You are on page 1of 13

Don Honorio Ventura State University

Villa de Bacolor, Pampanga


College of Business and Studies

“Community Pantry”

Isang Dalumat-Sanaysay na Papel Bilang Bahagi ng Pagtugon sa mga Gawaing


Kinakailangan sa Pagtatamo ng Kursong Pagdadalumat sa Wikang Filipino

Isinumite nina:
Dela Cruz, April
Diwa, Crixie Allyssa
Juanico, Angel
Macaspac, Paul Andrei
Santos, Xyrelle
Tulio, Maricar Carreon

Isinumite kay:
Gng. Jane Enriquez
Panimula

Community o komunidad sa tagalog. Ito ay mga grupo ng tao na nakatira sa isang


lugar at mayroong isang pokus na layunin para sa kanilang nasasakupan. Pantry o
paminggalan sa tagalog. Ang paminggalan ay isang uri ng kabinet na ginagamit upang iimbak
ang mga bagay na ginagamit sa bahay katulad ng pagkain, babasagin, tela at inuming
nakakalasing. Ang dalawang salitang ito ang nagbigay-buhay sa iba’t ibang kaugaliang
Pilipino.

Ito ay kilala sa tawag na “tayo-tayo muna”. Nagsimula at sumikat ito sa pamamagitan


lamang ng isang karatula at simpleng ideya na, “magbigay ayon sa kakayahan, kumuha ayon
sa pangangailangan”. Sa mahigit lamang ilang araw, ang konseptong ito na nagmula sa
Maginhawa Street sa Quezon City ay lumaganap sa ibat-ibang siyudad at lalawigan.

Bagamat positibo ang mensaheng handog ng Community Pantry na pinangunahan ni


Ms. Ana Patricia Non sa Quezon City sa kasagsagan ng pandemya, nagkaroon ito ng
negatibong implikasyon nang ilabas ng National Task Force to End Local Communist Armed
Conflict o NTF ELCAC ang intelligence report tungkol sa paggamit ng CPP NPA NDF at
kanilang mga front organization sa nasabing aktibidad para linlangin ang mga Pilipino. Ayon
sa panayam kay Ms. Patricia Non, sinimulan niya ang Community pantry sa Maginhawa
Street, sa pagitan ng Sikatuna Village at UP Village dahil hindi sapat ang solusyon na
ginagawa ng gobyerno para magbigay tulong sa pag-ahon sa kahirapan ng buhay ng mga
Pilipino, lalo na ng mga mahihirap sa gitna ng pandemya.

Ayon sa intelligence report ng NTF ELCAC at ng mga former rebels sa pangunguna


ni Ms. Lady "Ka Shayne" Miranda ng SAMBAYANAN Coordinator for Youth, tahasan
niyang itinuro si Ms. Patricia Non bilang kabahagi ng isang front organization ng CPP NPA
NDF at ito raw ay pakulo ng nasabing grupo para mag recruit ng mas mahihirap pa nating
mga kababayan. Ayon sa ulat, nagtayo siya ng community pantry sa gitna ng isang
subdivision kung saan lahat ng nakatira ay pawang mayayaman, tinutumbok ng ulat na
ginagamit na naratibo lamang ng CPP NPA NDF ang sitwasyon para mas lalong bumaba ang
kumpyansa ng Pilipino sa gobyerno na kilala rin sa tawag na Strategic Propaganda. Ayon sa
nasabing ulat, kataka-taka ang biglang pagsulpot ng Community Pantry sa iba't ibang lugar sa
bansa na may guideline kasama ang mainstream media pagkatapos simulan ni Patricia Non sa
isang exclusive village.
Ayon sa ulat, marahil sa unang sulyap napakaganda ng nasabing inisyatibo ngunit
kung titingnan ang background ng nasabing indibidwal, makikita na kabilang ang kanyang
pamilya sa mga nasa underground organization ng armadong pakikibaka. Bukod pa dito,
napag-alaman din na sa mismong community pantry ni Patricia Non ayon sa intelligence
report ay may mga gamit o sulatin na pinamamahagi sa mga tao na naglalayong pabagsakin
ang gobyerno. Ayon naman sa mga ulat at pahayag ni Secretary Lorenzana ng Department of
National Defense, buo umano ang pagsuporta ng pamahalaan sa inisyatibong ito ng ating mga
kababayan, ngunit ang binigyang linaw niya rito ay ang ginawang paggamit ng mga
maka-kaliwang grupo sa sitwasyon upang manipulahin ang isip ng mga tao o propaganda
vehicle to be a recruitment base ng CPP NPA NDF.

Lalo pa itong naging komplikado ayon sa Philippine National Police (PNP) at


National Intelligence Coordinating Agency (NICA) dahil may mga kababayan tayo na
gumawa ng sarili nilang Community Pantry na hindi naman talaga maka-kaliwang grupo,
kaya't nang pumutok sa social media ang report na ni red-tag di umano ang grupo ni Patricia
Non ay nakagawa ng naratibo ang CPP NPA NDF na pinipigilan ng gobyerno ang
pakikilahok ng mga mamamayan sa suliraning pandaigdigan. Nagkomento ang Anakbayan,
Anakpawis, Gabriela, Kabataan, Bayan Muna o ang buong Makabayan Bloc' ng Kongreso na
ang gobyerno ay di umano tumataliwas sa pakikipag-kapit bisig ng mga mamamayan. Ayon
sa pahayag ni Usec. Katura ng Human Rights mula sa Office of the President, ang naging
pahayag di umano ng Makabayan Bloc' ay pinagsamang kapasidad ng mga oligarko at
komunista para siraan ang pamahalaan.

Ayon naman sa mismong report ng Barangay Council ng Teachers' Sikatuna Village


sa Quezon City, pinadalhan nila ng security si Ms. Non dahil dinagsa di umano ang kanyang
community pantry ng iba't ibang tao mula sa iba't ibang lugar at kinailangan ng tulong ng
kapulisan upang i-monitor ang social distancing dahil sa banta ng Covid-19 noon, taliwas sa
pahayag ni Ms. Non na binabakuran di umano siya ng mga taga-Barangay para hindi ito
makapagsalita sa medya ng kanyang mga saloobin sa ginagawang aksyon ng gobyerno ng
mga panahong iyon. Ang mensahe ng gobyerno mula sa NTF ELCAC na ang Community
Pantry ay mabuti, lalo na noong mga panahong nangangapa ang gobyerno at na-reallocate
ang badyet dahil sa pandemya, sa katotohanan, nagpapasalamat ang buong pamahalaan sa
pakikipagkapit-bisig ng sambayanang Pilipino para maitawid ang naghihikahos na kalagayan
ng bansa.
Ang natatanging naging problema ay ang non-compliance ng grupo ni Patricia Non sa
IATF at higit sa lahat, ang kanilang propaganda vehicle laban sa pamahalaan lalo’t identified
member siya at ang kanyang pamilya ng underground movement ng CPP NPA NDF. Naging
komplikado lamang ito dahil sa ikinalat nilang kasinungalingan na tinututulan di umano ng
buong pamahalaan ang inisyatibo ng lahat ng Pilipino. Ayon mismo sa naging public
pronouncement ni Usec. Lorraine Badoy, Spokesperson ng NTF ELCAC for Sectoral
Concerns, ayon umano sa Press Statement ng Department of National Defense Secretary
Delfin Lorenzana noong April 22, 2021, "Kindness is everyone's color. Kahit ano pa ang
paniniwala nya, basta taos pusong tumutulong, susuportahan natin. The DND appreciates
and supports the initiative of these community pantries. We are ready to assist if requested by
the LGUs and DILG and, if necessary, to deploy the AFP Mobile Kitchens where they are
needed."

Karagdagan pa rito, mula sa manipestasyon ng suporta ng gobyerno para sa


community pantry noong Abril 20, 2021 mula sa tanggapan ni Secretary Eduardo Año ng
Interior and Local Government "I have not ordered the PNP to look into the community
pantries around the country. The community pantry has been a traditional practice in our
country as part of Bayanihan culture and spirit especially in the times of calamities and
disasters. Iba iba lang ang pangalan: community pantry, food bank, soup kitchen,
kapitbahayan and ayuda, among others. In the spirit of Bayanihan, many Filipinos have been
doing selfless acts of kindness since last year. As long as the intention is good and without
political color, it should be encouraged and supported. Since this is a purely voluntary and
private initiative, we should not interfere except to ensure that minimum health standards are
complied with. Hence, organizers must adhere to existing laws and local ordinances,
especially those issued to prevent the spread of Covid-19. As to the issue of whether
organizers are required to secure barangay permits, organizers should consult with the
concerned barangays if such is required. The PNP and/or local officials may just come in if
there is any violation of law, if there are complaints from the community, or if the organizers
seek their help. The LGUs, barangays and the PNP are ready to provide utmost assistance to
ensure orderly distribution to the public.”

Ayon pa sa tanggapan ni Secretary Año noong Abril 28, 2021 mula sa pahayagan ng
Radyo Pilipinas, “Gumawa po kami ng guidelines kung paano ipapatupad itong community
panty sapagkat itong community pantry ay isa sa pwedeng maging dahilan ng pagsimula
surge o ng spike… However, kailangan ang masusing koordinasyon sa lahat ng LGU,
sapagkat kailangan compliant sa batas at ordinansa ang lahat ng organizers. Hindi pwede
ang epal - maglalagay ng signage, billboards, posters, or image ng mga taong nagsasagawa
ng pantry lalo na ng mga politicians.”

Panghuli, mula muli sa tanggapan ng nasabing Secretary na inilabas noong Abril 27,
2021 ng Remate - Ang Dyaryo ng Masa na pahayag ng pamahalaan sa pagsisigurado na
purong pagtulong lamang at walang banta mula CPP NPA NDF ang layunin ng Community
Pantry, “There is no reason for you not to give your name if policemen approach you. Name,
contact number, and a little background are enough if this is an organization giving
assistance to our fellowmen.”

Sa huli, nabigyang linaw ang intensyon ng pamahalaan na siguraduhin lamang na


protektado mula sa panggigipit at mapanlinlang na layunin ng CPP NPA NDF ang bawat
Pilipino at hanggang sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang layunin ng pamahalaan sa tugunan
ang nasimulang adhikaing ito, sa katunayan, parte pa ito ng pagtugon ng pamahalaan sa
pangangailangan ng 1,400 barangay sa bansa mula sa adhikain ng Barangay Development
Program ng NTF ELCAC. Seguridad at kapakanan, higit sa lahat, katuwang ang
sambayanang Pilipino mula sa inisyatibo ng nagkakaisang masa sa pamamagitan ng health
protocol and ordinance compliant ng community pantries sa iba’t ibang dako ng bansa.

Pinagtibay din ng naging desisyon ng Korte Suprema sa Zarate et.al. vs, Aquino et.
al., na walang matibay na ebidensya na ang mga hakbangin ng estado para protektahan ang
nasasakupan nito sa anumang banta ng peligro ay maituturing na paglabag sa karapatan ng
mga nagrereklamo kung ang layunin ng estado sa mga naging operasyon o transaksyon nito
ay siguruhin na maipagtatanggol ng estado ang mga mamamayan nito laban sa anumang
banta ng terorismo sa anumang mapagbalat-kayong alituntunin.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral ng pagdadalumat-salita ay isang paraan upang


makapag-bigay ng mga kadahilanan kung bakit napili ang naturang salita na Community
Pantry bilang isang natatanging wika ng salita ng taon. Karagdagan, makikita rin natin dito
kung paano naging parte ng ating araw-araw na pamumuhay maging narin parte ng ating
kultura ang salitang Community Pantry. Sa pagdadalumat salita na ito maari din malinang pa
ng husto ang kaalaman sa naturang salita na Community Pantry.

Sa panahon ngayon ng pandemya, maraming mahihirap na tao ang mas lalo pang
nalugmok sa kahirapan. Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho at maraming mga
negosyo ang napilitang magsara. Alam nating lahat na ang isang Pilipino ay may malaking
puso at natural sa atin ang pagiging matulungin at maunawain, kung kaya’t hindi na bago sa
atin na mag-isip ng isang naturang paraan kung paano ang isang indibidwal ay makakatulong
sa nakararami. Likas na sa atin ang pakikipag-simpatiya sa mga nawalan ng kabuhayan.

Sa pamamagitan ng pag-aaral nito, mas lalong natututo ang bawat indibidwal na


tumulong ng walang kapalit at mas naliliwanagan na mas mabuti na ang magbigay kaysa ang
mabigyan. Lumipas lamang ang ilang araw ay sunod-sunod na nag sulputan ang pagpapatayo
ng Community Pantries sa iba't-ibang sulok ng bansa.

Marami sa atin ang nakatanggap at nakakuha ng libreng pagkain dito. Lumawak rin
lalo ang pagtutulungan ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon.
Mahihinuha natin na dahil dito, buhay pa rin pala ang espiritu ng bayanihan ng mga Pilipino.
Karagdagan, napalinaw nito na ang Pilipino ay mayroon at mayroon paring pag-asang
makaahon sa kahirapan sa pamamagitan lamang ng pagtutulong-tulungan sa gitna ng
kahirapan.

Ang Community Pantry ay dapat lamang na maging Salita ng Taon sapagkat; ito ay
bagong imbento at laman lagi ng balita, bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika,
luma ngunit may bagong kahulugan, patay na salita na muling binuhay at higit sa lahat
pumukaw ito sa pambansang kamalayan na kung saan ito ay may malaking impak sa
mahalagang usaping pambansa at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan ng filipino sa mahigit
isa hanggang dalawang taon.
Etimolohiya
Ang terminolohiyang community o sa tagalog ay komunidad ay nagmula sa isang
Latin na salita. Ito ay ang “communis” na ang ibig sabihin ay “pangkaraniwan, pampubliko,
na ibinahagi ng lahat o marami”. Dagdag pa rito, ang pinagmulan ng salitang communis ay
nahahati ito sa dalawa. "Con" na nangangahulugang magkasama, at "munis" na
nangangahulugang "pamahalaan" at "na may kinalaman sa pagsasagawa ng mga serbisyo".
Habang ang salitang Pantry o sa tagalog ay paminggalan ay nagmula sa lumang salita ng mga
Pranses. Ito ay tinatawag na "paneterie" na ang ibig sabihin sa Pranses ay isang kabinet na
lalagyan ng mga tinapay.

Ang dalawang salita ay pinagtambal at unang namayani noong Abril sa taong 2020.
Ang pasimuno sa konseptong ito ay si Ana Patricia Non. Sinimulan ng community pantry sa
Maginhawa, Street sa Quezon City. Ang naturang salita ay bumuo ng konseptong “magbigay
ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” Dahil sa malikhaing isip ni Ms. Non,
lumaganap at naisagawa ng kanyang ideya o konsepto sa iba't ibang siyudad at lalawigan.
Sadyang likas na sa mga Pilipino ang pagiging malikhain. Ang kalikutan ng kanilang
pag-iisip ay naging daan upang magpagyabong pa ang pagtulong at pagkakaisa ng bawat
Pilipino.
Sikolohiyang Pilipino

Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at


oryentasyong Pilipino, batay sa kabuuang paggamit ng kultura at wikang Filipino. Ito ay
naglalayon na maipaunawa sa bawat Pilipino ang kanyang sarili nang sa gayon ay
mapagyaman at mapaunlad nito ang kanyang pagkatao.

Mababakas sa kaugalian at kultura ng bansa ang sikolohiyang Pilipino tulad ng


pagbabayanihan at pakikipagkapwa. Ang pakikipagkapwa ay ang ugaling Pilipino na
nagpapakita ng ugnayan ng bawat isa na pinagtitibay ng pagkakaroon ng diyalogo na
nilalahukan ng mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity). Samantala, ang
pagbabayanihan naman ay kulturang Pilipino na nagpapakita ng pagkakaisa upang mapagaan
ang anumang gawain sa pamamagitan ng pagtutulungan at damayan. Likas na sa bawat
Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan at trahedya.

Sa nakalipas na dalawang taon, sinubok ng pandemya ang buhay ng bawat isa.


Maraming nasawi, nawalan ng trabaho, at nawalan ng pag-asa. Subalit sa mga ganitong
pagkakataon din maipamamalas ng mga Pilipino ang kulturang pakikipagkapwa at bayanihan
sapagkat likas na lumalabas ang pagkamatulungin ng mga Pilipino sa oras ng kagipitan.

Maraming Pilipino ang umasa sa ayuda mula sa gobyerno at kani-kanilang


komunidad ngunit hindi ito sapat upang matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan
ng bawat pamilya. Sa panahong ito, nagsilabasan ang mga indibidwal at grupong may
mabubuting puso na handang tumulong at naglalayon na makapaghatid ng kaunting pag-asa
para sa lahat. Sumibol sa panahong ito ang “Community Pantry”. Sa pangunguna ng isang
indibidwal na si Ms. Ana Patricia Non, lumawak ang hakbang na ito sa maraming bahagi ng
Pilipinas. Maraming tao ang nakinabang at natulungan ng community pantry.

Ang Community Pantry ang isang magandang halimbawa na nagpapakita ng


pagkakaisa, pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat tao lalo na sa bansang Pilipinas. Noon
pa man ay nakikitaan na ang mga Pilipino ng kaugaliang mapagbigay at mapagtanaw ng
utang na loob. Ibibinalik natin sa iba ang tulong na naranasan natin mula sa ibang tao. Ito ay
uri ng pagpapakita natin ng pagpapahalaga sa mga naranasan nating tulong noong tayo ay
nangangailangan.

Ang mga munting hakbang upang makatulong sa kapwa ay nagpapatunay na ang


sikolohiyang Pilipino ay mayaman at patuloy na pinagyayaman.

Pilipinolohiya
Ayon sa pag-aaral, ang Pilipinolohiya ay isang sistematikong pag-aaral ng mga
kaisipan, kultura at lipunang Pilipino. Na mayroong layunin na ipakita ang pagka-Pilipino ng
isang tao sa iba’t ibang larangan na mayroon ang Pilipinas. Sa madaling salita ang
pinakalayunin ng Pilipinolohiya ay ang pag-aaral sa kasaysayan ng mga Pilipino. Kabilang na
dito ang kultura, relihiyon, wika, sambahayan, ekonomiya, politika at iba pa.
Sa nagdaang taon, buwan at araw na paglaganap ng pandemya, maraming indibidwal,
pamilya at organisasyon ang patuloy na naghihirap at nawawalan ng pag-asa na makabangon
mula sa negatibong dulot nito. Subalit hindi ito naging hadlang upang maglaho ang kultura na
mayroon ang mga Pilipino. Isa na rito ang pagtutulungan o kung tawagin sa kulturang
Pilipino ay pagbabayanihan.
Ang pagbabayanihan ay isa sa mga kultura ng mga Pilipino na kung saan ito ay
nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa ng may isang layunin. Sa gitna ng pandemya, ito
ay napayabong muli ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “Community
Pantry”. Ang community pantry na ito ay sinimulan ng isang Pilipino na may layunin na
makatulong sa kapwa Pilipino higit na sa mga mahihirap.
Hindi na bago ang konsepto ng pagtutulungan sa mga Pilipino, sapagkat noon pa man
ang gobyerno ay nagbibigay na ng mga libreng pagkain o mas kilala sa tawag na “relief
goods” at meron din mga karaniwang tao na nagbibigay ng donasyon. Sa tulong ng
community pantry malinaw na muling naipakita ng mga Pilipino ang kulturang mayroon sila.

Pantayong Pananaw
Ayon kay Dr. Zeus Salazar ang pantayong pananaw ay isang metodo na kung saan ito
ay isang pagkilala sa kasaysayan at kulturang mayroon ang ating bansa. Ito ay pag-uugnay ng
mga katangian, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang
kabuuang pangkalinangan.
Ang kaugnayan ng Community Pantry sa pantayong pananaw ay ipinapakita nito ang
kulturang mayroon ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng community pantry naisasalamin
nito ang pagbabayanihan ng mga Pilipino. Bago pa man lumaganap ang pandemya, noon pa
man likas na sa mga Pilipino ang pagbabayanihan, tulad na lamang ng sama-samang
pagbuhat at paglipat ng isang bahay kubo. Nariyan din ang pagtulong kapag may kalamidad,
ang pagbibigay ng mga “relief goods”.
Ngayong paglaganap naman ng pandemya, sila ay nagtutulungan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga libreng pagkain, gamot, facemask at face shields at iba pang mga
kailangan sa pang araw-araw. Maiuugnay din dito ang karanasan, pag-aasal, pag-uugali at iba
pang aspeto na mayroon ang mga Pilipino. Tulad na lamang ng pagtutulungan sa gitna ng
kawalan. Alam naman natin na maraming naghihirap sa paglaganap ng pandemya ngunit
hindi ito naging hadlang upang tumulong sa kapwa. Kahit na sa maliit na paraan o bagay, ang
pagbibigay ng kaunting tulong ay higit na para sa iba.
Tunay na ang mga Pilipino ay matulungin sa kapwa mapa-hirap man o ginhawa. Sa
panahong ngayon, pagtutulungan at pagkakaisa ang siyang mabisang paraan upang
malabanan at masugpuan natin ang pandemya.
Paglalahad

Sa paglaganap ng pandemya na dulot ng Covid-19 ang bansa ay sumailalim sa


lockdown kung saan maraming establisyimento ang pansamantalang isinara at maraming tao
ang nawalan ng trabaho. Sa kadahilanang ito, masasabi nating napakalaking tulong ng
Community Pantry upang masolusyonan ang kakulangan sa pang araw-araw na
pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, gamot at iba pa. Ang aktibidad na ito ang isa sa
pinaka-epektibong paraan ng panghihikayat upang makatulong sa bawat komunidad. Ito rin
ang bumuhay sa pagbabayanihan na taglay ng bawat Pilipino kaya naman karapat-dapat
lamang na hirangin ang salitang Community Pantry bilang salita ng taon.

Isa ang Community Pantry sa mga matunog na salita sa panahon ng pandemya


sapagkat ang salitang ito ay may malaking epekto sa lahat ng mga mamamayan. Una,
natugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya. Hindi naman
maitatago ang magandang dulot nito dahil mahigit 300 na bansa ang nahikayat gawin ang
ganitong ideya. Pangalawa, napatunayan na ang pagtulong ay wala sa laki o liit nang
ibibigay. Maliban dito, ito rin ang nagtulak sa bawat isa na umaksyon sa gitna ng pinahirap na
pandemya. Pangatlo, buhay pa rin ang bayanihan ng mga Pilipino. Ang dalawang salita na ito
ay nakatulong sa milyong-milyong tao at karapat-dapat na maging salita ng taon sa
kadahilanang naibahagi nito ang kaugalian na pinagyayaman ng isang bansa. Maganda rin
itong halimbawa bilang isang mamamayang Pilipino sapagkat hindi lamang ang mga taong
nangangailangan ang natulungan nito kundi pati na rin ang bansang Pilipinas.

Naipakita sa pananaliksik at pagdadalumat-salita sa salitang Community Pantry ang


malaking epekto nito sa kultura at tradisyon ng Pilipinas. Ang pagiging matulungin ng mga
tao ang nagsilbing daan upang magkaroon ang bawat isa ng pag-asa sa gitna ng krisis na
kanilang kinakaharap. Naging magandang halimbawa din ang Community Pantry sa
paglaganap ng magandang balita sa bansa at gumising sa mga taong may kakayahang
tumulong. Kaya naman ito ay isa sa mga kaugalian na dapat pagyabungin dahil sa
magandang dulot nito sa mga tao. Samakatuwid, ang wika ay isa sa pinaka-importanteng
sangkap na bumubuhay sa bawat mamamayan sapagkat hindi naging hadlang ang salitang
banyaga na Community Pantry upang mapaunlad at mapagyamanin ang kulturang Pilipino.
Konklusyon

Sa pananaliksik na ito napag-alaman na ang salitang Community Pantry ay nagmula


sa konseptong “kumuha ayon sa pangangailangan, at magbigay ayon sa kakayahan”. Hindi
lamang ito nagpapakita ng pagka malikhaing isip, kundi pati na rin ang walang kapantay na
pagkakaisa na sadya namang likas na sa bawat Pilipino. Ipinapakita rin nito na hindi hadlang
ang pandemya upang mag kapit-bisig ang mga Pilipino, sapagkat ang simpleng ideyang
nabuo ni Ms. Non ay nagpapatunay din ng pagmamalasakit at pakikipagkapwa ng bawat isa.

Napatunayan ng mga tagakatha na ang pagtulong sa kapwa ay hindi nababase sa kung


anong katayuan mayroon ang isang tao sapagkat kahit sino ay pwedeng tumulong, mapa-bata
man o matanda, mayaman man o mahirap. Sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay nagpapakita
ng pagmamahal at pagmamalasakit, kahit sa maliit man na bagay o malaki.

Ang Community Pantry ay nagbigay ng magandang dulot hindi lang sa mga Pilipino,
pati na rin sa mga ibang lahi. Dahil maraming mga tao ang natulungan, hindi lang sa
pagbibigay ng mga libreng pagkain, kundi pati narin sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat isa.
Kahit na may mga lumitaw na isyu tungkol dito, nangibabaw pa rin ang positibong dulot nito
sa mga tao.

Sa tulong ng community pantry maraming mga Pilipino ang nagpakita ng


pagmamalasakit sa kapwa Pilipino na kung saan kahit sa gitna ng hirap na dulot ng
pandemya, hindi pa rin maikakaila na ang mga Pilipino ay tunay na nagpakita ng
kabayanihan sa kanilang ginawa. Dahil dito, karapat-dapat na maging salita ng taon ang
Community Pantry, sapagkat hindi lang ito naging instrumento upang makatulong sa kapwa,
bagkus muling binigyan ng buhay ang kultura ng mga Pilipino; ang bayanihan.
Talasanggunian

https://www.facebook.com/lorraine.badoy/posts/10159142591834834 - NTF ELCAC


Spokesperson for Sectoral Concern, PCOO Undersecretary Lorraine Badoy

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1774403049425829&id=6696860
73230871 - Radyo Pilipinas Official Page, Statement of Interior and Local Government
Secretary Eduardo Ano

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1774403049425829&id=6696860
73230871 - Philippine Star Official Page, Statement of Interior and Local Government
Secretary Eduardo Ano in concurrence with the pronouncements made by Department
of National Defense Secretary Delfin Lorenzana

https://newsinfo.inquirer.net/1421767/ntf-elcac-denies-linking-community-pantries-to-le
ftist-groups - Inquirer.net official website, National Task Force to End Local
Communist Armed Conflicts denies the allegation of red-tagging community pantries.

https://www.philstar.com/headlines/2021/05/19/2099349/ntf-elcac-admits-monitoring-co
mmunity-pantries-not-profiling - Philippine Star’s Official website, The National Task
Force to End Local Communist Armed Conflicts monitoring of the Community
Pantries across regions vis-à-vis health protocols and not profiling.

https://elibrary.judiciary.gov.ph/dtSearch/dtisapi6.dll?cmd=getdoc&DocId=5092&Inde
x=%2A16e79f0eeef78e121d35f8b5ffee8023&HitCount=42&hits=c39+c3a+c3b+c3c+c3d
+c3e+c3f+f4d+f4e+f4f+f50+f51+f52+f53+fe2+fe3+fe4+fe5+fe6+fe7+fe8+214d+214e+214f
+2150+2151+2152+2153+2173+2174+2175+2176+2177+2178+2179+2187+2188+2189+21
8a+218b+218c+218d+&SearchForm=C%3A%5Celibrev%5Celibsearch%5Cdtform
-Supreme Court En Banc decision, junking the accusation of Zarate et.al. vs. Aquino et.
al., regarding the terrorist coined terminology “red-tagging”

https://news.abs-cbn.com/news/04/19/21/tayo-tayo-muna-konsepto-community-pantry-l
umaganap

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2021/04/25/2093643/community-pantry-
usong-salita-ngayon - Community pantry usong salita ngayon
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/05/18/2098936/malaking-tu
long-ang-community-pantries - Malaking tulong ang community pantries

https://smartboxph.wixsite.com/arts-culture/kulturang-pinoy - Bayanihan

https://markadongpilipino.wordpress.com/2012/08/22/usaping-tradisyunal-bayanihan/

You might also like