You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education IX
DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Lower Landing, Dumingag, Zamboanga del Sur

UNANG MARKHAN – S.Y. 2019-2020


FILIPINO 8

PANGALAN: ___________________________________________________________________________ PETSA: ___________


BAITANG.:& SEKSYON: _________________ GURO: _____________________________________ ISKOR: ___________

Kabuuang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.

I.Karungungang Bayan/Tula (Salawikain, Sawikain, Kasabihan, Bugtong)

1. Bahagi ng isang tula na may depenisyon na pagkakaroon ng pagkakapareho-pareho ng dulong tunog ng dalawa o
higit pang taludtud sa isang saknong tula?
A. Pamagat B. Sukat C. Taludtud D. Tugma
2. Tugma:Katinig (malakas/mahina) - Sukat : __________________
A. Gansal (4 pantig) B. Gansal (6 pantig) C. Gansa (7 pantig) D. Gansal (8 pantig)
3. Basahin at unawin ang kasabihan “ Ang sakit ng kalingkingan , Dama ng buong katawan.” Ano ang nais iparating
ng kasabihang ito?
A. Kapag nasaktan ang kalingkingan dama ito sa buong katawan.
B. Hayaan lamang ang problema at wag nang sumali upang hindimadamay rito.
C. Normal lamang ang pagkakaroon ng isang maliit na problema hayaan lamang ito dahil lilipas rin iyan.
D. Ang maliit na problema sa isang pamilya o komunidad kapag di nabigyan ng pansin ay mas lalaki ang
suliranin.
4. Ano ang sagot sa bugtong : “ May katawan walang mukha, Walang mata’y lumuluha”.
A. Dila B. Kandila C. Mata D. Ulan
5. Sawikain: Parang natuka ng ahas- natulala. Malayo sa bituka- ____________________
A. Hindi masakit. B. Hindi mahapdi. C. Hindi mababaw D. Hindi malubha.
6. “Minsan kapag ang tao ay may pera nalilimutan nitong maglaan para sa kanyang kinabukasan. Ito ang dahilan
kung bakit karamihan sa mga Pilipino ay mahihirap.” . Ang nabasang paliwanag ay isang mahalagang kaisipan
nais ipahayag sa anong kasabihan?
A. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad C. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
B. Ubos-ubos biyaya, Bukas nakatunganga D. Utos na sa pusa, utos pa sa daga
7. Sa panahon ngayon marami ang mahahaba ang mga kamay. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay?
A. Mahusay B. Marumi C. Magnanakaw D. Kamay na mahaba
8. Itinaga sa bato ni Flor ang pangako ni Ken na siya ay magbabalik. Ang salitang may salunguhit ay
nangangahulugang?
A. Iniukit sa bato B. Pininta sa bato C. Kinalimutan D. pinakatandaan
9. “Tulad ng isang bulaklak ang iyong kagandahan”. Sa pahayag na binasa anong pahambing ang ginamit?
A.bulaklak B. Kagandahan C. Isang D Tulad
10. Ang mga sumusunod ay mga pahambing na magkatulad maliban sa?
A. Ang iyong ngiti ay gaya ng biyuin sa langit.
B. Sing ganda ng iyong mukha ang aking umaga.
C. Di-lubhang mas hinahangad ko ang iyong kamay sa kahit ano pa man.
D. Kapwa tayo ay musmos pa lamang.
11. Alin sa mga sumusunod ang pahambing na palamang: lalo, di-gaano, higit, di-hamak.
A. di-hamak at di-gaano C. lalo-higit
B. di-gaano at lalo D. higit at di-hamak
12. Alin sa mga sumusunod na pahambing ang pasahol: lalo, di-gaano, higit, di-hamak.
A. di-hamak at di-gaano C. lalo-higit
B. di-gaano at lalo D. higit at di-hamak
13. Alin sa mga sumusunod na pahambing ang magkatulad: sing, lalo, paris, labis.
A. labis-lalo B. lalo-labis C. sing-paris D. sing-labis
14. Alin sa mga sumusunod na pahambing ang magkatulad: sing, lalo, paris, labis.
A. labis-lalo B. lalo-labis C. sing-paris D. sing-labis

II. Alamat/Maikling Kwento


15. Ang tawag sa pagdiriwang ng mga taga-Suyuk sa pagbibigay pugay sa bathala.
A. Canao B. Canao C. Kanao D. Kanao
16. Ang kwentong Naging Sultan si Pilandok ay nakilala sa paitikan bilang _______.
A. Marangal B. Matapang C. Tamad D. Tuso
17. Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto ay isang alamat mula sa lungsod __________.
A. Baguio B. Cavite C. Dumingag D. Dapiwak
18. Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto:Kunto. Nang Naging Sultan si Pilandok: ____________.
A. Pilandok B. Sultan C. titik A ang sagot D. Titik A at C
19. Sa panahon na hindi pa sakim ang mga taga-Suyuk paano nila nakukuha ang ginto?
A. Binubungkal B. Hinuhukay C.Minimina D. Pinipitas
20. Sa anong dahilan namatay ang Sultan?
A. Katapangan B. Katangahan C. Karangalan D. Kasakiman
21. Ano ang dahilan kung bakit nahihirapan na tayo ngayon sa pagkuha ng ginto batay sa nangyari sa alamat na “Kung
Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto”?
A. Dahil sa kasaganaan ng mga tao. C. Dahil sa kasakiman ng mga tao.
B. Dahil sa magagandang pag-uugali. D. Dahil sa kahirapan ng mga tao.
22. Anong pangaral ang makukuha natin sa kwentong “Nang Naging Sultan si Pilandok”
A. Wag maging sakim. C. Wag magpapauto o maniwala na walang basihan
B. Sumunod sa mga sinasabi ng iba. D. Magpadalos-dalos sa mga ginagawa.
23. Anong uri ng pang-abay ang nagsasaad kung kalian naganap o magaganap ang kilos?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pandiwa
24. Ito ay pang-abay na tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos.
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pandiwa
25. “Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?”. Ito ay isang halimbawa ng anong pangkat ng pang-abay na
pamahanon?
A. Ginaganap pa B. May pananda B. Naganap na D.Walang Pananda
26. “ Sa Levi Swimming Resort idadaraos ang aking kaarawan.” Sa pahayag na iyong binasa ano ang tamang
pagpapahayag ng pang-abay?
A. Sa Levi Swimming Resort, ito ang pang-abay na panlunan dahil tinutukoy rito kung saan gaganapin
ang pandiwa.
B. Idadaraos isang pang-abay na nagsasad ng pamanahon na may pananda. Ito ay nagpapahayag kung
kalian gaganapin ang pandiwa.
C. Idadaraos isang pang-abay na nagsasad ng pamanahon na walang pananda. Ito ay nagpapahayag kung
kalian gaganapin ang pandiwa.
D. Sa Levi Swimming Resort, ito ang pang-abay na pamanahon dahil tinutukoy rito kung saan gaganapin
ang pandiwa.

III. Epiko
27. Ang epiko ay isang sanaysay tungkol sa anong kaganapan ng mga pangunahing tauhan sa kwento?
A. Kabayahihan at Pakikipagtungali C. Kakatuwang pangyayari
B. Kakakilabot D. Kamatayan
28. Sa epiko ng Nalandangan: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin, saan mo maihahantulad ang nganga
na ginagamit ni Matabagka sa pagpapatulog ng kanyang bana at sa pagbuhay ng mga patay na kawal.
A. Ito ay parang isang agimat.
B. Mahahalintulad ito sa isang anting-anting.
C. Isa itong kapangyarihan ni Matabagka.
D. Ito ay mahahalintulad sa isang organikong medisina.
29. Sa nganga na dala ni Matabagka kung saan ginamit niya ito upang buhayin ang mga patay na sundalo , saan natin
maaring itulad ito pamaraan na ginamit ni Tuwang sa pagbuhay ng mga tauhan?
A. Gintong Gitara B. Gintong Bansi C. Gong D. Laway
30. Sa Epiko ni Tuwaang saan mahahalintilad ang salitang savakan sa panahon natin ngayon?
A. Dore ng Muslim B. Regalo C. Imbitasyon D. Kasal
31. Isa sa anda ng epiko ay ang ____________________ ng pangunahing tauhan.
A. Pag-alis nito sa tahanan B. Paglisan sa lugar C. Pag-iwan sa bayan D. Pagsuway
32. Ang mga sumusunod ay mga tema sa pagpapalawak ng paksa maliban sa__________.
A. Katapangan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan ng epiko.
B. Mga supernatural na gawa ng mga pangunahing tauhan sa mga epiko.
C. Pag-iibigan at romansang pangyayari ng pangunahing tauhan sa epiko.
D. Pagiging katawa-tawa ng tauhan o pagigung comedy ng pangyayari sa epiko.
33. Ang “eupemismo” ay ang paggamit ng magagandang pahayag na naglalayong bigyan ng kahalagaan ang
damdamin ng iba. Ano sa sumusunod ang nagbibigay ng tamang halimbawa nito?
A. Katulong B. Sumakabilang buhay C. iniwan ng asawa D. patay
34. “Si Amie ay ang aming kasamang kasambahay.” Anong eupemismo ang ginagamit sa may salungguhit na salita?
A. Amine B. aming C. kasama D. kasambahay
35. Sa panitikang rebolusyonaryo paano nagkakatulad ng paksa ang tula ni Andres Bonifacio “Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa” at kay Emilio Jacinto “Pahayag”?
A. Ang inaasam na kalayaan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop.
B. Ang karangyaan nararanasan ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan.
C. Ang kaginhawaan ng mga Pilipino kasama ang mga dayun na mananakop.
D. Ang kaligayan ng mga Pilipino at mga dayuhang magkasamang naninirahan sa Pilipinas.
36. Sa masusing pagsusuri ano ang pinaka-ankop na depinisyon sa talatang “Nahalay ang aking puri ng isang kura,
ng isang Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya at tumugon: ‘Ang taong
iyan ay tulisan, isang bandido at isang masamang tao: ikulong sa piita!”
A. Ang masamang tao ay kinakailangan makulong.
B. Ang isang hukoman ay matibay at nagbibigay hustisya.
C. Ang pag-apak ng dangal ng mga Pilipino ng mga dayuhan.
D. Ang pag-aalipusta ng mga Pilipino sa mga dayuhan at ang magmamalabis nito.
37. Ang paglalahad ng sanhi at bunga ay sumasagot sa katanungang ______________?
A. Anong nangyari? B. Bakit ito nangyari? C. Kailan nangyari? D. Saan nangyari?
38. Sanhi: dahilan- Bunga: ___________. Ang mga sumusunod ay mga salitang pweding ilagay sa patlang upang
mabuo ang konsepto ng palaisipan maliban lamang sa isa.
A. Dahil B. Kaya C. Kapag D.Sanhi
39. Ibigay ang maaring maging sanhi. Masinop magbasa.
A. Bobo B. Matipid sa pagbasa C. Maraming alam D. Walang alam
40. Suriing mabuti kung tama ang paglalapat sa paggamit ng sanhi at bunga. Dahil sa mababa ang sweldo kaya
maikling oras sa paghahanap buhay.
A. Mali B. Tama C. Parang D. Napakatama

You might also like