You are on page 1of 2

Ikatlong Markahan

Post Test
I. PAGPIPILI: Basahing Mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil; ibinaba niya ito at hinayaang
umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na ito, si Sarah ay
maaaring ilarawan bilang isang inang ________.
a. masipag c. maunawain
b. matiisin d. pabaya sa anak
2. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin.
a. pagkiklino c. pagsasaling-wika
b. pagpapakahulugan d. pagsusuring-wika
3. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang lalaking alipin.
Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya; bumagsak ang bata. Anong kalagayang panlipunan sa Africa ang
masasalamin sa mga pahayag na ito?
a. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan.
b. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa.
c. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.
d. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.
4. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
a. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.
b. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
c. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal
magtrabaho.
d. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno nang hindi
sila nakikita maging ng tagapagbantay.
5. Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.
a. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
b. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
c. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.
d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
6. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi
alam ang aking sasabihin”?
a. pagkadismaya c. pagkasiya
b. pagkalito d. pagkatuwa
7. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya winika ng sultan, “Ang nakasuot
ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Anong
damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng sultan?
a. dalamhati c. lungkot
b. galit d. tuwa
8. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?
a. pinakamagaling na hari
b. nakamabuting komedyante
c. pinakamahusay sa pagkukuwento
d. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento
9. Ano ang kahulugan ng salitang, “naimbitahan”? Ito ay nagmula sa salitang-ugat na “imbita”, na kinabitan ng mga panlaping
na- at -han.
a. nagpaanyaya sa isang pagtitipon
b. naanyayahan sa isang pagtitipon
c. inaanyayahan sa isang pagtitipon
d. nagpapaanyaya sa isang pagtitipon
10. Ano ang kahulugan ng salitang, “pagsumikapan”? Ito ay nagmula sa salitang-ugat na “sikap”, na kinabitan ng mga panlaping
pag-, -um-, at -an.
a. magsikap upang magtagumpay
b. maglaan ng higit na oras upang umunlad
c. magtrabaho nang magtrabaho habang bata pa
d. makipagtulungan sa kapwa upang makamit ang pangarap.
II. Pagkakatulad at Pagkakaiba. Paghambingin ang dalawang mitolohiyang tinalakay sa pamamagitan ng pagpupuno ng
mahahalagang elemento ng bawat isa sa bawat kolum. (10 pts)

Elemento ng Liongo Maaaring Lumipad ang Tao


Mitolohiya (Mitolohiyang binasa) (Mitolohiyang pinanood)

A. Tauhan LIONGO SARAH AT TOBY


B. Tagpuan KENYA AFRICA
C. Tema KAHIT NA ANONG BALAKID AY PAGPAPAKITA NG PANG-AALIPIN AT
MALALAMPASAN ANG NAIS NA MAKALAYA
D. Banghay ANG PAGTAKAS NI LIONGO ANG MGA ALIPIN AY NAKAKITA NG
MULA SA MGA MAY AYAW SA LUMILIPAD NA TAO PERO HINDI SILA
KANYA AT KUNG PAANO SIYA PINANIWALAAN AT PATULOY ANG
NAMATAY DAHIL SA PAGKWENTO NILA SA MGA SUMUSUNOD
KANYANG ANAK NA HENERASYON
Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya.

III. PAGSASALING-WIKA. Isalin ang mga pahayag sa ibaba tungo sa hinihinging wika. 2 puntos bawat katanungan.
1. Mahal na ang mga pamilihin ngayon : (Ingles) The prices of the goods nowadays are really high.
2. Mahal kita: (Ingles) I love you
3. Nidagan siya ug kusog kay nahadlok siya sa halas. (Filipino) Tumakbo siya nang mabilis dahil takot siya sa ahas.
4. Gihatagan ko niya ug kusog aron magpadayon sa kinabuhi (Filipino) Binigyan niya ako ng lakas ng loob upang magpatuloy sa
buhay
5. Marumi na ang iyong damit. (Bisaya) Hugaw na imong sanina.

IV. SPOKEN WORD POETRY. Batay sa akdang “Maaaring Lumipad ang Tao”, gumawa ng maikling Spoken Word Poetry tungkol sa iyong
kasagutan sa katanungan sa ibaba. (5 pts)
a. Kung nakalilipad pa ang mga tao ngayon, ano kaya ang mangyayari sa ating lipunan/mundo?
Narito ang Pamantayan:
5 4 3 2
Ang buong tula ay nagpapakita Ang buong tula ay Ang buong tula Ang tula ay may malabong
ng matinding ekspresyon nagpapakita ng ay tema. Ang
tungkol sa tema. Ang mga ekspresyon pangkaraniwan mga ideya ay kulang at
ideya ay magkakaugnay at tungkol sa tema. at nagpapakita bahagyang konektado
ito’y orihinal na ginawa. Lahat May pagkakaugnay ng kaunting lamang. Hindi
ng mga linya ay maayos na ang mga ideya sa repleksyon sa organisado
pinili at may tula. Halos lahat ng mga tema. Halos lahat ng ang pagpili
pagkakatugma. Organisado linya ay maayos na linya ay hindi ng mga salita
ang pinili at may magkakatug- at ito ay
pagkakagawa at pagkakatugma. ma. Hindi walang
nakadadala sa damdamin. Organisado ang organisado ang tugma.
pagkakagawa. pagkakagawa
V. KAGALINGANG PANDISKORSAL. Mula sa natutuhan tungkol sa paggamit ng kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota, mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay noong nagsisimula
ka pa lamang mag-aral sa hayskul.
Pamantayan:
Mga Kraytirya Puntos

Kahusayang gramatikal 2
Paggamit ng diskorsal at strategic sa pagsulat ng orihinal 2
na anekdota
Orihinalidad ng akda 1

Kabuuan 5
VI. KOMIK ISTRIP. Mula sa binasa at pinanood na anekdota, pumili ng pinakamahalagang bahagi ng palitan ng usapan ng mga tauhan
at sumulat ng isang orihinal na komik istrip tungkol dito.

You might also like