You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Brgy. San Juan,Surigao City

IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO-7
S.Y. 2017-2018

Name: _________________________________Section: ________________ Score: __________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang aking ama ay (A. kagaya B. kamukha C. kapareho D. katulad) ng aking kapatid na panganay.
2. Ang aking Ina ay ( A. di-gasino B. di-hamak C.lalo D. mas) na mabait kumpara sa aking tiyahin.
3. Si Lea ay ( A. Di-hamak B. higit C. lalo D. mas) matangkad kaysa kay Nico.
4. Si Arnel ay ( A. Di-Gaano B.lalo C.Di-totoo D .labis) tumangkad ng uminom siya ng vitamin kaysa sa
nung hindi pa siya umiinom

Panuto: Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Hindi lamang sa mga awiting bayan mayaman ang ating bansa. Marami rin tayong mga Alamat. Ang
Alamat ay kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o hayop na nag-iiwan ng paalala at
mensahe sa mga mambabasa
5. Anong uri ng panitikan ang tumutukoy sa pinaggalingan ng isang bagay?
A. Alamat
B. Epiko
C. Awiting Bayan
D. Kuwentong Bayan
6. Bakit naging libangan ng mga sinaunang Filipino ang pagbasa ng Alamat?
A. Dahil ito ay nakakaaliw
B. Dahil ito ay nakakatakot
C. Dahil nag-iiwan ito ng mga aral
D. Dahil nag-iiwan ito ng kasiyahan
7. Alin ang epekto ng pagsunod sa mga mensahe na iniiwan ng Alamat na nabasa o narinig?
A. Makabubuo ng isang mabuting desisyon
B. Makabubuo ng sariling opinion
C. Mas natitimbang ang tama at mali
D. Mas madaling makaintindi ng gagawin
8. Ang mga sumusunod ay kadalasang tinatalakay sa alamat maliban sa;
A. Kwentong katatawanan
B. Magandang katangian ng Tao
C. Katutubong Kultura, kaugalian o kapaligiran
D. Masamang katangian ng tao tulad ng pagiging masakim
9. Sinong tauhan sa kuwento ang gumawa ng tulang ambahan?
A. Ambo B. Jack C. Anne D. mga Mangyan
10. Ano ang layunin ng pagpunta ng pamilya nina Jack at Anne sa Mindoro?
A. Makikipagkaibigan sa mga Mangyan
B. Makialam sa buhay ng mga Mangyan
C. Makapag bigay mga gamut at kaalaman sa mga Mangyan
D. Tulungan ang mga Mangyan na matutong bumasa at sumulat, at manggamot ng libre sa mga may sakit.
11. Bakit umuwi ang pamilya nina Pete sa Pilipinas?
A. Upang magbakasyon
B. Upang dito na maghanapbuhay
C. Dito sa Pilipinas linangin ang kanilang propesyon
D. Upang dito na palakihin ang mga anak at nanaig ang hangaring makatulong sa mga kababayan.

Page 4 of 4[Type text]


12. Ano ang sinabi ni Ambo habang umiiyak sa harap ng mag-anak sa kanilang nagging sitwasyon?
A. wala kaming magagawa
B. tulong ang kailangan naming
C. Tanggap naming ang lahat ng ito.
D. para nang bulking sasabog an gaming mga dibdib sa sama ng loob!
13. Dahilan ng paghihirap ng mga Mangyan sa pagsulong sa kanilang kabuhayan at tirahan.
A. Walang pinag-aralan
B. Hindi sila binibigyan ng pansin ng pamahalaan.
C. Silay tinataboy ng mga nagmimina papuntang kabundukan.
D. Hindi nila alam paano ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
14. Paano naiparating ng mga Mangyan sa kinauukulan ang kanilang mga hinaing?
A. Silay nag-aklas sa pamahalaan
B. Silay nag pa interbyu sa telebisyon
C. Nakipaglaban sila sa mga nagmimina
D. Ginamit nila ang natutunan mula sa pamilya nila Jack at Anne.
Kaibigang dumayo
sa malayo kong kubo
masanay kaya kayo
sa hirap ng buhay ko
walang aliwan dito
kundi awit ng tao
kundi ang pangangaso
kundi kislap sa damo
pagkalipas ng bagyo

15. Ano ang sukat at tugma ng mga ambahan?


A. Lima B. Anim C. Pitu D. Walu
16. Tungkol saan ang nasa itaas na ambahan?
A. Tungkol sa Diskriminasyon
B. Pananabik sa bagong kaibigan
C. pakikibagay ng mga dumayo sa buhay ng mga Mangyan
D. pamamaalam sa mga dayuhan at sa pag-asang bumalik silang muli.
17. Sino si Nemo sa Kwentong, Nemo ang Batang Papel?
A. Batang papel
B. Siyay isang proyekto ng mga bata sa klase
C. Pinunit-punit, ginupit-gupit at pinagdikit-dikit
D. Siyay yari sa mga ginupit na mga dyaryo at papel
18. Saan humiling si Nemo?
A. Buwan B. Araw C. Bituin D. Kalangitan
19. Ano ang sinabi ni Nemo bilang kahilingan?
A. Gawin akong totoong tao.
B. Hiling koy pakinggan, gawin mo akong tunay na bata.
C. Akoy gawing tunay na bata nang sa gayon ay maging Masaya.
D. Bituin, bituin, tuparin ngayon din, Akoy gawing batang masayahin.
20. Alin sa pahayag sa itaas ang may tugma?
A. D B.C C. B D.A
21. Bakit gusto ni Nemo na maging tunay na bata?
A. Ayaw na niyang manatiling papel
B. Gusto niyang magkaroon ng buhay.
C. Gusto niyang makapaglaro at makapag-aral
D. Naiinggit siya sa mga batang nakikitang masayang naglalaro sa palaruan.
22. Ano ang napansin ni Nemo sa mga kasamang bata kahit silay nagbibiruan at naghahagikhikan?
A. Mapayat at madungis
B. Nambubulahaw sa kapwa
C. Walang pakialam sa ibang tao
D. Walang taginting ang kanilang mga halakhak at parang pumanaw na ang kislap sa kanilang mga mata
23. Bakit nais ng mga batang lansangan na humiling din sa bituin?
A. Naiinggit kay Nemo
B. Gustong magpalutang-lutang sa hangin.
C. Gustong maranasan ang pagiging batang papel
D. Upang huwag nang magdanas ng hirap at maging masayahin.

Page 4 of 4[Type text]


24. Ano ang ipinagtapat ni Nemo sa mga bata na nagging dahilan upang silay humiling din sa bituin?
A. Siyay nagpakatotoo sa mga bata
B. Siyay gawa sa kahoy na naging batang totoo.
C. Sinabi niyang gaing siya sa pinagugupit ng mga papel
D. Siyay isang ginupit na papel at humiling sa bituin na maging tunay na bata
25. Sino ang may akda ng kwentong, Nemo ang Batang Papel?
A. Rene Villanueva C. Efren Abueg
B. Rene Villacenco D. Rene Villamera
26. Sino ang pangunahing tauhan sa kwentong Mabangis na Lungsod?
A. Bruno B. Aling Ebeng C. Adong D. Mga batang lansangan
27. Ano ang hanapbuhay ni Adong?
A. Sapatero B. kargador C. Mandurukot D. Namamalimos
28. Bakit sinasabing ang simbahan ang buhay ni Adong?
A. Dito sisya nakatira
B. Walang ibang mapuntahan
C. Dahil maraming taong mahingian
D. Dito siya kumikita at naghahanapbuhay
29. Saan naghahanapbuhay si Adong?
A. Sa Daan
B. Sa palengke
C. Sa bangketa
D. Sa harap ng simbahan ng Quiapo
30. Paano ipinakita ni Adong ang kanyang paghihimagsik mula sa among mabangis?
A. Lumuhod siya
B. Gusto niyang lumaya sa kamay ni Bruno
C. Ayaw niyang ibigay ang perang pinaghirapang kitain
D. Tinangka niyang tumakas kahit alam niyang mapanganib
Basahin ang talata at unawain ito.

(1.) Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato. (2) Ang mga hakbang ay nagpapahalaga ng
pagmamadali ng pag-iwas. (3.) Palimos na po atehindi pa po ako nananghalian. (4.) Ngunit walang
pumapansin sa kanyang pagsusumamo.

31. Anong bilang ng pahayag sa talata ang nagsasaad ng pangungumbinsi o panghihikayat?


A. bilang 1B. bilang 2 C.bilang 3 D. bilang 4
32. Anong uri ng pahayag ang nasa bilang 4?
A. Nagsasalaysay B. Naglalarawan C. Nanghihikayat D. may argumentasyon
33. Saan nahahanay na uri ng teksto ang pahayag sa bilang 1 at 2?
A. Narativ B. deskriptiv C. Ekspositori D. Informativ
34. Anong uri ng mga salita ang ginagamit sa pagpapahayag sa paglalarawan na nasa 1 at 2 na bilang?
A. Pang-uri B. panghalip C. pangngalan D. pang-ukol
35. Sa kabuuan anong uri ng teksto ang talatang nasa itaas?
A. Narativ B. Deskriptiv C. Ekspositor D. Informativ
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nakaitalisado na ginagamit sa sumusunod na pahayag.

36. Mabilis na dumadausdos ang malambot na lupa mula sa bundok.


A. Bumaba B. dumarami C. Natatapon D. rumaragasa
37. Nagsisilbing suklob ang mga ulap kapag matindi ang sikat ng araw.
A. Silong B. panakip C. sagabal D. palamuti
38. Magaling na humilis o kumalanting ng ibat-ibang instrumento ang kaibigan ko.
A. Gumawa B. tumugtog C.mangolekta D. Mang-aawit
39. Sa Mindoro, pinapatunog ang agus tuwing may pagdiriwang.
A. Gong B. piano C. plawta D. gitara
40. Mag-ingat sa gubat at baka makasabat kayo ng mababangis na hayop.
A. Makakain B. makahuli C. makakita D. makasalubong

Page 4 of 4[Type text]


41. Napapatungo na lamang siya kapag nakaririnig ng mga panlalait.
A. Napapayuko B. napapatawa C.napapaiyak D. napapasayaw
42. Sariwa pa sa isip ni Impen ang pakikipagbagbag kay Ogor.
A. Pakikisama B. pakikipagkaibigan C. pakikipag-away D. pakikipagmabutihan
43. Naririnig ang anas ng banayad na hangin sa paggalaw ng mga dahon.
A. Kulog B. dabog C. batingting D. mahinang ingay
44. Makukulay ang manik sa mga kuwintas ng ilang pangkat etniko sa Filipinas.
A. Butil B. tali C. perlas D. disenyo
45. Ang malapad na dahon ng gbi ay nakayungyong sa mga maliliit na halaman.
A. Nagpapadilim C. nagbibigay ng lilim
B. Nang-aagaw ng dilim D. Nang-aagaw ng liwanag

Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Ayusin ang mga ito ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento. Isulat ang titik A-E sa patlang bago ang bilang.

46. Si Pagtuga na mapagmataas at si Ulap na matapang ay kapwa umibig kay Magayon. Ngunit si Ulap ang nagwagi
sa puso nito st itinakdang magpakasal na sila kung kayat binihag ni Pagtuga ang ama ni Magayon nang minsang
mangaso ito. Napilitang magpakasal ang dalaga sa kanya.
47. Tulad ng lahat ng alamat,nangyari ang kwentong ito noong unang panahon sa rehiyon ng Ibalong. Maliit na bayan
ng Rawis na pinamumunuan ni Datu Makusog. May nag-iisang anak na walang kapares ang kagandahan at
kabaitan nito.
48. Ang Kasalan ay nauwi sa matindi at madugong labanan dahil sumugo si Ulap habang idinaraos ang kasal nina
Magayon at Pagtuga. Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga.
49. Tumaas ng tumaas ang pinaglibingan ng dalawang magsing-irog. Naging isang bulkan ito. Naniniwal ang mga
matatanda na kapag yumayanig ang lupa at nagbubuga ng apoy at mga bato ang bulkan, nangunguhulugang
ginagalit ni Pagtuga si Magayon. Paglipas ng panahon umigsi ang pangalang Magayon, nagging Mayon.
50. Ngunit tinamaan ng ligaw na palaso sa likod si Magayon at sinibat naman si Ulap ng isang tauhan ni Pagtuga.
Magkayakap na namatay ang dalawa. Silay ipinalibing ni Datu Makusog.

If we did all the things we were capable of doing, we would literally astound ourselves. ~ Thomas Edison

Good luck! Mrs. Alaba

Page 4 of 4[Type text]

You might also like