You are on page 1of 4

Diocese of Baguio Schools

Saint Louis School of Aurora Hill , Inc.


Ledesma Street, Aurora Hill, Baguio City
saintlouisaurorahill@gmail.com Tel. no. 445- 8107
Life Transforming & Christ’s Disciple-Forming Education
MODYUL 2 FILIPINO 7

I. PAKSA: Ang Pamilyang Bughaw


Isang Babala
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (LEARNING COMPETENCIES)
a. F7PN-IVe-f-21 Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang mga pahayag ng isang tauhan na
nagpapakilala ng karakter na ginampanan nila.
b. F7PB-IVg-h-23 Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga
pantulong na tauhan.
c. F7PT-IVc-d-21 Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa kasing kahulugan at kasalungat nito.
d. F7PD-IVc-d-20 Nagagamit ang karikatyur ng tauhan sa paglalarawan ng kanilang mga katangian batay
sa napanood na bahagi ng akda
e. F7PS-IVc-d-21 Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga
kaisipan sa akda
f. F7PU-IVe-f-21 Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa akda.
III. PANIMULA
Kinikilala sa kulturang Pilipino ang kahalagahan ng isang pamilya mula sa paggalang sa mga
matatanda, pagpapalaki sa mga anak, at pagbubuklod-buklod ng bawat miyembro nito. Sa bahaging
ito, malalaman natin kung paano na kontento ang mamamayang nasasakupan ni Haring Fernando pati
na rin ang kanyang pamilya nasa kabila ng masamang pangyayari ay nagkaisa silaupang hanapin ang
nag-iisang lunas nito.

IV.GAWAING PAMPAGKATUTO (LEARNING ACTIVITIES)

A. PAGTUKLAS (EXPLORE)
Bawat miyembro sa ating pamilya ay mayroon tayong isang taong hinahangaan dahil binigyan
tayo ng isang aral sa buhay na naging batayan na natin sa pang-araw-araw na buhay. Maaring lumaki
kayo sa inyong tatay/nanay , ate/kuya, tita/tito, at lolo/lola at iba pa.

Halimbawa: Si Desiree ay lumaki sa kaniyang lolo at lola mula nang maghiwalay ang kaniyang
nanay at tatay at isa sa aral ng buhay na kaniyang itinatak sa kaniyang isipan ay “hangga’t
mayroong nakatatanda sa loob ng tahanan ay matutong gumalang.

1. Mag-isip ng isang tao na tumulong sa pagpapalaki sa iyo at isipin ang pinakamahalagang aral
na sa tingin mo ay tumatak at tumulong sa iyo upang maging isang mabuting tao sa iyong
tahanan at komunidad tulad ng halimbawa sa itaas. Ipaliwanag ang sagot.

B. PAGLINANG (FIRM-UP)
Basahin ang bahagi ng “Ang Pamilyang Bughaw” at “Isang babala. Sagutin ang mga
sumusunod na gawain.

1. Pagpapayaman ng talasalitaan: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng


madiin ayon sa gamit nito sa pangungusap. Piliin ang sagot mula sa mga salita sa hanay B at
saka isulat ang titik lamang ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

1. Sa kanyang pamamahala kaharia’ay nanagana,maginoo o dukha A. UYAM


2. Nasangguni’t napaglining na sa bayan ay magaling. B. MAKIKISIG
3. Pangalan ng haring ito ay mabunying Don Fernando. C. DALUBHASA
4. Ganda’y walang pangalawa sa bait ay uliran pa. D. MAHIRAP
5. Binata na’t magigilas sa reyno ay siyang lakas. E. NAPAG-ISIPAN
6. Gulang nito ay sinundan ni Don Diegong malumanay. F. MATAMO
7. Maging mangmang man ang bunga sa kutya ay ligtas siya. G. MAHINAHON
8. Kapag hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo. H. WALANG LAMAN
9. Kaya’t anong kagalakan ng sa ay kinamtan. I. MARANGAL
10. Angkin ninyo ang mataas na pangalang mga pantas. J. MODELO

2. Paano ipinakilala ng makata ang pamilyang bughaw?


a. Simulan sa amang na si Haring Fernando. Punan ang bawat bloke ng
kanyang katangian bilang ama at hari.

Don Fernando

HARI AMA

Ilahad ang mga patunay na nagpapakita ng mga katangiang ibinigay.

2. Ilarawan ang tatlong prinsipeng anak ni Don Fernando. Punan ang mga kahon sa ibaba ayon sa
hinihingi ng bawat isa.
Don Pedro Don Diego Don Juan

Sariling Katangian Sariling Katangian Sariling Katangian

Pagkakatulad ng Tatlong Magkakapatid

C. PAGPAPALALIM (DEEPENING)
Si Don Fernando at Donya Valeriana ay hindi naniniwalang ligtas sa kutya ang mga
miyembro ng dugong bughaw. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay isang susi upang maging bukas ang
bawat indibidwal sa mga maaring mapuna sa mundong iyong ginagalawan kaya naman mainam ang
pagbibigay ng pagpapahalaga sa edukasyon.

Punan ang kahon sa kanan upang makompleto ang isang pagpapahalagang nakakahon sa kaliwa.

Ang
edukasyon
ay…..

D. PAGLILIPAT (TRANSFER)
Sa bahaging ito natunghayan mo kung paano maging ama si Don Fernando sa kanyang
tatlong anak na prinsipe at hari sa kanyang nasasakupan sa kaharian ng Berbanya.
Ipagpalagay natin 15 taon mula ngayon ay magkakaroon ka ng iyong sariling pamilya, ano ang
pinakamahalagang aral na nais mong iwan sa iyong mga anak.

Panuto: Gumawa ng isang isang komik strip na may apat na kwadradong kahon na nagpapakita
kung paano mo ituturo sa iyong magiging anak ang pinakamahalagang aral na nais mong matutunan niya
na maari niyang magamit sa kaniyang pang-araw-araw na buhay. Ilagay sa buong bahagi ng bond paper ang
output.

Halimbawa:
PAMANTAYAN SA KOMIK STRIP
Kaisipan ng Komiks Buo ang kaisipan May mga bahaging Nakalilito ang ang Hindi buo ang
ng komiks. kulang ang kaisipan kaisipan o diwa ng kaisipan o diwa ng
o diwa ng komiks. komiks. komiks.
Kaangkupan ng Kaakit-akit ang Kaakit-akit ang Hindi gaanong Hindi kaakit-akit
Larawan/pagguhit paraan ng pagguhit ngunit kaakit-akit at hindi ang gawa at
pagguhit may mga pinapagalaw ang nanatili lamang ang
/pinapagalaw ang pagkakataon na paningin ng panigin sa iisang
paningin ng hindi pinapagalaw mambabasa daloy.
mambabasa ang paningin ng
mambabasa
Bisa ng wika Maayos ang gamit May kaunting mali May maraming Halos lahat ay mali
ng wika/gramatika, sa gamit ng mali sa gamit ng sa gamit ng
baybay at mga wika/gramatika, wika/gramatika, wika/gramatika,
bantas baybay at mga baybay at mga baybay at mga
bantas bantas bantas
Kompleto (Batay sa Naisaktuparan at Naisakatuparan Naisakatuparan Naisakatuparan
bahagi na naibigay nasunod ang lahat ngunit may 1-2 ngunit higit sa ngunit hindi
sa hal.) ng bahagi na bahaging hindi tatlong bahaging nasunod ang mga
kinakailangan sa nasunod sa bahagi hindi nasunod sa bahagi sa komik
komik strip ng gawain. bahagi ng gawain. strip

V. SANGGUNIAN
Juilian, Ailene B. et. al (2015). Pinagyamang pluma 7 (K TO 12). Phoenix Publishing House, Inc: Quezon City.
Abueg, Efren R. et. Al (2003). Ibong Adarna isang korido. Diwa Scholiastic Press Inc.:Makati City

You might also like