You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Balayan national high school
103 PAZ STREET BALAYAN, BATANGAS

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahin na alamat ng guro at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang napakinggang alamat?


A. Alamat ng Mangga C. Alamat ng Papaya
B. Alamat ng Langka D. Alamat ng Saging

2. Siya ang pangunahing tauhan sa Alamat.


A. Kardo C. Ben
B. Enteng D. Mon

3. Ang ipinakitang katangian ni Ben sa kuwento ay __________?


A. masipag at magalang C. matigas ang ulo
B. mabait at matulungin D. mayabang at bastos.

4. Paano tinulungan ni Ben ang matandang pulubi na kanyang nakita?


A. Tinulungan nya na makatawid sa ilog.
B. Pinatira nya ito sa kanilang bahay.
C. Inuwi niya sa bahay, ipinagluto at pinakain.
D. Tinulungan na mahanap ang pamilya.

5. Ang mensahe na nais ipabatid ng alamat ng mangga ay ____________?


A. Maging masipag sa lahat ng oras.
B. Pagiging maka Diyos
C. Ang ngiti ay para sa lahat ng tao.
D. Habang nabubuhay ka dapat gumagawa ka ng mabuti sa iyong kapwa dahil ang mga ginagawa mong
kabutihan ay hindi makakalimutan ng kahit na sino kailanman.

6. Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral ang mga pangyayari at maaaring maganap sa
totoong buhay.
A. Anekdota C. Parabula
B. Pabula D. Talambuhay

7. Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli”, ito ay isang pahayag sa parabula na nangangahulugang
________.
A. Mahalaga ang oras sa paggawa
B. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan
C. Ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis

8. Ito ay patunay na nangyayari sa totoong buhay ang pahayag na,“Maitutulad sa isang taong lumabas nang
maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.”
A. May mga taong naghahanap ng mauutusan.
B. May mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya.
C. May mga taong handang tumulong nang buong-puso sa mga nangangailangan.
D. May mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan.

BALAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL


103 Paz Street, Balayan, Batangas
(043) 740 – 1430
301072@deped.gov.ph | Facebook: @depedtayobalayannhs
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Balayan national high school
103 PAZ STREET BALAYAN, BATANGAS

9. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa
tunay na buhay ang maihahalintulad sa pahayag na ito?
A. Maganda ang performance sa opisina na nabibigyan ng pagkilala.
B. Mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto pa rin ang kita.
C. Mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho.
D. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo.

10. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang
ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. May mga taong naghahanap ng mauutusan.
B. May mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya.
C. May mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa.
D. May mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan.

11. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni guni na nagpapakita ng masidhing
damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
A. Elehiya C. Tula
B. Alamat D. Pasalaysay

12. Ano ang damdaming lumutang sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?


A. kalungkutan C. katatawanan
B. kasiyahan D. pagkapoot

13. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?”


A. kuya C. manunulat
B. nanay D. nakababatang kapatid

Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na nasa loob ng kahon para sa pagsagot ng
mga tanong. (14-15)

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang
sa kaniyang kinahinatnan.
Mula sa maraming taon ng paghihirap,
Sa pag-aaral, at paghahanap ng magpapaaral,
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala.
O, ano ang naganap? Ang buhay ay saglit na Nawala.

14. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob ng kahon?
A. kaligayahan C. pagkainis
B. kalungkutan D. pagkapoot

15. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa kahon?
A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong bumangon.
B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong namayapa.
C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo.
D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman dahil sa pagpanaw ng minamahal.

BALAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL


103 Paz Street, Balayan, Batangas
(043) 740 – 1430
301072@deped.gov.ph | Facebook: @depedtayobalayannhs
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Balayan national high school
103 PAZ STREET BALAYAN, BATANGAS

16. Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kaniyang kapwa na ang kalimitang resulta ay gulo
at perwisyo. Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili
17. Anong tunggalian ang nagaganap lamang sa isipan ng tao?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili

18. Ang laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa ay tumutukoy sa ________________?


A. pagkakaisa C. pagkakagulo
B. paglalaban D. tunggalian

19. “Sasabihin ko ba ang aking nalalaman sa krimen?” Sa tunggaliang ito na, tao vs. sarili, pinakawastong dapat
niyang gawin ang magsabi ng ________________.
A. kaalaman C. katotohanan
B. kasunduan D. katwiran

20. “Nagkarinigan silang lima. Napagtanto nila na sila’y napagkaisahan ng babae upang makamit ang hinihiling niyang
hustisya.” Batay sa pahayag, pinatutunayan nito ang transpormasyon sa tauhan ng babae ay pagiging ___________.
A. mahina C. mautak
B. mahiyain D. matapang

21. Nagtatanim sa bakuran ang nanay ni Daniel. Kailangan niya ng tulong ng anak. Sumagot ito, “Mamaya na ‘yan,
naglalaro pa nga ako ng Mobile Legends.” Anong salita ang maglalarawan kay Daniel bilang isang anak?
A. masunurin C. makulit
B. mapagparaya D. tamad

22. Nabalitaan ni Mario na makatatanggap ang kaniyang pamilya ng ayuda dahil kabilang sila sa tinatawag na poorest
of the poor. Hindi na siya gumawa ng paraan para kumita. “Tutulungan naman tayo ng gobyerno.” Anong uri ng
mamamayan si Mario?
A. masinop C. reklamador
B. palaasa D. responsible

23. Napansin ni Bb. Rose ang pagbaba ng marka ng kaniyang mag-aaral na si Carlo. Nababahala siya dahil hindi niya
makontak ang mga magulang nito. “Kailangan ko na siyang puntahan sa kaniyang bahay mamaya para naman
malaman ko kung paano ko siya matutulungan.” Bilang isang guro, anong katangian ang ipinakita ni Bb. Rose?
A. maalalahanin C. matapat
B. masayahin D. masungit

24. Nakikipaglaro si Paul sa kaniyang kaibigang si Julius. Napansin ni Julius na sabik na sabik sa laruan ang kaibigan.
Bago umuwi, ibinigay niya ang ilan niyang laruan sa kaibigan at sinabi, “Sa iyo na ‘yan kasi marami pa naman akong
laruan dito, pahiramin mo ang mga kapatid mo ha.” Alin sa mga sumusunod ang maglalarawan kay Julius batay sa
kaniyang ikinilos?
A. maaalalahanin C. Mayabang
B. mapagbigay D. mayaman
25. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
Inilalarawan din ang kaniyang pakikipagsapalarang pinagdaanan at binibigyang diin ang katangiang supernatural ng
tauhan. Nagtataglay siya ng pambihirang lakas na hindi kapani- paniwala.
A. Elehiya C. Awit
B. Epiko D. Tanaga

BALAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL


103 Paz Street, Balayan, Batangas
(043) 740 – 1430
301072@deped.gov.ph | Facebook: @depedtayobalayannhs
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Balayan national high school
103 PAZ STREET BALAYAN, BATANGAS

Panuto: Piliin sa Hanay B ang pahayag na tinutukoy ng nasa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
26. Ito ay walang pagbabagong naganap sa A. Aklat
kanya hanggang sa wakas ng kuwento B. Domestic Helper
27. Ito ang lugar na pinangyarihan sa kuwento C. Lapad ang karakter
28 .Ito ay nagtatrabaho bilang katulong sa bahay D. Hongkong
29. Ang Testimoniyang Lila E. Pakistan
30. Ang mga tauhang may naganap na pagbabago F. Bilog na karakter

Panuto: Pagsunud sunurin ang ga pangyayari sa kuwentong Anim na Sabado ng Beyblade gamit ang bilang 1-6

____31. Naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
____32. Huling sabado namasisilayan siya ng mga nagmamahal.
____33. Tuluyan na siyang nakalbo subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita,
sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok.
____34. Nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.
____35. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw si Rebo.
____36. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ni Rebpo. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng
beyblade upang mapaikot ito.

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang abay ang ginamit sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung ito ay
Pamanahon, Pamaraan, Panlunan, Pang-agam, Panang-ayon, Pananggi, Pamitagan, Pampanukat, at
Panulad.
37. Ako ay magtitinda umpisa bukas.
38. Siguro ay pupunta kame sa mall bukas.
39. Mawalang-galang sa iyo, maari ko bang malaman ang dahilan kung bakit niyo ako binagsak?
40. Ang bilis makalimot ni Cheska di gaya ni Louie na ang talas ng memorya.
41. Nadagdagan ang timbang ko ng apat na kilo.
42. Ayaw niya akong pakinggan kaya wala na akong magagawa.
43. Natulog siya na nakabukas ang bibig.
44. Tunay ngang tama ang iyong hinala tungkol sa kanyang ugali.
45. Sa Baguio ang paborito kong pasyalan tuwing summer.

46-50 Punan ng tamang sagot ang patlang mula sa kahon upang mabuo ang talata.

At sa huli Ikatlo Ikaapat


Ikalawa Una

(46)__________i-marinate ang Karne ng manok sa pinaghalo-halong toyo, bawang, sibuyas, at


paminta sa loob ng 30 minuto o higit pa. (47)_________, ilagay ang kawali sa kalan na may
mahinang apoy. Igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang pinanghalo- halong manok sa kawali
at timplahan ng asin, pamintang durog at toyo. (48)_________, maglagay ng tubig at tuyong
dahoon ng laurel. Pakuluan ng hindi bababa sa 20 minuto sa mahinang apoy. (49)____________

BALAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL


103 Paz Street, Balayan, Batangas
(043) 740 – 1430
301072@deped.gov.ph | Facebook: @depedtayobalayannhs
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Balayan national high school
103 PAZ STREET BALAYAN, BATANGAS

magdagdag ng toyo, suka at asukal. Haluing Mabuti at pakuluan hanggang lumapot ng bahagya
ang sabaw. (50)___________, ilagay sa lalagyan ang Adobo at maghanda na para sa isang salo-
salo.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A
2. C
3. B
4. C
5. D.
6. B
7. B
8. C
9. D
10. C
11. A
12. A
13. D
14. B
15. C
16. A
17. B
18. D
19. C
20. C
21. D
22. B
23. A
24. B
25. B
26. C
27. D
28. B
29. A
30. F
31. 2
32. 6
33. 3
34. 1
35. 5
36. 4
37.Pamanahon
38. Pang-agam
39.Pamitagan
40.Panulad
41. Pampanukat
42. Pananggi
43. Pamaraan
44. Panang-ayon
45. Panlunan

BALAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL


103 Paz Street, Balayan, Batangas
(043) 740 – 1430
301072@deped.gov.ph | Facebook: @depedtayobalayannhs
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Balayan national high school
103 PAZ STREET BALAYAN, BATANGAS

46. Una
47. Ikalawa
48. Ikatlo
49. Ikaapat
50. At sa huli

Pakikinig

Ang Alamat ng Mangga

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa
kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi
niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman,samantalang nangangahoy, isang matandang
gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit. Makaraan ang ilang panahon,
nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak ay lumubha pa ito at namatay
pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak,
dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging
punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

BALAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL


103 Paz Street, Balayan, Batangas
(043) 740 – 1430
301072@deped.gov.ph | Facebook: @depedtayobalayannhs

You might also like