You are on page 1of 1

Ang Skin Whitener sa Bayan ng Kayumangging Balat

May naisip akong posibleng dalawang reaksyon sa katanungang Bakit mabenta ang skin whiteners sa
bayan ng kayumangging balat? Una, ang kolonyal na rekognisyon sa kasalukuyang kamersyal na
produkto at praktis na malaganap na ginagamit ng indibidwal. At ikalawa, pilosopong ‘Siyempre,
bebenta ba naman ang skin whiteners sa mapuputi na!" Gayumpaman, ang dalawang reaksyon ay may
kaakibat na ambisyon at panaginip ng sosyal na mobilidad ng bansa tungo sa isip at gawi ng panggitnang
uri, hindi lamang nakabase rito, nakabase rin sa mga kinikilala ng Pilipinas na pandaigdigang sentro ng
urbanisasyon at kosmopolitanismo-halimbawa, US, Europe, Latin America, Hong Kong, at Japan.

Sa unang reaksyon, matutunghayan na ang pamantayan ng panggitnang uri'y itinatakda pa rin sa labas-
sa kolonyal na pamantayan ng ganda at kosmopolitanismo. Di bat ang estetika ng ating mga santot santa
at iba pang Katolikong imahen ay nakabatay sa katangian ng kanlurang tao-maputi, matangos ang ilohg
prominent ang cheekbones, malurba -ang pilikmata, asul na mga mata, at kung ano-ano pang
katangiang kaiba sa ating pisikalidad?

Sa ikalawang reaksyon, ang lohika ng pamimilosopo ay may taglay na subersyon sa diwa ng pagtanggap
sa kalakarang panlabas. Sino nga ba naman ang nagtataka pa sa lohika ng paggamit ng mga taong may
"abundant pigmentation" kundi ang mga taong may pugtanggap na sa kanilang pagiging pigmentation
challenged. Sa diwa ng patawa (humor), isinasakatuparan ang praktis ng paggamit ng skin whitener sa
balat. Ar sa diwang ito, may hiya na implied sa praktis, isang hiya na nagmumula sa isang kakulanganang
makaagapay sa panlipunang pamantayan ng ganda.

You might also like