You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG CAPIZ

Panimulang Pagsusulit sa Filipino- 5


Taong Panuruan: 2021-2022

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap, teksto o kwento at sagutin


ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Panahon na upang tayo’y magbuklod para masagip ang kalikasan. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. magkaisa C. maghiwalay
B. mag-away D. magkamayan

2. Ang walang humpay na pagtatapon ng basura ay isang malaking problema ng


pamahalaan. Ano ang kahulugan ng walang humpay?
A. tuloy-tuloy C. dumami nang dumami
B. pahinto- hinto D. tumaas nang tumaas

3. Ang mga nilabhang damit ay mabango. Ano ang kasalungat ng salitang


mabango?
A. matalino C. mabaho
B. masarap D mahalimuyak

4. Sa pamahalaang demokratiko ang mga tao ay makapangyarihan sa pagpili ng


uupong Presidente ng bansa. Ano ang kasalungat ng makapangyarihan?
A. maykaya C.malakas
B. mahina D.masipag

5. Nakapulot ng pitaka si Analyn sa parke habang siya ay naglalaro, agad niyang


ibinalik ito sa may ari. Alin ang pangngalan na tumutukoy sa lugar sa mga
sumusunod?
A . pitaka C. parke
B. Analyn D. naglalaro

6. Ang pagmamahal, kapayapaan at pag- asa ay anong uri ng pangngalan?


A.tahas C. lansak
B.basal D. tambalan

7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pangngalan ayon sa kalikasan na likha?


A. Apoy C. Agham
B. Hangin D. Demokrasya

8. Ginawa (ni Ben)______ nang maayos at buong tapang ang arko sa kabila ng
panlilibak ng mga tao. Ano ang panghalip na angkop sa patlang?
A. niya C.siya
B. tayo D.akin
9. Kanina lamang ay bitbit niya ang bag, bakit kaya nawala iyon? Alin ang panghalip
pamatlig?
A. iyon C. niya
B. kaya D. lamang

10. Hindi ako natatakot maglakad sa gabi kapag maliwanag ang buwan. Alin ang
pang-uri sa pangungusap?
A. buwan C.maliwanag
B. maglakad D.natatakot

11. Sama- samang nagtatrabaho ang buong pamilya ni James tuwing Sabado. Alin
ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap?
A. buong C. nagtatrabaho
B. sama-sama D. tuwing sabado

12. Dahan- dahang inilapag ni Jessica ang baby sa kama. Alin ang pang-abay na
panlunan sa pangungusap?
A. baby C. Jessica
B. sa kama D. dahan- dahang

13. Biglang tumayo ang bata sa hapag kainan. Anong uri ng pang-abay ang may
salungguhit?
A. panlunan C. pantulong
B. pamaraan D. pamanahon

14. May nakita akong sapatos ___ pula sa ilalim ng bahay. Ano ang tamang pang-
angkop na gagamitin?
A. –g C. at
B. –ng D. na
15. Saan matatagpuan ang bansa__ Ecuador? Ano ang tamang pang-angkop na
gagamitin?
A.-g C. at
B.-ng D. na

Ang mga guro sa panahon ng pandemya ay maituturing ding mga frontliners. Sila
rin ay nagpapakahirap magtrabaho para sa kapakanan ng mga mag-aaral o mga
kabataan. Bakit kailangan nilang pumasok sa trabaho sa kasagsagan ng pandemya?
Dahil inaalala nila ang kinabuksan ng mga kabataan.
Inilaan nila ang kanilang oras, kakayahan at talino upang makapagbigay nga
nararapat sa pagtuturo.“ Wew, nakakapagod magprint ng modyul! Daing ng ibang guro
ngunit kailangan parin nilang gawin para tulong sa mga bata habang ito ay nasa kanilang
mga tahanan. Tanging hiling lang ng mga guro sa mga mag-aaral, ” Pag-aralan ninyong
mabuti ang modyul”. Ito ay malaking tulong habang wala pang face to face.
II-Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap, balita at sagutin ang mga
tanong na kasunod nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

16. Alin sa mga sumusunod na pangugusap sa balita ang nagsasalaysay?


A. Wew, nakakapagod magprint ng modyul!
B. Pag-aralan ninyong mabuti ang modyul.
C. Ang mga guro sa panahon ng pandemya ay maituturing ding frontliners.
D. Bakit kailangan nilang pumasok sa trabaho sa kasagsagan ng pandemya?

17. Alin sa mga pangugusap sa balita ang nagtatanong?


A. Wew, nakakapagod magprint ng modyul!
B. Pag-aralang ninyong mabuti ang modyul.
C. Ang mga guro sa panahon ng pandemya ay maituturing ding frontliners.
D. Bakit kailangan nilang pumasok sa trabaho sa kasagsagan ng pandemya?

18. Sa nabasang teksto, ano-anong ugali mayroon ang mga guro?


A. matulungin C. mapagmahal
B.maalalahanin D.lahat na nabanggit ay tama

19. Anong angkop na pamagat ang maibibigay sa balita?


A. Mga Mabubuting Guro
B. Lahat na nabanggit ay tama
C. Guro sa Panahon ng Pandemya
D. Ang mga Guro ay Maituturing na Frontliners

20. Ano-anong mga nagawa ng mga guro sa panahon ng pandemya?


A. Ang mga guro ay nasa bahay lamang at natutulog.
B. Ang mga guro ay walang pakialam sa mga mag-aaral.
C. Ang mga guro ay nakikinig lamang ng mga impormasyong tungkol sa pan-
demya.
D. Ang mga guro ay inilalaan ang kanilang oras, kakayahan at talino upang
makapagbigay ng nararapat na pagtuturo.

21. Ang pagkain ay dapat kumpleto sa sahog upang maging masarap at malasa ito.
Ano ang katumbas sa salitang Ingles ng salitang sangkap at ang tamang baybay
nito?
A. savor C. ingredients
B. sabor D. ingerdients

22. Malinis at sariwa ang hangin sa aming probinsya. Anong bahagi ng


pangungusap ang may salungguhit?
A. simuno C. panaguri
C. parirala D. baliktaran

23. Nanalo sa nakaraang eleksyon si Tita Elena. Alin ang simuno?


A. nanalo sa C. nakaraang
B. eleksyon D. Si Tita Elena
24. Marahil, kung naging matalino tayo sa paggasta ng pera, hindi tayo siguro
naghihirap ngayon. Ang pangungusap ay nagpapahayag ng _________.
A. opinyon C. naghihikayat
B. katotohanan D. nagpapaliwanag

25. Tuwing Ika-1 ng Enero ay ipinagdiriwang natin ang Bagong Taon. Ang
pangungusap ay nagpapahayag ng___________.
A. opinyon C.nagtatanong
B. katotohanan D.nagpapaliwanag

lII-Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap, teksto o kwento at


sagutin ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

SI JOSE RIZAL
Pinakadakila sa mga katangian ni Jose ang marubdob niyang pagmamahal sa
kanyang Inang Bayan. Minamahal niya ang kanyang mga kababayan at natitiyak din niya
na mahal ng mga ito ang kanyang bayan. Naniniwala rin sya na ang kabataan ang pag-asa
ng bayan kaya gumawa siya ng isang makabayang tulang handog sa kanila. Pinamagatan
itong” Sa Mga Kabataang Pilipino.” Sa tulang ito, pinarangalan niya nag mga kabataan.
Naritoang isang taludtod mula sa isang tula. “Itaas ang inyong mga noo, Magiliw
kong mga kabataan; Ipagmalaki ang inyong kagitingan, Pag-asa ng aking Inang Bayan.”
Inilaan natin ang Ika -19 ng Hunyo na kapanganakan ni Jose Rizal, sa Pagdiriwang sa
Araw ng mga Kabataan”.

26. Ano ang tema na isinulat ni Jose Rizal?


A. Sa Mga Kabataang Pilipino
B. Sa Mga Kabataan Lang Tayo
C. Sa Mga Kabataang Walang Pagbabago
D. Sa Mga Kabataan ang Pag-asa ng Bayan

27. Ano ang ipinagdiriwang natin tuwing sasapit ang ika 19 ng Hunyo na
kapanganakan ni Dr. Jose Rizal?
A. Araw ng Kagitingan C. Araw ng mga Pilipino
B. Araw ng mga Kaibigan D. Araw ng mga Kabataan

28. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa


napakinggang kuwento o teksto?
I- Minamahal niya ang kanyang mga kababayan at natitiyak din niya na
mahal ng mga ito ang kanyang bayan.
II- Pinakadakila sa mga katangian ni Jose Rizal ang marubdob niyang
pagmamahal sa kanyang Inang Bayan.
III- Itaas ang inyong mga noo, Magiliw kong mga kabataan;Ipagmalaki ang in-
yong kagitingan Pag-asa ng Aking Inang Bayan.”
IV- Naniniwala rin sya na ang kabataan ang pag-asa ng Bayan, kaya gumawa
siya ng isang makabayang tulang handog sa kanila.
A. III, IV, II, I C. I, II, III, IV
B. II, I, IV, III D. II, IV, III, I
Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti
nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang
panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng
kabahayan.
Nagluluto ang pamilya ng masasarap na pagkain at naghahanda ng
maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing
bagay o regalo sa panauhin.

29. Ano ang paksa ng tekstong napakinggan?


A. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga regalo.
B. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga suhol.
C. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin.
D. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga mayayaman lamang.

III-Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang Talaarawan ni Justin


Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong
nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis
nang maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong
magsipilyo ng ngipin ay hinatid na ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan
ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala
agad ang sakit ng ngipin ko.

Sa tanghalian naman ay masaya kaming kumain sa "BBQ-han" at pagkatapos


naming kumain ay bumalik agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aral din ako sa aralin
namin sa Ingles dahil nagkaroon kami ng pagsusulit. At iyan ang mga ginawa ko sa araw
na ito.

30. Sino ang sumulat ng talaarawan?


A. Jheru C. Jefferson
B. Justin D. Jeff

31. Ano ang unang ginawa ni Justin bago pumasok sa paaralan?


A. naligo C. nagsipilyo
B. nagbihis D.naglinis ng bahay
IV- Suriin at pag- aralan ang mga datos sa tsart gamit ang mga impormasyon.
Sagutin ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.

DAMI NG MAG-AARAL
PAARALAN
2017 2018 2019 2020 2021
SJDS 561 662 432 513 567
SDES 326 431 277 350 578
BES 632 543 653 688 702
DMLES 742 869 755 867 828
LES 541 563 587 436 523

32. Ilan ang nakatalang mag aaral sa SJDS sa taong 2018?


A. 543 C. 869
B. 662 D. 432

33. Sa anong taon pinakamarami ang naitalang mag-aaral ng DMLES?


A. 2018 C. 2020
C. 2019 D.2021

PANUTO: Ibigay ang datos na hinihingi sa isang form.

34 Ano ang datos ang isusulat sa Pangalan/ Name?


A. Rhodora Dela Cruz
B. Poblacion, Pres.Roxas, Capiz
C. Ika- 08, ng Disyembre 2020
D. Account Number- 285-789-000

35. Alin sa sumusunod na datos ang ilalagay sa Account No.?


A. Rhodora Dela Cruz
B. The Manggubat Street
C. Ika- 08 ng Disyembre, 2020
D. Account Number- 285-789-000
36. Ito ay aklat ng mga mapa na tumutukoy sa lawak, distansya at lokasyon ng
isang lugar.
A. almanake C. diksyunaryo
B. world atlas D. ensayklopedya

37. Ito ay aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto


ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, politika at
iba pa.
A. almanake C. diksiyunaryo
B. world atlas D. ensayklopedya

V-Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong na kasunod nito . Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

Si Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay masipag at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang


bumasa at sumulat. Tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamgitan ng
pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng mga Pilipino.

Bunga ng pang-aabuso, napilitang lumaban si Andres Bonifacio sa mga Espanyol


at kanyang itinatag ang Katipunan. Noong Agosto 23, 1896, nagtipon-tipon ang
mga Katipunero sa Pugadlawin, at sabay-sabay na pinunit ang kanilang sedula
bilang tanda ng paglaban sa pamahalaang Espanyol.
Bagamat kulang sa armas at kakayahang pang-militar, naitaguyod ni Andres
Bonifacio ang malawakang paghihimagsik laban sa lakas ng Espanyol. Siya ay
tinawag na “Ama ng Katipunan” dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.

38. Anong katangian ang ipinakita ni Andres Bonifacio bilang mag aaral?
A. masunurin C. walang pakialam
B. maaalalahanin D. masipag at matalino

39. Bakit sinabing masipag at matalinong mag-aaral si Andres Bonifacio?


A. Hindi binanggit sa teksto ang dahilan.
B. Siya ay nag-aral sa mga sikat na paaralan.
C. Siya napabilang sa mga matatalinong bata sa kanyang paaralan.
D.Tinulungan niya ang kanyang sarili upang siya ay makapag-aral.

40 Bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan?


A. Dahil sa marami siyang tauhan.
B. Dahil siya ay isang magiting na kawal.
C. Dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
D. Nais niyang maging pinuno ng mga kawal na Pilipino.

You might also like