You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
LANAO DEL NORTE DIVISION
Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound
Pigcarangan, Tubod Lanao del Norte
(063)227 – 6633, (063)341 – 5109
lanao.norte@deped.gov.ph

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO III
S.Y.2019-2020
Pangalan: __________________________________________________ Petsa: ___________
Baitang/Pangkat: ____________________________________________ Iskor: ___________

I. Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Ang Aming Pamayanan
Dolorosa S. de Castro
I
Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran.
Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan.
Dito matatagpuan, bayang sinilangan,
Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.
II
Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto,
Inhinyero at mga gurong dedikado
Patuloy na sumusuporta at nangangalaga
Makamit lamang kaunlarang ninanasa.
III
Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,
magsasaka at iba pang manggagawa
Ang dito’y makikitang nakikiisa
Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.

1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?


A. Calamba, Laguna B. Dapitan, Zamboanga C. Luneta D. Tanauan
2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang
bayang sinisinta?
A. pagsunod B. pagsuporta C. pakikiisa D. pangangalaga

#GO100
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng kaisipan?
A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat
tao?
B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang mapanatili
ang kapayapaan.
4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay
nangangalaga sa kalikasan.
A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo
5. Sina Rhoda, Marichu at ako ay pupunta sa Batangas sa Linggo. ____ ay sasakay sa
dyip nina Marichu.
A. Nila B. Sila C. Tayo D. Kami
6. Si Rene ay masipag at matalinong bata. _____ ang nangunguna sa klase.
A. Tayo B. Kami C. Siya D. Nila
7. Sa ikalawang saknong ng tulang Ang Aming Pamayanan, ano ang salitang
magkasintunog?
A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasa
B. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko
Basahin ang sumusunod na saknong ng isang tula.
Kung nais mong lumigaya
At maging laging masaya
Magandang ugali’y panatilihin
Mabait, magalang at masunurin.
8. Aling mga salita ang magkatugma?
A. lumigaya-masunurin C. panatilihin-masaya
B. lumigaya-masaya D. masunurin-mabait
9. “Mainit na ang baga. Hindi na ito makakaapekto sa ating baga.” Ang kahulugan ng
salitang may salungguhit ay ____________.
A. Uling na may apoy C. naguguluhan
B. Daanan ng hangin D. siga
10. Tumunog ng malakas ang pito ng hipan ni kuya kaya nagtakbuhan ang pitong bata.
Ano ang kahulugan ng may salungguhit?
A. bilang B. Tambol C. bagay na hinihipan na ginagamit bilang hudyat D. bell
11. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan. Ano ang
kasingkahulugan ng may salungguhit na salita?
A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. napansin
12. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?
A. alagaan B. makakamay C. makapaglibang D. mapuntahan

#GO100
13. Kailangang magtipid sa paggamit ng kuryente upang di lumaki ang babayaran nito.
Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
A. progreso B. gayahin C. mag-aksaya D. gusto
14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa
paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan B. lugar-palaruan C. maganda- pangit D. palaruan-liwasan
15. Madaling mawawala ang pera kapag inubos ito sa di-gaanong kailangangang mga
bagay. Ano ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap na ito?
A. pera-bagay B. bagay-mauubos C. madali-mawawala D. mawawala-inubos
II. Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol
dito.
Palaruan sa Liwasang-Bayan
Dolorosa S. de Castro
“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating kabataan kundi
sa lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang libre. Ang hiling ko lamang sa
inyo ay pakaingatan at alagaan ito,” wika ng Punong-Lungsod ng Agoncillo nang
pasinayaan ang bagong liwasang-bayan sa kanilang lugar.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa
kanilang narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang lugar. Hindi na sila tatambay sa
mall na nasa kabilang bayan upangmagpalipas ng oras.
“Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,” ang kanilang
nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa kaniya.
16. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Ang Aming Liwasang-Bayan C. Liwasang-Bayan
B. Ang Palaruan D. Palaruan sa Liwasang-Bayan
17. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?
A. Anton, Jemar, Luisa at Angeline C. Luisa at Angeline
B. Anton at Jemar D. Jemar at Luisa
18. Saan nangyari ang kuwento?
A. sa paaralan B. sa palaruan C. sa palengke D. sa munisipyo
19. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa Liwasang
Bayan?”
A. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
20. Alin sa mga sumusunod ang unang pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa Liwasang
Bayan?”
A. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
B. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
C. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
D. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.

#GO100
21. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa?
1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
A. 3-1-4-2 B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 2-3-4-1
22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa tamang pagsulat?
A. Ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan.
B. Ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan?
C. ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan.
D. Ang aking pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan!
23. Sa mga sumusunod na parirala, alin ang nasa wasto ang pagkakasulat?
A. Masayang Nag-Uusap C. Masayang nag-uusap
B. masayang nag-uusap D. masayang nag-uusap
24. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahaging aklat niya
makikita ang kahulugan nito?
A. Mga Akda B. Talaan ng Nilalaman C. Talahulugan D. Pabalat
25. Saang bahagi ng aklat makikita ni Marina ang pahina tungkol sa kuwentong ANG
MAHIWAGANG BALON?
A. Talaan ng Nilalaman B. Pahina ng Paglalathala C. Talahulugan D. Pabalat
26. Batay sa larawan sa ibaba, saang bahagi ng aklat ito matatagpuan?

A. Pahina ng Paglalathala B. Pabalat C. Talahulugan D. Talaan ng Nilalaman


27. Sundin ang sumusunod na panuto. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob ng bilog, gumuhit
ng tatsulok at sa loob ng tatsulok, gumuhit naman ng bituin. Alin ang nakasunod
panuto?

A. B. C. D.

28. Alin sa mga sumusunod na salita ang may klaster katinig?


A. grupo B. balita C. datu D. bilog
29. Ang pulang blusa na nasa kahon ay para kay Nanay Berta. Alin ang salitang may
klaster sa ating pangungusap?
A. pula B. Nanay Berta C. blusa D. kahon
30. Anong klaster ang nakapaloob sa salitang prinsipe?
A. dr B. pr C. tr D. pl
Maraming Salamat sa Matagumpay na Gawain !!!

#GO100
Grade 3 Filipino 2nd Grading KEY ANSWERS

1. A
2. C
3. D
4. C
5. D
6. C
7. B
8. B
9. A
10. C
11. C
12. A
13. C
14. C
15. D
16. D
17. A
18. D
19. A
20. D
21. D
22. A
23. D
24. C
25. A
26. B
27. A
28. A
29. C
30. B

#GO100
#GO100

You might also like