You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Parang Elementary School
SARRAT

SECOND PERIODICAL TEST IN FILIPINO


2022-2023

Piliin sa loob ng kahon ang katugma ng salitang nasa ibaba.

A. kabibe B. nanay C. puro D. pari E. lola

Isaayos ang mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang wastong baybay ng salita.
Isulat ang titik ng wastong sagot.

6. A. prutas B.braso C. globo D. tsinelas

7. A. prutas B.braso C. globo D. tsinelas


8. A. prutas B.braso C. globo D. tsinelas

Piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
9. Uminom ng mainit na tubig ang matanda.
A. maliit B. magulo C. malamig D. masarap
10. Kumuha ng maliit na upuan si Maria.
A. malaki B. magulo . C.malamig D. mataas
11. Nakabili ng mamahaling gamit si Tess maykaya ang kaniyang pamilya.
A. magalang B. mabait C. mahirap D. pulubi
12. Maligaya kaming nagdiriwang ng aming Pista.
A. maganda B. marumi C. malungkot D. naguguluhan
Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
13. Si Lita ay may matibay na paninindigan sa buhay.
A. mahusay B. matatag C. malakas D. Mabuti
14. Mahirap ang aming pamilya ngunit masaya.
A. malaki . B. magulo C. dukha D. malakas
15. Ang batang mapag-impok ay maraming pera.
A. may-ipon B. mahirap C. malakas D. tahimik
16. Mabilis tumakbo ang kuneho.
A. matulin B. mabagal C. malamig D. mahira

1.Ano ang pangngalan?


a. Ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar lamang.
b. Ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari
c. Ito ay pamalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
2. Sa pangungusap na, “Naglalaba sa malinis na ilog si Myra.” Ang salitang nasalungguhitan
ay isang __.
a. Pangngalan b. Panghalip c. Pandiwa
3. Masayang pumasok muli ang mga bata sa kanilang paaralan dahil hindi na pandemic. Alin
sa pangungusap ang mga pangngalan?
a. masaya at pumasok b. pumasok at bata
c. bata at paaralan
4. Piliin ang pangkat ng panggalan.
a. tumakbo, naglalaba at nagwawalis
b. nars, ospital at kama
c. maganda, mabait at masipag
5. Hanapin ang nawawalang pangngalan upang mabuo ang pangungusap.
Kung may ___, ligtas tayo sa kapahamakan kung laging handa.
a. pagkain b. bagyo c. bisita
Basahin ang talata. Pagkatapos, Bilugan ang titik ng tamang sagot para sa mga katanungan
tungkol sa kuwento.

Maagang nagising si Sonia dahil dadating ang binili niyang aso. Ang ganda ng aso ni
Sonia na pinangalanan niya ng Kilua. Lagi niya itong pinapaliguan at pinapakain ng
masustansiyang pagkain. Binibigyan pa niya ito ng gatas bago matulog.
Pagkaraan ng ilang buwan napabayaanna ni Sonia si Kilua. Inuuna na niya ang pagtitik-
tok kaysa sa pangangalaga kay Kilua.
Isang araw na magising si Sonia, hindi na nila mahanap si Kilua. Naglayas ito at hindi na
bumalik pa.
6. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Sonia at Nanay b. Sonia at Kilua c. kapitbahay
7. Bakit napabayaan ni Sonia si Kilua?
a. Dahil sa pag-aaral ng kanyang leksiyon
b. Dahil inuuna niya ang paglalaro sa kapitbahay
c. Dahil inuuna niya ang pagtitik-tok
8. Kung kayo si Sonia, ano ang dapat ninyong gawin?
a. Pagkatapos magtiktok ay pakainin si Kilua.
b. Unahing paliguan at pakainin si Kilua bago magtik-tok.
c. Itali ti Kilua bago magtiktok.
Basahin ang tula. Pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong
Ang Aking Paborito

9. Ano ang pamagat ng tula


a. Ang Aking mga Gamit b. Ang Aking Bitbit
c. Ang Aking Paborito
10. Sa iyong palagay, bakit kaya paborito ng gumawa ng tula ang isang lumang libro?

a. Dahil pwede niya itong maging unan


b. Dahil marami siyang matututunan sa pagbasa sa aklat
c. Dahil regalo ito ng kaibigan
11. Bakit kaya ang Pabalat na bahagi ng aklat ang matibay na parte?
a. para maproteksiyonan ang buong aklat?
b. para magaan
c. para maganda

12. Tingnang maigi ang mga larawan. Alin dito ang bahaging Talaan ng Nilalamanng aklat?
a. b. c.

13. Alin sa mga salita ang may anim pantig?


a. lumalala b. pinaghirapan c. kapitapitagan
14. Paano isinusulat sa Filipino ang salitang hiram na computer?
a. computer b. compyuter c. Kompyuter
15. Ang salitang pito ay tumutukoy sa bilang. Alin sa mga pangungusap ang tamang
paggamit ng salitang pito?
a. Masaya si Ella dahil pito ang anak ng kanyang alagang aso.
b. Nabigla si Marina nang marining na ang pito ng pulis sa kalsada.
c. Hinipan ng Barangay Tanod ang kanyang piton ang makita niyang nagnanakaw ng
paninda ang bata.
16. Anong klaster ang dapat na isulat sa patlang upang mabuo ang pangalan ng nasa
larawan?
Nasa pinggan ang tatlong bis_ _it na para kay bunso.
a.wk b. kw c. pl
17. Gawin ang panutong may dalawang hakbang.
Una, sumulat ng dalawang salitang klaster sa loob ng kahon. Pagkatapos iguhit ang
mga ito sa tapat ng bawat isa. Alin sa mga ito ang dapat mong nagawa ng tama?
a. b. c.

18. Gawin ang panutong may tatlong hakbang.


Una, gumuhit ng parihabang kahon. Pangalawa, gumuhit ng tatlong bulaklak na may
iba-ibang disenio. Pagkatapos, kulayan ang unang bulaklak ng dilaw, ang gitna asul at ang
huli pula.
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong nagawa ng tama?
a. b. c.

19. Si Kapitan Villanueva ang namumuno sa aming nayon. Paano dadaglatin ang salitang
Kapitan?
a. Kapt. b. Kap. c. kap
20. Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ito. “Araw-araw isinusuot ni Celia ang
kanyang ___ sa pagpasok sa paaralan.
a. uniporme b. unepormi c. unipurme
21. Alin sa mga sumusunod na salita ang may tamang baybay?
a. sipelyo b. eruplanu c. produkto
22. Ano ang tawag sa isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang
bumubuo sa isang salita, pantig o daglat?
a. Pagbaybay b. Pagpapantig c. Pagdaglat
23. Ano ang diksiyunaryo
a. Isang uri ng aklat ng mga salita at na may kahulugan
b. Isang uri ng aklat ng sining at agham
c. Isang uri ng aklat ng mga kuwento at tula.
24. Tiwasay na namumuhay ang mag-anak sa nayon. Sila ay nagtutulungan at
nagmamahalan. Ano ang makikitang kahulugan ng tiwasay sa diksyunaryo?
a. magulo b. magarbo c. tahimik

25. Si Julius ay pumunta sa tabing-dagat upang tumulong sa pangingisda. Binigyan ___ ng


isda dahil sa pagiging matulungin.
a. siya b. ako c. tayo
26. Sina Norman at Lisa ay mahiliig maligo sa ilog. Napagalitan ___ dahil hindi pala sila
nagpaalam.
a. kami b. kayo c. sila
27. Gusto mong ipaabot ang aklat sa kaklase mong nasa malapit sa aklat na gusto mong
basahin. Ano ang sasabihin mo?
a. Bess, nasa tabi mo ang aklat. Iabot mo nga.
b. Bess, kunin mo ang aklat sa tabi mo at dalhin mo dito.
c. Bess, paki-abot mo nga sa akin ang aklat na nasa tabi mo.
28. Wala kang pambura. Nakita mong maraming pambura ang guro. Ano ang sasabihin mo?
a. Mam, kunin ko na ang pambura mo sa ibabaw ng mesa.
b. Mam, pwede po bang humiram ng pambura mo?
c. Mam, marami ka palang pambura. Akin na ang isa.
29. Sila ang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging takbo ng
kuwento. Anong elemento ng kuwento ang tinutukoy?
a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay o Pangyayari
30. Ito ay isang kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na
may tauhan, tagpuan, at banghay o pangyayari. Ano ito?
a. Kanta b. Tula c. Kuwento
31. Alin dito ang pwedeng gawing tagpuan sa isang kuwento?
a. Jelly, Winter, Kilua, Hachi b. Sa ilalim ng puno ng akasya
c. Dali-dali siyang nagtago para hindi makita ng mga pulis
Basahin ang talata.
Hindi pinakain ni Eba si Kilua dahil nagmamadali siyang pumasok sa paaralan. Mahuhuli
na siya dahil tinanghali ng gising. Gutom na gutom na si Kilua na kanyang alaga. Nakita
niya ang upuan na sopa at pinagngangatngat nito.
Kinahapunan, laking gulat ni Eba, sira sira na ang upuan nila. Sa isip niya siguro gutom na
gutom na si Kilua kaya niya nagawang sirain ang upuan. Sabi niya sa sarili gigising na siya
ng maaga upang mapakain pa ito. Mula noon masaya na si Kilua na naiiwan palagi
32.Sa parteng pumasok si Eba ng paaralan, anong bahagi ng balangkas ito?
a. Pangunahing Bahagi b. Pasidhi na Bahagi c. Kasukdulan
33. “Sabi niya sa sarili, gigising na siya ng maaga upang mapakain pa ito.” Sa parteng ito ng
kuwento, anong bahagi ng balangkas ito?
a. Karurukan b. Pababang aksiyon c. Wakas
34. Sa mga sumusunod na pangungusap, alin dito ang tama ang pagkakasulat?
a. Nagtratrabaho sa dubai si Dr. De la cruz
b. masaya sa kanyang propesyon si Engr. Andaya
c. Ang mga bata ay pumapasok Santa Ana Elementary School.
35. Ang biniling keyk ni Mariz ay nahulog at natapon sa sahig. Ang salitang nasalungguhitan
ay isang ___.
a. salitang may dalawang pantig b. salitang hiram
c. dinaglat
36. Alin sa mga pangungusap na pasalaysay ang tama ang pagkakasulat?
a. Malakas ang agos ng Tubig sa Mestizo River dahil sa ulan.
b. Malakas ang agos ng tubig sa Meztiso River dahil sa ulan.
c. Malakas ang agos ng Tubig sa Mestizo River dahil sa ulan
37. Nasa palengke si Nana Maria. Nasa magkabilang kamay ang dala dala niyang basket na
puno ng pinamili niya. Sa isip niya, “Ang bigat naman ng mga __”.

a. iyon b. iyan c. ito


38. Palaging nagha-hang yang gamit mong laptop, Carmen. Baka kailangan mo nang ipasuri
__ sa teknisyan?
a. ito b. iyan c. iyon
39. “Bago mo buuin ang isang maikling kuwento, mayroon kang dapat sundin na mga
hakbang, sabi ng guro sa mga mag-aaral.”
Tama ba ang sinabi ng guro?
a. Opo, tama. b. Hindi po c. Mali po siya
40. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maipakita ang tamang
pangangalaga ng aso?
a. 1. Binasa ni Trisia ang katawan ng aso.

2. Kumuha ng shampoo at ipinahid sa buhok ng aso saka ito kinusot kusot.


3. Kinuha niya ang nakasampay na tuwalya at ibinalot sa katawan ng aso.
4. Sinuklay niya ang aso.

1. Sinuklay niya ang aso.


b.
2. Kinuha niya ang nakasampay na tuwalya at ibinalot sa katawan ng aso.
3. Binasa ni Trisia ang katawan ng aso.
4. Kumuha ng shampoo at ipinahid sa buhok ng aso saka ito kinusot kusot.

1. Kumuha ng shampoo at ipinahid sa buhok ng aso saka ito kinusot kusot.


2. Sinuklay niya ang aso.
c.
3. Kinuha niya ang nakasampay na tuwalya at ibinalot sa katawan ng aso.
4. Binasa ni Trisia ang katawan ng aso.

You might also like