You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS - VALENZUELA
PARADA ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 5

PANGALAN :______________________________________ ISKOR:_________________________


BAITANG/PANGKAT:_______________________________ LAGDA NG MAGULANG:____________
Panuto: Basahin ang bahagi ng kuwento at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

MAY KINABUKASAN
Mahilig si Joseph sa lahat ng uri ng laro. Isang araw, naglalaro siya ng
basketbol nang biglang siyang tinamaan ng bola sa mata.
Dinala siya sa ospital at ginawa ng mga manggagamot ang lahat ng
kanilang magagawa upang gamutin ang kanyang mata. Ngunit nang alisin na ang
benda, hindi na makakakita ang isa niyang mata.
May mga taong katulad ni Joseph ang nanatili na lamang sa kawalang pag-
asa. Ngunit kakaiba si Joseph. May lakas siya ng loob na ipagpatuloy ang kaniyang
pag-aaral sa haiskul. Nagpatuloy siya hanggang kolehiyo. Masaya niyang
ipinagpatuloy ang pag-aaral, di niya inalntana ang kanyang kapansanan.
1. Ano ang positibong pag-uugali ang ipinakita ni Joseph sa kuwento?
A. Mahilig maglaro si Joseph C. Mamamalimos na lamang siya
B. Pinagpatuloy ang pag-aaral D. Hindi na nakakita ang isang mata
2. Ano kaya ang nangyari sa pag-aaral ni Joseph?
A. Ginupo siya ng kapansanan C. Nakapagtapos siya sa kolehiyo
B. Huminto na siya sa pag-aaral D. Hindi siya nakapagtapos
3. “Sayang ang panahon kung di siya makapag-aral.” Ano ang damdaming
isinasaad sa pahayag na ito?
A. panghihinayang C. pang-unawa
B. pagkamangha D. pagkatuwa
4. Sa pahayag na, “Kahanga – hanga ang pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.”ano ang
katangiang nangingibabaw dito?
A. Pagiging sikat na manlalaro. C. Kanyang paninindigan ang sariling desisyon.
B. Katapangan at lakas ng loob. D. Sinasadyang di makapagtapos ng pag-aaral
5. Alin sa sumusunod na damdamin ang hindi mararamdaman ni Joseph nang alisin na
ang benda sa kanyang mata?
A pagkatuwa C. pagkalungkot
B pagkatakot D. panghihinayang
6. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.
1. Dinala si Joseph sa ospital.
2. Masaya niyang ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
3. Mahilig si Joseph sa lahat ng uri ng laro.
4. Nang alisin ang benda din a makakita ang isa niyang mata.
5. Naglalaro siya ng basketbol

A. 1-2-3-4-5 B. 3-5-1-4-2 C. 3-5-2-1-4 D. 3-1-2-4-5

Panuto: Piliin ang angkop na Pang-uring Panlarawan na angkop sa bawat


sitwasyon.
1
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
7. “Kailangan ninyong kumain ng _________na pagkain,” ang sambit ni ina.
A. masustansya B. marami C. marasap D. malinamnam.
8. “Sa aking panaginip, hinahabol ako ng isang _________________ na halimaw.”
A. nakatatakot B. mabait C. makisig D. mala-anghel
9. Marapat lamang nating ipagmalaki ang __________ nating mga magulang.
A. masungit B. masipag C. mataray D. mabait
10. Kailangang operahan ang aking kaibigan dahil _________ na ang kanyang sakit.
A. malubhang B. nakamamatay C. importante D. mabuti
11. Ang mga mamamayan sa Valenzuela ay _________________.
A. maingay B. disiplinado C. mayabang D. madaldal

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga sumusunod na


tanong.
Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

Pakinabang Mula sa Basura

Ang basurang itinapon ay muling babalik sa iyo.Hindi dahil ito ay


makapagdudulot ng malaking pinsala tulad ng baha kundi ito ay babalik na may
magandang kapakinabangan lalo na sa mga may maliit na kita sa panahon
ngayon.

Isang halimbawa rito ay ang dumi ng mga hayop na kung saan-saan na


lamang inilalagak na nagdudulot ng maruming kapaligiran.Batid nating ang
bulok na bagay na ito ay napatunayang,kapag nakukulong,ay nagbubunga ng
gas.Ito ay maaaring maging methane gas na magagamit sa pagluluto,pag-iihaw
at pagpapaandar ng mga generator.

Hindi imposibleng ito ngayon ay magtagumpay sa ating bansa dahil


mayroong mga madaling pamamaraan upang ito’y maisagawa.

Samantala,ang ibang bansa ay gumagamit na rin ng methane gas lalo na sa


mga lalawigang di sapat ang bigay ng enerhiya.
12.Ano ang tinutukoy sa teksto?
A. Mga nagkalat na basura sa daan
B. Ang maling pamamaraan ng pagtatapon ng basura
C. Ang mga kapakinabangan na hatid sa atin ng basura
D. Ang pamamaraan na ginagawa ng ibang bansa sa pagtatapon ng basura
13. Ano ang kapakinabangan ang makukuha sa basura batay sa teksto?
A. makapupulot dito ng pera
B. mapagkukunan ito ng methane gas
C.ito ang magsisilbing generator na pagkukunan ng kuryente
D. maraming maaari pang ibenta at pagkakitaan ng malaking halaga
14. Ano ang paksang – diwang inilahad ng teksto?
A. Ang basurang iyong itinapon ay babalik sa iyo
B. Magkaroon ng kusa sa pagtatapon ng basura para magkapera
C. Ang pagtatapon ng basura ay daan sa pagyaman ng isang bansa
D. Ang mga nabubulok na basura ay maaari pang gawing kapaki-pakinabang
15. Anong angkop na sawikain ang nais ipahayag sa teksto?
A. Tapat Ko,Linis Ko
B. May Pera sa Basura
2
C. Ang itinapon mong basura ay babalik sa iyo
D. Ang basurang pinahalagahan siguradong may kapakinabangan
16. Paano nakakukuha ng methane gas?
A.mula sa mga dumi ng hayop
B. mula sa pinaghalo-halong mga basura
C.mula sa mga itinapong basura ng ibang bansa
D.mula sa mga inilalagak na mga basura sa kalsada

Panuto: Basahin ang bahagi ng tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

“Ang Maggugulay”

Ang mga gulay ni Aling Lilay mura’t sariwa


Kaya’t ang mga tao’y labis na natutuwa
Maging si Mang Pedring na pihikang lubha
Sa kanyang mga tinda’y nag-aabang tuwina

17. Ano ang kahulugan ng salitang labis sa tula?


A. sobra C. sapat
B. kulang D. madalas
18. Ano ang kahulugan ng salitang pihikan sa tula?
A. masungit B. mapili C. mabait D.mareklamo
19. Ang mga gulay ni Aling Lilay mura’t sariwa.
A. bulok na ang tinda C. bagong pitas at may mababang halaga
B. mahal ang presyo D. mura na ibinebenta sapagkat malapit na itong mabulok

Panuto: Basahin ang usapan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

MGA HUWARAN
Tuwang-tuwang nagbalita si Yuri sa kanyang ina
Yuri: Inay,kung nanood sana kayo sa aming palatuntunan para sa mga guro,tiyak
na matutuwa po kayo.
Aling Maria:Bakit naman?
Yuri:Nagpamalas po ng iba’t ibang talent ang mga mag-aaral.Mayroong
sumayaw,tumula at umawit.
Aling Maria:Kumusta naman ang pagkanta mo?
Yuri:Nagpalakpakan po sila.Masaya ko pong inawit sa mga guro ang itinuro
ninyo.
Aling Maria:Talaga?Nagpakuha ba kayo ng larawan?
Yuri:Opo,Inay.Sana nga po may kopya ako para maipadala kay itay sa
Saudi.Siyanga po pala,masayang masaya talaga ang mga guro naming lalo na
nang pinasalamatan sila sa pagtuturo at pagsubaybay sa amin.Sila ay mga
huwaran ng pagiging matiyaga at responsableng mamamayan.
Aling Maria:Oo naman anak.Halika,pumunta tayo sa Tita Ryl mo.Batiin din natin
siya sa araw na ito.

20. Nagpamalas ng iba’t ibang talento ang mga mag-aaral.


Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa salitang may salungguhit?
A. perpektibo C. kontemplatibo
B. imperpektibo D. neutral
21. Masayang _______________ ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro.
A. nagtawanan C. pinasalamatan
B. nagpasalamat D.pinapasalamatan
3
22. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang nasa anyong imperpektbo?
A. nanood B. umaawit C. nagpamalas D. nagpalakpakan
23. Tumula ang ilan sa mga mag-aaral.
Ano ang panlaping ginamit sa salitang may salungguhit?
A. tu B. um C. la D. mu
24. Sumayaw ang mag mag-aaral bilang bahagi ng palatuntunan.
Aling salitang ugat ang ginamit sa salitang may salungguhit?
A. ayaw B.sayaw C.umayaw D. sumayaw

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.


Bilugan ang letra ng tamang sagot.

25. Habang tumatagal ay humihina ang kanyang boses. Ano ang kasalungat na
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. gumagaling B. tumataas C. lumalakas D.
lumulusog
26. Iba’t ibang dayuhan ang sumakop sa ating bansa. Ano ang kasalungat na
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. banyaga B. Amerikano C. etniko D. Tsino
27. Labas – masok ang mga manonood sa sinehan. Alin ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit.
A. walang tigil B. napakarami C. maingay D. magulo
28. Taas – noo siyang lumakad patungong entablado.
A. may pagmamalaki B. mabagal C. nakatungo D. nakatingala
29. Buong –puso niyang tinulungan ang mga mahihirap.
A. paminsan-minsan B. pakitang – tao C. bukal sa loob D. palagi
30. Nagalit si Lizel nang siya ay tawaging patay-gutom ng mga batang salbahe.
A. busog B. nauuhaw C. pangit D. matakaw

Panuto: Pag-aralan ang graph. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol
dito.

TUBIG
8% PAG-ARAL 20%

ILAW 11%

GAMOT 7%
PAGKAIN 30%

UPA SA BAHAY 24%

31. Saan napupunta ang pinakamalaking gastusin ng pamilya?


A. upa sa bahay C. pagkain
B. pag-aaral D. tubig

32. Ano ang ipinahihiwatig na pangatlo ang pag-aaral sa may malaking


bahagdan sa pinagkakagastusan ng pamilya?
A. mahal ang magpaaral ng mga anak
B. walang halaga sa pamilya ang pag-aaral
C. inuubos ng gastusin sa pag-aaral ang badyet ng pamilya
D. pinahahalagahan at isa sa prayoridad ng pamilya ang pag-aaral o edukasyon

33. Ano ang mahihinuha sa datos na nasa grap?


A. Ang pangunahing pangangailangan ng pamilya ang pinaglalaanan ng malaking badyet
kagaya ng pagkain.
B. Magastos ang mangupahan ang pamilya kaya dapat silang bumili ng sariling bahay.
C. Maliit ang bahagdan sa gamut kasi lagi may nagkakasakit sa pamilya.
D. Hindi malakas uminom ang pamilya.

4
Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

ANG TSINELAS NI PEPE


(Anekdota ni Jose Rizal)
Isang araw, sumama si Pepe sa kanyang ama sa pamamangka sa ilog. Gustung-gusto
ni Pepe ang pamamangka dahil bukod sa nalilibang siya ay nagugustuhan niyang
pagmasdan ang mga nagtataasang mga puno at naggagandahang mga halaman at
bulaklak. Nagugustuhan din niyang pagmasdan ang napakalinis at napakalinaw na ilog.
Kaya’t habang nagsasagwan ang kanyang ama ay abala naman siya sa katitingin sa ilog.
Ginagawa niya itong salamin upang Makita ang kanyang mukha. Iba’t ibang ayos ang
ginagawa niya sa kanyang mukha. Minsa’y idinidilat niya ang kanyang mga mata o di kaya
naman kaya ay pinalalaki niya ang kanyang bibig. Gustong-gusto rin niyang nakikita ang
iba’t ibang ibon na nagpapahinga sa kanilang mga pugad. Napapalakpak siya sa tuwing
siya’y makakakita ng mga ibong sabay-sabay na lumilipad.
Sa bandang likuran ng Bangka lagi umuupo si Pepe. Nakataas ang kanyang mga paa
sa malapad na kahoy na inuupan ng kanyang ama.
Ang paghanga ni Pepe sa sama-samang paglipad ng mga ibon ay kanyang
pinalakpakan.
“Yehey! Ang ganda! Sabay-sabay sila sa paglipad!” sabi ni Pepe habang siya’y walang
tigil sa pagpalakpak.
“Pepe, huwag kang malikot. Baka lumubog ang Bangka,” paalala ng kanyang ama.
“Dinaramdam ko po, Ama. Labis po kasi akong nagandahan sa nakita ko,” sabi ni
Pepe.
Muli na naming nakakita si Pepe ng mga ibong sabay-sabay na lumilipad. Hindi niya
napigilan ang pagpalakpak. Kasabay ng kanyang pagpalakpak ay napakislot ang kanyang
kanang paa. Hindi niya inaasahang mahuhulog ang isa niyang tsinelas.
“Ama, nahulog po ang aking isang tsinelas,” sabi ni Pepe.
“Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko ang bangka para kunin ang tsinelas mo,” sabi ng
kanyang ama.
Sa halip na sumang-ayon ay itinapon ni Pepe ang kabiyak ng tsinelas.
“O, bakit mo itinapon ang kabiyak ng tsinelas?” tanong ng kanyang ama.
“Para po pakinabangan ng makakakuha. Hindi po kasi niya magagamit ang isang
tsinelas lamang,” sagot ni Pepe.
Natawa ang ama ni Pepe. Ipinagpatuloy niya ang pagsagwan habang tuwang-tuwang
pinapanood ni Pepe ang nagliliparang mga ibon.
34. Ano ang suliranin sa kuwento?
A. Ang paglipad ng mga ibon C. Ang paghulog ng tsinelas sa ilog
B. Ang pagsakay sa Bangka D. Ang pagsagwan sa ilog
35. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento?
A. Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe.
B. Kukunin ng ama ni Pepe ang tsinelas.
C. Itinapon ni Pepe ang kabiyak ng tsinelas.
D. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon.

36. Aling bahagi ng kuwento ang maaaring pagtalunan?


A. Kung sabay-sabay na lilipad ang mga ibon.
B. Kung itatapon ni Pepe ang kabiyak ng tsinelas.
C. Kung magiging mabulaklak ang mga halaman.
D. Kung isasama si Pepe ng kanyang ama sa pamamangka.
37. Alin sa mga katangian ng anekdota ang taglay ng kuwento?
A. Maikli B. Kawili-wili C. May aral D. Lahat ng
nabanggit

38. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.


1. “Pepe, huwag kang malikot, baka lumubog ang bangka.”

5
2. Itinapon ni Pepe ang kabiyak ng tsinelas
3. Sumama si Pepe sa kanyang ama sa pamamangka.
4. Napakislot ang kanyang kanang paa at nahulog ang isa niyang tsinelas.
5. Napapalakpak si Pepe tuwing siya ay makakakita ng mga ibon na sabay-sabay
lumilipad.
A. 3-2-1-4-5 B. 3-1-4-2-5 C. 3-5-1-4-2 D. 3-1-4-5-2
39.Napakislot ang kanyang mga paa kung kaya’t nahulog ang kanyang tsinelas.Ano ang
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A.napapadyak C.napagalaw
B.napakandirit D.natapilok
40.Bakit mo itinapon ang kabiyak na tsinelas?Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
A.kapares C kaputol
B.kasama D.bahagi

Panuto: Tingnan ang mga larawan na bahagi ng pahayagan. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.

41. Ano ang pamagat ng


pamukhang pahina ng
pahayagan sa itaas?
A. Pilipino Star Ngayon
B. Congatulations Manny
Pacquiao
C. 4 Katao, Sinalvage,
Natagpuan sa Highway
D. Ilantad ang bulok,
reaksyunaryo at
hungkag na eleksyon!

42. Anong bahagi ng pahayagan ang: Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag
na eleksyon?
A. Balitang Komersyo C. Pangulong Tudling/Editoryal
B. Libangan D. Balitang Panlalawigan

43. Anong bahagi ng pahayagan makikita ang Congatulations Manny Pacquiao ?


A. Balitang Komersyo C. Pangulong Tudling/Editoryal
B. Libangan D. Balitang Panlalawigan

44. Anong bahagi ng aklat kung saan nakasaad ang dahilan kung bakit isinulat ng may-
akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito?
A. Pabalat C. Paunang salita
B. Pahina ng Pamagat D. Pahina ng Karapatang-ari

45. Anong bahagi ng aklat makikita ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.
A. Katawan ng Aklat C. Glosari
B. Talaan ng Nilalaman D. Pahina ng Karapatang-ari
46. Anong bahagi ng aklat na nakasulat ang pangalan, mga paksa na nakaayos ng
paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat?
A. Indeks C. Pabalat
B. Bibliograpi D. Katawan ng Aklat

Panuto: Suriin ang mga kard catalog at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

6
47. Saan inilimbag ang aklat?
A. ISBN 971-555-335-4
B. Rubin, Ligaya Tiamson
C. Paano Tumutula ang Isang Ina.
D. Manila: De La Salle University Press, Inc.

48. Ano ang pamagat ng aklat?


A. Philippine Poetry
B. Ligaya Tiamson Rubin
C. Manila: De La Salle University Press, Inc.
D. Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
49. Anong taon nailimbag ang aklat?
A. 1999 C. 2001
B. 2000 D. 2002
50. Sino ang may – akda ng aklat?
A. Ligaya Tiamson Rubin C. Rubin Tiamson
B. Manila De La Salle D. Manila City

You might also like