You are on page 1of 2

Cambantog Primary School

S.Y. 2022-2023
Third Quarter Examination in Filipino 1

Grade 1: Magalang
Panuto: Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Alin ditto ang mga salitang naglalarawan?
a. maganda, mabait, masipag
b. tumakbo, sumayaw, lumundag
c. lapis, bag, papel
2. Masigla siyang sumagot sa talakayan. Alin ang salitang naglalarawan sa
pangungusap?
a. masigla b. sumagot c. talakayan
3. Aling salita ang naglalarawan sa hayop?
a. madaldal b. makintab c. mabangis
4. Dalawa ang bilog na mesa sa silid-aralan . Alin ang naglalarawan sa bilang?
a. dalawa b. bilog c. mesa
5. Ang bulaklak ng Sampaguita ay mabango. Ang salitang may salungguhit ay
salitang _________.
a. kilos b. naglalarawan c. nagsasabi ng panahon
6. Aling pangkat ng mgasalita ang nagsasabi ng pook o lugar?
a. Lunes, bukas, mamaya
b. palaruan, simbahan, paaralan
c. atis, ubas, bayabas
7. Sina Lolo at Lola ay umalis kahapon. Ang salitang may salungguhit ay
______________.
a. salitangnaglalarawan
b. salitangnagsasabi ng lugar
c. salitangnagsasabi ng panahon.

8. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng ngalan ng araw?


a. Martes, Lunes, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo, Miyerkules
b. Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado
c. Lunes, Biyernes, Sabado, Linggo, Martes, Miyerkules, Huwebes
9. Ang mangingisda ay nanghuhuli ng isda sa dagat. Alin ang salitang nagsasaad ng
lugar?
a. sa dagat b. mangingisda c. nanghuhuli
10. Anong ngalan ng buwan ang nawawala sa patlang?
Enero, Pebrero, ______, Abril, Mayo, Hunyo
a. Hulyo b. Agusto c. Marso
11. Napakalakas ng ulan kagabi. Anoang nagging bunga ng pangyayari?
a. Natuyo ang mga halaman
b. Nagkaroon ng pagbaha
c. Uminit ang paligid
12. Dahil sa kasipagan kaya naging milyonaryo si Mang Pepe.
Alin ang nagsasabi ng sanhi sa pangungusap?
a. dahil sa kasipagan
b. naging milyonaryo
c. wala
13. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap?
a. nasa palaruan
b. prutas at gulay
c. Ang mga bata ay naglalaro.
14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pasalaysay?
a. Ang lapis ay mahaba
b. Pupuntaka ba sa palengke?
c. Ay! Nadapa ang bata.
15. Bakit kaya may El Niño? Ito ay pangungusap na _________.
a. pasalaysay b. patanong c. padamdam

16. Ang pangungusap napautos o pakiusap ay nagtatapos sa ______.


a. (.) tuldok b. (?) tandangpananong
c. (!) tandangpadamdam
17. Ang lapis ___ papel ay ginagamit sa pagsusulat.
Ano ang nawawala sa patlang upang mabuo ang pangungusap?
a. na b. ng c. at
Panuto: Isulat ng wasto ang mga pangungusap. Lagyan ng wastong bantas. Gumamit ng
malaking titik kung kinakailangan.
18. ako ay ipinanganak sa perez, quezon

19. kami ay may pagsusulit sa lunes

20. ikaw ba ay pumapasok sa paaralan

You might also like