You are on page 1of 4

Re public of the Philippines

Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DIGOS CITY
Digos City

FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY: 2023-2024

Pangalan____________________________Baitang at Pangkat____________Iskor_____

PANUTO: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Saan naganap ang kuwento?


A. sa bayan ng San Mateo, Rizal C. sa bundok ng San Mateo, Rizal
B. sa yungib ng San Mateo, Rizal D. sa kapatagan ng San Mateo, Rizal

2. Ano ang mga pambihirang katangian ni Bernardo Carpio?


A. bilis at kisig C. sipag at tiyaga
B. lakas at kisig D. tindig at tapang

3. Saan kinuha ang pangalang Bernardo Carpio? Kinuha kay Bernardo de Carpio na isang
A. lider ng Espanya B. pintor sa Espanya C. artista sa Espanya D. mandirigma sa Espanya

4. Ano ang sanhi ng lindol sa kabundukan ng San Mateo, Rizal ayon sa kuwento?
A. malakas na bagyo
B. pagkagiba ng mga bato sa yungib
C. paggalaw ng mga bato dahil sa malakas na hangin
D. pagpupumilit ni Bernardo na makaalis sa gitna ng nag-uuntugang bato
5. Bakit bumuo ng pangkat ng kalalakihan sina Bernardo Carpio? Nabuo ang pangkat ng kalalakihan dahil
A. sa pagkasira ng kagubatan.
B. ipinag-utos ito ng mga Kastila.
C. sukdulan na ang pang-aapi ng mga Kastila.
D. nagbunyi ang mga Pilipino sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas.

6. Naging _____________ si Lisa nang nagsumikap sa kaniyang trabaho at nakapagtayo ng sariling


negosyo.
A. malinis B. maganda C. mayaman D. matiyaga

7. _________ na ang mga alagang manok ni Mang Tonyo, kaya maaari na itong ipagbili sa palengke.
A. mapupula B. maliit-liit C. mapapayat D. malaki-laki

8. Ang Tulay ng San Juanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay ______ sa buong Asya.
A. mahaba B. mahaba-haba C. pinakamahaba D. higit na mahaba

9. Ano ang pokus ng pandiwa kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap?
A. Aktor pokus B. Pokus sa layon C. Pokus sa sanhi D.Pokus sa ganapan o lugar

10. Ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap?


Ang mga dahon ng lagundi ay ipinanggagamot sa iba’t ibang karamdaman.
A. aktor B. sanhi C. gamit D. ganapan

11. Aling pangungusap ang naka-pokus sa sanhi?


A. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Pat.
B. Si G. Roldan ang nagbigay ng trabaho sa akin.
C. Sina Nanay at Tatay ay mamimili sa Gmall bukas.
D. Ikinalungkot ni Dina ang pagkamatay ng kanyang aso.

12. Ano ang bahagi ng pananalita ang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, at kapwa pang-abay?
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay D. Pangngalan

13. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?


Malugod na tinanggap nila ang imbitasyon ni Juliana at Julio.
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Panggaano
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pamanahon

14. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jessica sa darating na Sabado.


A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay ng Panggaano
B. Pang-abay ng Pamaraan D. Pang-abay na Pamanahon

15. Masayang nakipaglaro ang dalawa sa ibang mga bisita. Anong bahagi ng pananalita ang may
salungguhit?
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay D.Pangngalan

16. Masaya silang namamasyal nang may _________umagaw sa kanyang shoulder bag.
A. agad B. biglang C. nag-aapurang D. nagmamadaling

17. Hindi iningatan ni Paul ang kanyang selpon kaya nasira agad ito. Alin ang nagsasaad ng sanhi sa
pangungusap?
A. Kaya nasira agad ang selpon ni Paul.
B. Walang pambili ng bagong selpon si Paul.
C. Hindi iningatan ni Paul ang kanyang selpon.
D. Dapat iningatan ni Paul ang kanyang selpon.

18. Hanapin ang angkop na bunga sa sumusunod na sitwasyon: Napakalakas ng bagyo.


A. Nakatawid ako nang maayos.
B. Kinansela ng Deped ang mga klase.
C. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay.
D. Mababa ang nakuha niya marka sa pagsusulit.
19. Alin ang nagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga?
A. Malakas ang ulan kahapon.
B. Hindi ako nakapasok sa paaralan.
C. Kailangang mag-ingat ang bawat isa sa panahon ng tag-ulan.
D. Hindi ako nakapasok sa paaralan sapagkat malakas ang ulan kahapon.

20. Aling salitang naglalarawan ang ginamit bilang pang-abay?


A. Preskong-presko ang pakiramdam ko.
B. Nais niyang kumain ng matamis na mangga.
C. Siya ay maituturing na isang mabuting kaibigan.
D. Matiyaga niyang inakyat ang mataas na puno ng kaimito.

21. Ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Ano naman ang
inilalarawan ng pang-uri?
A. pang-abay at pang-uri C. pangngalan at panghalip
B. pandiwa at pangngalan D. pang-angkop at pangatnig

22. Ang bunso ang pinakamalambing sa kanilang magkakapatid.


Ano ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit?
A. Lantay B. Pasukdol C. Pahambing na magkatulad D. Pahambing na di-magkatulad

23. Ayon sa panitikan, si Maria Clara ang tinaguriang _______ na dalaga dahil simbolo siya ng
kababaihang Pilipina.
A. Mas mahinhin C. Mahinhin-hinhin
B. Pinakamahinhin D. Higit na mahinhin

Basahin at unawain ang talaarawang nasa ibaba at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

Huwebes, Abril 18, 2019

Mahal kong talaarawan,

Nagkayayaang mamasyal ang aking pamilya sa tabing ilog kasama ang aking
mga pinsan. Habang kami ay naglalakad, may nakita akong matanda na
humihingi ng tulong at siya raw ay gutom na gutom na kaya binigyan ko siya
ng pagkain. Maya-maya, nang papunta na kami sa ilog may isang matandang
nakadapa sa daan. Aming tinulungang makatayo at pinainom. Saglit pa’y may
isang batang tumatakbo at takot dahil sa nakita niyang malaking sawa na
bumabagtas sa ilog, at lahat kami ay nagulat ng gumapang ito sa aming
harapan, lahat kami ay natakot at nagtakbuhan. Wala na ang malaking sawa
nang dumating ang mga tao
Arelene

24. Kaninong talaarawan ang inyong nabasa?


A. Pepe B. Duday C. Bakang D. Arlene

25. Ano ang mga impormasyon o detalye na makukuha sa isang talaarawan?


A. mga gusto mong gawin C. iba’t ibang bagay na gusto mo
B. mga gawain ng ibang tao D. pangyayaring nagaganap sa araw-araw

26. Bakit mahalaga ang isang talaarawan?


A. may mabasa C. maitala ang mga nagaganap sa araw-araw
B. malaman ang mga nangyayari D. ipaalam sa laht ng mga nagaganap sa buhay

27. Anong titik ang dapat gamitin sa pagsulat ng pangalan ng araw at buwan.
A. maliliit na titik C. malalaki at maliliit na titik
B. malalaking titik D. maliliit at malalaki na titik

28. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talaarawan?


A. isulat ang pangalan sa unahan C. ilakip ang buong pangalan
B. itala agad ang mga pangyayari D. isulat muna ang araw, buwan at petsa
Mababang Paaralan ng Abad Santos
Rizal St., Digos City
Ika-15 ng Marso, 2022

Gng. Paula Reyes


Adoracion Flower Shop
12 Rizal Avenue Davao City

Gng. Paula Reyes:

Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak na aming kailangan sa Sabado, Marso 21, 2022:
2 dosenang gladiolang dilaw
1 dosenang puting rosas
2 dosenang African Daisy
Kalakip po rito ang money order na isang libong piso (Php1,000.00) . Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay po pagkatanggap ng mga
bulaklak.

Sumasainyo,

Linda Alhambra

29. Anong uri ng liham pangangalakal ang nasa loob ng kahon?


A. Liham na nagtatanong C. Liham na umoorder ng paninda
B. Liham na nagpapakilala D. Liham na nag-aaplay ng trabaho

30. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng liham pangngalakal?


A. Pamuhatan B. Lagda
Patunguhan Pamuhatan
Bating Panimula Patunguhan
Katawan ng Liham Bating Panimula
Bating Pangwakas Bating Pangwakas
Lagda Katawan ng Liham

C. Bating Panimula D. Patunguhan


Katawan ng Liham Pamuhatan
Bating Pangwakas Bating Panimula
Lagda Katawan ng Liham
Pamuhatan Lagda
Patunguhan Bating Pangwakas

You might also like