You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


Taong Panuruan 2021-2022

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________


Baitang at Pangkat _________________________________________ Petsa:________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at bilugan ang
katumbas na letra ng pinakatamang sagot.
1. Antas ng wika na pinakamababa.
a. kolokyal B. balbal C. lalawiganin D. etimolohiya
2. Ito ay antas ng wika para sa salitang “ilaw ng tahanan”.
A. kolokyal B. lalawiganin C. pambansa D. pampanitikan
3. Ito ay akdang nagpapakita ng pinagmulan ng mga pangalan ng mga bagay sa
daigdig.
A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mito
4. Ito ay uri ng kaantasan ng paghahambing kung saan ang inihahambing ay mas maliit ang katangian
sa pinaghahambingan.
A. palamang B. pasahol C. pasukdol D. paliit
5. Ito ay halimbawa ng pangungusap na may paghahambing.
A. Malakas ang ulan subalit mainit ang panahon.
B. Maaari sana akong pumaroon sa bayan subalit nawala ang aking pera.
C. Ang palad mo ay kasinlambot ng bulak.
D. Dahil sa masigla ang aking pakiramdam, marami akong natapos na gawain.

Para sa Aytem Bilang 6-12:


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat seleksiyon upang masagot nang wasto ang mga
kaugnay na tanong.
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo.

6. Anong uri ng awiting bayan ang isinasaad nito?


A. imno B. Kumintang C. Kundiman D. Soliranin
7. Ano ang patunay ng iyong sagot sa bilang 6?
A. nagsasaad ito ng tagumpay C. inilalahad ang pag-ibig
B. tungkol ang awit sa pakikidigma D. nakatuon sa manggagawa
8. Ano ang kahulugan ng pagyuko sa gawain ng pagtatanim?
A. pagkahiya sa trabaho C. pagkangawit sa trabaho
B. Pagkakasakit dahil sa trabaho D. pagseryoso sa gawain
9. Bakit hindi biro ang pagtatanim ayon sa awitin?
A. nakakapagod B. nakakasakit C. nakakaitim ng balat D. nakakasawa
10. Ilang taludtod ang bumubuo sa awiting bayang ito?
A. apat B. lima C. anim D. pito
11. Ilan ang pantig ng awitin sa bawat taludtod?
A. apat B. lima C. anim D. pito
12. Anong ugali ng mga Pilipino ang ipinakikita sa binasa?
A. kagitingan B. kasipagan C. katipiran D. katalinuhan

Para sa Aytem Bilang 13-18:

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

Sa simula’y isang batang musmos ako na nangangailangan ng pagkalinga. Hindi ipinagdamot sa akin
nina pudra at mudra ang bagay na iyon. Katuwang ng kanilang pagbibigay ng walang halong kaplastikang
pagmamahal ay ang aking kapusod.
Sa kanilang ga-higanteng pagmamahal sa akin, walang dahilan upang ako ay magdamdam sa buhay.
Sa piling nila, wala na akong mahihiling pa. Sa piling nila, naroroon ang hindi matarok na pag-unawa sa
salitang kaligayahan. Sa kandungan nila, anumang pagsubok ay keribels ko. Kaya mananatili na si utol, si
pudra at si mudra ang bespren ko magpakailanman.

13. Sa mga nakalimbag nang pahilig, alin sa mga ito ang dapat na magkapangkat?
A. katuwang at kapusod C. keribels at ga-higante
B. matarok at musmos D. pudra at kandungan
14. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay?
A. kaligayahan C. pag-aalinlangan
B. pagmamalaki D. pag-iinsulto
15. Ano ang nararapat mong gawin bilang isang anak na may ganoong pamilya sa inilarawan sa
seleksiyon?
A. Kahit saan ako magpunta ay susunod ako sa kanila.
B. Magiging bukas ako sa kanila maliban sa ilang bagay.
C. Maghahanap ng trabaho sa murang edad upang matulungan agad sila sa
pinansiyal.
D. Tutumbasan ng pagmamahal ang magulang sa pamamagitan ng
pagiging masunuring anak.
16. Anong antas ng wika ang ga-higante?
A. balbal B. kolokyal C. pambansa D. pampanitikan
17. Paano mo ilalarawan ang kasmusmusan ng tagapagsalaysay?
A. Masaya sapagkat buo ang pamilya
B. Masaya dahil wala silang pagsubok sa buhay
C. Masaya sapagkat inaalay nila ang kanilang buong gawain sa Diyos
D. Masaya sapagkat punong-puno siya ng pagmamahal buhat sa pamilya
18. Bakit mahalagang magkaroon ng pamilyang may pagmamahalan sa isa’t isa?
A. upang tanggapin ang buhay at huwag matutunang ito ay ipagdamdam
B. upang mula sa pamilya ay matutuhang magsalaysay ng iba’t ibang wika
C. upang magkaroon ng labis na pagtitiwala sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
D. upang huwag nang maghanap ng mga kaibigan at ang pamilya na
lamang ang ituring na kaibigan

Para sa Aytem Bilang 19-28:


Kalabaw: Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit kaysa sa iyo. Maaari bang
tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?
Kabayo: Aba, iyan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kay apagtiisan mo.
Kalabaw: Parang awa mo na, tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako.
Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil
madaling mag-init ang ko.
Kabayo: Bahala ka sa buhay mo.

Hindi nagtagal, ang kalabaw ay ginupo ng bigat ng kaniyang dala at siya ay pumanaw. Nakita ng
magsasaka ang nangyari kaya’t kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na
bahagya namang makalakad dahil sa napakabigat ng kaniyang mga dalahin.

Kabayo: Kung tinulungan ko sana si Kalabaw maaaring hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon.

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

19. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa binasang seleksiyon?


A. ibinagsak B. ibinigay C. ipinagkatiwal D. ipinarusa
20. Anong uri ng akdang pampanitikan ang iyong binasang akda?
A. pabula B. alamat C. parabula D. Nobela
21. Anong katangian ang ipinamalas ni Kabayo?
A. makasarili B. madaldal C. maramot D. tamad

22. Sino ang maaaring sinisimbolo ng amo sa pabula?


A. walang pagpapahalaga sa iba C. malupit sa mababang tao
B. maawain sa mga katulong D. may kumpiyansa sa iba
23. Kung tinulungan ko sana si Kalabaw maaaring hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon.
Anong ekspresyon ang may salungguhit?
A. antas ng wika B. posibilidad C. pang-ugnay D. sanhi
24. Mas mabigat ang pasan ni Kalabaw kaysa kay Kabayo. Saan ginagamit ang pang-ugnay na may
salungguhit?
A. bunga B. posibilidad C. pahambing D. sanhi
25. Anong kayarian ng salita ang ginamit sa salitang nakalimbag nang pahilis?
A. payak B. inuulit C. maylapi D. tambalan
26. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Kabayo, tutulungan mo ba si Kalabaw?
A. Oo, dahil alam kong nahihirapan na siya kaya nga humingi siya ng tulong.
B. Hindi, dahil may kani-kabiya na kaming gawain.
C. Oo, upang mapabuti ako sa aking amo.
D. Hindi dahil hindi naman kami magkaibigan.
27. Anong aral ang makukuha sa kuwento?
A. Tumulong sa mga nangangailangan
B. May karma ang maling ginagawa
C. Matuto kang lutasin ang sariling problema
D. Maging mabuti ka sa itinuturing mong amo
28. Mula sa akdang binasa, ano ang mahihinuha nating katangian ng isang pabula?
A. Ito ay pinagmulan ng mga bagay sa daigdig
B. Karaniwang ginaganapan ng mga hayop na may aral
C. Naglalahad ng mga supernatural na kapangyarihan ng tauhan
D. Ang mga tauhan ay sumasagisag sa mga tao sa lipunan sa iisang lugar.

Para sa Aytem Bilang 29-37:


Ang kaniyang mga mata ay sinlinaw ng tubig ng lawa sa kagubatan, ang kaniyang mukha ay tila liwanag
ng buwan, ang kaniyang mga pisngi at labi ay simpula ng papalubog na araw, at ang kaniyang buhok ay tila
pagbagsak ng tubig sa talon. Inakala tuloy ng ibang mga kabataan na siya ay mapagmataas dahil sa taglay niyang
kagandahan kaya’t hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan. Subalit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay
naroon ang kasabikan sa mga kaibigan.
Mula sa epikong Maragtas
29. Subalit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay naroon ang kasabikan sa mga kaibigan. Ano ang
kahulugan ng salitang nakapahilig?
A. kailaliman B. kaloob-looban C. pinakaibabaw D. pinakasentro

30. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng paghahambing?


A. sinlinaw ng tubig C. lawa sa kagubatan
B. liwanag ng buwan D. kaniyang mga pisngi
31. Ang kanyang mga mata ay sinlinaw ng tubig sa lawa ng kagubatan, ang kanyang mukha ay tila
liwanag ng buwan, ang kanyang pisngi at labi ay simpula ng papalubog na araw, at ang kanyang
buhok ay tila pagbagsak ng tubig sa talon. Anong uri ng paghahambing ang isinasaad ng mga
salitang may salungguhit?
A. magkatulad B. pasahol C. di magkatulad D. palamang

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

32. Anong uri ng talata ayon sa anyo ang iyong binasa?


A. naglalahad B. naglalarawan C. nagsasalaysay D. nangangatuwiran
33. Inakala tuloy ng ibang mga kabataan na siya ay mapagmataas dahil sa taglay niyang kagandahan.
Anong ugali ng kabataan ang masasalamin dito?
A. mapanghusga B. mapanganib C. mapanlait D. matatakutin
34. Dahil sa taglay niyang kagandahan kaya’t hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan. Ano ang mga
pang-ugnay na ginagamit sa mga salitang may salungguhit?
A. bunga B. pahambing C. posibilidad D. sanhi
35. Anong salawikain ang angkop sa kinalabasan ng ugali ng kabataan?
A. Huwag mong husgahan ang aklat batay sa pabalat.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Kung ano ang puno, siyang bunga.
D. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
36. Bakit naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan?
A. ang pangyayari ay likhang isip lamang
B. ang akda ay galing pa sa mga kanugnog rehiyon ng bansa
C. pinapaksa ang mga katangian ng diyos-diyosan sa tao
D. nagtataglay ng mahabang salaysaying patula
37. Kung pagsusunod-sunurin ang mga pangyayari sa epiko, alin dito ang
maaaring gamitin?
A. mas, higit, lalo C. una, saka, sa katapusan
B. maaari, posible,baka D. dahil dito, sapagkat, kasi nga

Para sa Aytem Bilang 38-45:


1. Gabi na at hindi ito napapansin ni Adong, walang kabuluhan ang gabi at ang Quiapo. Isang bagay lamang
ang may kabuluhan kay Adong - ang simbahan at ang mga tao na pumupunta doon sapagkat ang simbahan ay
buhay niya. Nakatunghay ang simbahan sa mga pulubi at mga nagtitinda at ito ay nahahabag at naaawa. Si Adong
at ang iba ay nakatingala naman, hindi sa simbahan kundi sa mga taong may pusong magbigay ng lubos.
2. Mapapaiyak na si Adong. Ang mga sentimong kumakalansing sa kaniyang bulsa ay wala pang tunog at
katuwaan. Ito ay tunog ng babala. Babalang ipinaparamdam ng kaniyang sikmura at takot.
3. Ang mga tao ay malalamig na parang mga bato, walang bahala at nagmamadaling umiwas at ang tanging
nakita niya ay mga irap. “Pinaghahanapbuhay yan ng mga magulang para may maisugal,” madalas na naririnig ni
Adong at nasasaktan siya nito dahil sinasabi rin ito sa kaniya ni Aling Ebeng. Halos araw-araw siyang napapaiyak
pero hindi niya pinapakita kahit kanino man. Nangingig ang kamay ni Adong habang inilalagay sa palad ni Bruno
ang pera.
4. Ang mga daing ni Adong ay walang halaga. Ang mga tao’y naghihikahos na rin kung kaya’t hindi na
makapagbigay. Ang mga tao ay lumalabas ng simbahan at nagmamadali na parang ang pagtigil nila sa simbahan
ay nakakapaso at mahapdi. Hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa at natuwa si Adong. Malapit na raw dumating si
Bruno ayon kay Aling Ebeng. Napawi ang katuwaan ni Adong. Nakita ni Adong si Bruno. DInama niya ang mga
bagol sa kaniyang bulsa at ito ay malamig. Ngunit ang lamig na ito ay hindi sapat para mamatay ang apoy na
nararamdaman niya.
5. SInabi niya kay Aling Ebeng, “…sabihin ninyo ay Bruno na wala ako.” At sinabi ni Aling Ebeng na “Ano?
Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno!” Narinig ito ni Adong ngunit nagpatuloy siya sa kalalakad at
maya-maya’y tumakbo na. Nakaramdam siya ng tagumpay sa paglayo kay Bruno, sa gutom, at sa Quiapo.
Halaw sa Mabangis na Lungsod
38. Ano ang ipinapahiwatig ng talata 2?
A. Ang mga salapi ay hindi sapat para si Adong ay mabusog.
B. Hindi kumakalansing ang salapi sapagkat ito ay pawang mga perang papel.
C. Natakot si Adong dahil kukunin na naman ni Bruno ang perang kanilang napalimos.
D. Maliit na halaga pa lamang ang nasa kaniyang bulsa na hindi makasasapat sa kaniyang
gutom at takot sa pagdating ni Bruno.

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

39. “Pinaghahanapbuhayan ‘yan ng mga magulang para may maisugal.”


Madalas na naririnig ni Adong. Anong damdamin ang nangingibabaw sa
nagsalita?
A. pagkaawa B. pagkainis C. pagkagalit D. pagkalungkot
40. Ano kaya ang naging dahilan ni Adong upang tumakbo at tumakas kay Bruno?
A. Hangad niyang makapaglaro buong maghapon.
B. Gusto na niyang maging malaya sa pagmamalupit ni Bruno.
C. Nais niyang masolo ang nalilimos upang di na siya magutom.
D. Ayaw na niyang marinig ang mga negatibong sinasabi ng mga tao kay Bruno.

Inihanda ni:
ESTER R. NOTARTE
Guro I

Natunghayan ni:
EVELYN D.R. REYES
Punung-Guro II

SUSI NG MGA SAGOT

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7
T.P 2017-2018

1. D 24. D
2. D 25. C
3. A 26. A
4. B 27. A
5. D 28. B
6. C 29. A
7. D 30. A
8. D 31. A
9. A 32. B
10. A 33. A
11. D 34. A
12. B 35. A
13. B 36. D
14. A 37. C
15. D 38. D
16. D 39. A
17. D 40. B
18. A 41. A
19. B 42. A
20. C 43. A
21. A 44. A
22. A 45. C
23. B

46-50 Pupuntusan ng guro batay sa rubric.

Inihanda Ni:
ROSELYN T. SALUM
Dalubguro I, Talavera NHS (CD-I)

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph

You might also like