You are on page 1of 3

Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay

Lungsod Quezon

Taong Panuruan 2017-2018


Pagsusulit sa Unang Markahan sa Filipino
Baitang – 8
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa iyong sagutang-papel.
I. Panitikan
A. TALASALITAAN: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Ang panitikan ay sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay
ng isang lipunan.
A. nagpapakita B. nagpapahiwatig C. nagbababala D. nagpapaalala
2. Ang ating mga bayani ang naging daan upang maisiwalat ang mga kaapihang dinanas ng mga
Pilipino sa Panahon ng mga Kastila.
A. maipahiwatig B. maisatinig C. maisapubliko D. maipaghiyawan
3. Sa panahon ng Hapon ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan.
A. ipinatikom B. ipinasara C. ipinatago D. ipinatabi
4. Ang ating panitikan ay naimpluwensyahan ng sariling kultura ng mga dayuhang nanakop sa ating
bansa tulad ng kanilang pananamit, wika, asal, mga paniniwala, pananampalataya, at paraan ng
pamumuhay.
A. nabasbasan B. nabago C. namana D. natandaan
5. Marami sa mga Pilipino ang dalubhasa sa paggamit ng Wika.
A. sanay B. gabay C. marunong D. pantas

B. PAGTUKOY NG IMPORMASYON: Piliin ang titik ng tamang sagot.


6. Nilikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o lugar na pinangyarihan ng mahalagang pangyayari.
A. Sanaysay B. Tula C. Maikling kuwento D. Dula
7. Nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga
kaaway, taglay ang kababalaghan sa mga pangyayari.
A. Epiko B. Awit C. Maikling Kuwento D. Tula
8. Siya ang nagsisilbing tagapataw ng parusa sa sinomang kalahok ng larong duplo na nabigong
maipagtanggol ang kanyang sarili.
A. duplero B. berdugo C. palmatorya D. bilyako
9. Ang akdang ito ay masusuring tumatalakay sa pananaw, damdamin at opinyon ng sumulat
tungkol sa isang tiyak na paksa bunga ng maingat na pananaliksik at ginagamitan ng mga piling-
piling salita.
A. Personal na Sanaysay C. Pormal na Sanaysay
B. Malayang Sanaysay D. Di-Pormal na Sanaysay
10. Isang simpleng tula tungkol sa tao na inilalarawan ang uri ng pagkatao ng pinatutungkulan ng
tula. Ang anyo nito ay madali lamang sapagkat hindi magkasintunog ang dulong salita nito at
kadalasan ay parang talambuhay.
A. Brochure B. Haiku C. Biopoem D. Tanaga

C. PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI. Isulat ang titik A hanggang E ayon sa pagkakasunod-


sunod ng pangyayari sa isang Karagatan.
11. Mula ngayon binata, sa bahay pumanhik at doon ihibik ang iyong pag-ibig.
12. Palabunutan ang susi ng unang sisisid sa singsing na inihulog sa karagatan.
13. Paanong buwan sa langit na tanglaw ay aking mahipo at mapaglaruan?
14. Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo, hindi tumatapon, walang ligwak ito?
15. Itong singsing na linso’t walang bato, turan mo ang simula at ang dulo nito.

D. PAGKILALA SA KARUNUNGANG BAYAN: Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang


inilalahad sa bawat aytem.
16. Sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.
A. salawikan B. sawikain C. kasabihan D. bugtong
17. Ang kanyang mga anak ay masipag magsunog ng kilay.
A. sawikain B. salawikain C. kasabihan D. bugtong
18. Ang tingin ko sa iyo ngayon ay tila isa kang malaking isda ang lakas ng dating mo.
A. sawikain B. salawikain C. kasabihan D. alamat
19. Sabi ng lolo ni Lito kapag ang tao’y nanunuyo, dala-dala’y bukayo.
A. idyoma B. salawikain C. kasabihan D. bugtong
20. Ang mga bata kapag naglalaro umiisip sila ng paraan para malibang at lalo pang maging masaya
sila ay mag-iisip para mahulaan ito. Nanganak ang birhen itinapon ang lampin.
A. alamat B. idyoma C. bugtong D. kasabihan

E. ANALOHIYA: Piliin ang angkop na salitang pupuno sa patlang.


21. Naging Sultan si Pilandok: Kuwentong-bayan; Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong Langit: ______
A. epiko B. alamat C. tula D. maikling kuwento
22. Alamat: pinagmulan ; Epiko: __________
A. may aral B. kabayanihan C. talinghaga D. makatotohanan
23. Mina ng Ginto: Ifugao; Ibalon: __________
A. Bagobo B. Bikol C. Kapampangan D. Ifugao
24. __________: may gintong aral, patalinhaga; Sawikain: idyomatikong pahayag
A. Salawikain B. Kasabihan C. Bugtong D. Pamahiin
25. Sa Aking Mga Kabata: Jose P. Rizal; Pag-ibig sa Tinubuang Lupa: __________
A. Andres Bonifacio B. Liwayway Arceo C. Narciso Reyes D. Genoveva Edrosa-Matute

II. WIKA
A. SANHI AT BUNGA: Isulat sa sagutang papel ang S kung Sanhi at B kung Bunga. Ang sinasaad ng may
salungguhit na bahagi ng bawat pahayag.
26. Maraming kabataan ang gumagamit ng mga modernong gadgets kaya lumalabo ang mata.
27. Dahil sa kapabayaan ng mga magulang maraming mga anak ang natututong gumamit sa
ipinagbabawal na gamot.
28. Dahil sa paninigarilyo maraming mga tao ang nagkakasakit sa baga, atay, na humahantong sa
kamatayan.
29. Nagiging maunlad ang bansa sapagkat ang mga tao ay nagtutulungan, nagbibigayan at
nakikipagkaisa.
30. Dahil sa tindi ng lindol dulot na naranasan ng mga taga Leyte maraming mga tao ang
naaapektuhan.

B. PAGKILALA SA PANG-ABAY: Isulat sa iyong sagutang papel ang A – kung pamaraan; B – kung
pamanahon C – kung panlunan ang pang-abay na ginamit sa dayalogo.
31. Adrian: Ako ang ipinadala bilang tagapayo ninyo. Tuwing hapon bibisitahin ko kayo.
32. Myrna: Taos-puso ang aming pasasalamat sa iyong pagpunta.
33. Ella: Napagkasunduan po ng lahat na sa bahay balangay gaganapin ang pagpupulong.
34. Adrian: Nakasilid sa binilot na kahon ang mga materyales na gagamitin sa pulong.
35. Myrna: Maya-maya na lang kukunin ang mga materyales sa opisina.

C. PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA: Isulat ang A – kung penomenal, B – kung temporal, C – kung
modal at D – kung eksistensyal.
36. Umuulan na. Umuwi na tayo, tiyak na tayo ay mababasa.
37. Wala pang bisita kaya maglinis muna tayo.
38. Maari bang magtanong tungkol sa programang ipinapatupad ng barangay?
39. Bukas ay Linggo. Maaga tayong gumising para magsimba.
40. Wala ngang duda ang kagalingan

D. Piliin ang kahulugan ng mga sawikaing may salungguhit sa pangungusap.


41. Ingatan ang inyong mga gamit sapagkat maraming malilikot ang kamay sa paligid.
A. masinop B. masipag C. magnanakaw D. magaslaw
42. Palibhasa’y bukas-palad sa kapwa, lalong pinagpapala ang taong iyan.
A. mapagbigay B. maawain C. palakaibigan D. palabati
43. Kailangang magsunog ng kilay upang maabot ang iyong pangarap sa buhay.
A. mag-aral na mabuti C. magplano nang maayos
B. mag-ayos ng sarili D. magseryoso sa buhay
44. May mga anak na nagtataingang-kawali sa payo ng kanilang mga magulang.
A. nagmamaang-maangan C. nagbibingi-bingihan
B. nagkukunwari D. nagwawalang-bahala
45. Maraming naniningalang-pugad sa dalagang bagong dating sa kanilang nayon.
A. nanliligaw B. nagpapakilala C. nakikipag-usap D. nakikipagkaibigan

III. PAG-UNAWA SA BINASA: Basahin at unawain ang bahagi ng akda sa kahon. Piliin ang tamang sagot
sa mga kasunod na tanong.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Mula sa: Sa Aking mga Kabata ni Jose P. Rizal
46. Anong kaisipan ang nakapaloob sa tula?
A. Dapat nating pahalagahan ang ating wika.
B. Nakakahiya ang taong walang malasakit sa wika.
C. Dapat gamitin ang wika sa lahat ng dako ng bansa.
D. Wika ay dapat pahalagahan, pagyamanin at pakamahalin.

Ang taong bukas palad


Ay madaling umunlad
Kamay na nakalahad
Sa biyaya niya’y gawad.
47. Ano ang nais ipahiwatig ng tanaga?
A. Mas maraming biyaya para sa mga taong mapagbigay.
B. Mabilis umunlad ang may masisipag na kamay.
C. Bawat tao ay dapat tumulong sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.

Ang kaibigan
Iyong malalapitan
Sa kagipitan
48. Ano ang ipinahihiwatig ng haiku?
A. Kaibigan kung may kailangan.
B. Maraming kaibigan ang nakararanas ng kagipitan.
C. Laging may kasamang kaibigan na gumagabay tuwi-tuwina.
D. Ang kaibigan ay maasahan sa panahon ng pangangailangan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


Ng kahoy ng buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
Mula sa: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
49. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng saknong?
A. nalulungkot sa mga pangyayaring naganap sa ating bayan
B. paghihirap dahil sa kaguluhang naganap sa bayan
C. kasiyahan sa muling pagbangon sa kahirapan
D. panghihinayang sa mga nasirang buhay

Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang tahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punong-kahoy naman ay patuloy sa
pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Halaw sa Mina ng Ginto
50. Ipinahihiwatig sa binasang bahagi ng akda na _____________
A. ang tao ay likas na hindi nakukuntento sa kung anong mayroon sila.
B. ang kayamanan ay hindi natatagpuan sa kung saan-saan lamang.
C. ang kayamanan at tagumpay ay dapat pinaghihirapan.
D. walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.

You might also like