You are on page 1of 8

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Taong Panuruan 2019-2020

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________


Baitang at Pangkat _________________________________________ Petsa: ________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot bago ang bilang.

Para sa Blg. 1- 4
Panuto: Basahin ang akda at sagutin ang kasunod na tanong.

Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo… Lalo siyang namangha nang ang usa ay mag-
iba ng anyo at naging isang napakagandang babae…Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa
ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at napabilang na sa mga alagad ni Rihawani…
Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin,
tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani.
-Halaw mula sa Mitolohiyang “Rihawani”

_____1. Ang binasang akda ay mitolohiya sapagkat:


a. tumatalakay sa kultura ng mga diyos at kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao
b. may mga tauhang gumaganap na may kakaibang kapangyarihan
c. may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan
d. may mga aral sa buhay na makikita rito

_____2. Ang mensaheng nais ipabatid mitolohiya sa mambabasa ay ____?


a. Ang pagsunod sa paalala ay napakahalaga.
b. Ang pagnanasa sa hindi pag-aari ay nagdudulot ng kapahamakan.
c. Ang lahat ng kasalanang nagawa ay may katumbas na kaparusahan.
d. Ang pagsumpa sa isang taong nakagawa ng kasalanan ay maling gawain.

_____3. Ang damdaming inilalarawan ng pangungusap na may salungguhit ay ____?


a. sama ng loob c. pagkamuhi
b. pagkagalit d. pagkasuklam

_____4. Si Rihawani ay diyos na naninirahan sa kagubatan at kung minsan ay nagpapalit daw ng anyo
Siya ay nabibilang sa anong elemento ng mitolohiya?
a. tauhan b. banghay c. tagpuan d. tema

Para sa Blg. 5-6


Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang kasunod na tanong.
Sa halip na siya ay patayin, mas pinili ng mga Philistino na ipahiya si Samson, dinukot ang mata
nito at pinagtrabaho sa kulungan ng Gaza. Habang siya ay nasa kulungan, humaba na ang kanyang
buhok na hindi pinansin ng kanyang mga kalaban. Nagbalik loob si Samson sa Panginoon at
nanalangin nang taimtim.
- Halaw sa mitolohiyang “Ang Pakikipagsapalaran ni
Samson”

_____5. Ang uri ng karapatan ang nilabag ng mga Philistino sa ginawang pagpapahirap kay Samson
na nagaganap din sa Pilipinas ay ____?
a. karapatang bumoto c. karapatang pansarili
b. karapatang pantao d. karapatang makakita

_____6. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, anong magandang pag-uugali ni Samson ang dapat
pamarisan ng mga mambabasa?
a. pagiging matapang na tao c. mapagtiis sa mga dinanas na hirap

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


b. pagiging maka-Diyos d. marunong makisama sa mga tao

Para sa Blg. 7-10


Panuto: Tukuyin kung anong element ng tula ang mga sumusunod.

_____7. Tumutukoy sa matatalinghagang salita


a. kariktan b. talinghaga c. sukat d. tugma

_____8. Mga salitang magsisintunugan sa hulihan ng bawat taludtod.


a. kariktan b. talinghaga c. sukat d. tugma

_____9. Mga damdamin na maiiwan sa mga mambabasa pagkatapos mabasa ang tula
a. kariktan b. talinghaga c. sukat d. tugma
_____10. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. kariktan b. talinghaga c. sukat d. tugma

Para sa Blg. 11-16


Panuto: Basahin ang bahagi ng dula at sagutin ang kasunod na tanong.

Romeo: Nilundag ko ang pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay mapipigil niyong batong humahadlang.
Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin,
Kaya’t ang mga pinsan mo’y hindi hadlang sa akin.
Juliet: ‘Pag nakita ka nila ay papatayinrrka.
Romeo: Tamisan mo lang ang titig,
ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.
Juliet: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.
Mula sa dulang “Romeo at Juliet”
_____11. Kung ikaw si Romeo, gagawin mo rin ba ng kanyang ginawa para sa iyong minamahal?
a. Oo, upang mapatunayan ko kung gaano ko siya kamahal
b. Oo, dahil matapang ako
c. Hindi, dahil baka mapahamak ako
d. Hindi, dahil wala aking lakas ng loob na gawin iyon

_____12. Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang pag-iibigang Romeo at Juliet?


a. nangyayari pa rin ito sa may tunay at wagas na pag-iibigan
b. hindi na sapagkat makabago na ang panahon
c. bihira na ang tumatagal na relasyon dahil sap ag-ibig
d. hindi na sapagkat naniniwala ang mga milenyal na walang forever

_____13. Nais patunayan ni Romeo sa kanyang ginawa na ___?


a. Siya ay matapang.
b. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang iniibig.
c. Malakas ang kanyang loob.
d. Kahit na siya ay mapahamak ay balewala sa kanya.

_____14. Ang damdamin ang nangibabaw kay Juliet nang makita si Romeo ay ____?
a. natuwa b. nalungkot c. natakot d. nag-alala

_____15. Ang hadlang na tinutukoy ni Romeo sa binasang dayalogo ay ____?


a. nakaharang na pader c. mga bato
b. mga bantay d. kanilang angkan

_____16. Ang mga sumusunod ay katangian ng nobela maliban sa:


a. makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikan
b. binubuo ng yugto na nagsasalaysay ng mga pangyayari
c. bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw ng damdamin

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


d. iisang panyayari lamang ang inilalahad

Para sa Blg. 17- 20


Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa mga pahayag.
_____17. Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,
Ay tila pulitikong hindi nagtitika.
a. pagtutulad b. pagmamalabis c. pagwawangis d. personipikasyon

_____18. Maagnas man ang bundok na nakatirik,


Sa puso ko’y baon ka ng may pagtangkilik.
a. pagtutulad b. personipikasyon c. pagwawangis d. pagmamalabis

_____19. Pati ulap ay sumasayaw sa bayo ng hangin.


Sa bugso ng ulan, pati langit ay nagdidilim.
a. pagtutulad b. pagwawangis c. personipikasyon d. pagmamalabis

_____20. Ang tula ay anak sa sinapupunan,


Di dapat angkinin ng gayun-gayon lang,
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. personipikasyon

Para sa Blg. 21- 27.


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang akda at sagutin ang kasunod na tanong.

Matapos ang isang marangyang kasal nina Angela at Alberto, naulinugan ni Alberto ang pag-
uusap ng kanyang magulang. “Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni
Alberto?” tinig ng kanyang ina.
“Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka. Bukas daw niya hahalagahan,”
tugon ng kanyang ama.
Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tainga,
pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nakinig. “Hindi na tayo makababayad sa pagkakautang
kay Ingkong Karyo,” ang muling tugon ng kanyang ina.
Muling ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata hanggang sa sumapit ang umaga, siya’y hindi
nakatulog kahit isang saglit.
- Halaw sa kwentong “Kasalan sa Nayon” ni Eleuterio P. Fojas
______21. Ang kulturang Pilipino ang ipinakita sa binasang akda ay ____?
a. pag-uusap ng mga magulang na magpapakasal ng anak
b. pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal sa kabila ng kahirapan
c. paghahanda ng baka, manok at iba pang hayop sa araw ng kasal
d. pangungutang ng mga magulang na nagpapakasal ng mga anak

______22. Ang mensaheng nais ibahagi ng akda tungkol sa pagpapakasal ng mga anak ay ____?
a. Ito ay nangangailangan ng masusing paghahandang emosyonal at pinansyal.
b. Ang isang marangyang kasalan ay sagutin ng lalaking ikakasal.
c. Ang magpapakasal ay dapat munang sumangguni sa marriage counselor.
d. Pananagutan ng mga magulang na ipakasal ang kanilang mga anak.

______23. Ang katotohanan ng buhay ang makikita sa akdang binasa na ____?


a. may mga kabataang nagpapakasal na iniaasa sa kanilang magulang ang gagastusin
b. may mga kabataang saka lamang magpapakasal kung sila’y nagdadalang-tao na
c. may mga kabataang maagang nagpapakasal
d. may mga kabataang mapupusok

______24. “Hindi na tayo makababayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo”. Anong damdamin ang
nangibabaw sa pahayag?
a. pagsisisi b. pag-aalala c. pagkagalit d. panunumbat

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


______25. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tainga. Ang ginawang ito ni Alberto ay
nagpapakita na:
a. Ayaw niyang marinig ang usapan ng mga magulang.
b. Nabibingi siya sa usapan ng kanyang mga magulang.
c. Nag-aalala siya na hindi na sila makakabayad sa pagkakautang.
d. Alam niyang siya ang dahilan ng pag-aalala ng kanyang mga magulang.

______26. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa kwento ay ____?


a. magarbo b. maluho c. magara d. maporma

______27. Ang ibig sabihin ng salitang naulinigan ay ____?


a. naramdaman b. narinig c. nabalitaan d. nalaman

Para sa Blg. 28 - 35
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga tanong,
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi” sabi niya.” Maaring wasakin ang isang tao pero hindi siya
magagapi”. Nagsisisi ako na napatay ko ang isang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang
masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at
malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa sa kanya. Siguro’y hindi, hindi sa loob-loob niya.
Siguro’y mas armado lang ako.
Halaw sa nobelang “Ang matanda at ang Dagat”

_____28. Ang ipinahihiwatig ng mga pahayag na may salungguhit ay ____?


a. kung may dilim, may liwanag c. di dapat magpatalo sa hamon ng buhay
b. normal lang ang pagsubok d. nilikha tayo para lumaban, di masaktan

_____29. Ang katangian ng tauhan ang masasalamin sa binasang teksto ay ___?


a. mabait b. mapagpahalaga c. malalahanin d. matapang

_____30. Ang nobelang nabasa ay naglalarawan ng mga sumusunod maliban sa:


a. karanasan at lipunan c. ugali at gawi ng tao
b. pagkilos at anyo ng buhay d. may sukat at tugma

_____31. Ang ibig sabihin ng salitang magapi ay ____?


a. matalo b. masira c. masupil d. masakop

_____32. “Huwag kang mag-isip tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin
ang anumang dumating.” Anong uri ng tunggalian ang ipinakita sa pahayag?
a. tao vs tao b. tao vs sarili c. tao vs kalikasan d. tao vs lipunan

_____33. “Pero mas matalino ako kaysa sa kanya”. Ang pahayag na ito ay naglalarawan ng anong
katangian ng isang tao?
a. ayaw padadaig c. masyado ang tiwala sa sarili
b. may kayabangan d. gustong siya ang laging napapapurihan

_____34. Ang nobela ay naiiba sa maikling kwento dahil:


a. kapupulutan ng aral
b. binubuo ng mga kabanata
c. naglalahad ng mga pangyayari
d. iisa ang balangkas

________________________35. Ano ang pamagat ng Kwento?

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Para sa Blg. 36 -39
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga tanong.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing may lalong iibigin kita
- Mula sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”
_____36. Bakit masasabing ang binasang tula ay nasa uri ng pandamdamin o liriko?
a. sapagkat may tiyak na sukat at tugma c. naglalahad ng masidhing damdamin
b. malalim na pag-iisip at mayamang karanasan d. lahat ay tama

_____37. Ang mga sumusunod ay taglay ng tula maliban sa:


a. kapupulutan ng aral c. ginagamitan ng tayutay/talinghaga
b. maaring may sukat at tugma d. binubuo ng mga talata

_____38. Ilan ang sukat ng binasang saknong ng tula?


a. wawaluhing pantig c. lalabindalawahing pantig
b. lalabing-animing pantig d. lalabingwaluhing pantig

_____39. Aling tugma ang ginamit sa huling pantig ng bawat taludtod?


a. a-a-a-a b. a-b-a-b c. a-b-b-a a-a-b-b

Para sa Blg. 40 – 43
Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin sa mga kasunod na pangungusap.
_____40. Sinabi niya sa kanyang talumpati na ____________ ang balita na maraming pagbabago ang
magaganap sa ating paaralan.
a. totoo b. tunay c. sadyang d. talaga

_____41. Marami ng kabataan ang napababayaan ang kanila pag-aaral dahil ____________ marami
na silang kinahuhumalingan ngayon.
a. totoo b. tunay c. sadyang d. talaga

_____42. Ibang-iba na ang mukha ng paaralan ngayon sapagkat ____________ na mahusay ang
bagong punogguro ng paaralan.
a. totoo b. tunay c. sadyang d. talaga

_____43. Si Elaine Duran ang nagwagi sa Tawag ng Tanghalan dahil ____________ namang
napakaganda ng kanyang boses.
a. totoo b. tunay c. sadyang d. talaga

Para sa Blg. 44 – 50
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talumpati at sagutin ang kasunod na tanong.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazillian na walang pagkain sa kanilang hapag, at may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa habang may mahihirap na
batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain,
kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.

- Mula sa talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff sa kanyang Inagurasyon

_____44. Nais ipakahulugan ni Dilma Russeff sa pangungusap na may salungguhit na ____?


a. wawakasan ang kahirapan sa bansa
b. pabibigyan ng pagkain ang bawat mahihirap
c. sisiguraduhin na may pagkain ang bawat pamilya sa Brazil

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


d. tutulungan ang mga mahihirap

_____45. Ang salitang inabandona na ginamit sa talumpati ay nangangahulugang:


a. ulila c. mga batang lansangan
b. pulubi sa kalye d. pinabayaan ng magulang

_____46. Mahihinuhang ang katangian ng pangulo batay sa binasang talumpati na ____?


a. may malasakit sa kanyang mga kababayan
b. matapang magsalita sa harap ng mga tao
c. mabait at maasahang pangulo
d. masipag at mahusay na lider

_____47. Ayon sa talumpati, paano magkakaisa ang pamilya?


a. walang suliraning kinahaharap
b. kung natugunan na ang kanilang pangangailangan
c. kung may perang magagamit
d. kung nabibili lahat ang kanilang luho

_____48. Ang iyong naging damdamin matapos mabasa ang talumpati ay ___?
a. paghanga c. pagkalungkot
b. pagkakaroon ng pag-asa d. pagkahabag

_____49. Ang binasang akda ay masasabing talumpati sapagkat:


a. Ito ay mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari
upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
b. Ito ay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng pagpapaliwanag, sanligan at
impresyon ng sumulat.
c. Ito ay nagtataglay ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o pananaw.
d. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng
publiko.

______50. Nilalaman ng talumpati ni Dilma Russseff ____?


a. ang kanyang mithiing nais maisakatuparan para sa nasasakupan
b. ang pagbibigay ng pag-asa sa mga nawawalan na ng pag-asa
c. ang pagpapaalala na siya ay tutupad sa kanyang tungkulin
d. ang pagsasabi na kayang umunlad ng mga tao

Inihanda ni:

ESTER L. REYES
Guro I

Sinuri ni:
EVELYN DR REYES
Punung- Guro I

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


SUSI SA PAGWAWASTO
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
Taong Panuruan 2019-2020

1. A 26. A
2. A 27. B
3. D 28. C
4. A 29. D
5. D 30. D
6. B 31. A
7. B 32. B
8. D 33. A
9. A 34. B
10. B 35. B
11. A 36. D
12. A 37. D
13. B 38. C
14. D 39. A
15. D 40. A
16. D 41. C
17. A 42. B
18. D 43. D
19. C 44. A
20. B 45. D
21. D 46. A
22. A 47. B
23. A 48. A
24. B 49. D
25. A 50. A

Inihanda Nina:
MYLENE R. ALVIAR (Ulong Guro III, Eduardo L. Joson Memorial HS – Quezon);
MYRNA R. BINUYA (Guro III– Gen. Luna NHS, - CD II)

Sinuri Nina:
JOSELITO S. MALAMANIG (Ulong Guro III, Exequiel R. Lina NHS);
ANALYN C. SAGADRACA (Ulong Guro III, Rizal NHS);
ROMEO F. ASUNCION (Ulong Guro III, Bartolome Sanggalang NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph

You might also like