You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF CALAPAN CITY
ARTURO ARCE IGNACIO INTEGRATED SCHOOL
LAZARETO, CALAPAN CITY

BANGHAY-ARALIN
SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Pang-araw- Paaralan Arturo Arce Ignacio Integrated School Baitang/Antas 7


araw na Guro Lean Jocel M. Luzon Markahan Ikaapat na Markahan
Tala Asignatura Filipino
sa
Pagtuturo
Petsa/Oras Abril 4, 2024/ 7:30-8:30 7- Integrity

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang
obra mestra sa Panitikang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng
koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
(Isinulat ang Code ng bawat Adarna. F7PSIVa-b-18
kasanayan)
1. Nakikilala ang mga mahahalagang tauhan ng Ibong Adarna.
2. Napapahalagahan ang pag-aaral ng Ibong Adarna sa pagbabahagi ng
sariling ideya sa kahalagahan nito.
3. Nakabubuo ng family tree ng mga mahahalagang tauhan ng akda at
naibabahagi ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.

II. NILALAMAN Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna: Kahalagahan


KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Modyul
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral pahina 1-15

3. Mga Pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning https://lrms.depedmimaroparegion.ph/coLearningResources.php
Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo telebisyon, pisara at yeso

III. PAMAMARAAN Panimulang Gawain


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpapaayos ng silid at sarili
4. Pag-alam ng liban
5. Pagpapasa ng Takdang Aralin
A. Balik-Aral o/at pagsisimula Balik-Aral
sa bagong aralin Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.
B. Paghahabi sa layunin ng Simbolismo
aralin Gumuhit ng simbolismo na naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa
maaaring motibo ng may-akda sa pagsulat ng Ibong Adarna.
C. Pag-uugnay ng mga Pokus na tanong:
halimbawa sa bagong aralin Sa iyong palagay, ano ang motibo ng may-akda sa kahalagahan ng pagsulat ng
Ibong Adarna?
(Pipili ang guro ng mga piling mag-aaral na magbabahagi ng sariling pananaw
hinggil sa gawain.)
D. Pagtalakay ng bagong Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
konsepto at paglalahad ng Ibong Adarna – Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas
mga bagong kasanayan #1 na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling
kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito.
Haring Fernando – Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng
malubhang karamdaman.
Reyna Valeriana – Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan,
Don Pedro at Don Diego.
Don Pedro – Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana
na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
Don Diego – Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong
makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
Don Juan – Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.
Donya Maria – Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan.
Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.
Haring Salermo – Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na nagbigay
ng matinding pagsubok kay Don Juan.
Donya Leonora – Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na
nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.
Donya Juana – Isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni
Donya Leonora.
Donya Isabel – ang kapatid ni Donya Maria Blanca.
Donya Juana – kapatid ni Donya Maria Blanca.
Ang Ermitanyo – matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong
kay Don Juan.
Ermitanyong Uugod-ugod – ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik
ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
Arsobispo – ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
Lobo – ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian
ng Armenya.
Ang Higante – ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana.
Ang Serpyente – malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay
Donya Leonora.
E. Pagtalakay ng bagong Family Tree
konsepto at paglalahad ng Bumuo ng family tree ng mga mahahalagang tauhan ng Ibong Adarna at
bagong kasanayan #2 isulat sa ibabang bahagi ang kahalagahan ng pag-aaral nito.

F. Paglinang sa Kabihasahan Pagbabahagi


Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang binuo sa unahan ng klase.
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Ilapat sa Pang-araw-araw na buhay
araw-araw na búhay  Bilang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna sa pang-
araw-araw ninyong buhay?
H. Paglalahat ng Aralin Paglalagom ng Aralin
 Sino ang nais maglagom ng aralin? Magbigay ng mga mahahalagang
tauhan sa akdang Ibong Adarna.
I. Pagtataya ng Aralin Maikling Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.
_____1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Valeriana.
A. Albanya B. Armenya C. Krotona D. Berbanya
_____2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
A. Piedras Platas C. Piedro de Oro
B. Reyno Delos Cristales D. Piedras Blanca
_____3. Bunsong anak ni Haring Fernando na labis niyang minamahal.
A. Don Pedro B. Don Diego C. Don Juan D. Don Lucas
______4. Prinsesang may mahika blankang taglay.
A. Donya Maria B. Donya Juana C. Donya Leonora D. Donya Isabel
______5. Haring hinahangaan ng kanyang nasasakupan.
A. Matandang Ermitanyo C. Haring Fernando
B. Haring Salermo D. Arsobispo
J. Karagdagang gawain para Kasunduan
sa takdang-aralin at  Basahin ang Kabanata 1: Ang Kaharian ng Berbanya (Saknong 1 – 29)
remediation at Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari (Saknong 30 – 45).
 Humanda sa talakayan at mga gawain.
IV. Mga Tala
___ Natapos ang aralin/gawain at maaari nang magpatuloy sa mga susunod na aralin.
___ Hindi natapos ang aralin/gawain dahil sa kakulangan sa oras.
___ Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon ng mga napapanahong mga pangyayari.
___ Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang nais ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa paksang
pinag-aaralan.
___ Hindi natapos ang aralin dahil sa pagkakaantala/pagsususpende sa mga klase dulot ng mga gawaing pang-
eskwela/ mga sakuna/ pagliban ng gurong nagtuturo

Iba pang mga Tala:

V. Pagninilay
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailanagan ng iba pang gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
Alin sa mga estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyon sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
Anong kagamitang panturo na aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri at binatid ni:

LEAN JOCEL M. LUZON DR. JONNEDEL A. BAQUIRAN


Teacher I Officer-in-Charge
Assistant Principal II

You might also like