You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
Gen. Emilio Aguinaldo National High School – Imus City
Palico IV, City of Imus
________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________

Pangalan: ___________________________________________ Baitang at Pangkat: __________________________


Guro: _______________________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang:___________________________ Iskor:______________________

KAGAWARAN NG FILIPINO
DIAGNOSTIC TEST
FILIPINO 9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang letra ng napiling
kasagutan.
______1. Nakatayo pa rin ang mga Pilipino sa kabila ng matindi at ‘di pangkaraniwang krisis na kinakaharap.
Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay……
A. hindi nakaupo B. matatag
C. mapagmalaki D. nagtutulungan
______2. Bawat mga baryo o barangay sa Imus ay may nakatagong alamat na nagpapaliwanag kung paano at
saan hinango ang pangalan ng mga ito. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay……
A. hinanap B. iniahon
C. isinama D. kinuha
______3. Tila nakalutang sa ulap ang mga Imuseño nang nabalitaang hinirang si Cardinal Luis Antonio “Chito”
Tagle ni Papa Franciso bilang Bishop Cardinal, ang isa sa pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katoliko
sa buong mundo. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay……
A. hindi makapaniwala B. nagmamalaki
C. labis ang kasiyahan D. lahat ay nagdiwang
______4. Halos hindi na matulog si Joy sa dami ng kanyang raket o mga tinanggap na trabaho. Sa umaga’y
yaya, sa gabi nama’y crew sa isang bar, at paminsa’y nagtitinda siya ng mga kung ano-anong bagay sa mga
kapwa niya Pilipinong nasa Hongkong. Hindi niya alintana ang kapahamakang maaring maidulot nito kung
sakaling malaman iyon ng embassy. (Hango sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”) Anong kaganapan o
kaugaliang Asyano ang inilalarawan sa bahaging ito ng pelikula?
A. Sadyang masisipag ang mga Pinoy.
B. Walang takot ang mga Pinoy kahit na sila’y wala sa teritoryo.
C. Pagiging mapamaraan ng isang OFW upang magkaroon ng dagdag na kita
D. Nagpapakaabala na lamang sa kung ano-anong trabaho upang hindi ma homesick
_______5. Isang grupo ng mga supporters ni Hippolito ang nagpupulong sa labas ng isang paaralang
pinagdadausan ng botohan. Inutusan ng tumatayong lider ng grupong ito ang kanyang mga kasama na
kumuha ng pera at bumili ng boto para kay Hippolito. (Isang eksena sa teleseryeng “Ang Probinsiyano”)
Mababakas sa teleseryeng ito ang kaugaliang o pangyayari sa lipunang Asyano na…….
A. Paggamit ng dahas upang magwagi sa eleksyon
B. Mainit na pagsuporta sa kandidatong pinapanigan
C. Panunuhol sa mga botante upang iboto ang isang kandidato
D. Pagbibigay ng lagay sa mga kinauukulan upang mamanipula ang resulta ng eleksyon
________6. Ang dreamhouse ay isang patunay ng pinakamaganda nilang magagawa sa mundo. Ang elemento
ng maikling kwento na nakapaloob sa bahaging ito ay ang …….
A. tauhan C. paksa
B. tagpuan D. simbolismo
________7. Nagparinig ang matanda tungkol sa sobrang ambisyon ng mga kabataan ngayon. Hindi sila
komportable na nasa bahay ang mga pangit na altar ng mga ninuno, ang dingding ng kusina ay matingkad na
rosas ang kulay. Binibigyang-diin sa bahaging ito ang elementong …….
A. tauhan C. paksa
B. tagpuan D. simbolismo
________8. Nagtawa at nagmura si Tay Soon dahil hindi siya bumili ng share na $9 na naging $17 pagkalipas
ng isang araw. Nagalit rin siya sa sarili dahil binenta niya ang 5,000 West Parkes sa $16.23 na naging $18.90
kinabukasan. Anong elemento ng maikling kwento ang lumutang sa bahaging ito?
A. tauhan C. paksa
B. tagpuan D. simbolismo
Para sa bilang 9-10
Haiku
(Ni Basho, Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)
Ambong kaylamig
Maging matsing ay nais
Ng kapang damo

_______9. Ano ang maaaring maipakahulugan sa taludtod na “Ambong kaylamig”?


A. sa gitna ng kalungkutan at pag-iisa
B. mga suliraning nagdudulot ng pasakit
C. sa pagdating ng delubyo
D. maraming pagsubok sa buhay na dumarating
_______10. Ano kaya ang nais tukuyin ng may akda sa taludtod na “Ng kapang damo”?
A. ng makakasama sa buhay
B. ng tirahang masisilungan
C. ng tutulong sa oras ng pangangailangan
D. ng tutupad sa mga pangarap
_______11. Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na “Ang s’yang tutupok”?

Amihan
(Ni MDMRosa)
Apoy ng iyong titig
Ang s’yang tutupok
Sa aking pusong
Kasinlamig ng pader
Sa simoy ng amihan
A. magpapabago
B. magiging dahilan ng muling pagtanggap
C. mag-aalis sa lahat ng hinanakit
D. lahat ng nabanggit

Para sa bilang 12-13


Ngitngit
(Haiku ni Basyang)
Bato’y hinampas
Ng along nagngingitngit
Sinong nawasak?
_______12. Paano maaaring irepresenta ang wastong paraan ng pagbigkas sa salitang “bato” batay sa diin
nito?
A. BA:to B. ba:to C. ba;TO D.BA;TO
_______13. Sa paanong paraan maaaring irepresenta ang tamang antala o hinto sa ikalawang taludtod ng
tula?
A. Ng, along nagngingitngit C. Ng along, nagngingitngit
B. Ng along nagngingitngit, D. Ng along nag, ngingitngit
_______14. “Sandali. Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng
pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” Anong damdamin ng karakter ang nangibabaw sa bahaging
ito ng pabula?
A. Nangangako C. umaasa
B. Nanunumbat D. nagbabakasakali
_______15. “At isa pa, tao rin ang humukay sa butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang
isip, Tigre! Sige pawiin mo ang iyong gutom.” Ang karakter sa pabula ay……
A. Nanunulsol C. nagpapaliwanag
B. Nanunumbat D. nangungutya
_______16. “Don’t look for LOVE let LOVE look for you”.
A. Ang nagsasalita ay nagbibigay payo sa mga taong gustong makasumpong ng pagmamahal.
B. Ang nagsasalita ay nanghihikayat na iwasan ang magmahal hanggat maaari
C. Ang nagsasalita ay bigo sa pag-ibig, at ayaw niya itong maranasan ng iba.
D. Ang nagsasalita nagpaparinig sa mga taong hindi tapat kung magmahal.
_______17. Moved on sa salita, pero hindi sa gawa.
A. Sinasabi ng nagtatalumpati na siya ay nagagalit sa mga taong hindi maka move on.
B. Madami raw tao na nagsasabing naka move on na sila kahit hindi pa naman.
C. Binibigyang-diin ng nagsasalita kailangan nating umusad sa buhay kahit gaano kahirap.
D. Madaling makalimot ng sakit na nadarama kung gugustuhin, iyan ang kaniyang pinupunto.
Para sa bilang 18-20 (Mga bahagi ng parabulang “Ang Talinhaga Patungkol sa Manghahasik”)
_______18. Ang mga naihasik sa mga dawagan ay ang nakikinig ng salita. Ngunit ang kabalisahan ng
kapanahunang ito at ang daya ng kayamanan ang dumaig sa salita, at hindi ito nagbunga. Ano ang
kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa konteksto ng pangungusap?
A. kasamaan C. pagkainggit
B. kamunduhan D. kasakiman
_______19. Ang mga naihasik na binhi sa mabatong lupa ay ang mga nakikinig ng salita, at agad-agad itong
tinatanggap ng buong galak. Ngunit wala itong ugat sa kaniyang sarili kaya hindi ito nagtagal. Kapag
dumating ang paghihirap o pag-uusig dahil sa salita, kaagad itong natitisod. Ang salitang sinalungguhitan ay
nangangahulugang……..
A. sumusuko C. nagyayabang
B. nagkakasala D. nawawalan ng pag-asa
_______20. “Ito ay sapagkat ipinagkaloob sa inyo na makaalam ng mga hiwaga ng paghahari ng langit.” Ang
tinutukoy ng salitang may salungguhit ay ang ……….
A. Kabanalan C. kabutihan
B. kaparusahan D. kaligtasan
_______21. “ __________________ na talaga, nakakasawa na! Iyan at iyan na lamang ang laman ng mga balita!.
Bangayan sila ng bangayan sa halip na umisip ng paraan para matugunan ang krisis dulot ng COVID 19”.
Ano ang angkop na pang-uri upang mailarawan ang masidhing damdamin ng nagsasalita?
A. Sapat B. tama C. sobra D. Pangit
_______22. _____________________ , may anomalya nga sa transaksyong iyan! Huwag Ninyo nang lokohin ang
taong-bayan!” Sambit ng isang kilalang kritikong ang pinatutungkulan ay isang nasa mataas na posisyon sa
pamahalaan. Ano ang angkop na pang-uri upang mailarawan ang masidhing damdamin ng nagsasalita?
A. Malinaw na malinaw C. Masamang-masama
B. Tunay na tunay D. Tamang-tama

Para sa bilang 23-24


Panuto: Isulat ang letra ng wastong pang-abay upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

Ang Alamat ng Merlion ng Singapore


(Bahagi ng salin ni Jerico Hiel Astillero mula sa “Tale of the Merlion”)
________________ (23) ang mga katutubo ng Temasek nang gisingin sila ng malalakas na ihip ng hangin at
nangangalit na mga alon sa dagat. Dumilim ang paligid nang hinarangan ng maiitim na ulap ang buwan at
mga bituin sa langit. Tila lalamunin ng malalakas na alon sa dagat ang buong Isla ng Temasek. Sa sobrang
takot at pag-aalala ay nanikluhod ang mga tao at ___________________(24)
Sa pagkakataong ito, isang maliwanag na ilaw ang biglang lumitaw mula sa Silangan. Isang dambuhalang
nilalang na kalahating leon at kalahating isda ang _____________________(25).

A. malakas na umalulong C. taimtim na nanalangin


B. mahimbing na natutulog D. nang huminto ang unos

________26. “Nang sulyapan siya ni Cadi, umiibig din ito sa kaniya. “ Pumunta ka sa aking tahanan para
makasama ko at sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong kapatid. Kapag nalaman ko kung magkano ang
kabayaran para sa kaniyang kalayaan, babayaran ko ng sarili kong pera upang ako’y mapaligaya mo
sapagkat napakalambing ng iyong tinig.” Naniniwala ang nagsasalita na…..
A. Ang sinumang umiibig ay nakahandang gawin ang lahat
B. Ang salapi ay katumbas ng kapangyarihan
C. Balewala ang iyong yaman kung hindi ka maligaya
D. Maaari makadama ng pag-ibig ang isang tao sa unang pagkikita pa lamang
________27. “ Dyos ko”, sagot niya. “Hindi po ako pumupunta sa bahay ng lalaking estranghero sa akin “ sabi
ng babae. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan mo akong
gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis. Sumagot siya, “Ikaw na lamang ang pumunta sa aking tahanan
kahit maghapon at magdamag kung talagang kinakailangan,” sabi ng babae. Ipinapakita rito na ang babae
ay……..
A. Handang magpaangkin sa lalaking kaniyang kausap
B. Nahihiyang makita siya ng mga tao sa bahay ng isang lalaking estranghero
C. Mapipilitang magpaangkin sa lalaki upang ibigay nito ang kaniyang hinihingi na mailabas sa
kulungan ang kaniyang iniibig
D. Nakaisip ng paraan upang ‘di matuloy ang masamang balak ng lalaki sa kanya nang ‘di nito
namamalayan at maibibgay pa rin nito ang kaniyang hinihingi
________28. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong
tumulong. “kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa. Ano ang natatanging kulturang Asyano ma
masasalamin sa pahayag?
A. Pananampalataya sa Diyos
B. Paggalang sa mga lingkod ng Diyos
C. Naduduwag na makipaglaban
D. Pagapapahalaga sa sariling kaligtasan

________29. Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
Mababakas sa pangyayaring ito sa epiko ang kaugaliang Asyano na……
A. Pagkampi at pagiging tapat sa pamilya
B. Madaling mapapaniwala
C. Hindi umuurong sa anumang labanan
D. Paghahangad ng katarungan

Panuto: Suriin ang pagkamarangal ng tauhan batay sa kaniyang kilos, pananalita at paniniwala. Lagyan
ng tsek () kung ang bahaging ito ay nagpapakita ng pagiging marangal at ekis (X) kung hindi.
_________30. “Parang kwento sa isang mumurahing magasin. Pero hindi totoo. Wala kaming kasunduan
kailanman. Naiiisip lang ng tao na ganoon. Hindi dahil ibig kong tumulong kanino man kung bakit ako
naging Giesha. Pero Malaki ang utang na loob ko sa kanyang ina, at kailangang gawin ko ang aking
makakaya. (Lupain ng Taglamig-Japan)
_________31. Walang tumutol sa balak ni Bandong upang maiwasan ang krisis sa paaralang-bayan sa
Sampilong, kahit pansamantala. Sumang-ayon ang mga gurong magpakasakit pa, alang-alang sa kapakanan
ng mga bata. Halos lahat ng titser ay tubo sa baying iyon, at kilala nila ang karamihan sa mga magulang ng
mga batang dati at bagong papasok. (Luha ng Buwaya-Pilipinas)
_________32“Hindi ba’t ang pagiging prinsesa mo ang dahilan kaya nanganganib ang buhay mo? Kung hindi
ikaw ang tagapagmana ng trono, hindi ka nila papansinin. Kung pipilitin mong bumalik sa Hrysos hindi na
ikaw ang magiging tagapagmana. Ibibigay ko sa kanila ang posisyong inaasam-asam nila.”
Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mga kulturang
nakapaloob sa kuwento at tatsulok ( ) naman kung hindi.
(mula sa Nyebeng Itim,Maikling Kwentong Tsino)
_________33. Magalang na yumuko si Li Huaquan.Isang ugaling natutunan niya sa kampo. Kailangang
yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardiya, inspektor at tagamasid na nakikipag-usap o nakamasid sa
kanila.
_________34. Sumagi sa kanyang isipan si Luo Xiaofen, mula ng mabilanggo siya ay hindi pa niya nakikita
ang dating kasintahan. Nalaman na lamang niya na may bago na itong nobyo at nagbabakasyon sa Harbin.
_________35. Tuwing sasapit ang Bagong Taon ay abala ito sa pagbabalot ng dumpling, ang malilit na
pagkaing pumpuputok sa bibig na parang kendi.Gustong gusto noya itong kainin.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng parabula. Lagyan ng star ( ) ang mga
pangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan na maaaring maiugnay sa pangyayari sa parabulang
binasa. Iwanang blanko kung hindi.
Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap
ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa
maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-
ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “
Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta
nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at
ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga
ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “ Bakit tatayu- tayo lang kayo dito sa buong maghapon?”
“Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo
at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
_______36. Pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng may-ari o tagapamahala at ng manggagawa tungkol sa
sweldo
_______37. Ang ilan ay hindi nabibigyan ng pagkakataon o hindi napagkakatiwalaan sa anumang trabaho
kaya dumarami ang tinatawag na “tambay”
_______38. Maraming negosyante o may ari ng pagawaan ang tuso at mapagsamantala sa kahinaan at
kawalang-kaalaman ng mga manggagawa.
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng angkop na mga kasagutan tungkol sa estruktura ng mga
salitang ginamit sa sa dulang “Walang Sugat” at “ Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”.
Salita Kahulugan ng Salita Salitang Ugat Mga Panlapi

(Halimbawa) ka-
araw ng kapanganakan araw
kaarawan -an
39.binuburdahan

40.ilimbag

41.kaalipustaan

Salita Salitang-ugat Panlapi/mga panlapi


Halimbawa: ubasan ubas -an
42. kaharian
43. ginagawa
44. pumunta

NOLI ME TANGERE
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng inyong sagot.
_______45. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan o motibo ni Rizal sa pagsulat ng Noli
Me Tangere?
A. Maisalaysay ang mga totoong pangyayari sa kaniyang bayan
B. Maisiwalat sa mga kapwa Pilipino ang kalupitan at pagmamalabis ng pamalaang Kastila at ng
simbahan sa mga panahong iyon
C. Imulat ang isipan ng mga katutubo na ang matatamis na pangako ng mga Kastila sa kanilang
pagparito ay hindi naisasakatuparan
D. Lantarang udyukan ang mga Pilipino na maghimagsik upang tuluyang mapalayas ang mga
Kastilang mananakop
_______46. Sa panahon ng pagsulat ng Noli, ano ang kalagayang pang-ekonomiya ng Espanya bilang isang
kolonisador?
A. Lalo pang umuunlad dahil sa malawakang pananakop sa iba’t ibang bahagi ng mundo
B. Unti-unting bumabagsak dahil na rin sa pagkalugi ng Galleon Trade na pangunahin nilang
pinagkukunan
C. Patuloy na bumubuti dahil sa pananatili ng suporta ng mga kaalyadong bansa tulad ng Mexico at
Portugal
D. Bumabangon ang ekonomiya dahil sa paglakas ng pakikipangalakal sa ibang bansa

_______47. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga ibinunga ng pagkakasulat at pagkakalimbag niya sa Noli
Me Tangere?
A. Nagkamal siya ng malaking halaga sa pagpapalimbag ng nobela
B. Ipinakulong ng pamahalaang Kastila ang buo niyang pamilya
C. Binigyan ng Inang Espanya ng mahalagang katungkulan ang mga Pilipino na mamamahala sa
sariling bayan
D. Tumanggap siya ng abiso na ang aklat niya umano ay naglalaman ng mga subersibong kaisipan
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita/mga salitang may salungguhit batay sa
kontekstwal nitong pahiwatig. Titik lamang ang isulat sa patlang.
________48. Nagpasiya ang pamahalaang Kastila na dapat ipagbawal ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at
pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas.
nakamamatay B. sensitibo C. subersibo D. masama
________49. “Naitala sa kasaysayan ng mga sakit ng tao ang isang kanser na sa kaselangan ay namamaga
bahagyang masaling kasabay ng matinding pangingirot.”
A. mahipo B. maapektuhan C. matingnan D. masaktan
________50. Iangat ang tabing upang makita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw sa
pangako ng pamahalaan.
A. kasinungalingan B. nakakaakit D. bumubulag D. hindi mapaniniwalaan

Panuto: Isulat ang letra ng tauhang tinutukoy sa bawat pangungusap.


________51. Siya ang isa sa mga taong nanatiling tapat kay Don Raphael Ibarra. Isiniwalat niya kay
Crisostomo Ibarra ang tunay na dahilan ng kamatayan ng ama ng binata.
A. Pilosopo Tasyo
B. Tinyente Guevarra
C. Padre Damaso
D. Kapitan Tiyago
________52. Siya ay isang paring Pransiskano na tahimik, payat at masasakitin. Siya ang pumalit kay Padre
Damaso sa pagiging kura ng San Diego. Mortal niyang kaaway ang alperes ng mga Gwardiya Sibil.
Pinangingilagan siya ni Maria Clara dahil sa malalagkit nitong titig sa kanya.
A. Padre Sibyla
B. Padre Irene
C. Padre Salvi
D. Padre Martin
_______53. Siya nag piloto ng bangka na naging kaibigang matalik ni Crisostomo Ibarra. Tahimik siya at
misteryoso. Maraming hindi nakaaalam sa tunay niyang pagkatao. Itinuring rin siyang taong labas sa San
Diego. Makailang beses niyang nailigtas ang buhay ni Ibarra.
A. Basilio
B. Don Filipo Lino
C. Tinyente Guevarra
D. Elias
Para sa bilang 54-56
Panuto: Lagyang ng tsek ang mga suliraning panlipunang na laganap sa ating lipunan sa kasalukuyan
na kaugnay ng binanggit sa kabanata.

Nang gabing iyon, abala si Sisa sa paghahanda ng mga pagkaing tiyak niyang magugutuhan ng kaniyang
mga anak. Maputing bigas ang sinaing niya na inani nya sa bukid, namitas siya ng kamatis at binigyan siya
ni Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo ay hita ng patong bundok. Sa kasamaang palad, dumating ang
asawa niya at inubos ang lahat ng pagkaing sinadya niyang ihain para sa dalawa niyang anghel. Nagbilin pa
ito na ipagtabi siya ng iuuwing pera ng mga anak buhat sa pagsasakristan ng mga ito. Pagkatpos ito’y
muling umalis dala ang kaniyang manok na panabong. Walang nagawa si Sisa kundi ang tahimik na umiyak
at humanap ng maaring mailuto dahil alam niyang darating na gutom na gutom sina Basilio at Crispin.
(halaw sa Kab.16: Si Sisa)
________ Child labor
________ Broken family
________ Economic abuse
________ Pagsusugal
________ drug addiction

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga piling bahagi ng nobela. Piliin at isulat sa patlang ang
letra ng inyong sagot.
______57. Si Kapitan Tiyago ay isa sa pinakamayaman sa Binundok. Kumikita ang lahat niyang Negosyo at
limpak-limpak ang tinutubo nito. Siya ay itinuturing na maligayang tao. Wala siyang nakakagalit at kasundo
niya ang Diyos at ang pamahalaan. (Kabanata 6-Si Kapitan Tiyago). Ano ang nais ipakahulugan ng huling
pangungusap?
A. Mapayapang tao si Kap. Tiyago, ayaw na ayaw niya na may kaaway
B. Siya ay hinahangaan at iginagalang ng lahat ng tao sa knilang lugar
C. Kinalulugdan siya ng kapwa niya tao at ng Diyos dahil sa kaniyang kabutihang taglay
D. Mahilig siyang magbigay ng donasyon sa mga taong simbahan at sa mga nasa pamahalaan
_______58. “Kalunus-lunos ang naging kapalaran ng ninuno ni Elias. Napagbintangang nanunog ang nuno
niyang lalaki. Naparusahan ito.Nang nakakabawi na sa kasawian ay namatay naman ang anak nitong babae,
hindi niya ito nakayanan kaya’t nagbigti. Naparusahan ang nuno niyang babae pagkatapos nitong muling
manganak dahil sa hindi nito pag-uulat sa kinauukulan sa naganap. Ang panganay niyang anak ay tinawag
na “Balat” at ang bunso ay tinawag na “Anak” ng kaniyang ina. Naging tulisan si Balat at ipinaghiganti ang
kasawian ng kanilang pamilya. Di naglaon ay natunton si Balat ng alagad ng batas at inimbestigahan. Isang
araw, sinundan ni “Anak” ang kaniyang ina sa gubat ngunit patay na ito nang kaniyang abutan. Nang
tumingala si Anak, tumambad sa paningin niya ang pugot na ulo ng kapatid na si Balat. Pinaghiwa-hiwalay ng
mga tao ang katawan ni Balat. Ang mga kamay at paa nito ay ibinitin sa harap ng kubo ng kaniyang ina.”
(Kab.50: Ang Kaanak ni Elias) Ano ang kaisipang nakapaloob sa bahaging ito ng nobela?
A. Minsan ang kasawian ng tao ay dulot rin ng lipunan at ng kapwa taong walang malasakit
B. Mata sa mata, ngipin sa ngipin…. Nararapat ihanap ng katarungan ang kasawiang dulot ng iyong
kapwa
C. Sadyang may mga tao na walang pagpapahalaga sa buhay at kapakanan ng kaniyang kapwa
D. Hindi kailanman nararapat na ilagay sa sariling kamay ang paghanap ng katarungan
________59. Sa bahay ng nakaririwasa, nakaayos ang matatamis na bungang kahoy, may nakahandang
pagkain, alak na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at relyenong pabo, serbesa, tsampan at iba pang
klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkaing ganito ay iniuukol sa mga banyaga,
kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, mahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa Pista. (mula sa
Kabanata 26: Bisperas ng Pista) Anong kaugalian ang masasalim sa binanggit na pangyayari sa kabanata
ang sa palagay mo’t tatak ng pagiging Asyano?
A. pagiging magarbo
B. paggasta nang malaki
C. kawalan ng diskriminasyon
D. magiliw na pagtanggap sa panauhin
________60. Nais ninyo pong malaman ang mga balakid sa pagtuturo? Kung gayon ay dinggin po ninyo. Ayon
sa kalagayang ating dinaranas ngayon, ang pagtuturo ay hindi maaaring iwasto kung walang mabisang
pagtutulungan. Una , sapagkat ang mga bata buhat sa kamusmusan ay hindi nagtatamo ng anumang
pagganyak sa pagkatuto at ikalawa, kung magkakaroon ay mawawalan din ng halaga gawa ng kakapusan ng
magugugol at iba pang mga pangagailangan. (halaw sa kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro) Maaari
bang maituring ang pangyayari o pananaw ng tauhan sa kabanata bilang pagtatangi at batayan ng pag-unlad
ng kaugaliang Asyano?
A. Oo dahil naging bukas ang guro sa pagsasabi ng mga suliraning kaniyang kinakaharap sa pagtuturo
at kung paano ito masusulusyunan.
B. Oo dahil hangad niya na tunay na matuto ang mga bata sa paraang mas epektibo at nakaeengganyo
at ito ay matatamo lamang kapag pinagtulung-tulungan ng lahat.
C. Oo dahil natuto siyang magtaya o magsuri sa sarili niyang kakayanan at gayundin ang kakayanan ng
kaniyang mga mag-aaral.
D. Hindi dahil naging negatibo ang kaniyang pananaw at hindi ito makatutulong upang maengganyo ang
mga mag-aaral magsikap sa pag-aaral.

Rfs2021

You might also like