You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division of Cotabato
RENIBON ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 3
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Pangalan: Iskor:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Masayang naglaro at namulot ng kabibe si Arlene sa tabing-dagat. Ano ang tambalang


salita ang ginamit?
A. Masaya C. Tabing-dagat
B. Namulot D. Naglaro

2. Ano ang kahulugan ng tambalang salita na buto’t balat?


A. Manipis ang balat at buto
B. Payat na payat
C. kita ang buto
D. may sakit sa buto at balat

3. Ito ay tumutukoy sa silid kung saan nakalagay ang maraming babasahin. Anong tambalang
salita ito?
A. Silid-tulugan C. Silid-kainan
B. Silid-aralan D. Silid-aklatan

4. Gabi na nang makarating sina Mang Tomas sa probinsya dahil sa masalimuot na daan. Ano
ang ideyang ipinapahiwatig ng salitang may salangguhit?
A. magulo C. napakahirap intindihin
B. pasikot-sikot D. makalat

5. Nakapulot si Anna ng pitaka na naglalaman ng malaking halaga at may pagkakakilalan


ngunit hindi niya ito isinauli dahil kailangan niya ng pambili ng gamot ng kanyang nanay.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Anna, isasauli mob ang napulot mong pitaka?
A. Oo, para maging sikat ako sa aming lugar.
B. Hindi, dahil kailangan ito ng aking nanay.
C. Oo, dahil masama ang kumuha at umangkin ng hindi pag-aari.
D. Hindi, itatago ko na lamang ito at gagastusin sa aking paaralan.

6. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng sariling ideya sa tekstong napakinggan?


A. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa tekstong napakinggan.
B. Magsabi ng kahit ano tungkol sa napakinggang teksto.
C. Sabihin kung ano ang lamang ang pumasok sa isip.
D. Wala sa nabanggit.

7. Ang ___________ ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa o


pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.
A. Pananaw C. Reaksiyon
B. Opinyon D. Sariling palagay

8. Ano ang tawag sa malayang palagay o pananaw tungkol sa mga bagay-bagay at pangyayari
sa paligid?
A. Opinyon C. Damdamin
B. Reaksiyon D. Pagsang-ayon

9. Alin sa mga sumusunod na isyu ang nagbibigay ng isang opinyon?


A. Nakakalungkot isipin ang mga nadadamay na inosente sa hidwaan ng Ukraine
at Russia.
B. Nakakadismaya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
C. Hindi ko nagustuhan ang napanood kung balita.
D. Sa aking palagay, kailangan nating magkaisa upang maging malinis ang ating
kapaligiran.

10. Ito ang iniikutang diwa na ipinahayag ng may-akda sa binasang teksto gaya ng sa kuwento
o sanaysay.
A. Paksa o tema C. Detalye
B. Balangkas D. Pamagat

11. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t
ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbago rin. Ang lahat
ng bagay ay matutunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Ano ang paksa o tema ng binasa?
A. Pagbabasa C. Teksto
B. Aklat D. Impormasyon

12. Napakamahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ay tumutulong upang lalong


luminaw ang ating paningin. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ito
ng pagkalabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay ng manok
at baka, itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na prutas at gulay.
Ano ang tema ng binasang sanaysay?
A. Ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas.
B. Ang pagkaing may Bitamina A
C. Ang kahalagahan ng Bitamina A sa ating katawan.
D. Ang kakulangan sa Bitamina A.

13. Masayang nagdidilig John Carlo sa kanilang hardin. Anong bahagi ng pananalita ang
nasalungguhitan sa pangungusap?
A. Pangngalan C. Pang-abay
B. Pandiwa D. Pang-uri

14. Tuwing bakasyon, namamasyal kami sa tabing-dagat kasama ng aking pamilya. Alin sa
pangngusap ang salitang kilos?
A. bakasyon C. tabing-dagat
B. kasama D. namamasyal

15. Sama-samang pumunta sa simbahan ang mag-anak. Alin sa pangungusap ang salitang
kilos?
A. Sama-sama C. simbahan
B. pumunta D. mag-anak

16. Kung ang salitang baha ay daragdagan ng /g/ sa hulihan, anong salita ang mabubuo?
A. Bahay C. Bahag
B. Bahas D. Bagay

17. Alin sa sumusunod na tunog ang ipapalit sa unahan ng salitang sigaw para mabuo ang
salitang ligaw?
A. /l/ B. /s/ C. /m/ D. /w/

18. Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /b/ sa unahan ang salitang takas?
A. lakas B. bakas C. wakas D. likas

19. Ang _____________ ay ang pangunahing ideya sa talata. Kadalasan itong makikita sa
unahan, gitna, at hulihan ng pangungusap.
A. Pangunahing Kaisipan
B. Pangalawang Kaisipan
C. Sumusuportang Kaisipan
D. Pangwakas na Kaisipan

20. Ang Baguio City ay isa sa pinakamagandang lugar na matatagpuan sa Pilipinas. Maraming
mga turista ang pumupunta rito. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin. Maraming mga
pook-pasyalan ang mapupuntahan rito. Ano ang ang pangunahing kaisipan ng binasa?
A. Marami ang mga turista sa Pilipinas.
B. Maraming pook pasyalan ang mapupuntahan rito.
C. Malamig at sariwa ang hangin rito.
D. Ang Baguio City ay isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas.

21. Ang pamilya ay isang mahalagang yunit ng pamayanan. Mahalaga ang tungkuling
ginagampanan ng bawat ama at ina sa pamilya. Ang ama ay haligi ng tahanan at ang ina
ang ilaw nito. Pagmamahalan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ang mahalagang sangkap ng
maligayang pamilya. Ano ang sumusuportang kaisipan sa binasang sanaysay?
A. Ang ama ang haligi ng tahanan.
B. Mahalaga ang tungkulin ng bawat ama at ina.
C. Ang ina ang ilaw ng tahanan.
D. Lahat ng binanggit.

22. Ang __________ ay isang mensahe o pahayag sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang
tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
A. pahayagan C. Liham
B. Magasin D. Journal

23. Ayusin ang liham ni CJ para sa kanyang kaibigan.


I. Ang iyong kaibigan,
II. Mahal kong Tyrell,
III. Barangay Santa Teresa
Alfonso, Cavite
IV. Kahit matagal na tayong hindi nagkikita hindi parin ako nakakalimot sa
ating pagkakaibigan. Kumusta ka na ba? Ako ng apala ngayon ay isa ng
inhinyero. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan
V. CJ
A. III, II, IV, V, I C. III, II, IV, I, V
B. III, II, I, V, IV D. III, I, IV, II, V

24. Hindi nakapunta si Xyla sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang kaibigan. Alin sa mga
sumusunod ang nagsasaad ng sariling hinuha ayon sa pangungusap?
A. Masayang ipinagdiwang ng kanyang kaibigan nag kanyang kaarawa.
B. Maraming bisita sa kaarawan ng kanyang kaibigan.
C. Maaaring maysakit si Xyla kaya hindi siya nakadalo.
D. Marami ang handa ng kanyang kaibigan.

25. Maulap ang kalangitan at walang mga bituing natatanaw, ano ang mahihinuhang magiging
lagay ng panahon?
A. Mainit C. Malamig
B. Mahangin D. Maulan

26. Kumain ng saging si Arnel at itinapon niya ang pinagbalatan nito sa daraanan ng kanyang
mga kaklase. Nang bigla na lamang may napasigaw na bata. Ano kaya ang magiging
hinuha sa nangyari?
A. May nag-aaway na mga mag-aaral.
B. May nadulas dahil sa pinagbalatan ng saging.
C. May nadapa.
D. May mga nagtatawanan.

27. ____________ ng mga mag-aaral ang basura sa tamang lalagyan ngayon. Ano ang angkop
na pandiwang gagamitin sa pangungusap?
A. Itapon C. Nagtapon
B. Itinatapon D. Itatapon

28. _____________ ang sinasakyan kong traysikel kanina. Ano ang angkop na pandiwang
gagamitin sa pangungusap?
A. Huminto C. Hihinto
B. Humihinto D. Hinihinto

29. Ang buwan ang satellite ng mundo. Humihiram ito ng liwanag sa araw. Umiikot ito sa
mundo. Sa isang ikot nito ay nabubuo a ng isang buwan. Ano ang pinakaangkop na
pamagat sa binasang teksto.
A. Ang Humihiram ng Liwanag
B. Ang Liwanag ng Araw
C. Ang Pag-ikot ng Mundo
D. Ang Satellite ng Mundo

30. Kambal sina Irish at Raiza. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Mahilig silang
kumain ng matatamis. Pareho rin silang masipag mag-aral. Ano ang angkop na pamagat ng
binasang teksto?
A. Ang mga Bata
B. Ang Kambal na sina Irish at Raiza
C. Ang Paborito ng mga Bata
D. Ang Masipag Mag-aral

31. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming


suliranin, dapat umiral ang pagmamahal, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Anomang problema ang dumating, kailangang
mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya
kaya’t patuloy itong ingatan.
A. Ang Pamilya
B. Ang Pamilyang Pilipino
C. Ang Problema ng Pamilya
D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

32. Ang __________ ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa,


pang-uri at maging sa kapwa nito pang-abay.
A. Pang-abay C. Pandiwa
B. Pangngalan D. Pang-uri

33. ___________ na nanalangin ang mga tao sa simbahan. Ano ang angkop na pang-abay ang
gagamitin sa pangungusap?
A. Maingay C. Taimtim
B. Mabilis D. Pasigaw

34. Ang atleta ay mabilis na tumakbo. Anong uri ng pang-abay ang nasalungguhitang salita?
A. Pang-abay naPamanahon C. Pang-abay na Panggaano
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Pamaraan

35. Laging kumakain si Diana ng kendi. Ano kaya ang magiging bunga ng pagkain ni Diana
ng kendi?
A. kaya lumaki siyang malusog
B. kaya sumakit ang kanyang ngipin
C. kaya siya ay nasugatan
D. kaya sumakit ang kanyang tuhod

36. Mataas ang nakuha ni Kim sa kanyang pagsusulit. Ano kaya ang sanhi ng mataas na
nakuha ni Kim?
A. Magdamag siyang naglaro ng cellphone
B. Lagi siyang nanunuod ng mga pelikula
C. Madalas siyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan
D. Nag-aral siyang mabuti

37. Tumatakbo ng mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang
ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
A. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao
B. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
C. Magsususka ang mga tao.
D. maluluha ang mga tao.

38. Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-


abay sa ibang salita sa pangungusap.
A. Pang-ukol C. Pang-abay
B. Pang-uri D. Pandiwa

39. Ang tahimik at maayos na pamumuhay ay para sa ating mga pamilya. Alin ang pang-ukol
sa pangungusap?
A. tahimik C. para sa
B. pamumuhay D. ating

40. Ang aming pinag-aralan kahapon ay ___________ pagbabago-bago ng kalamidad. Ano


ang angkop na pang-ukol ang gagamitin sa pangungusap?
A. ayon sa C. para sa
B. laban sa D. tungkol sa
ANSWER KEY: FILIPINO 3 Q3

1. c
2. b
3. d
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. d
10. a
11. b
12. c
13. b
14. d
15. b
16. c
17. a
18. b
19. a
20. d
21. d
22. c
23. c
24. c
25. d
26. d
27. b
28. a
29. d
30. b
31. b
32. a
33. c
34. d
35. b
36. d
37. b
38. a
39. c
40. d

You might also like