You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO
DISTRICT II- D
PEÑAFRANCIA ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3
Taong Panuruan 2022-2023
Domain/ Kasanayang Pampagkatuto Bilang ng Bahagdan Kinalalagyan
MELC Aytem ng Aytem
WG 1 Nagagamit ang pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at 3 7.5 1-3
bagay sa paligid
Naibabahagi ang naunang kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto 4 10 37-40
KP 2 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento,
usapan, teksto, balita at tula 2 5 4-5
KP 3 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma 2 5 6-7
EP 4 Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat
sa pagkalap ng impormasyon 2 5 8-9
AL 5 Nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas 1 2.5 10
PB 6 Nakasusunod sa nakasulat na panuto na may 1 2.5 11
2-4 hakbang
PU 7 Nababaybay nang wasto ang mga salitang
natutunan sa aralin, salita di-kilala batay sa bigkas, 3 7.5 12-14
tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaan, mga
salitang hiram at salitang dinaglat
EP 8 Nakakagamit ng diksyunaryo 2 5 35-36
WG 9 Nagagamit sa usapan ang mga salitang
pamalit sa ngalan ng tao (kami, tayo, kayo at sila) 3 7.5 20-22
PS 10 Nagagamit ang magalang na pananalita na
angkop sa sitwasyon (pagbati,
pakikipagusap, paghingi ng paumanhin, 2 5 15-16
pakikipagusap sa matatanda at hindi kilala,
at panghihiram ng gamit)
PB 11 Naiilarawan ang mga elemento ng kwento
(tauhan, tagpuan, banghay) 2 5 23-24
PB 12 Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang
may tamang pagkaka sunod-sunod ng mga 6 20 25-30
pangyayari
PU 13 Nagagamit ang malaki at maliit na letra at
mga bantas sa pagsulat ng mga salitang 5 8 31-34
natutunan sa aralin, salitang dinaglat, salitang
hiram, parirala, pangungusap at talata
WG 14 Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa
pangngalan (ito/iyan/iyon/nito/niyan/noon/niyon) 3 7.5 17-19
Inihanda ni:

MA. CRISTINA M. LLANES


Guro
Susi sa Pagwawasto:

1. A
2. B
3. D
4. A
5. C
6. C
7. A
8. A
9. B
10. B
11. A
12. B
13. B
14. A
15. A
16. A
17. B
18. A
19. C
20.Sila
21. siya
22.kami
23. B
24. A
25. B
26. 1
27. 2
28. 3
29. 4
30. 5
31. Nagsimulang kumalat ang Corona virus sa Pilipinas noong Marso.
32. Bakit ayaw ni G. Martin Santos sa plasa ?
33. Ang Bb. ay malumanay magsalita.
34. Maraming proyekto para sa mga mahihirap si Pangulong Bongbong Marcos.
35. Pana, balantok na kahoy na gamit sa pagtudla ng palaso
36. Butingting

37-38. Nagtataglay ito ng bitamina na maaaring makatulong sa


Ating pangangatawan. Nagbibigay-lakas at nakadaragdag ito ng enerhiya sa ating
katawan.

39-40. * Sagot ng bata


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3
Taong Panuruan 2022-2023
Pangalan: ___________________________________ Puntos: _________________
I. Basahin ang mga sumusunod.Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at pangyayari.
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pang-uri D. Pandiwa
2. Si Sofia ay naglilinis ng kanilang sild- aralan. Ang salitang may salungguhit ay
tumutukoy sa __________.
A. Bagay B. Tao C. Pook o lugar D. Hayop
3. Ang aking alagang aso ay maamo kaya siya ay mahal na mahal ko. Ang aso ay
pangngalang tumutukoy sa ___________.
A. Bagay B. Tao C. Pook o lugar D. Hayop
II. Basahin ang tula at sagutin ang tanong mula rito.

Si Konan sa Munting Tahanan Sa loob at labas ay nagwawalis


Angela Mae Gob
At katulong sa iba pang paglilinis
Munti man ang tahanan
Kalusugan niya'y hindi pinababayaan
Si Konan ay maliksi at laging maaasahan
Masusustansiya ang agahan, tanghalian at hapunan
Sanay sa mga gawaing bahay
Kaya siyay paborito ng kanyang nanay at Nag-eehersisyo at natutulog nang tama
tatay Kaya masigla at palaging masaya.

4. Bakit paborito si Konan ng kanyang nanay at tatay?

A. Siya ay maliksi at laging maaasahan. B. Siya ay mahilig maglaro.

C. Siya ay mahilig matulog D. Hindi siya mahilig sa masusustansiyang pagkain

5. Ano ang posibleng mangyari kung pababayaan ni Konan ang kaniyang sarili?

A. Magiging paborito siya ng mga magulang.

B. Maraming magmamahal sa kaniya.

C. Manghihina siya at hindi na makakatulong sa gawaing-bahay.

D. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.

6. Sa tulang binasa, alin ang salitang magkatugma?

A. tahanan- tatay B. maasahan- bahay

C. nagwawalis- paglilinis D. hapunan- tama

7. Piliin ang magkatugma sa mga sumusunod na salita.

A. kamay- hanay B. suman- kasama C. buhay- sukal b D. tama- mali

8. Ipinahahanap sa iyo ng iyong guro ang pahina ng isang paksa o aralin sa aklat dahil
gusto mong malaman ang nilalaman nito, saan mo ito maaaring mahanap?
A. Talaan ng Nilalaman B. Talahuluganan C. Pabalat D. Katawan ng Aklat

9. Ikaw ay lumikha ng isang aklat at nailimbag mo na ito. Saang bahagi ng aklat mo


maaaring ilagay ang pangalan ng naglimbag at ang petsa kung kailan ito nailimbag?
A. Indeks B. Karapatang - ari C. Pabalat D. Katawan ng Aklat
10. Piliin ang salitang may tatlong pantig.

A. kapayapaan B. Malaki C. tataniman D. maramihan

11. Kung susundin mo ang sumusunod na direksiyon, ano ang magiging sagot?
1. Gumuhit ng parihaba.
2. Sa loob ng parihaba, isulat ang salitang “salamat po”.
3. Sa ilalim ng salamat po ay maglagay ng guhit.
4. Sa itaas ng parihaba ay gumuhit ng puso.

A. B. C. D.

12. Sumakit ang kaniyang ngipin dahil marami siyang kinain na candy. Ang
salitang hiram sa pangungusap ay_______
A. sumakit B. candy C. ngipin D. siya
13. Alin sa mga sumusunod na ang pinantig sa apat?
A. gu-ro B. ma-nga-nga-hoy C. dok-tor D. bom-be-ro
14. Si Ginang Benito ang aming guro. Ano ang daglat o pinaiksing salita ng may
salungguhit?
A. Gng. B. Gngg. C. Gnng. D. Ging.
15. Lumiban ka sa klase dahil nagkasakit ka. Ano ang maaari mong sabihin sa iyong
guro?
A. Ipagpaumanhin po ninyo. C. Maraming salamat po!
B. Ikinalulungkot ko po. D. Walang anuman.
16. Nasa likod ng ate mo ang aklat, kailangan mo itong sagutan. Ano ang sasabihin mo
sa iyong ate?
A. Pakiabot nga po ng libro. C. Ipagpaumanhin po ninyo.
B. Salamat po! D. Patawad po.
17. Ano ang panghalip na pamatlig na ginagamit kapag ang itinuturo ay malayo sa nag-
uusap?
A. ito B. iyon C. nito D. niyan
18. Handa nang magluto ang nanay. _____ ang mga sangkap na gagamitin niya. Anong
panghalip pamatlig ang bubuo sa pangungusap?
A. Ito B. Iyan C. Nito D. Niya
19. Ang mag-anak nina Wilma ay pupunta sa Pahiyas Festival. Ito ay tanyag na
pagdiriwang sa Lucban, Quezon. Anong pangngalan ang tinutukoy ng panghalip na
pamatlig na ito?
A. mag-anak B. Wilma C. Pahiyas Festival D. Lucban, Quezon
IV. Piliin ang salitang panghalip panao na angkop na gamit sa pangungusap.
20. Pupunta sina Lina at Ben sa Baguio.(Sila, Tayo, Kami) ang kasama ni Nanay na aalis.
21. (Siya, Mo, Nila, Niya) ba ang may ari ng aklat na ito?
22. (Kayong, Ikaw, Mo, Ako) tatlo ang binanggit na nanalo sa paligsahan.

III. Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang
Sagot.

Ang Lobo at ang Ubas


Aesop
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng
isang puno ng ubas na hitik sa hinog na bunga. "Suwerte ko naman. Hinog na at tila
matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas, subalit,
hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli at muli pa subalit hindi pa rin
niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo
sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi
niya sa sarili.

23. Ano ang pamagat ng kwentong binasa?


A. Ang Lobo at ang Usa C. Ang Lobo at ang Gubat
B. Ang Lobo at ang Ubas D. Ang Lobo at ang Bunga
24. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
A. lobo B. ubas C. puno D.gubat
25. Pagsunod – sunurin ang mga sumusunod na pangungusap batay sa kuwentong
”Ang Lobo at ang Ubas”
1. Nakakita siya ng puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.
2. Lumundag ang lobo at lumundag nang lumundag ngunit wala siyang nakuhang bunga.
3. Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.
4. Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.
5. Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas.
A. 1-2-3-4-5 C. 2-4-1-5-3
B. 3-1-5-2-4 D. 3-4-1-5-2
V. Gamit ang 1-5, pagsunud- sunurin ang mga sumusunod na pangyayari.
26. ____ Maagang gumising si Nena at mabilis siyang naligo.
27. ____ Nagbihis siya ng uniporme
28. ____ Kumain siya ng agahan at nagsepilyo ng ngipin.
29. ____ Nagsuklay siya ng buhok.
30. ____.Handa na si Nena sa pagpasok sa paaralan.
VI. Isulat nang wasto ang sumusunod na pangungusap .
31. nagsimulang kumalat ang Corona virus sa Pilipinas noong marso
32. Bakit ayaw ni g. martin santos sa plasa
33. maraming proyekto para sa mga mahihirap si Pangulong bongbong marcos
34. sa Paaralang Elementarya ng peñafrancia ako nag- aaral.
VII.Piliin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Hanapin sa diksyunaryo.

Busilak butbot
busilak - pu. totoong maputi
busisi - png. Butingting
buslo – png. Pana, balantok na kahoy na gamit sa
pagtudla ng palaso
buson – png. hulugan ng sulat
butas – png. Ukit na tagos, busbus na
35. buslo- _________________________
36. busisi- ________________________

VIII. Basahin ang sanaysay at sagutin ang tanong.


Tsokolate
Angela Mae Gob
Ang tsokolate ay isang uri ng matamis na pagkain. Karaniwan itong paborito ng
mga bata dahil sa lasa nito. Nagtataglay ito ng bitamina na maaaring makatulong sa
ating pangangatawan. Nagbibigay-lakas at nakadaragdag ito ng enerhiya sa ating
katawan. Bagama’t may mga bitamina ito, hindi pa rin ito angkop na kainin araw-
araw, lalo na ng mga bata dahil madali itong makasira ng ngipin sa taglay nitong
tamis.

37-38. Ano ang magandang naidudulot ng tsokolate sa katawan?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
39- 40. Magbahagi ng iyong karanasan o kaalaman batay sa teksto/sanaysay.
______________________________________________________________________-
______________________________________________________________________

You might also like