You are on page 1of 5

ACADEMIA DE COVINA, INC.

DepEd Recognition Nos. BEC No. 023, s.2011


Block 5 Lot 51 Casmalia St., Village Phase 2, Brgy Buhay na Tubig, Imus City, Cavite 4103
Tel# (046) 484-6944, 686-6944 Mobile# 0908-8203340
Email add: administrator@academiadecovina.ph.education

LEARNIN School Academia De Covina Grade Level Grade 7


Teacher Jenica Dugos Learning Area Filipino
G
Teaching Date and Time March 14, 2022; 9-10 am Quarter 4th Quarter
PLAN

I. OBJECTIVES  Natutukoy ang mga mahahalagang tauhan sa


kabanatang napanood.
 Nakabubuo ng wastong paglalarawan sa mga tauhan sa
akda.
 Nakasusulat ng tekstong nagmumungkahi ng solusyon
sa isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa
kabataan.

A. CONTENT STANDARD Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pagunawa sa Ibong


Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
B. PERFORMANCE Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal
STANDARD ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino
C. MOST ESSENTIAL Natutukoy at napapahalagahan ang isang tulang romansa tulad
LEARNING ng akdang ang Ibong Adarna.
COMPETENCIES(MELC)
II. LEARNING CONTENT Mensahe ng May-Akda at Mga Tauhan sa Ibong Adarna

III. LEARNING RESOURCES


A. REFERENCES
a. Pages in Teacher’s
Punla pp. 290 - 296
Guide
b. Pages in Learner’s
Punla pp.290 - 296
Textbook
c. Additional Resources
from Portal of Learning
B. TEACHING MATERIALS Grade 7 Punla
Powerpoint presentation, Online Resources.Video, Computer
IV. DEVELOPMENTAL
ACTVITIES
A. PREPARATORY PRAYER
ACTIVITIES
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang
araw na ito kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo
kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan
at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa
amin. Gabayan din naman ninyo ang aming mga guro upang
magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga
estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming
salamat po.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.


MOTIVATION

Pambungad na katanungan:

 Batay sa inyong mga napanood na teleserye o pelikula,


magbigay ng isang pinakapaborito ninyong karakter o
tauhan at bakit siya ang inyong napili?

B. PRESENTATION OF MGA TAUHAN SA IBONG ADARNA


THE LESSON
Noong nakaraan ay tinalakay natin ang patungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Natuklan natin na ang
akdang ito ay isang kurido dahil patungkol ito sa kabayanihan
ng isang prinsipe o hari at mayroon din itong angkop na sukat
na kakaiba sa awit.

Ngayon ay ating tutunghayan at aalamin kung sinu-sino ang


mga karakter na ating matatagpuan sa akdang ito. Ating
tutuklasin kung ano ang kanilang ginampanan sa akda.

Narito ang isang video patungkol sa mga mahahalagang


tauhan sa akda. Maari niyong isulat o kabisaduhin sila para sa
ating talakayan mamaya.

Y2Mate.is - Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 1-10-


4751146894935896-720p-1645934747115.mp4

1. Don Juan - Ikatlo at bunsong anak nina Don Fernando at


Donya Valeriana ng Kahariang Berbanya. Siya ay likas na
mabuti kung kaya’t paborito siya ng hari.

2. Donya Maria - Ang magandang dalagang iniibig ni Don


Juan. Anak siya ni Haring Salermo ng Reino de los Cristal.

3. Don Pedro - Panganay na anak nina Don Fernando at


Donya Valeriana ng Kahariang Berbanya.

4. Prinsesa Leonora - Prinsesa ng Armenya nakatira sa


kahariang matatagpuan sa ilalim ng mahiwagang balon. Ang
babaeng iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong
ulo.
5. Don Diego - Pangalawang anak nina Don Fernando at
Donya Valeriana ng Kahariang Berbanya.

6. Donya Juana - Ang nakatatandang kapatid ni Prinsesa


Leonora. Ang babaeng iniligtas ni Don Juan mula sa higanteng
tagabantay.

7. Don Fernando - Ang makatarungang hari ng Kahariang


Berbanya. Siya ay ama nina Don Pedro, Don Diego, at Don
Juan.

8. Donya Valeriana - Ang butihing asawa ni Don Fernando at


reyna ng Kahariang Berbanya. Siya ay mapagmahal na ina
nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.

9. Haring Salermo - Ang ama ni Donya Maria at hari ng Reino


de los Cristal. Ang nagbigay ng mga pagsubok kay Don Juan.

10. Mediko - Siyang tanging nakatalos sa sakit ni Don


Fernando. Ipinayo niyang hanapin ang ibong Adarna sapagkat
ang awit nito ang tanging lunas ni Don Fernando.

11. Unang Ermitanyo - Matandang ketonging nilimusan ni Don


Juan ng pagkain. Siya ang tumulong kay Don Juan upang
mahuli ang Ibong Adarna.

12. Ikalawang Ermitanyo - Siyang nagturo kay Don Juan kung


paano mahuhuli ang Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

13. Ikatlong Ermitanyo - Siyang nagpagaling kay Don Juan


noong siya ay sugtan dahil sa pambubugbog ng kaniyang mga
kapatid.

14. Ikaapat na Ermitanyo - Ang naawa at nagbigay ng


pagkain kay Don Juan habang naglalakbay siya patungo sa
Reino de los Cristal.

15. Ikalimang Ermitanyo - Nakilala ni Don Juan sa kanyang


paglalakbay sa Reino de los Cristal. Siya ay may alagang
olikornyong sinakyan ni Don Juan upang makilala ang Ikaanim
na Ermitanyo.

16. Ikaanim na Ermitanyo - Ang may alagang agilang


naghatid kay Don Juan sa Reino de los Cristal.

17. Arsobispo - Siyang nagkasal sa mga magsing-irog na sina


Don Juan at Donya Maria, at Don Pedro at Prinsesa Leonora.

18. Negrito at Negrita - Maliliit na taong nasa loob ng prasko.


Inutusan silang magtanghal ni Donya Maria upang
mapanumbalik sa alaala ni Don Juan ang pag-ibig nito sa
Donya.

19. Ibong Adarna - Mahiwagang ibong tanging


makapagpapagaling sa hindi maipaliwanag na sakit ni Don
Fernando.

20. Lobo - Makapangyarihang hayop na nagpagaling kay Don


Juan noong siya ay sugatan sa ilalim ng balon.

21. Higante - Ang mabagsik na hayop na tagabantay ni


Prinsesa Juana.

22. Serpiyente - Makapangyarihang hayop nagtataglay ng


pitong ulo. Ito ang tagapangalaga ni Prinsesa Leonora.

23. Olikornyo - Ang naghatid kay Don Juan sa Ikaanim na


Ermitanyo na magiging daan upang matagpuan niya ang Reino
de los Cristal.

24. Agila - Higanteng ibong nagturo at nagdala kay Don Juan


sa Reino de los Cristal.

C. GENERALIZATION
Ang Ibong Adarna ay isang korido, isang uri ng panitikan na
nasa anyong patula, na itinuturing na bahagi ng Panitikang
Pilipino bagama’t ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas.
May iba’t ibang tauhan na makikilala sa akdang ito. Ang
tagpuan nito ay sa Kahariang Berbanya at Kahariang Reino de
los Cristal. Ang awit o tinig ng Ibong Adarna ang tanging
makakagamot kay Don Fernando.

V. APPLICATION Pagpapakilala sa Tauhan

Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tauhan.

Haring Fernando - Ilarawan si Haring Fernando bilang hari o


pinuno. Ihambing siya sa mga pinuno ng bayan sa
kasalukuyan.
Reyna Valeriana - Ilarawan si Reyna Valeriana bilang reyna
at asawa. Ihambing siya sa asawa ng mga pinuno ng bayan
sa kasalukuyan.
Don Pedro, Don Diego, at Don Juan - Ilarawan ang tatlong
prinsipe. Ihambing sila sa mga anak ng pinuno ng bayan sa
kasalukuyan.
VI. EVALUATION
Magtungo sa online quizziz link na ibibigay at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan bilang pagtataya o ebalwasyon.
VII. ASSIGNMENT Sumulat ng isang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa
isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan
na matatagpuan sa akdang binasa.
st
21 CENTURY SKILLS
(PLEASE CHECK) / Communication / Critical Thinking
/ Collaboration / Creativity
Information Literacy / Media Literacy
/ Technology Literacy Flexibility

MULTIPLE INTELLIGENCE
(PLEASE CHECK) Logical-mathematical Naturalistic
Intelligence Intelligence
/ Verbal-linguistic Bodily-Kinesthetic
Intelligence Intelligence
/ Visual-Spatial / Interpersonal
Intelligence Intelligence
Musical Intelligence Intrapersonal
Intelligence

PREPARED BY:

Jenica B. Dugos
Subject Teacher

Checked by:

JOHN JACOBO
School Principal

You might also like