You are on page 1of 5

Division of City Schools

School District VI
PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Pakitang – Turo sa Filipino


Ikalawang Markahan
Unang Baitang
Febro 26, 2021

I. Layunin:
Natutukoy ang kailanan ng pangngalan.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Kailanan ng Pangngalan (Tao)
b. Sanggunian: Filipino MELC - F1WG-IIc-f-2.1, Filipino1 Modyul 9 Gramatika: Kailanan ng
Pangngalan pahina 3-18
c. Kagamitan: powerpoint, mga letra at bilang, laptop
d. Pagpapahalaga: Paggiging matipid at pala-ipon upang may madukot sa oras ng
kagipitan.
e. Integrasyon: Mother Tongue at Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Balik – Aral:
Panuto: Tingnan ang larawan. Tukuyin kung ito ay tao, hayop, bagay, pook o
pangyayari.

1. 2. 3.
guro pusa Luneta Park

4. 5.
bag kaarawan

2. Pagganyak:
Pakikinig sa maikling kwento.
Ang Magkakapatid
ni Dandrea D. Dy

Ang magkakapatid na sina Karen, Karlo at Kiko ay masisinop na mga bata. Ayaw nilang may
maaksayang mga gamit at pagkain. Maganda ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa
magkakapatid. Tinuruan silang maging masinop sa lahat ng bagay. Sa mga pagkain, kailangan walang
matatapon. Kukuha lamang sila ng pagkain na kaya lang nilang ubusin. Napapagalitan sila ng kanilang
nanay kapag may tira silang pagkain sa plato. Alam nila na maraming bata ang nagugutom. Sa paggamit
naman ng papel, hindi sila nagpupunit. Iniingatan nila na walang masayang sa kanilang mga gamit sa
eskwela. Maging sa pera na binibigay ng kanilang nanay ay hindi nila ginagastos lahat. Nagtitira sila
para may ipon sila. Kaniya-kaniya sila ng ipon at hinuhulog nila ito sa kanilang piggy bank. Isang araw
naubusan ang nanay nila ng pera. Wala silang pambiling pagkain. Binuksan ni Karen ang kaniyang
piggy bank at ibinigay niya sa kaniyang nanay ang lahat ng naipon niya. Tuwang-tuwa ang nanay niya
dahil may pambili na sila ng pagkain. “Mas mainam ang mag-ipon para may madukot sa panahon ng
kagipitan”.
B. Paglalahad:
Panuto: Itaas ang letra ng tamang sagot.
1. Sino-sino ang magkakapatid sa kuwento?
A. sina Karlo, Minda at Karmelo
B. sina Maria, Pedro at Juan
C. sina Karen, Karlo at Kiko

2. Ano ang turo ng kanilang mga magulang sa kanila?


A. Maging masipag sa lahat ng oras.
B. Maging masinop sa lahat ng bagay.
C. Maging magalang sa lahat ng tao.

3. Ano ang ginawa nila sa kanilang pera?


A. Inilalagay nila ito sa piggy bank.
B. Ibinibili nila ng mga gamit sa eskwela.
C. Ibinibili nila ng mga laruan.

4. Mahalaga ba ang mag-ipon?


A. Opo B. Hindi po C. Marahil

5. Ano ang magandang aral sa kuwentong


napakinggan?
A. Mag-ipon para may pambili ng laruan.
B. Maging maingat sa gamit.
C. Mag-ipon upang may madudukot sa oras ng
kagipitan.

C. Pagtatalakay:
Basahin at pag-aralan natin ang mga salita sa bawat hanay.

Isahan Dalawahan Maramihan

Ang Kailanan ng Pangalan - ay tumutukoy sa bilang ng pangngalan. Maari itong….


A. Isahan – Kung isa lang ang bilang ng pangngalan. Kadalasan nilalagyan ng ang, si, ni, kay sa
unahan ng pangngalan at bilang na isa.
Halimbawa: ang puno
si tatay
kay Mina ang pinsan
ni Ella

B. Dalawahan – Tumutukoy sa dalawang pangngalan. Kadalasan ay nilalagyan ng dalawa, sina, nina


ang mga sa unahan ng pangngalan at panlaping mag.
Halimbawa: dalawang bahay
sina Pedro at Maria
magpinsan
magkapatid
mag-asawa
magkalaro

C. Maramihan – Tumutukoy sa maramihan na bilang o higit sa dalawa ngunit hindi tukoy ang bilang.
Gumagamit ng mga panandang ang mga, sina, nina, kina o iba pang pamilang na higit sa dalawa.
Naglalagay din ng panlaping ka at mag na inuulit ang uanahan pantig.
Halimbawa: ang mga baso
limang bola
sina Toto, Lito at Bobot
magkakapatid
magpipinsan
kabahayan

D. Pagsasanay:
Panuto: Tukuyin ang kailanan ng pangngalan na inyong makikita. Sabihin kung ito ay isahan,
dalawahan o maramihan.

1. magkapatid

2. magpipinsan

3. guro

4. ang mga puno

5. mag-ina

E. Paglalapat:

Panuto: Isulat sa inyong whiteboard ang letra ng tamang sagot.

1. Masayang naglalakad ang tatlong guro. Ano ang kailanan ng mga salitang may
salungguhit?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan

2. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng dalawahan?


A. B. C.
3. Ang mga sumusunod na mga salita ay nasa kailanang isahan maliban sa isa.
A. SI Nena at Rita B. si kuya C. ang lalaki

4. Ang mga salitang magpinsan, magkapatid at magkaibigan ay tumutukoy sa anong


kailanan ng pangngalan?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan

5.

A. B. C.

F. Paglalahat:
Sagutin ng pasalita ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tatlong kailanan ng pangngalan?
2. Sa kwentong inyong narinig, anong aral anginyong natutunan?

IV. Pagtataya:
Panuto: Makinig at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Humuhuni ang mga ibon sa puno. Alin sa pangungusap ang nagsasabi ng kailanan ng pangngalan?
A. humuhuni B. sa C. ang mga ibon

2. Si Lino ay may alagang mga isda. Anong kailanan ng pangngalan ang mga salitang may
salungguhit?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan

3. Dala ng magkalaro ang kanilang bisekleta sa bukid. Anong kailanan ng pangngalan ang salitang nasa
kahon?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan

4. Alin sa mga salita ang nagsasabi ng dalawahan?


A. ang kubo B. mag-asawa C. mag-aama

5. Alin sa larawan ang nagpapakita ng isahan?

A. B. C.

V. Takdang Aralin:

Panuto: Tukuyin ang kailanan ng pangngalan sa ibaba. Ilagay ito sa tamang hanay.

lapis Miggy at Vince magkakapitbahay Gng. Reyes pusa at aso

Isahan Dalawahan Maramihan


Inihanda ni:

AIDA C. FRIAS
Teacher III

You might also like