You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Liloy III District
COMPRA NATIONAL HIGH SCHOOL
Compra, Liloy, Zamboanga del Norte

LEARNER’S ASSESSMENT TEST


FILIPINO 9
Unang Markahan, Linggo 5 - 8

Pangalan: _____________________________________ Petsa: ______


Grado/Seksyon: ___________________ Iskor: ______

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng iyong napiling sagot.
1. Ang mga pangatnig na transitional devices ay nakatutulong sa _______?
A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
B. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos.
2. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari ay
tinatawag na tulang ______.
A. Mapang-uroy C. Mapang-aliw
B. Mapaglarawan D. Mapangpanuto
3. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ______.
A. Pangkayarian C. Pantukoy
B. Pananda D. Pangawing
4. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang ____.
A. Komedya C. Tragikomedya
B. Melodrama D. Trahedya
5. Simula ng natutong magsarili, siya’y naging responsableng bata. Ang pangungusap ay may pang-abay na pamanahon
na_____.
A. Walang pananda C. May pananda
B. Payak na salita D. Inuulit
6. Sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga _____.
A. Pantukoy C. Pandiwa
B. Pangatnig D. Pang-abay
7. _____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay_____.
A. Kung C. Sa
B. Kapag D. Simula
8. Anong kulturang Pilipino ang inilarawan sa dulang “Tiyo Simon”?
A. Ang pananampalataya, pagsamba, at pananalig ng tao sa Dios
B. Ang pagsama ni Tiyo Simon sa simbahan
C. Ang pagpapaalala ng ina sa anak
D. Ang pagpapahalaga sa tunog ng batingaw ng simbahan
9. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?
A. Ang melodrama ay nagtataglay ng hamon sa buhay.
B. Ang melodrama ay nagtataglay ng malungkot na pangyayari, nakakaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito ng
masaya.
C. Ang melodrama ay nagpapaiyak sa mambabasa.
D. Ang melodrama ay nagbibigay ng buhay at pag-asa.
10. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw. Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…. Ang
sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng _____.
A. Pagdurusa C. Kalutasan
B. Kaligayahan D. Kalungkutan
11. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, maliban sa _____.
A. Naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986
B. Taon-taon ay dinaraanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas
C. Nakagagamot sa sakit ng ubo ang dahon ng oregano
D. Kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghirapan
Para sa mga bilang 12-13

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa
(na kiming iniabot naman ito agad sa kanya tulad ng nararapat).

12. Mahihinuhang ang ama ay magiging _____.


A. Matatag C. Matapang
B. Mabuti D. Masayahin
13. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay _______.
A. Maawain C. Matulungin
B. Mapagmahal D. Maalalahanin
14. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa
pahayag ay malinaw?
A. Pananda C. Pang-ukol
B. Pangatnig D. Pantukoy
15. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin
ng buhay ay ang____.
A. Kathambuhay C. Teatro
B. Dula D. Sarsuwela
16. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman
ay ____.
A. Naglalarawan C. Nangungutya
B. Pormal D. Nang-aaliw
17. Ang kuwentong “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong_______ na nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari.
A. Makabanghay C. Naglalarawan
B. Makatotohanan D. Nanghikayat
18. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay _________ ?__
A. Nagbabago C. Naaalis
B. Di nagpapalit D. Di itinuturo
19. Anong persona ang nagsasalita sa tulang “Ang Punongkahoy”?
A. Taong nagsisisi C. Taong lulong sa bisyo
B. Taong naghihingalo D. Taong may malasakit sa kalikasan
20. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at nagluluto si Mulong ng pansit, ano ang angkop na gamiting
pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A. Kaya C. Subalit
B. Palibhasa D. Datapwat

Inihanda ni:

APRIL MAE O. MACALES


Guro sa Filipino 9

QA Team:

ELIZABETH B. CUATON
EUNICE C. ADA

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

COMPRA NATIONAL HIGH SCHOOL N-avigating


School Identification Number: 303707 O-pportunities to “Be and Do Much Better Each Day
Address: National Highway, Compra, 7115 Liloy, Zamboanga del Norte R-eengineer for with a Sense of Urgency”
Contact #: 0997-267-8379/0956-419-4887
E-mail Address: 303707@deped.gov.ph
T-ransformation &
E-mpowerment
Subukin
1.A
2. B
3. A
4. B
5. C
6. B
7. B
8. A
9. B
10. B
11. D
12. B
13. B
14. C
15. B
16. B
17. A
18. B
19. A
20. A

You might also like