You are on page 1of 3

DELFIN M.

GERALDEZ ELEMENTARY SCHOOL


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2
TAONG PANURUAN 2023-2024

Pangalan: ____________________________________________________ Marka: _____________

Pangkat: ______________________________________________________ Petsa:______________

I. Pakikinig: Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng iyong guro. Sagutin
ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpili at pagsulat sa tamang letra nito.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Ang Pagong sa Sapa B. Ang Palaka sa Sapa C. Ang Unggoy sa Sapa
2. Sino ang tauhan sa kuwento?
A.pagong at Pipo B. palaka at Pipo C. ibon at Pipo
3. Saan matatagpuan ang mga palaka?
A. sa sapa B. sa ilog C. sa batis
4. Ano ang huni ng palaka?
A. kokak, kokak B. meow, meow C. tweet, tweet
5. Sino ang pumunta sa sapa?
A. Si papa B. Si Kuya C. Si Pipo

II. Basahing mabuti ang tanong at isulat ang letra ng tamang sagot.
6. Ito ay salitang naglalarawan sa mga pangngalan o panghalip.
A. pangngalan B. pang-uri C. panghalip
7. Ako ay may anim na lobo. Aling salita ang pang-uri?
A. ako B. anim C. lobo
8. Paano mo ilalarawan ang isang unan?
A. malambot B. masarap C. madaldal
9. Ito ay salitang humahalili sa ngalan ng tao.
A. pangngalan B. pang-uri C. panghalip
10. Anong panghalip ang gagamitin ng tagapagsalita upang matukoy ang kanyang
sarili?
A. ikaw B. ako C. siya
11. Inuutusan mo ang iyong kaibigan. Paano mo bubuuin ang pangungusap na ito? “
______ ang magwalis, ako ang magdidilig”.
A. Ikaw B. Siya C. Ako
12. Tumutukoy ito sa dahilan ng isang kilos o pangyayari.
A. sanhi B. bunga C. ugat
13. Ano kaya ang magiging bunga ng pagsuway sa magulang?
A. mapapabuti B. mapapahamak C. uunlad
14. Tumakbo si kuya kaya siya nadapa. Tukuyin ang sanhi.
A. tumakbo si kuya B. kaya siya nadapa C. umiyak siya
15. Ito ay tumutukoy sa mga taong gumanap sa kuwento.
A. pamagat B. tauhan C. tagpuan
16. “Hati tayo, sa iyo na ito”, ang wika ni Clara. Paano mo ilalarawan si Clara ayon sa
kaniyang sinabi?
A. mapagkunwari B. mapagbigay C.mayabang
17. Dahan-dahan si Yang na yumuko at dumaan sa pagitan ng dalawang nag-uusap.
Ilarawan si Yang ayon sa kaniyang kilos.
A. magalang B. makupad C. mahiyain
18. May kamag-aral kang madalas mapuri ng inyong guro dahil masikap sa pag-aaral
at may disiplina sa pakikinig sa klase. Ano ang dapat mong maramdaman?
A. pagkayamot B. pagkaingngit C. paghanga
19. Ano ang dapat mong maging reaksiyon kung malaman mong mamamasyal
kayo?
A. magalit B. masabik C. malungkot
20. Paano mo iuulat sa klase ang paksa tungkol sa Coronavirus?
A. Ito ay nakahahawa at nakamamatay na uri ng sakit.
B. Ito ay isang klase ng mapanganib na virus.
C. Ito ay uri ng sakit na dumadapo lamang sa mga bata.
21. Ano ang tamang ulat hinggil sa Tigil Pasada?
A. Ito ay tungkol sa pagtaas ng pamasahe.
B. Ito ay ang pagtigil sa paggawa ng mga kalsada.
C. Ito ay ang pansamantalang pagtigil sa pamamasada.
22. Alin ang wastong pabigkas na baybay ng salitang baka?
A. /bi-ey-key-ey/ B. /ba-a-ka-a/ C. /b-a-k-a/
23. Aling salita na katumbas ng paaralan ang may wastong baybay?
A. eskuwelahan B. eskwelahan C. iskwelahan
24. Paano mo babasahin ang salitang /ey-way/?
A. ewan B. ay C. ang
25. May dala ka bang _____________?
A. dyaket B. dyakit C. jaket
26. Aling salita ang katugma ng kapalaran?
A. malapad B. paaralan C. mapalad
27. Aling pares ng mga salita ang magkatugma?
A. aso-ako B. pusa-ikaw C. unggoy-ka
28. Lumakad sa paligid ng hardin si Beng at nakita niya ang mga manok. Ano ang
ngalan ng HAYOP?
A. hardin B. manok C. Beng
29. Ang aking nanay ay namamalengke tuwing araw ng Sabado sa Bayan. Ano ang
ngalan ng LUGAR?
A. Bayan B. Sabado C. nanay
30. Masaya ang aming guro dahil marami na ang nakakabasa. Ano ang ngalan ng
TAO?
A. Guro B. masaya C. nakakabasa

Pakikinig: Ikalawang Baitang

Ang Palaka sa Sapa

Ang palaka sa sapa kung humuni ay malakas. “Kokak, Kokak, Kokak, ang sabi ng
palaka. Isang araw, si Pipo ay pumunta sa sapa upang humuli ng palaka. Nagtago ang
mga palaka. Walang nahuli si Pipo. Siya ay umuwi na kaawa-awa.

Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Ang Pagong sa Sapa B. Ang Palaka sa Sapa C. Ang Unggoy sa Sapa
2. Sino ang tauhan sa kuwento?
A.pagong B. palaka C. ibon
3. Saan matatagpuan ang mga palaka?
A. sa sapa B. sa ilog C. sa batis
4. Ano ang huni ng palaka?
A. kokak, kokak B. meow, meow C. tweet, tweet
5. Sino ang pumunta sa sapa?
A. Si papa B. Si Kuya C. Si Pipo

You might also like