You are on page 1of 7

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality MDL


Paaralan Cabuyao Integrated Baitang 8
LESSON National High School
Guro Rose T. Razo Asignatura FILIPINO
EXEMPLAR Petsa Mayo 27, 2022 Markahan Ikaapat
Oras 11:30 – 12:30 Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang
A. Pamantayang
akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang
Pangnilalaman
kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan.
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio
B. Pamantayan sa Pagganap
broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni
Balagtas at sa kasalukuyan.

MELC FILIPINO Gr.8 Q4, PIVOT BOW R4QUBE

C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung mayroon,
isulat ang Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan. (F8PN-
pinakamahalagang IVf-g-36)
kasanayan sa pagkatuto o
MELC

D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
Ang tagpuan ay isang elemento ng kuwento na tumutukoy sa lugar
II. NILALAMAN / KEY kung saan at kalian naganap ang mahahalagang pangyayari sa
MESSAGE kuwento. Mahalagang malaman ang tagpuan upang higit na
maunawaan ang nilalaman ng buong kuwento.
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian:
MELC FILIPINO GRADE 8, pahina
a. Mga Pahina sa Gabay ng PIVOT BOW 4A, pahina
Guro GABAY PANGKURIKULUM pahina

b. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT 4A, LEARNER’S MATERIAL, FILIPINO GRADE 8,


Pang-Mag-aaral QUARTER 4 Key Stage SLM

c. Mga Pahina sa Teksbuk AKLAT


Modyul: Pivot 4A Learner’s Materials LEAP Filipino 8
d. Karagdagang kagamitan
mula sa portal ng Learning INTERNET
Resource
Pahina 1 of 7
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo Para
sa mga Gawain sa Laptop, Telebisyon, Mga Larawan
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
PAGLALAHAD NG LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ang guro ay magpapakita ng larawan.
CONSTRUCTIVIST APPROACH (Thinking Skills Strategy)
RMFD

Panuto: Pagpaparinig ng kantang “Masdan mo ang Kapaligiran” at


“Anak ng Pasig”.

Gabay na tanong:

1. Ano ang tagpuang inilalarawan sa awitin?


2. Paano ito inilarawan ng may akda?

Paunang Pagsusulit (Pre-Assessment)


Panuto: Tukuyin kung tama ang mga salitang nakasalungguhit sa
inilalarawan ng bawat bilang, itaas ang THUMBS-UP kung tama ang
paglalarawan at THUMBS DOWN kung hindi tama.

1. Ang Persya ay lugar kung saan narinig ang panaghoy ng isang


binata. Sinasabing ito ay mapanglaw, madawag, masukal at
maraming mababangis na hayop.

2. Ang Albanya ay isang malaking kaharian na matatagpuan sa dako ng


Asya na nasa ilalim ng pamumuno ng mga Muslim.

3. Ang Crotona ay ang bayan ng in ani Florante.

Pahina 2 of 7
4. Ang Atenas ay itinuturing na bukal ng karunungan at katapangan sa
Gresya noong araw.

5. Ang Albanya ay ang kahariang pinamumunuan ni Haring Linceo na


ama ni Laura.

PAGLALAHAD NG INAASAHANG BUNGA


Ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa (K) ang mahahalagang
tagpuan hinggil sa akda at nakapagbibigay (S) ng paglalarawan batay sa
napakinggan upang mapahalagahan (V) ang pagkagamit ng mga ito sa
akda.

B. PAGPAPAUNLAD
PAGTALAKAY
Pagtalakay sa buod ng Florante at Laura.
INQUIRY-BASED APPROACH

Panuto: Pakinggan ang buod ng Florante at Laura. Ibigay ang mga


tagpuang nabanggit sa akda.

(Pagpaparinig ng buod)

Buod ng Florante at Laura


Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan.
Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng
Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke
Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng
kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura.
Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno. Narinig ng isang moro, na
naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin
ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Flo kamatayan.
Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat
ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa
kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-
payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at
kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na
gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslangrian ng Albanya mula sa
puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang
kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa
Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa
kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa
pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong
pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante
ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo
si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang

Pahina 3 of 7
kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni
Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng
higera. Isinalaysay ni Flopag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa
hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na
lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na
magpakasal sa sultan. Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang
makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa
kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang
pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na
kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi
pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng
paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isangayan. Naangkin at
naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging
reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni
Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni florante, ang naging
dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura
bihag, patungo sa kagubatan. Matapos ang paglalahad nat Flerida sa
Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang
kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang
kaharian.

(PIVOT 4A, Learner’s Material, Ikaapat na Markahan, W5, Pahina 1)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iayos ang mga titik na nasa ibaba


upang mabuo ang mga lugar na mga nabanggit sa Florante at Laura at
ilarawan ang mga ito.
MGA LUGAR PAGLALARAWAN
UGABT
LANABAY
HAKAIRAN
REPSAY
TORCONA
APARAALAN

Pagtalakay sa Tagpuan

Alam mo ba na ang tawag sa pinangyarihan ng kuwento ay tagpuan. Ang


tagpuan ay isang elemento ng kuwento na tumutukoy sa lugar kung saan
at kailan naganap ang mahahalagang pangyayari sa kuwento.
Mahalagang malaman ang tagpuan upang higit na maunawaan ang
nilalaman ng buong kuwento.

Halimbawa.
Sa Simbahan
Sa Palengke
Sa Paaralan
Noong unang panahon
Kahapon

Mga paraan kung paano makita at mailalarawan ang tagpuan.


 Mailalarawan mo ang tagpuan sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
- Pagbasa nang mabuti sa kuwento;
Pahina 4 of 7
- Pagtatala ng mahalagang detalye tungkol sa
tagpuan;
- Pagtingin sa mga pahiwatig o clue at palatandaan
na tumutukoy sa pinangyarihan ng Kuwento.

 Batay sa mga nakalap na mga detalye maaaring bumuo ng


paglalarawan sa tagpuan.

 Maaaring kunin ng tuwiran ang sinabi sa kuwentong binasa o


bumuo ng sariling paglalarawan batay sa sariling pagsusuri.

C. PAKIKIPAGPALIHAN
PAGLINANG NG KABIHASAAN
COLLABORATIVE APPROACH
(Interactive Instruction Strategy) TDAR

Sa buod ng Florante at Laura ay nakita natin ang mga tagpuan at kung


paano ito nailarawan.

Panuto: Makikinig ang bawat pangkat at isasagawa ang bawat gawain na


ibibigay sa kanila.

Pangkat 1: Interview
Paksa: Ukraine-Russia Crisis

Pangkat 2: Group Discussion


Paksa: People Power Revolution

Pangkat 3: Debate
Paksa: National Election 2022

Pamantayan sa Pangkatang Gawain


Pamantayan
Nailalawaran ang mga 10
tagpuan sa kwento

Malinaw at maayos 5
ang paglalahad

Maganda at malikhain 5
ang paraan ng
paglalahad

20
D. PAGLALAPAT
PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
CONSTRUCTIVIST APPROACH

Panuto: Gumawa ng isang islogan na naglalarawan ng isang magandang


Pahina 5 of 7
lugar sa Laguna upang mahikayat ang mga dayuhan na pumunta sa ating
bansa.

PAGLALAHAT
CONSTRUCTIVIST APPROACH

Batay sa kabuoan ng talakayan sagutin ang mga tanong:


1. Ano-ano ang mga lugar na nabanggit sa loob ng buod ng Florante at
Laura?
2. Ano ang kahulugan ng tapuan?
3. Bakit mahalaga malaman ang mga tagpuan sa isang akda?

PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tagpuan na inilalarawan sa bawat pangungusap.

1. Ang lugar kung saan narinig ang panaghoy ng isang binata. Ito
ay mapanglaw, madawag, masukal at puno ng mababangis na hayop.
a. Kaharian
b. Gubat
c. Persya
d. Alabanya

2. Ito ay isang malaking kaharian na matatagpuan sa dako ng Asya,


na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Muslim o Moro.
a. Kaharian
b. Gubat
c. Persya
d. Alabanya

3. Ito ang bayan ng ina ni Florante ang luwang ng muralya nito ay


may 12,000 hakbang. Ito ay isang maunlad at masayang lungsod sa
Gresya Mayor sa may bandang Italya.
a. Persya
b. Crotona
c. Albanya
d. Gresya

4. Ito ang itinuturing bukal ng karunungan at katapangan sa Gresya


noong araw. Ang nagtayo nito ay si Haring Cecrops ng Attica na kung
kaya't itoay balitang-balita.
a. Atenas
b. Crotona
c. Albanya
d. Persya

5. Batay sa alamat ng Romano, ito ang lugar ng impierno. Na kung


saan ang mga taong maiitim ang budhi ay tinatapon at nagdursa ng
walang katapusan bilang parusa sa kanilang kasalanang nagawa.
a. Cocito
b. Averno
Pahina 6 of 7
c. Kinta
d. Batis
V. PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nalaman ko na ___________________________________.
Nabatid ko na _____________________________________

Repleksyon ng Guro
Bilang ng mag-aaral na may mataas na antas ng pagsasanay: _____________
Bilang ng mga mag-aaral na may average na antas ng pagsasanay: _______________
Bilang ng mga mag-aaral na mababa sa average na antas ng pagsasanay: _______________
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng remedial teaching: __________________

Pahina 7 of 7

You might also like