwento. Masasabing


maikling kwento sapagkat naglalaman lamang ito ng maikling balangkas at
ang tauhan sa ganitong sulatin ay iilan lamang at madali silang matukoy. At
masasabing maikling kwento ito sapagkat kaya itong basahin sa isang upuan
lamang.

IV. Balangkas ng Pagsusuri:

a. Panimula
1. Tauhan

 Bilog (Pinkaw) – si Pinkaw ang masasabing bilog na tauhan


sapagkat mapapansin sa kwento ang pagbabago sa kanyang
pag-uugali. Noong kasama pa ni Pinkaw ang kanyang mga anak
ay nasa matino pa siyang pag-iisip, at kaya pa niyang ipabatid
ang kanyang pagmamahal lalo na sa kanyang mga anak. Ngunit
nang mamatay ang lahat ng kanyang mga anak ay bigla na
lamang nawala sa kanyang katinuan si Pinkaw at naging
matamlay ito at ulirat sa kanyang mga ginagawa.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


 Lapad (Tagapagsalaysay) – ang manunulat ay naging lapad na
tauhan sapagkat sa daloy ng kanyang kwento ay mababatid ang
kanyang pagkahabag sa tauhang si Pinkaw, sapagkat simula pa
lamang ng kwento ay malalaman na kung gaano nag-alala ang
manunulat sa naging karanasan ni Pinkaw.

 Protagonista (Pinkaw) – si Pinkaw ang pangunahing tauhan at


bida sa kwentong ito. Sa kanya umiikot ang daloy ng kwento at
siya rin ang sentro ng aral sa kwento. Si Pinkaw ay
napakabuting tao at higit sa lahat ina sa kanyang mga anak,
mababatid naman sa kwento kung gaano niya kamahal ang
kanyang mga anak.

 Antagonista (tao sa kanyang paligid) – sila ay mga walang


puso sapagkat noong kailangan ni Pinkaw ng tulong mula sa
kanila ay wala man silang ginawang aksyon para matulungan si
Pinkaw. Sila ang nagpapatunay kung gaano kasama ang
mundong ating ginagalawan.

2. Tagpuan

 Dako ng pinangyarihan – ang lugar ng pinangyarihan sa kwento


ay sa Imbakan ng mga Basura.

 Panahon at Oras – ang panahon at oras ng pangyayari sa


kwento ay naganap ng hapon.

3. Suliranin

Ang naging suliranin sa kwentong ito ay ang kahirapan na


dinaranas na pamumuhay ni Pinkaw. Dahil sa kahirapan ay walang
sapat na pera upang ibili niya ang kanyang mga anak ng
masustansyang pagkain bagkus, napakain pa niya ito ng hindi
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


malaman kung panis na pagkain na nagdulot ng pagpanaw ng buhay
ng kanyang mga anak.

b. Gitna

4. Saglit na kasiglahan – nang matapos mag-agahan ang mga anak ni


Pinkaw ay bigla na lamang namilipit ang kanilang tiyan sa nakain
nilang sardinas o sa kung anong panis na pagkain ang kanilang
nakain.

5. Tunggalian – lumapit at humingi si Pinkaw ng tulong sa kanyang


mga kapit-bahay ngunit ang tanging nagawa lamang nila ay ang
sabihin kay Pinkaw na dalhin sa pagamutan ang kanyang mga anak.

6. Kasukdulan – dahil walang dumaraang sakayan sa kanilang lugar ay


napilitang isakay ni Pinkaw ang tatlong anak niyang may sakit sa
kariton at ito’y itinulak sa mga bahay ng doctor ngunit ni isa ay
walang nakatulong sa kanya hanggang sa nawalan na ng hininga ang
kanyang panganay at nakarating sila sa pagamutang bayan.

c. Wakas

7. Kakalasan – nang madala ni Pinkaw ang kanyang mga anak sa


pagamutang bayan ay binigyan lamang sila ng gamut upang maibsan
ang sakit na nararamdaman ng kanyang mga anak ngunit makalipas
lamang ang dalawang araw ay pumanaw na rin ang mga ito.

8. Katapusan – ang tatlong anak ni Pinkaw ay tuluyan na siyang iniwan


na nagdulot ng lubhang pagkalungkot para sa kanya at nagsanhi ng
pagkawala niya sa kanyang pagkatao at tuluyan na siyang nabaliw at
naging palaboy at gusgusin na siya.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


9. Kariktan – masasabing malupit talaga ang mundo lalo na sa mga
taong mahihirap sapagkat kahit buhay pa ang nakasalalay ay hindi pa
rin sila inuuna at mas binibigyan pa ng pansin ang mga taong may
kaya. Hindi talaga patas ang mundo para sa mahihirap at kahit siguro
kailan ay walang puwang sa mundong ito ang mahihirap.

P
I
N
K
A
W

Ang larawan ay naglalarawan sa kalagayan ni Pinkaw na kung saan puro


basura lamang ang nasa kanyang paligid. Sa ganitong uri namumuhay si Pinkaw at
ito ang kanyang pang-araw-araw na gawain at ito na rin ang kanyang hanap buhay.
Mayroon siyang tatlong anak si Poray, Basing at Takoy. Mahirap man ang kanilang
pamumuhay ngunit masaya silang nagsasama-sama. Si Pinkaw ay napabuting tao
sapagkat kahit na ganyan ang kanyang kalagayan ay mas iniisip pa niya ang
kalagayan ng ibang tao. Grabe rin ang pagmamahal ni Pinkaw sa kanyang mga
anak, at bilang ina kaya niyang gawin ang lahat para sa kanyang mga anak.
Pagsubok na kung tutuusin para kay Pinkaw ang kahirapan ngunit mas binigyan pa
siya ng mas malaking pagsubok na gumilbal sa kanyang pagkatao at iyon ay nang
magkasakit ng sabay-sabay ang tatlo nitong anak. Aligaga at tila hindi alam ni
Pinkaw ang gagawin, humingi siya ng tulong sa kanyang mga kapit-bahay ngunit
ang tangi lamang nilang nagawa ay sabihan si Pinkaw na dalhin ito sa mga doktor.
Dahil wala masyadong dumaraang sasakyan sa kanilang lugar ay agad na lamang
niyang sinakay sa kariton ang kanyang mga anak at tulak-tulak nitong dinala sa
bahay ng mga doktor ngunit walang tumulong sa kanya. Hanggang sa namatay ang
kanyang panganay na anak na si Poray, bago pa man ito makarating sa pagamutang
bayan. Binigyan lamang ng gamot ang dalawa nitong anak ngunit lumipas lamang
ang dalawang araw ay pumanaw na rin ang mga ito. Kaya kung inyong
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


mapapansin sa larawan ay nasa parteng langit ang mga bata dahil tulad sa kwento
ay doon tumungo ang anak ni Pinkaw. Samantalang nawala sa katinuan si Pinkaw
at ito ay nabaliw. Isa na siyang gusgusin at tila napabayaan na ng panahon. Naging
masalimuot talaga ang buhay ni Pinkaw. Malungkot mang isipin ngunit marami sa
kasalukuyan ang ganitong buhay ay dinaranas. Hindi man natin ito maiiwasan
ngunit sa aking palagay maaari itong magawan ng paraan.

You might also like