You are on page 1of 2

Mother of Divine Providence School

Marikina Heights, Marikina City


Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 4
UNANG KAPAT
S.Y. 2019-2020

Pangalan: _________________________________ Seksyon_____________________


A. Pagbasa
Panuto: Basahin at unawain.

Ang kayamanan
Isang mangingisdang taga-San Simon, Pampanga si Mang Pilo. Kilala sa kakuriputan, nakaipon
siya ng isang malaking gusi ng salapi na ibinaon niya sa kanilang hardin. Sa tuwi-tuwina,
kaligayahan niyang hukayin upang makita, dagdagan nang ilan at bilang-bilangin ang kayamanan.
Maligaya si Mang Pilo sa kanyang kalagayang yaon. Sa paningin naman ng iba, kahabag-habag siya
sapagkat laging gula-gulanit ang damit, humpak ang pisngi, payat na payat at tunay na hindi
nakatitikim ng anumang layaw ang katawan nito.
Isang araw, nagulat si Mang Pilo sapagkat ang ibinaon niyang salapi ay nawala. Halos masira
ang kanyang ulo at naglulupasay sa lupa na hila-hila ang sariling buhok. “Magbaon ka na lamang
ng pamantingin at isipin mong salapi iyon,” ang payo ng isang kapitbahay. “Pareho rin iyon na
walang nagawawang kabutihan sa iyong buhay.”

I. Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin. Bilugan ang
titik ng tamang sagot. (2 puntos)
1. Gula-gulanit ang mga damit ni Mang Pilo.
a. maayos b. sira-sira c. malinis d. maputik
2. Halatang hindi nakatitikim ng layaw si Mang Pilo dahil sa kanyang pananamit at
itsura.
a. saya b. lungkot c. luho d. ginhawa
II. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. (3 puntos)
3. Ano ang katangian ni Mang Pilo?
a. matulungin b. masayahin c. kuripot d. magastos
4. Ano ang kanyang gawain?
a. mangingisda c. mag-aasin
b. magsasaka d. mangangaso
5. Bakit sinasabing tila pamantingin lamang ang kanyang kayamanan?
a. Hindi ito tunay na salapi.
b. Hindi ito nagdudulot ng ginahawa sa kanya.
c. Hindi tunay na salapi ang kanyang kayamanan.
d. Nagdudulot ito ng kasamaan sa tao.
B. Kaalamang Gramatika
III. Alpabetong Filipino
A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
(3 puntos)
______6. Ilan ang titik sa orihinal na alpabetong Filipino?
______7. Ano ang pinakaunang katawagan sa Alpabetong Filipino?
______8. Ilan ang titik sa bagong alapabetong Filipino?

IV. Klaster at Diptonggo


A. Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salitang may kambal-katinig sa
pangungusap. ( 5 puntos)
________9. Mahusay ang mga kabataan ngayon sa pagpapakita ng anumang klase ng
presentasyon.
________10. May mga empleyadong nagpoprotesta dahil sa maling pamamalakad ng
kumpanya.
________11. May grasa ang mga braso ng bata.
________ 12. Dinadala ang krus kapag may prusisyon.
________13. Sanay sa malamig na klima ang mga tsonggo.
B. Panuto: Bilugan ang salita o mga salitang may diptonggo sa pangungusap. ( 5 puntos)
________14. Gutay-gutay na ang kanyang damit ngunit isinusuot nya pa rin.
________15. Naglakbay patungong tsina ang tatay ko.
________16. Masyadong mahal ang hikaw na nabili mo.
________17. Ang isang mahusay at mabuting pinuno ng baranggay ay hinahangaan talaga ng
karamihan.
________18.Anong araw ka pupunta sa Tagaytay?

V. Kayarian ng Salita
Panuto: Isulat ang salita sa ilalim ng tamang kayarian nito. (10 puntos)
Singsing musmos
kabutihan uulan
Bahay kubo bali-baliktad
Husay anak pawis
Katuwang balat sibuyas

Payak Maylapi Inuulit Tamabalan

VI. Bahagi ng Pangungusap


Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung Simuno ang salitang may salungguhit at titik P
kung Panaguri. (8 puntos)
_________28. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinamalas ng mga mag-aaral.
_________29. Masiglang sumayaw sa tugtugin ang mga turista sa aming bayan.
_________30. Tiyak na matutuwa ang iyong kaibigan dahil sa mabuting kaugaliang iyong
ipinapakita.
_________31. Palaging lumalahok si Amy sa mga paligsahan sa labas ng bansa.
_________32. Masinsinang kinausap ni Bb. Lana si Amy dahil sa hindi magandang pag-uugali
nito.
_________33. Bilog ang buwan ngayong gabi.
_________34. Napakaganda ng pagdiriwang ng iyong kasal.
_________35. Ang Zoo ang isa sa paborito kong pasyalan.

C. Estratehiya sa Pag-aaral
VII. Paggamit ng Diksyunaryo
Panuto: Gamitin ang pahina ng diksyunaryo upang masagot ang mga katanungan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang. (5 puntos)

pamili pamisa
Pa-mi-li png [pang+bili] 1: salapi para sa Pa-mi-sa pnr [pang+misa]: nauukol sa isang
pamamalengke 2: mga bagay na binili, lalo misa na inialay ng isang tao para sa isang
na mula sa palengke layunin, hal. Para sa kapakanan ng
Pa-mil-yar pnr [esp familiar] 1: kilala kaluluwa ng namatay.
2:karaniwan Pa-mi-ta-gan png [pang+pitagan] 1: salita
Pa-mi-mi-lit png [pang+pi+pilit]: kilos o ng pagbati sa isang liham 2:salita na
paraan upang pilitin ang isang tao na gamitin ginagamit bilang pagbati, hal. Kapag
o tanggapin ang isang bagay laban sa nagtatalumpati o kapag dumating sa isang
kaniyang kalooban. pagtitipon
Pa-mi-ming-wit png Psd [pang+bi+bingwit]: Pa-mi-tak png [ST pang+bitak]: anumang
panghhuli ng isda o palaka sa pamamagitan pambiyak
ng bingwit: pagalay, pamamansing Pa-mi-taw-gen png Bot: dangkalan

36. Ano ang salitang ugat ng pamisa? ___________________


37. Alin sa mga salita ang may kahulugang “salitang pagbati sa isang liham o pagbati kapag dumating
sa isang pagtitipon ang bisita.” ________________
38. Ano-ano ang dalawang salitang kasingkahulugan ng pamilyar? ____________ at __________
39. Ano ang ibig sabihan ng salitang pamimilit? _____________________________
40. Ano ang salitang ugat ng salitang pamili? __________________________________

__________________________________Pagtatapos ng Pagsusulit_________________________________

You might also like